In the end

 

Mabilis ka bang tumakbo?

 

Ikaw ba yung tipo ng tao na kapag nahaharap sa isang sitwasyon, kesa maipit e mas pipiliin  pang tumakbo palayo?

Kung palatakbo kang tao, simbilis ka ba naman ni Lydia De Vega? Sinisigurado mo bang indi ka aabutan nito?

Eh panu kung maabutan ka nito, alam mo ba kung panu mo ipagtatanggol ang sarili mo? Kaya mo bang itayo ang sarili at ipamukha sa kanya na indi ka talaga natatakot at tinatamad ka lang harapin siya pero when in fact nanginginig ka na sa maaaring idulot ng paghaharap ninyo at sa buhay mo?

 

 

 

Indi ako palatakbong tao. Indi rin ako tinatamad na harapin ang pang-araw-araw na hamon ng buhay. Pero pag hinihingi ng pagkakataon….sumasakay ako ng eroplano para mahirap maabutan o kaya pag nakorner na ko tatapatin ko na lang ito at itatapon sa kanya ang white flag ko.

Minsan kasi pag ayoko nang makipagtalo, ititikom ko na lang ang bibig ko at wala ka nang maririnig sa akin. WALA NA.


 

Madali lang ako kausap.

Ayoko ng maraming girgir.

Maraming bagay sa mundo na mahirap makuha. Tulad ng pagtanggap. Pang-unawa. Kadalasan kung kanino mo pa ipinagtitiwala ang sarili, ito pa ang indi mo makuhang makaunawa sa’yo.

Sinu ka ba naman para mamili ng ibabato sa’yo ng tadhana? Lahat tayo ay pawang mga tagasalo ng mga ito — taga-pasan. Ang nakakatawa pa dun, indi mo ito pwedeng ipasalo sa iba kasi accurate si Bossing. Asintado siya. Kapag sumalo ka pa ng papikit, mas masakit ang tama sa’yo kaya mas maganda kung handa ka na.

 

 

Kung meron man akong tatanggalin at ipa-o-overhaul sa sarili ko….iyon ay yung pagiging mashadong concern. Too much concern is harmful to your health…it will kill you eventually. Nung nagsabog si Bossing ng concern…wala pa ko tulog nun kaya nasalo ko silang lahat. Sana man lang konti lang ang nakuha ko para laging chill lang ako.

Sa sitwasyon na binato sakin, umayaw ako pero indi umubra. Ginawa ko na ang lahat ng makakaya ko.

Pero suko na ko.

 

Ngayon palang siguro ako tatakbo palayo. Ngayon ko palang malalaman kung talagang simbilis ko na si Lydia sa pagtakbo.

But for all its worth, I still hope for the best.

 

Sana mali ang iniisip ko. Sa lahat ng pwedeng mangyari, umaasa pa rin ako na tama sila at ako ang mali. Mas makakabuti yun para sa lahat.

In most cases, giving up is the last thing you have to do to make things right.

And giving up doesn’t mean you’re weak, sometimes it means that you are strong enough to let go.

Pag tiningnan mo ang kabuuan ng sitwasyon sa ibang anggulo mas maintindihan mo ito.

Papunta na ko dun.

Gagawin ko yun para sa mga taong mahalaga sa’kin.

18 thoughts on “In the end

  1. ang ganda ng entry na ‘to….

    hmm…..ako inaamin ko sa lahat ng vital system ko na hindi ako mabait.mas gugustuhin ko na sabihan akong hindi mabait….kung ano man ang gumugulo sa iyo alingbaby kaya yan.

  2. di rin ako tumatakbo. mas gusto kong harapin ang problema kesa patagalin pa. pero syempre kailangan din ng timing. kailangan may strategy.

    goodluck po sa’yo kung ano man yang pinagdadaanan mo. GOD bless you na rin.🙂

  3. Bilib ako sayo. Ako kasi kadalasan, hinde naman sa tumatakbo, pero pinagwawalang bahala lang lahat. Parang I just let the problem die naturally. Pero may nakapagsabi saken na it’s much better if I’ll face the music. Kaya ngayon, medyo nababago ko na yung ugali ko na yun, hehe.

  4. choose your battles?
    never run away from a fight?
    anuberrr??
    ang daming payo galing sa iba’t ibang tao
    pero in the end
    ang fight or flight response
    eh nasa tao rin mismo.

    tama, it takes a strong person to “let go”. kaya lang hindi applicable yan sa akin lalo na kung hindi ko kaano-ano yung nasa ibang kampo. i can “let go” sa mga atraso ng mga mahal ko sa buhay, but never sa ibang tao. teach people how to treat you kasi ang belief ko.

  5. madalas din akong tumakbo pero pag kinakailangang harapin at salubungin ginagawa ko hanggat kaya. in d end kanino ka ba tatakbo? e di sa Kanya din.
    nice blog
    nice post
    *nakisingit lang.tnx =)

  6. ako po ay napadaan lamang mula kay batopik… kung saan ka man paroroon,.. magingat ka… Remember nandyan lang palagi si Bossing… look out palagi…! god bless

  7. aling baby.. emo ka? hehehe lolz

    na e-emo ako sa entry mo eh..

    well, maraming dahilan kung bakit tumatakbo ang isang tao sa isang bagay,
    dalawa lang yan eh (1) sa paraang hindi na n’ya kaya, kumbaga sa isang sitwasyon na kahit anong gawin n’ya ay wala na s’yang magagawa (2) o sa paraang natatakot ang isang tao na gawin ang nasabing bagay, kahit pa may paraan pa upang ma solve ang problema.

    kung ano man yun. yun na yun! hehehe

    gusto ko ‘tong line na ‘to

    “Minsan kasi pag ayoko nang makipagtalo, ititikom ko na lang ang bibig ko at wala ka nang maririnig sa akin. WALA NA.”

    ganyan din kasi ako, mahirap kasi makipagtalo sa taong ayaw magpatalo. kaya para manahimik s’ya sa pinagsasabi n’ya, zipper mo na lang bunganga mo. hindi kapa mapapagod.

    sakaling mag-init man ang tenga ko dahil sa kakadada nya, ang hindi nya lang alam dumadampot na ako ng bagay na ibabato sa kanya. ewan ko lang kung hindi s’ya makatulog Nyahahahaha😀 (sorry literal na pananahimik, ang hinalimbawa ko) nyahaha

    Sa huli, sa pagtakbo mo alam kong may patutunguhan ka.. sa maling landas man ito o sa tamang lugar.

    basta aling baby, sa pagtakbo mo.. sisiguraduhin mong may pupuntahan ka, pangit yung hihinto ka sa lugar kung saan ka lang inabutan ng hingal!

    gets! yaka yan!

    \m/

    P.S napahaba na naman comment ko😀

  8. “Kung meron man akong tatanggalin at ipa-o-overhaul sa sarili ko….iyon ay yung pagiging mashadong concern” – ako rin. hehe. minsan naiinggit ako sa mga taong walang pakialam, kasi, parang mas masaya sila.

    kung san ka masaya aling baby.. pero marami din dapat iconsider e. tingnan mo, may concern naman ako.🙂

  9. may pagkakataon na tumatakbo rin ako minsan pero kadalasan hinaharap ko iyan.
    challenge yun eh parang survivor ba?

    may mga pagkakataon na concern ako masyado na tipong kapag absent yung kaklase ko na close sa akin eh hindi na ako makaconcentrate. asar nga eh.

    pero kung sobra ang concern ko sa mga close friends ko at sa family ko, parang hangin lang naman ang tingin ko sa mga hindi ko closeness. wala akong pakialam kung mahurt ko man sila. haha! yap! bad ako! hakhak!

    smile na lang tayo!

  10. Uu nga friend. Ganyan ka nga. exactly the opposite ng pagkatao ko. palaban kasi ako eh. well natuto na lang… ang hirap nga kasi maging PLEASER diba? parang wala kang sariling bait. hinahayaan mo yung ibang tao na lang lagi nagpapatakbo sa buhay mo sa pamamagitan ng kung anong tingin nila sayo.

    But remember, we are all entitled to our own happiness. this is something u shud know and they cannot possess.

  11. girgir?? salitang itik yan ah. hahahaha.

    pero tama ka aling baby. may mga bagay talaga na minsan we just need to resort to someplace else to contemplate and find peace within ourselves. meron ding bagay na dpat tayo na ang lumayo gaya ng pagdating ng mga temptations. kaya isa lang masabi ko, kaya mo yan kahit anu mang problem yan. dahil lahat naman tayo meron kanya kanyang problem na na encounter only to prove that there is a God na pede nating tawagin in times like these.

  12. lalim ah pero catchy… well tama ka kung tao kang palaban parang ang hirap tangapin na tatakbo ka na lang. pero minsan yun na lang talaga ang makakapagligtas sa sugatan mong puso, naks.

    sa panaginip lagi ko tinatakbuhan ang mga lalaki … hahaha…well aside sa mga kakaibang nilalang. baka maging runaway bride ako sa future… hahaha.

  13. nice post po…nakakarelate ako dito kasi kakagaling ko lang sa pananahimik at hanggang ngayon nanahimik pa rin ako…

    …kung may umaaway man sayo aling baby…sabi nga nila “walang tao ang nang-aaway ng mag-isa”…kung hindi ka papatol tatahimik din yan…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s