Nung mga bata pa tayo, indi natin mashado alintana ang hitsura ng mga kalaro natin. Kung marumi ba ang damit nila, indi naligo, punumpuno ng sipon ang ilong, mahahaba at maruruming kuko, pangit na gupit, tsinelas na pigtas, butas na damit o short, sirang ngipin sa harap at mga sugat sa tuhod at siko. Ang goal lang naman kasi natin nung mga bata pa tayo ay ang malaro ang lahat ng klaseng laro hangga’t may araw pa. Hangga’t wala pang pasok kinabukasan o kung pwede, wala na ring tulugan. Kesehoda kung anu ang itsura ng kalaro, ang importante magaling itong kakampi, mabilis tumakbo, champion sa jack en poy, indi nade-deds sa Chinese garter o luksong tinik/baka.
Pero sa ating paglaki, namumulat na tayo mula sa kamusmusan. Nagsisimula nang maging conscious. Idedeposito mo na ang mga alaalang minsan nagmukha kang street kid sa paglalaro ng kalog, patintero, habulan, piko at kung anu-anung mga laro na kayang abutin ng imahinasyon mo noong bata ka pa. Kung naligo ka man na nakasalawal lang at nakita iyon ng kalaro mo, ang mga bagay na iyon ay ayaw mo nang pag-usapan pa.
Lalo na sa panahon ngayon na malakas ang impluwensya ng kanlurang kultura. Kung paanong nagiging haytek ang mga kagamitan. Lahat ng materyal na bagay na pwedeng ipakita para lang masabing nasa uso ka. Ito ang labanan ngayon, pag indi ka “IN” o sumasabay sa “Trend”…para kang may sakit na nakakahawa. Malala pa sa ketong. Pag simple lang ang lifestyle mo, asahan mo KJ ka na agad sa ibang tao. Minsan nga may tawag pa ditong old fashioned, nerd, baduy o yung may malaking letrang L sa noo, “LOSER” with a pinch of “Whatever” on the side kasabay ng pitik ng ulo at balikat.
Nakatapos at nakapagtrabaho naman pagkalipas ng kulang-kulang dalawampung taon sa pag-aaral. Ang iba dito ay kumikita ng tama. Buenas kung lampas sa sakto ang kinikita. Pero meron pa rin na halos kulang pa pambayad sa utang ang sinusweldo. Sa estado ng buhay natin ngayon, napakahirap sumabay sa trend na yan. Kung ikaw ang taong praktikal, ang bigat sa loob maglabas ng ilang daang piso para lang makakain sa sushal na kainan. Para sa kapeng may ginto kapalit ng pag-upo at pagtambay sa upuang may payong na may logo nito hawak ang basong/mug na may logo rin nito para sa mga kwentuhang punung-puno ng hangin at mala-aircon o feeling intelektwal na usapan. Mga gimikan na kinakailangan ng astig na porma, pamatay na cellphone, kewl accessories at over confident personality. Kanya-kanyang display ng mga gadgets. Taglish dito, taglish doon. Isang paraan para mapagastos, maholdap, malasing, at mapuyat.
Kung noon, regardless kung naligo man o indi ang mga kalaro natin indi ito makakasagabal sa paglalaro. Kung gaano kasimple maging buhay bata, ga-mundo ang diperensya nito pagtanda. Ang laki-laki ng mundo pero pakiramdam mo ikaw lang mag-isa ang pumapasan dito. Dati pag naririnig mo ang mga balitang pagtaas ng kuryente, gasolina at mga bilihin, tatakbo ka pa para hanapin ang mga kalaro na naghihintay sa kalsada. Pero ngayon, gustuhin mo mang tumakbo palayo alam mong bukas iyon pa rin ang sasalubong sa’yo pagsakay sa jip at kapag namalengke. Kung pwede nga lang maging bata na lang habambuhay, para laging exempted sa problema ng bayan. Ikaw ang akay-akay. Hila-hila ni nanay at tatay. Hinahayaang daanan ang pagiging bata. Para kang patabaing mammal. Inaalagaan, pinag-aaral, pinaghahanda para sa kinabukasan. Ang mga susunod na “tagapagbayad sa utang ng bayan”.
Ngayon naiisip ko na kung gaano kahalaga ang tulog na pinipilit ni nanay tuwing tanghali. Sana pala natulog na ko ng natulog dahil ngayon swerte nang mabuo ko ang walong oras na tulog gabi-gabi. Yung kursong nursing, accounting, engineering na sinasabi nilang makakaangat sa buhay ko pagdating ng araw. Totoo nga palang talaga na ang mga ito ang in demand kahit na sa ibang bansa. Yung malimit na pagtatalo namin sa pakikipagbarkada. Ito raw ang makakasira ng konsentrasyon sa pag-aaral. Sa isang banda, nalaman ko rin na ito ay tama. Unahin daw ang makapagtapos bago pumasok sa isang seryosong relasyon. Marami na rin ang nabingi o mas piniling indi pakinggan ang sermon na ito.
Kung regrets lang ang pag-uusapan, meron din ako nyan. Indi ka tao kung kahit isa man sa lahat ng pinagdaanan mo eh wala kang pinagsisihan at pinangarap na ibalik ang mga oras na yon para mag-delete ng konting pangyayari. Walang taong walang regrets. Lahat tayo ay may mga bagay na pinanghihinayangan. Kung may power sana tayo para mabalikan ang lahat, anu kaya ang posibleng estado ng buhay nating lahat? Isang pangarap at pag nahimasmasan na naiisip ko rin malamang indi ko rin siguro magugustuhan kung meron mang power to turn back time. Mawawala na kasi yung lessons learned. Yung importance ng paghingi ng tawad yung pagbabago at pagtitiwala kina Kuya Jesus na habang may buhay may pag-asa.
Kahit ganto, may mga dispalinghado na desisyon, nadapa, nasubsob at napahamak sa mga ilang bagay na nagawa…Okay pa rin naman diba? Kung indi man natin pwedeng baguhin yung nakaraan, indi pa rin naman huli para ayusin ang lahat. Everyday is a new beginning. Masasayang lang ang oras natin sa paghahangad ng mga bagay na alam na ngang indi pwede eh pinipilit pa rin. Meron akong kakilala, ang motto niya sa buhay eh “Time is Gold” pero ubod ng kupad kumilos, laging late sa trabaho at tanghali na rin gumigising. Nasa’n ang pagbibigay niya ng importansya sa oras nun? Tayo ang hari at reyna ng buhay natin at minsan lang tayo mabubuhay sa mundong ito kung isa mang pelikula ito, galingan na natin ang pagganap dahil sa huli indi naman importante yung mga award na yan eh…it’s how well we lived our lives and how many lives we’ve touched along the way.
Ok na yon sakin. 🙂
oo nga.
ako nga, ako na lang ata ang
taong may 3310. hehe.
di bale, mahal na yon pagdating ng araw. :))
antique na.
LikeLike
iba talaga ang mundo sa paningin ng bata ano? kaya minsan masarap bumalik sa pagkabata. kapag namulat ka na sa lahat ng kamunduhan, nakakasulasok.
LikeLike
agree ako. may mga bagay talaga tayong nireregret kahit papano sa buhay natin, otherwise, hindi ka tao. yan din actually ang entry ko ngayon… about regrets…
LikeLike
wahehhee… galing nmn… noon at ngayon ang drama…
nakaktuwa tlg ang kabataan natin…
LikeLike
napakasimple lang naman kasi ng kaligayahan ng mga bata, kaya ang kanilang mga tawa at halakhak ay walang bahid na anumang lungkot o alinlangan na kinukubli. kapag tumatanda ang tao, lumalawak ang kanyang kaalaman, dumadami ang kanyang pangangailangan, at nagiging komplikado na ang lahat ng aspeto sa kanyang buhay. kaya madalas hindi naiintindihan ng mga bata ang kanilang mga magulang. marami pati sa mga nakatatanda ang nakalimutan na yata na minsan sila’y naging mga bata rin.
LikeLike
nung bata ako, naaalala ko, gusto kong tumanda para magawa ko rin yung mga bagay na hindi pwedeng gawin pag bata ka pa. Pero tulad mo, ngayon, minsan, gusto kong bumalik sa pagkabata. mas masarap ang buhay pag simple.
LikeLike
nakakamiss talga maging bata… simple lang ang buhay, walang mabigat na responsibilidad.
pero iba na rin ang mga bata sa panahon ngayon masyado na ring techie, ayaw na ng larong kalye gusto na PSP, computer games, ipod…. nakakalungkot dahil unti unti na rin nawawala ang joy ng paglalaro sa kalye.
LikeLike
andami kong namiss na tulog nung bata ako kasi naman kahit tanghaling tapat naghahabulan o nagtataguan kami ng mga kalaro ko.
masarap talagang maging bata…haay…
pero yung nga…minsan lang ang buhay na ito…gusto ko ring masubukan kung paano tumanda ano!
hehe. kaya kahit pagod sa trabaho…choks lang. kahit maliit ang sweldo…choks lang. kahit mabasted ako nang paulit-ulit ni superman…masubsob ng ilang beses sa putikan…hehe…(magdrama ba)…
sana nga may ma-touch sa buhay ko. hehe.
LikeLike
waw before and after.. totoo yan mami babes, sana inipon na natin lahat ng tulog, di ko din akalain na ung tulog ang iiwas saten pagtanda. saka dati, ang iniinda lang nating sakit eh sugat sa tuhod, pigsa sa pwet, bukol sa ulo, sakit ng ngipin, kurot ng kalaro. ngayun sakit sa puso, heart breaks, sakit sa bulsa, sakit sa bangs, sakit sa kaban ng bigas. oh well papel. sabi ng uminom ng ampalaya extracts eh >.<
LikeLike
uu nga aling baby hindi na ako nakakapag update. Wala kasi akong pC at sa internet cafe lang ako nagbloblogg. Ngayon parang dumarami ang homework. Hindi ko na alam ang gagawain. HUhuhuhu. Sana nga walang taong malungkot. Sus nakuh.! problema at kung minalas nga naman. Whew.!
LikeLike
aling baby! 😀 nakakatuwa naman po yung kwento mo.. gusto ko tuloy bumalik sa pagkabata.. 🙂
napadaan lang po.. 😀
LikeLike
Yan ang gusto ko asayo eh.. bumabanat ka rin ng spiritual side pasimple nga lang. Kasi naman totoo namang kailangan din natin yun.pero, Para kanino kaya ang title na ito? … para sakin? hahahaha! totoo lahat yan. Sabi nga- the only thing that is CONSTANT in this world is CHANGE. ang message ata nitong post na to ay: You are not getting any younger!-diba?
Tsaka sino yang mga kalaro mong uhugin? hehehe 🙂
LikeLike
naalala ko nung nagkita kami ng kababata ko. ang sabi ko di ba ikaw ung may nunal sa uhmm.. sabay tapik sa akin. sabi ko ok, kung ayaw mo nang pagusapan. hehe.
anyways tama lang na live natin ang life natin to the fullest. nagiisa na nga lang yan hindi mo pa maenjoy di ba? pero syempre dapat conscious tayo sa kung panu natin gawing mahalaga ang buhay natin habang nabubuhay tayo. kay habang buhay tayo buhayin natin ang muling pagkabuhay ng mga buhay dito sa mundo. diba?
aling baby add po kita sa blogroll ko ha. thanks for visiting. ganda pala ng mga stories mo dito.
LikeLike
maraming matatamaan ng entry na to.
mga taong sosyal klaymer.
pis awt..
pero totoo naman..
mas iba pa rin ang happiness dulot ng mga simpleng bagay na nasa paligid…
ako??!
dibale ng matawag akong baduy..or loser.
wa ko keyr..
KEBZZ…
pakelam ko sa kanila?? 😆
LikeLike
..grabe, eye opener lang ito ah.heheh! sana kng pede lang ibalik ang pagkabata natin..yung lax lang at walang problema kung hindi kung ano ang kakainin sa meryenda at ano ang lalaruin sa hapon..haaay, di kagaya ngayon…dami na problema (bigla kong napakanta ng “masdan mo ang mga bata…”)
LikeLike
ako nung bata ako, kasali ako dun sa naliligo sa ulan sa kalsada, nagpapatintero sa palengke, naghahabulan pung sa mga likuran ng dyip, nag pipiko sa kalye… ngayon ganyan din mga little kengkays… sa alemanya nga lang sila 🙂 at medyo maarte sila, kapag alam nilang tutulo na sipon nila, maghahanap na yan ng tisyu, hehe.
LikeLike
basta ako nde ako tatambay dun sa kapihan na may logo.. kse lumulobo ang ilong ko sa sipon ngyon.. dba trend un nung bata pa tau.. palakihan ng lobo.. hehehehe
LikeLike
very well said..agree ako sa lahat ng tinuran mo alingbaby 🙂
LikeLike
inspiring po ung entry nio.. cguro one of my biggest regret in life is not finishing college… but life must go on.. ndi nman nten kyang ibalik pa un… I learned my lesson..
LikeLike