Teka lang…!

 

Naranasan mo na ba…

  • Na mapatulala sa isang bagay habang malalim na nag-iisip? Yung tipo bang indi sinasadyang mapapako ang tingin mo sa isang bagay na may ilang metro ang layo sa’yo at mararamdaman mo na lang na may pumipitik na sa harap mo para magbalik na sa earth ang isip mo?
  • Na sa sobrang excitement eh, indi mapakali, kinikilig ang buo mong katawan na halos mapautot ka na hanggang sa mapatakbo ka na sa cr?
  • Na sobrang conscious mo sa mga taong madadaanan mo, ingat na ingat ka na indi matapilok sa harap nila and as expected, there you are…pahiyang marami ka lang naman at nagpapasalamat sa pakikisama ng sahig/kalsada, paa mo at sapatos pati na ng pagkakataon sa nangyari.
  • Na kung kelan pinagdadasal mong wag mangyari ang isang bagay o sitwasyon, eh para ka pang pinag-tripan ng tadhana dahil talaga namang mangyayari ito kahit ilang santo pa ang dasalan mo.
  • Na umaga palang, nag-uulan na. Feel na feel mo ito kaya kuntodo ang outfit mo pagreredi sa mas malakas na buhos ng ulan, tapos pagdating ng alas dose ng tanghali…kay taas ng araw. Parang walang ulan na nangyari nung umaga at ikaw lang ang nag-iisang naka-jacket at scarf sa opis nyo.
  • Kung kelan may importante kang lakad ay saka ka pa pinag-overtime ng boss mo? Late ka na nga sa lakad, badtrip pa sila sa’yo.
  • Kung kelang berdey mo, saka ka pa na-no budget?
  • Na makita ang pinakamagandang shoes sa paningin mo. Matagal mong hinanap. May pambili ka naman eh…kaso lang wala ang size mo! (amp, nakakaasar sobra!) Kahit saang branch nila nagpunta ka na pero wala talaga!
  • Kung sinu’ng mahal mo, siyang ayaw sa’yo. Parang kanta lang…sad but true.
  • Kung kelan may interview ka, saka ka pa na-trapik, walang masakyan, worst—nasiraan yung sinasakyan mo. Kung kelang indi mo gustung ma-late.
  • Nasa tamang edad ka na para makanood ng isang R18 na palabas sa sinehan. Nang papunta ka na sa ticket booth, hinarang ka ni manong guard dahil menor de edad ka pa base sa sopdrink na hawak mo na may logo ng Jollibee? Too bad, wala kang dalang ID para ipagtanggol ang sarili mo. (hehe)
  • Pumunta sa Jollibee, umorder ng isang PEACH-MANGO PIE sabay bibigyan ka ng kahero ng 4 Chicken Joy meal (with toy), 2 Aloha Burger, 3 Burger Steak meal, 5 Regular Yum with cheese, 4 Sundae cone at 3 Peach Mango Pie. Haayys, swerte ang tawag dun diba? (go figure)
  • Mahigpit na pinagbawalan ang pagtelebabad sa gabi dahil may pasok ka pero sa pamimilit mo, eto ka..hirap na hirap sa pagkabit ng extension ng telepono sa kuwarto mo. Halos i-camouflage mo pa yung cord niya sa puting pintura ng pader n’yo at patago mong nililipat yung koneksyon ng telepono habang natutulog na sila. Pero isang maulang gabi, dumating ang dalawang PLDT man (Tatay at Kuya ko) at nahuli ang illegal na koneksyon mo. Ayun at pinutol ng kutsilyo ang mga minamahal mong telephone cord. Paano ba malungkot? Sa tulong ni Pao, bumili kami ulit ng cord (sadyang matigas ang ulo —wag tularan.) at nagkabit ulit. This time, sa bubong na pinadaan direcho sa mismong box ng PLDT haha.
  • Ayaw kang palabasin ng lahat ng miyembro ng pamilya mo kaya sa bubong ka na dumadaan papunta sa bahay ng kaibigan mo para duon mag-shortcut palabas? Shempre, dun ka rin babalik para indi ka mabuking.
  • Ang panggising sa’yo ni Inang Reyna ay mga nagliliparang basyo ng plastik na (1.5 ml) sopdrink, sandok, takip ng kaldero at mga bagay na pwedeng paliparin hanggang sa pinto ng kuwarto mo? Sa takot ng mga kaibigan mo na bumaba mula sa kwarto, nagka-catwalk sila papunta sa bahay ng isa pang kaibigan para doon bumaba saka babalik sa bahay n’yo na kala mo talaga maagang nagising tapos sasabihin sa nanay mong, “Aling Merle, indi pa ba nagigising si Ron?” Ang mga hinayupak talaga. Ako tuloy ang hirap na hirap bumaba dahil lalong nagalit sakin ang nanay ko.😆
  • Makipagwentuhan hanggang abutin ng sikat ng araw? At dahil parang nasa mini-oven ang temperatura ng kuwarto ko, dapat bago tuluyang mag-smile ang haring araw, tulog ka na or else suffer ka sa matinding init.
  • Tumambay sa bahay ng kaibigan na may alagang 6 foot na sawa na pinangalanan niyang “Sassy”. Habang nagwewentuhan ay pagapang-gapang ito sa kama niya at padaan-daan sa paanan mo. Pag nalingat ka, malamang isusubo ka nun ng buhay.
  • Na mag-3 way kayu ng mga kaibigan. Apat sa inyo ang me 3 way, kaya halos labindalawa na kayung nag-uusap sa isang linya na parang nasa stock exchange pag sabay-sabay na nagsalita. Indi pa nagsawa sa pagwewentuhan sa labas at nakuha pang mag-usap sa telepono.
  • Muntikan nang mawasak ang pagkakaibigan n’yo nang minsang nag-inuman, seryosong usapan, talking about life…future na nauwi sa STABILITY ng barkada. So much for stability dahil pinag-awayan naman. Pag naaalala ko, indi ko maintindihan kung ang pinag-awayan talaga eh yung meaning ng stability o kung meron talagang stability ang barkada basta ang alam ko, yung dalawang involve eh indi lang naman ng nagpansinan ng ilang araw dahil dun.
  • Nung uso pa ang sulatan, kahit simpleng bagay na pwede namang pag-usapan pag nagkita eh isinusulat pa. Yan tuloy, indi nakaligtas ang aksidenteng (o mali talagang) pagkakasulat nito.

QUILTY (guilty) ka lang kasi eh. “

Hanggang ngayon indi pa rin namin makalimutan ni Zapped ang word na pinauso ni Pao hehe.

Yung iba dito based from personal experience.😀 Natutuwa akong alalahanin silang lahat kasi sobrang na-enjoy ko ang kakulitan ng mga karanasan na ito. Lahat naman siguro ay may kanya-kanyang katigasan ng ulo at naging pasaway kahit konti, kasi ako aminadong marami (hehe), indi sa proud ako ditu… kahit papano mababaw palang ito kumpara sa iba. Pasalamat ako kina Inang Reyna at Amang Hari, buti na lang at naintindihan nila at medyo pinagpasensyahan🙂 ang lahat ng ito at hanggang ngayon.

Kayo din ba nagkaroon ng moments na ganto?

 

18 thoughts on “Teka lang…!

  1. Na kung kelan pinagdadasal mong wag mangyari ang isang bagay o sitwasyon, eh para ka pang pinag-tripan ng tadhana dahil talaga namang mangyayari ito kahit ilang santo pa ang dasalan mo.

    -ito madalas nangyayari sa akin… asaaar!



    haha..sabi nga nila..if it’s meant to happen, wala tayu choice…life’s so unfair. ok lang yon…🙂

  2. opchors naranasan ko na ang maging mejo pasaway😀
    alala ko ung di ako umuwi kasi after christmas party nag-inuman pa kami sa bahay ng tropa. bagong lipat kami nun at wla pang phone connection. ndi pa rin uso ang celfone nun, tapos kahit 10minutes lang ang byahe ng jip pauwi sa bahay para magpaalam, ndi ko ginawa, akala ko kasi makakauwi din ako nun eh. kaso inabot kami ng 1pm, hanggang sa natakot na ko uwi magisa. inabot ng madaling araw na magssimbang gabi sana pero ndi kami natuloy hanggang sa umuwi nalang ako. ayun pinuntahan pala ako ni mudra sa chapel, nung wala ako dun sa bahay na ng tropa. buti nalang at nakauwi na ko sa bahay nun at nakaupo sa terrace. kasi nakapadlock ang pinto. ng dumating si mudra ayun katakot-takot na sermon at galit niya ang sinalubong ko.



    haha, naging pasaway ka rin pala. makulay pala ang college life mo rhap. at lis diba nag-enjoy lang indi nagpakawala hehe.🙂

  3. “Pumunta sa Jollibee, umorder ng isang PEACH-MANGO PIE sabay bibigyan ka ng kahero ng 4 Chicken Joy meal (with toy), 2 Aloha Burger, 3 Burger Steak meal, 5 Regular Yum with cheese, 4 Sundae cone at 3 Peach Mango Pie. Haayys, swerte ang tawag dun diba? (go figure)”

    -super swerte! haha magkano naman kaya aabutin nyan?! hehe imperness halos lahat ng nakatala dito eh ngyari na sakin..😆



    haha pareho pala tayung mabait.🙂

  4. nagkaroon din ako ng mga moments na ganyan at talaga namang kahiya hiya.
    kung kelan ako nagmamdali tsaka walang masakyan, nagpa gas si manong, nasiraan at tsaka bumuhos ang malakas ng ulan..o di ba? kamalas na araw yun?



    uu naman…kung aku ikaw siguro, naghurumentado na ko sa sobrang asar sa nangyari..kasi pede naman yun sa ibang araw eh.😦

  5. hahahahaha😀 sobra me napatawa sa mga nabasa ko! lam mo aling baby.. based ba to sa mga experience ng mga friends mo? kse ako may kilala ako.. may nagustuhan syang shoes sa isang mall… pero bago nya nagustuhan un, nilibot nmin ung buong city center… tpos un pla ung UNANG STORE pla, dun kmi babagsak.. ayun… pag ask nia sa saleslady.. WALANG SIZE… hihihi.. eh hindi matanggap na wlang size.. punta kmi sa isang branch ng tindahan na un… aba! meron din ung style na gus2 nia… kaso WALA ULIT SIZE HEHEHEHE wawa.. lam mo, grabe ah.. naawa me sa kanya.. tpos palabas n kmi ng tindahan, nakalimutan ko, may MAX pla dun sa tabi nung tindahan na un ( MAX – tindahan na mahal na mahal ng mga babae d2 sa dubai, nuknukan ng dami ng damit!! BABALA SA MAY MGA GF.. TODAS KA D2 hehehe. Anyway, ayun dinaan sa pamimili ng damit… nyeeeeekkkkk… GANUN DIN!!!!!!!! WAAAAA!!!!
    hihihi.. peace tau me-mine🙂


    –😛 parang kilala ko ‘tong sinasabi mo ah..haha.

    buti na lang nanjan ang savior haha…pero im shur naiisip pa rin niya what might have been kung nakuha niya yung size niya haha.

  6. kesa nman sa bihis ka na.. todo na get up mo pang swimming.. tpos iwan ka pla nde ka ksma sa outing hihihi…
    mas masakit dun.. iniwan ka diba… tpos tinawagan ka nila… sabi sorry, nde ka napansin na naiwan.. tpos sunod ka na raw.. tpos ikaw tuwa syempre.. tpos sabay sabi nila… “friend, pakidala ung kaldero na may kanin naiwan kse” waaaaaaa
    at ang pinakamasakit sa lahat… cge na nga, baka nagkakataon lng lahat… sabay pag kita mo sa kusina.. ga-pison ung laki ng kaldero.. hehehe eh magcocomute ka lng, naiwan ka nga diba!?



    ang tawag dyan, pobreng kawawang malas haha…commute ka na nga lang eh pagbibitbitin ka pa ng kaldero wahaha. kakainis…magswimming pool ka na lang sa rizal stadium haha..🙂

  7. Na makita ang pinakamagandang shoes sa paningin mo. Matagal mong hinanap. May pambili ka naman eh…kaso lang wala ang size mo! (amp, nakakaasar sobra!) Kahit saang branch nila nagpunta ka na pero wala talaga!

    –parang kelan lang eh naranasan ko to ah.. i hate it. sooo much! 4 malls na ang pinuntahan ko, wala pa rin.. puro big sizes ang meron.. =(

    anyhoo, just dropping and bloghopping..😉



    hi vanny, thanks for visiting.🙂

    manhid na ko sa mga ganitong pangyayari. minsan iniisip ko na lang na siguro mashado mahal at may makikita pa akong mas maganda kaya wala akong size haha pampalubag loob ko lang yun para mawala badtrip hehe..

  8. siyempre, yung mahabang mhabang koment ko eh nawala dahil na-error submission. lagi kong nalilimutang i-fill up yung required fields diyan sa taas eh. amp.

    sa life life ko,
    true yong patitig tulala sa isang bagay,
    pati na rin yong ayaw papasukin sa r-18

    sana mangyari rin saken yong peach mango pie moment mo sa jabi. parang nanalo na rin ng lotto ah. hehe


    tumpak…para ka talagang nanalo sa lotto sa dami ng nilalagay sa tray mo habang pam-peach mango pie lang ang pambayad mo bwahahahaha! sayang naman yung unang comment mo hehe…

  9. ang sasaklap ng list mo, haha.. pero uu madalas talaga yung unexpected things. kaya nga life is so unpredictable, makulay ang buhay sa sinabawang gulay😆



    kaya nga pag may mga ganyang pangyayari nakaka-excite minsan kasi indi talaga pwedeng wala kang isang ganyan sa isang buwan hehe..

  10. Di kaya “IRONIC” ang title ng post na ito? hehehehe

    At sinong pinaparinggan mo sa PEACH MANGO PIE lang ang order tapos binigyan ka ng 5 XXL supot na Jollibee products?!!! QUILTY AKO~!!!🙂 hehehehe pinagbibintangan mo bako? hahahahaha!!!! in fairness nabuo ni Jim yung SMILEYS na kiddie meal at nakasabit sa kotse nya. Tsaka anong 1.5? coke 500 na bote po ang hinagis ng nanay mo! tutunog ba ng ganun kalakas yun dingding mong yero kung plastik lng yung pinambato? diba para kaming na blairwitch project sa loob ng kwarto mo sa sobrang kaba na mabuking ni Aling Merle!! hahahahaha!!!!!! ayaw mo kasi magising kaya tumakas na lang kami ni Pao ang init na kaya!!! sabay hilamos at balik sa bahay nyo at tanungin ang nanay mo kung gising kana? NYAHAHAHAHA!!!

    At yang Si Sassy na Ahas ni Lentot! langya! Lamo ba pag CR ko nung umaga, nagsisimula nako umihi nung bigla siyang tumayo sa gilid ng toilet bowl kaya nagkalat yung ihi ko sa banyo palabas sa karipas! Nagpapalamig lng daw yung ahas sa CR! bwiset…At yang telephone issue na yan… diba bumili ka na ng wireless?

    At yang “theres no such thing as STABILITY” tag na yan… sino ba naman di mabubuwiset pagkatapos mo xmas wish ng stability para sa barkada tas babarahin ka ng tagline na yan? dun pa lang hindi na natupad yung wish! hahahahahha!!!! At yang magkwentuhan hanggang bukangliwayway… langya. naalala ko na naman tuloy yung binasa mo sakin yung sinulat kong nobela with intonation pa!
    langya…. napa- reminisce na rin tuloy ako…shet di ko mapigilan…ipagkanulo ka ba sa nanay mo? Quilty tlg ako!
    HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!



    pre, indi naman parang isang entry na tong comment mo…inde! hahaha😆

    talagang marami kang memories sa bahay namin eh halos dun ka na kaya tumira no😆 at yang david na yan siguro kahit na matatanda na tayo babalik-balikan pa rin tayo dun.🙂

  11. ang sasaklap naman ng mga pangyayari. pero nakakatuwa ang mga kalokohan niyo ng mga kaibigan mo.



    ay naku mayui, mababaw pa lang ang mga yan…lam mo naman pag mga bata pa kayo, konting bagay lang kala mo na talaga kung anu na hehe…pero shempre priceless pa rin para samin ang lahat ng memories namin na yan.🙂 salamat sa pagbisita.

  12. ang kulay naman ng mga experience mo aling baby…..

    may ilan din diyang nagawa ko at nangyari na sakin. Yung pagkatulala, ay palagi! pero gusto ko yung mapasobrahan ang order ko sa jollibee!

    naranasan nyo na bang masagasaan ng bike? naniniwala kasi akong ako pa lang ang nakaranas niyan! http://katcarneo.wordpress.com



    masagasaan ng bike? awts! pero yung ikaw ang nagmamaneho ng bike habang nakaangkas sa harap yung pinsan mo tapos natakot ka sa sasakyan kaya tumalon ka nang indi alam ng pinsan mo kaya ayun, nag-crash siya sa pader haha😆 *ako yung nagmamaneho nung bike.😦 ‘gang ngayon pag naaalala ng pinsan ko yun naaasar pa rin sa ginawa ko hahaha…

  13. marami jan nagawa ko na at marami pang pasaway moments na wala jan nagawa ko. hehehe. pero maganda din minsan alalahanin ang mga bagay na pinagdaan mo lalo na kung ito ay talaga naman katuwa tuwa. hehehe



    tama…tama talaga gmac. minsan pag nagkita-kita kayo ng mga dating kaibigan haays ang sarap ng feeling na balik-balikan ang mga bagay na ito hehe… *makapag-aya nga ng reunion hehe..

  14. Na makita ang pinakamagandang shoes sa paningin mo. Matagal mong hinanap. May pambili ka naman eh…kaso lang wala ang size mo! (amp, nakakaasar sobra!) Kahit saang branch nila nagpunta ka na pero wala talaga!

    —————————–
    oooooooouuuuccchhhhhhh tinamaan ako!😦



    ang sakit noh MC? haaayys, isipin na lang natin na may mas maganda pa sa kanya at for shur may size tayo dun hehehe…para mabawasan na ang sadness hehe..

  15. ako kapag nacoconscious ako dun sa taong makakasalubong ko, nagkakapareho kami ng way. pag pumunta ako sa left, dun din sya, pag sa right, dun din sya. nakakahiya. hehe.



    malamang yung nasasalubong mo pareho kayo ng iniisip kaya nagkakapareho kayu ng way hehehe…uyy malamang nakaka-intimidate din ang iyong looks ha!

  16. Yang sulatan oo notorious ako nyan nung nasa grade school ako, kasi bawal maingay baka mailista pa ang pangalan ko under noisy hehehe..



    buti kahit minsan indi pa nahuhuli yung mga sulat nyo hehehe..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s