Anubaaaaahhh!!!

problematik lang...
problematik lang...

Mashado kang kampante. Ilang beses mong tiningnan ang paligid at nakasiguro kang walang problema. Siguradong mahimbing ang tulog mo. Makakahilik ka pa all you want sa sobrang pagka-ok ng paligid mo.

Until you woke up the next day. Kakadilat pa lang ng mga matang halos nakadikit pa sa talukap, naamoy mo na ang problema. Nagmamadali kang pumasok sa CR, iniisip na isa itong panaginip. Indi ka pa totoong gising, parte pa rin ito ng panaginip. Pero sa huling patak ng ihi, kinilig ka pa…ngayon, sabihin mong nananaginip ka pa rin.

Well life has a funny way of sneaking up on you
When you think everything’s okay and everything’s going right
And life has a funny way of helping you out when
You think everything’s gone wrong and everything blows up
In your face.

(IRONIC by Alanis Morrissette)

Madalas na itong nangyayari sa atin. One day, everything seems fine and all seems well but the next day it’s a total mess. Parang may nag-roll ng dice. (Jumanji) Sinu ba ang gustu ng problema? (Magtaas ng kamay!) Malamang lahat ay sasagot ng “Wala.” Ke problema sa kaibigan, ka-opisina, kapitbahay, eskwela, pinansyal, pag-ibig, o simpleng problema ng ibang tao na pati ikaw na walang magawa o gustu lang magkawang-gawa eh nakikiproblema na rin. Sinu nga ba ang imbentor ng problema na yan? Pwede bang voluntary na lang ang pagkakaron ng ganyan at pwede ring indi obligado ang sinuman?

Bakit nga ba kailangan pang marublema, problemahin at makiproblema? Bakit yung ubo, lagnat, sipon, sugat at allergies may gamut na nabibili sa botika? Bakit sa problema wala? Ang daya naman. Kung anu pa ang mahirap pagalingin, dun pa walang madaling lunas kundi ang lumungkot, bumigat ang pakiramdam, sumakit ang ulo kaiisip, bumagsak ang katawan at ilang beses na mapaiyak sa bigat na dinadala. Indi naman parating makakaisip ka ng solusyon eh. Ang iba, nagiging Lydia De Vega >> mabilis na tinatakbuhan ang problema. Tapos nadadagdagan ang mga friends tulad nina Buds (Budweiser), Miguel (San Miguel), Carls (Berg) at Jose (Cuervo). Merong nilulunok na lang ang mga problema na indi nginunguya, at nagpapaagos na lang kung san dalhin nito. Napakadalas na masasabi mo na lang na, “Hindi ko na kaya!” O ang sikat na sikat na linyang, “Ayoko naaaa!!” Na parang pelikula lang. Parang pabor na indi pwedeng tanggihan.

Minsan naiisip natin na sobrang unfair ang layf o masyado itong naneneryoso kasi indi mo rin pwedeng biruin. Pero pag siya ang nagbiro wala tayong choice kundi maiwan sa bagyong dala niya. Indi pa marunong mag-sorry ah, take note. Parang utang na loob mo pa na dinalaw ka niya pagkatapos na pagkatapos mong magtatawa ng mga nakaraang araw. Biglang bawi. Biglang bigtime badtrip.

Sa lahat ng mga bagyo na nadaanan ko, indi ko matandaan kung paanu ko yon nalampasan. Siguro instinct na lang na pag may mga pagkakataon na malayo pa lang nafo-foresee mo na ang magiging problema, agad-agad gagawa ka na ng paraan para maiayos. Pag medyo pakiramdam mo tumapang ka na ng onti, makikipagsalubungan ka na sa kanya…magbunung-braso pa kayo. May mga tayms din na positive thinker ka lang, na minsan feeling mo magkukusa din itong umalis kahit indi gamutin. (Parang bulutong lang o kaya eh beke.) Kadalasan, masarap din magpasaway ng medya-medya, parang pinaglalaruan mo pa ang mga lekat. O kung katulad kitang galit sa stress, nagbibingi-bingihan na lang. Minsan sinasadya ding indi na lang tingnan. (Pangit na approach ito, wag tularan.)

Pag may bigat ka raw na dinadala sa iyong puso, napakahirap ituloy ang buhay. Para ka kaseng stuck up sa isang lugar. Hangga’t indi iyon nareresolba, indi ka makakawala sa anino ng past na iyon kahit pa ipakita mong ok ka na. Lalabas at lalabas pa rin ang totoo. Madali lang mapaniwala ang iba sa gustu mong makita nila but at the end of the day, sarili mo pa rin ang niloloko mo. Kung paano ito maaayos, depende pa rin sa’yo. Lahat depende sa’yo. Pambihira talaga yang problema na yan, siya na nga ang nang-abala indi man tumulong sa pag-aayos ng gusot na dala niya. Iiwan ka pa sa ere tsk tsk.

Sabi nga nila, kanya-kanyang diskarte yan. Ke magaling ka, indi o naggagaling-galingan lang…ikaw pa rin yan eh. Kung makahingi ka man ng tulong sa mga kaibigan o kinauukulan, nasa diskarte mo pa rin kung paano mo mama-mate ang sitwasyon mo.

Kaninang umaga, I didn’t see it coming. Sumabog ito ng walang pasabi. Bigla na lang itong bumulaga. Kahit pala ano’ng iwas ang gawin ko, reresbak talaga ito. Walang oras, araw o okasyon na pinipili. Short notice. Nakakabwisit. Pwede namang maasar kasi yon na lang ang pampalubag mo sa sarili. Kahit na alam ko na ang posibleng paraan na gagawin, bakit ngayon para akong biglang natitigilan? Yung mga naka-ready na sagot ko, ngayon wala na naman akong masabi. Tongue tied? Naunahan lang ako, mamaya babawi ako. Ilang minutes lang, pababayaan ko lang siya mag-monologue saglit baka isipin napaka-defensive ko mashado. Sa wakas nakasingit din. Nailabas ko na rin. Napaintindi ko na sa kanya…pero bakit may kasamang luha? Bakit ako umiiyak? Isa na ba itong senyales ng pagkatalo? Indi pa ko umaatras. I know i had my share of mistakes but this is my endeavor and i intend to make a stand for my happiness relies in it. Mahirap man maintindihan pero this means a lot to me kaya siguro ako naiyak. Indi ko na napigilan maging emotional. Sa ibang bagay at sitwasyon, pwede akong maging malakas maliban dito. Sa pagitan ng mga taong mahalaga sa puso ko at sa iisang kaligayahan ko, napakahirap pumili. Kailangan ba talagang mamili? Kasi ayokong gawin yon. Ayokong may masaktan. Mabuti na lang at tumigil na siya. Indi na maganda ang itsura ko, para kasi akong nanood ng maalaala mo kaya. Ayoko nang matanong kung bakit bigla na lang akong umiyak.

Natapos na usapan. Kahit papano, nalaman na nila at sana naintindihan na rin. Indi ako umaasang ganun kabilis na matatanggap. Dadating din tayu dyan. Indi ako…kami nagmamadali. May bukas pa at buti na lang indi ito nauubos.🙂

Haaayys anubaaaahhh! Problema…layuan mo ako!!

 

23 thoughts on “Anubaaaaahhh!!!

  1. …gaya nga ng sabi nila, problema e parte ng buhay…basta ang importante lagi tayo nagppray (it helps..a lot!) at after nating maovercome mga problema..sarap sabihin “haaay, maganda pa din ako!”..nyahahaha!!!



    haha! naman, apir tayu dyan!

  2. its just a matter of how you handle the burden.. ayt?…
    pag di ka marunong mghandle ng prob.
    magiging psychotic ka..
    at ang labas pupulitin ka na lang sa mental.. hahaha…EMO ahhh!!!



    hehe..ayoko sa mental kasi indi naman ako seseryosohin ng mga kausap ko dun haha. lagi lang nila akong pagtatawanan, badtrip kaya yun.😆

  3. I know i had my share of mistakes but this is my endeavor and i intend to make a stand for my happiness relies in it.

    ganda naman ng quote na to…palaban!



    Aling Baby —> bow! I, thank you.🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s