The Past

 

Indi mawawala sa usaping pagdadalaga/pagbibinata na minsan ay may makakasagupa ka. (parang sabong lang..) Mga kaibigang naging kaaway at mga kaaway na naging kaibigan. Sabi ng nanay ko, indi daw magandang nagtatanim ng galit pero sana maintindihan niya at ni Kuya Jesus na shempre depende naman iyon sa sitwasyon. Depende kung anu ang nangyari at kung sinu ang involved kaya mo nagagawang magtanim ng kung anu-anu sa puso mo.

Wala pa kong nakikilala na wala ni isa man naging kaaway. Kahit na yung “pinakamabait” na sa mga iyon ay mayron na ring naka-engkwentro sa buhay nila. We can’t please everybody.

Problema rin ito ng mga naging at kasalukuyang Presidente natin. Kahit henyo, indi kayang gawin yon. Ito ang challenge natin sa buhay eh. Napakarami ng dapat gawin. Makikisama ka hanggang sa kahuli-hulihang hininga mo. At sa ibang pagkakataon, bibigay ka na lang. Para namang may ibang choice ka diba? Yon ang masaklap dun. Yan ang buhay…punung-puno nga ng kulay at kahit na minsan madilim ito, parte pa rin ito. Wala nang palusot at reklamo.

Indi naman ako war freak o di kaya’y naging sakit sa ulo ni titser o ng mga magulang ko nung medyo bata-bata pa ko pero indi ko rin maintindihan kung bakit maraming gustung paiksiin ang pisi ko. Pampalubag-loob ko na lang na siguro nga ay nagkakataon lang talaga na nagsasabaw-sabaw kaya pakiramdam ko, galit kaaway ko silang lahat sa akin.

Kung meron man akong tinanim nung panahon na ‘yon, ngayon…malaking puno na siya may labindalawang taon na rin (binilang ko talaga). Indi ako proud sa tinanim kong puno na ito. Indi rin magandang irason na dahil tao lang ako. Napatawad ko na siya/sila pero indi ko malilimutan na minsan sa buhay ko, nakilala ko sila, pinagkatiwalaan, kinaibigan, pinakitaan ng mabuti pero sa sobrang bored nila kaya siguro nila ako ni-betray, binastos, pinagkaisahan, walang kiming tinapakan at bonggang-bonggang binaon ng buhay.

Pagkakataon ko na ito para alalahanin sila.

Ang mga nag-stampede sa akin nung ni-roll ang dice.

Yung ka-height ni mahal na may pinatawag sa bahay namin na lalaki na nakausap ng nanay ko, para sabihin na indi ako pumapasok at nauubos ang pera ko sa yosi.

Sabi nga ng isang dating kaibigan, dapat daw sinabi ko sa’yo na…”Sorry ka kasi mas maganda ako sa’yo.” haha, nakakatawang banat.

Sa mga bading na madalas magrampa sa harap ko sabay magpaparinig na, “Yan ang pokpok ng David”, sabay tingin sa akin.

Indi magandang pakinggan. Na-hurt ako pramis pero indi ko lang pinansin kasi alam ko namang indi totoo. May pinag-aralan ako kaya alam ko kung ‘gang saan ang lebel ko. Salamat sa compliment.

Yung akala kong kaibigan ko pero pati siya, nagsasalita ng oh soo super nice things about me. Mukhang mabait pag mag-isa pero isa palang backfighter. Isa siyang “Hipon”, tanggalin mo lang ang ulo, keri na pagchagaan.

Sabi ko sa sarili ko noon, kukunin ko ang nag-iisang tao na nakakapagsaya sa’yo. (Ang sama ko noh? Eh sila naman kasi.) Ayun nga, nakuha ko. Salamat sa kanya.

Eto naman, lazy-eyed na nga, may gana pang mang-irap pag dumadaan sa harap ko. Indi ko maintindihan kung gaano kalaki ang galit nila sa akin para gawin ang mga bagay na yon. Samantalang bago yon…madalas kami magwentuhan, kumakain pa nga siya sa amin, pareho kami ng interests, ang saya ng samahan namin.

Nakabawi naman ako agad. Pinaringgan ko rin sila kasi that’s the name of the game eh. Oh what a sweet revenge.

Yung isa naman na kapatid ni Hipon, kalalaking tao nagkakalat ng mga chismax. Kung anu-anung lotion ang ina-advertise. Indi ko pa rin maintindihan hanggang ngayon kung bakit niya yon sinabi at kung simpleng pagwewento lang ang ginawa niya, bakit nagkaron ng malaking sigalot? I was hurt, para nila akong pinaglaruan.

Kinompronta ko naman siya. At indi ko alam kung dahil sa hiya o natural na eengot-engot lang siya kaya napapangiti at pakamot-kamot sa ulo na lang siya nung kinausap ko. It’s too late to apologize. Harm done at nung nagkita kami ulit after few years, pangiti-ngiti na lang siya.

Kasama na nga yata ang buong mag-anak ni Hipon dahil pati pinsan niya na super idol at trying hard Mariah Carey impersonator, extra lang naman sa ishu pero kung makaasta eh para siyang sundalo na atat na atat makipagbarilan sa mga npa. Ang kyuut ng mga lumalabas sa bibig niya, ansarap i-zip ng bibig. One time, sinubukan kong tumayo sa harap niya at nag-abang ng mga masasayang wento na lalabas sa bibig niya tungkol sa’kin. Kaso bigo ako, indi siya makapagsalita. Umalis siya after 5 minutes (kabisado ko talaga..) tapos dun bumira habang naglalakad. Haaayys.

Indi ko na lang siya pinag-aksayahan ng panahon. Mas marami akong importanteng dapat pagkaabalahan tulad ng mga labada at plantsahin. Nung huling nakita ko siya, malaki ang pagkakahawig ng kilos at salita niya sa mga hustisya. Feeling close that most of the time left me with vague expression like…huh?! It’s my time to shine hehe.

Ang kapatid ni mahal na umupak sa kaibigan kong babae na minsang dumalaw sa akin sa street namin. Para silang bash brothers ni mahal sa pag-upak. Kala mo away-inmate lang. Indi ako nakaawat dahil may mga kakosang kasama. Indi pa nakuntento sa pang-ookray sa akin at talagang humanap pa ng outlet para mailabas ang lahat ng galit sa puso nila. Pa-sushal ‘tong astiging bading na ‘to. Lahat na nga yata nakaaway niya sa sobrang approachable niya. Ayaw masapawan. Laging bumibida…indi naman invited. In the end, after almost 4 years lumapit siya sakin para lang sabihin sakin na indi naman daw niya intention na gawin yon sakin. Yung pinsan lang daw niya ang nag-umpisa. Indi ko mapigilang indi mapailing at mapangiwi sa inaasal niya sa harap ko. Alam ko pa rin naman ang totoo sa indi at sigurado ako sa pakiramdam ko na indi totoo ang sinasabi niya sakin.

Dahil sa kanila, nagkaron ako ng trust issues. Napakahirap magtiwala at pakiramdam ko, indi ko na kailangan ng maraming kaibigan. Mas ok na sakin na iilan lang na pinagkakatiwalaan ko. Mas nakilala ko ang sarili ko at nalaman kung sinu ang tunay kong kaibigan. Ang buhay parang showbiz. Marami kang makikilala na makikipag-close sa’yo sa iba-ibang dahilan. Yung iba dyan, pa-plastikin ka lang. Sisiraan ka. Hahanapan ka ng butas para ikasira sa iba. Kapag naalala ko yung Fiesta sa lugar namin, two months after ng debut ko. Sinabi sakin ng kaibigan ko na yung souvenir na angel figurine nung berday ko, ayun at nakakalat daw, mga basag na pinagpapasa-pasahan. It was one of those days where you can’t handle it anymore. Wala na ‘kong choice but to breakdown. They have gotten the best of me. Sa parteng ‘yon, may puntos sila. But not enough for me to give up. Kahit na sa ganung paraan kami naghiwa-hiwalay, alam ko may dahilan ang lahat. Mas maraming magagandang bagay ang nangyari sa buhay ko pagkatapos nun.

Bago ako nakaalis, nakita ko pa ang iba sa kanila. Kung anuman ang nangyari sa iba sa kanila, wala na akong pakialam. Basta pag nasasalubong ko sila, wala na lang akong nakikita at naririnig. Like they don’t even exist to me. Sila na yata ang pinaka-worst people na nakilala ko sa buong buhay ko. Kung anuman ang na-gain nila sa mga ginawa nila, they deserve it.

Ang mensahe ko sa kanila…

Maraming salamat sa inyo. I have learned so much from this experience. Naging strong ako, ang galing kasi ng training ground ko. Dahil sa inyo, naging pinakapaborito kong values ang “Patience”. Natuto akong magpahalaga ng mga taong nagmamahal sa akin. Salamat sa pagbibigay nyo ng kulay sa buhay ko. Inding-indi ko malilimutan na naging parte kayu nito at nabigay-daan para makilala ko ang SOULMATE ko. Para naman sa mga kaibigan na indi umiwan sa ‘kin mula nung umpisa at hanggang ngayon – – – you’re my bestest friends for life! (KATCH-PAO-RYE-JIM-LEN-HELEN) 

“Forgiving does not erase the bitter past. A healed memory is not a deleted memory. Instead, forgiving what we cannot forget creates a new way to remember. We change the memory of our past into a hope for our future.”

17 thoughts on “The Past

  1. Huwaw.. Special mention pako. Thanks friend.Hehehe… kilala ko yung iba maliban kay hipon? ( si O-IE ba yun?) tsaka sino yung Lazy eyed? Mataba ba siya? kalimutan ko na kasi eh…Sino naman yung Lotion? Si ALD-IN? At sino tong MARIAH CAREY impersonator na to???– lagot siya kay BUFFY!



    nandun ka ba?? haha..uu nga pala. yoko na mag-mention names baka sumikat pa ditu haha (ang sama). ok na yung mabasa nila ‘to para naman ma-refresh ang memories nila. kay sarap balik-balikan.

  2. shempre.. nde kita iiwan, khit anung mangyari🙂 uu nga, cno ung lazy eyed? un ba c matmat!! pumasok ka na d2 matmat!!! hehehehe



    mine, indi yung kapatid ni matmat itu…kapatid ni bes mo haha. ibang level yung isa eh. pero diba nga ka-close mo ang mga iyun till now? ok lang noh, it doesn’t matter. wala na yon sakin.

  3. kanatahin mo nalang ito aling baby.. hehe pang lovers lang ba ito? hehe

    I was wrong when i hurt you

    But did you have to hurt me too

    Did you think revenge will make it better?

    I don’t care about the past

    I just want our love to last

    There’s a way to bring us back together

    Chorus:

    I must forgive you

    You must forgive me too

    If we wanna try to put things back

    the way they used to be

    ’cause there’s no sense in going over and over

    The same things as before

    So let’s not bring the past up anymore

    Out of all the good we had

    You only keep track of the bad

    Though you knew i never really loved her

    Didn’t anyone tell you yet

    That to forgive is to forget

    How can you be mad if you don’t remember

    Repeat Chorus

    I must forgive you

    And you must forgive me too

    It’s the only thing that’s left

    that we haven’t try to do

    One thing that i’m sure will work

    That we haven’t tried before

    Let’s not bring the past back anymore



    indi itu pang-lovers yhen…pang-ex friends itu. talagang buung-buo ung kanta ah haha…paborito ko ‘to dati eh.

  4. aba, ang kulay pala ng buhay mo! parang nagegets ko yung feeling mo na di mo alam bakit ganun na lang kalaki ang galit nila for them to go out of their way maipakita lang yun. yung friend ko parang ganun—we just didn’t know why people love to hate her. pero nagets din namin, na dahil pala yun sa insekyora silang lahat.

    so jan sa mga insekyora sayo, well, talong talo sila kaya mo silang aapektuhan just by doing nothing.

    hurray for aling baby!

    http://katcarneo.wordpress.com



    yan din ang sinabi sakin ng mga friends ko…tumataginting na mga INSEKYORA silang lahat haha. napa-exagge lang ang mga asal nila at nawala na sa lugar. naniniwala pa rin ako sa karma kat…totoo yun.

  5. life’s lessons are all too often learned in the most unpleasurable circumstance. buti naman at matapos ang lahat eh hindi ka naging bitter o nag-dwell sa mga masasakit na panahong iyon. you’ve moved on and learned. and that’s all that really matters.😀



    matagal na proseso rin ang thanked God dahil nalayo na ako sa landas nila.

  6. hahaha!

    away! masaya yan! war eh!

    hakhak!

    meron ako klasmeyt noong elementary naging kaaway ko at hanggang nagyon hindi pa rin kami nagpapansinan.

    hahahaa!



    haha..nagkikita pa rin kayu? di bale, eloi..lilipas din yan..malay mo maging prends kayu ulit diba?🙂

  7. wow ang sweet remembering the enemies.
    tama yan aling baby, somehow isa sila sa mga naghubog sa iyong pagkatao bilang ikaw. maging aware na lang sa susunod at maging maingat.



    naman gmac. tried and tested ko na ang mga friends ko ngayon..kaya nga mahalo ko silang lahat eh.🙂

  8. may araw din sila aling baby pero atleast may lesson learned ka sa mga nangyari sayo… ok lang yan! galing ka naman e! atleast ikaw may blog sila wala hhaahh!



    haha. ssshh baka maisipan din mag-blog haha. let bygones be bygones nga daw diba? ok na ko.🙂

  9. nga pala nagpalit na po ako ng blogsite… paki bago po yung link ko! thanks!



    nakabisita na ko sa pornsite mo hehehe…🙂

  10. Matthew 5:44 But I say to you, love your enemy and pray for those who persecute you, 5:45 so that you may be like your Father in heaven, since he causes the sun to rise on the evil and the good, and sends rain on the righteous and the unrighteous

    okey lang yan sis! at least madami ka natutunan, meaning dahil sa kanila nagiging better person tayo😉

    keep smilin magaganda tayo! hehe😉



    huwaw may verse pa si ateng.🙂 salamat po.

  11. hello there.. just blog hopping..

    anyway.. at least ikaw, kahit papano, kaya mong mag-speak up.. ako kasi.. hanggang kimkim nalang ng saloobin..

    God Bless..



    hi seyo..salamat sa pagbisita.

    may advantage ang mga tahimik, iwas gulo…pero minsan, kailangan na rin natin magsalita para sa ikatitigil ng lahat at para malaman nila na kaya mo rin ipagtanggol ang sarili mo sa maayos na paraan na alam mo. kung umubra, ok pero kung indi…titigil din sila maniwala ka.

  12. ayos to ah..😆 tama yan mami babes, you wouldnt know u were right if there’s no wrong things at all. oh kaya, pano mo malalamang maganda ka kung walang pangit sa earth! malayo yata yung sinabi ko =))


    –😆 hahaha ipapaubaya ko na sa kanila yung kapangitan inside out…ok na ko sa buhay ko haha. di bale mumu me konek pa rin naman kahit konti hehe..

  13. Ang masasabi ko lang, “WALANG GAMOT SA MGA TAONG INSEKYORA”… Para itong AIDS wala pang naiimbentong antidote para dito. Sa mga taong mahilig manapak ng iba, tatalbog din lahat sa inyo mga sinasabi nyo.. At sa mga naapakan, ganito lang ang sagot “WALA KAYONG EPEKTO SAKEN” Kaya kung ako sa inyo deadma na lang, anyway “HINDI NAKAMAMATAY ANG MGA PARINIG”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s