HEART ATTACK

 

Ang entry na ito ay indi tungkol sa mga kaso ng mga atake sa puso na napapanood sa tv o nangyayari sa totoong buhay. Wala itong kinalaman sa hayblad, pagkain ng taba at alta presyon. Ito ay isang lamang literal na paglalahad ng iba’t-ibang pag-atake ng ating mga puso sa mga haayyy san-pa-nga-ba eh di sa usapang pampuso.

Inatake na ba ang puso mo? Naranasan mo na ba pagpawisan ng malamig habang humahabol ka sa bilis ng tibok nito? Eh yung pakiramdam na parang mahuhulog na ito at kahit anong pigil mo, indi ito maawat sa gusto niya? Eh yung paninikip nito na halos sumabog na sa kinalalagyan sa sobrang ligalig? Minsan ang wild ng imagination mo, feeling mo malaki ito mashado na gustu mong ibahagi sa ibang tao. Pero pag sumakit naman ito, daig pang pinitpit at dinurog na  parang pamintang durog, ang saket!. MInsan nga pakiramdam mo wala nang natira rito. (kumusta ka naman buti buhay ka pa kung wala ka na nito.)

Bakit ba ako nagtatanong ng ganito? Bakit nga ba inaatake ang puso natin? Masama ba talaga ito? Meron ba talagang nakakaiwas dito? Meron na bang tao na nagtagumpay na nakaiwas sa pag-atake nito? Kung meron, anu kaya ang nangyari sa kanila? Buhay pa rin kaya sila?

Sa tambayan nina Aling Baby, may iba-ibang kaso ng pag-atake ang puso.  Mapa-bulgar o palihim. Pinipilit itanggi o loud and proud lang. Kahit pagandahin mo pa ang deskripsyon, isa pa rin ang ibig sabihin nito…INAATAKE KA NA NG PUSO MO.

Attack #1: Slowly but surely. Ito ang estado ng puso ng isang tao kung saan tahimik na namumuhay ito. Masaya naman kahit indi ganun kagarbo pero keri na rin. Chillax lang sa isang sulok, walang inaalala…walang pinuproblema pero bigla na lang itong susundot na parang surot. Unexpected. Magugulat ka na lang isang araw na ang puso mo,  biglang ngumingiti ng kusa. May anxiety attack factor on the side. Indi ka mapakali, meron kang gustung laging nakikita at kahit marinig lang ang boses iba ang saya, parang may malamig na haplos. Iba sa normal na pakiramdam. Kung dati, ok na sayo ang manood ng tv with matching chips at softdrink tuwing weekend. Ngayon, may mga lugar ka nang pinupuntahan at laging may inaabangan sa cp, telepono, email at ym. Lagi kang excited, kahit mainit ang panahon indi maalis ang smile…para itong naka-tattoo. Pag ganito na ang pakiramdam mo…ito na ang unang pag-atake ng puso mo.

Attack #2: Bulls eye! Ang estado ng puso kung saan ito ay nagpumiglas na para magpatihulog na indi man lang kumukunsulta sa amo niya. Dito nate-test kung gaano ka-independent ang mga puso natin. Risk taker. Walang takot. Walang kaba. Sumusugod kahit kulang ang bala. Walang kasiguruhan at kahit malinaw pa sa sikat ng araw na talo siya sa laban, sige lang dahil sa ganitong estado…there’s nothing to lose. Itotodo na lahat hangga’t meron. Bakit? Walang pero. Walang bakit. Walang dahilan. Isa lang direksyon lang ang tinitingnan at kahit may mga humps, construction o kahit ano’ng sagabal. Kung may patibong man, ready na sila mag-dive in…plunge at mag-sink dahil ito na ang moment na pinakahihintay nila. Ang sitwasyon at lugar kung saan walang masakit. Lahat kayang lampasan. Lahat kakayanin.

Attack #3: Paranoia. Akala ng puso na sumugod sa laban, lagi siyang nasa cloud nine. Laging masaya. Laging may bertdeyan. Laging piyestahan. Nakalimutan niya na minsan indi laging masaya ang mga okasyon kasi bumabagyo din. Walang handa. Ang mga saklaan, nire-raid din pati na ang mga beerhaus at sauna. Minsan ang mga pinggan at ang ilang kagamitan sa bahay, nabubulabog sa paglipad-lipad. Mga tawag at text na walang reply. Mga tanong na sinasagot ng tanong din. Ang ulam na tumatabang. Mga bulsang butas. Mga problemang walang lunas. Cellphone na dedbat at walang load. Mga damit na namanchahan. Mga pusong sugatan. Nilalamon ng duda, inggit, insecurities, selos,  at ang pinakasikat na pride. Ngayon, naalala na ng pusong sumugod ang pakiramdam na masaktan. Maisantabi. Malinlang. Masugatan. Ngayon, sinasabi niyang ayaw na niyang magmahal. Pati si Kuya Jesus nakukuhang tanungin kung bakit. Kinukwestyon. Hinahamon. Nawala na yung tapang. Nawala na yung spirit. Nawala na yung love.

Attack #4: DOA (“Dead On Arrival”) Anu ba ang pakiramdam ng pusong sugatan na binuhusan pa ng alcohol at dinaanan pa ng pison? Pinipilit tumayo pero indi pa rin magawa. Hindi dahil sa ayaw kundi dahil hindi alam kung saan magsisimula. Ang pakiramdam na wala ng rason para ituloy ang buhay. Ang iba sa inaatake ng DOA, sa Sarhento Mariano ang bagsak. Ang iba naman ay sa Hospicio de San Jose. Meron din sa mga madidilim, maiingay at indi magkariningang lugar tulad ng club at bar. Sa mga pusong nakakapag-isip pa ng maayos, makikita sila sa loob ng simbahan. Indi nawawalan ng makakausap. Mga kaibigang takbuhan…hingahan…karamay sa lungkot with matching alak on the side. Ang buhay ginawang routine, trabaho-bahay,bahay-trabaho. Ang pusong dating matapang, ngayon wala ng buhay. Dapang-dapa na. Nabura na ng depresyon ang dating sigla. Indi na makangiti. Nawalan na ng pag-asa. Sinumpa nang umibig ulit. Sumuko na. Umayaw na. Tinanggap na ang pagkatalo.

Attack #5: REBORN. At sinung makakapagsabing ang mga puso ay marunong magtanim ng galit? Kahit anung sakit ang dinaanan ng puso. Kahit na saksakin ito, ipagtatwa, ipagtulakan, ibigti, iligaw, at ipapulis….iibig at iibig pa rin ito. Walang sinuman ang pwedeng pumigil dito. Walang makakapagsabi dito kung anu ang dapat at indi dapat para sa kanya. Puso lang siya pero napakalaki ng parte niya sa desisyon pagdating sa pag-ibig. Unang-unang binibigyan ng konsiderasyon. Nasasaktan pero indi nagtatanim ng galit na parang walang nangyari. Basta masaya, indi mo matitinag. Prenteng-prente, walang inaalala. Pero pag nasaktan naman, parang kinawawa. Pag umiibig, parang wala ng bukas. Indi tumitigil hangga’t indi nakakahanap ng mag-aalaga, tatanggap at kukupkup sa kanya at magpapatunay ng salitang poreber. Yan ang puso. Makulit. Mapusok. Paulit-ulit.

Ayon kay Bob Ong, ang puso daw ay ginawa para mag-pump ng blood na nagsi-circulate sa katawan ng tao kaya indi natin dapat isisi dito kung anuman ang sakit na dulot ng pag-ibig. Wala siyang kinalaman dito kasama na ang iba pang parte ng katawan natin. Love is a feeling, not a decision. Pag pinasok mo ang isang sitwasyon…utak at emosyon mo ang gumagana. Kung naging matagumpay ka, swerte. Kung indi, weder-weder lang yan. Better luck next time. Ginagamit lang natin ang puso para meron tayong sisihin when in fact walang ibang may sala kundi ang sarili natin. Masarap umibig, ito na yata ang isa sa pinakamasarap na parte ng pagiging buhay. Isang regalong masarap buksan. Isang bagay na hinahangad ng lahat. Walang nakakaligtas sa atake ng puso. Walang taong indi inatake ng puso. “It’s better to have loved and lost than never to have loved at all.”

Good luck sa mga aatakehin ng puso, i hope you’ll make the right decisions.

 

19 thoughts on “HEART ATTACK

  1. Kung atake sa puso ang tawag pag nainlab… (hingang malalim) cguro yung puso ko parang pusa. May 9 lives… kahit ilang beses nang namatay.. nabubuhay at nabubuhay uli parang resurrection…only to find out na babaragin na naman ng baseball bat ng kahit sinong mahalin niya. Pero yung puso ko pag nadurog para lang nagpagpag ng alikabok tapos go na naman.. ang tapang. lagi namang bugbog.
    Pero pansin ko lang ah.. siguro dahil immune na rin yung puso ko, pansin ko lang antagal na from the last time na nainlab ako.. heartbreak proof na ata siya. matibay na…namimiss ko na mainlab!



    uu nga, ang tagal mo nang nagpapahinga. masarap ang mainlab. nakakamiss. sana mahanap mo na rin ang para sa yo friend.😉

  2. weeee! safe na ako sa heart attack. gradweyt na ako diyan. hehe.. although i must admit na hindi ko naranasan ang DOA at reborn dahil si sarge lang naman talaga ang naging una at magiging huli kong pagibig. (suka.. hehe.. korni)



    prenteng-prente ka na ba sa posisyon mo? hehe nice naman…ako din gustu ko na ma-prente….ayoko na maghanap ng iba…nakita ko na kasi siya.🙂

  3. wooo!
    di ako makarelate joke!

    hmmm…
    bobo ako pag dating sa ganyang mga bagay!
    hindi ko alam kung saan ba yaong sa akin dyan???

    ang labo eh!

    wapakkkkkkk!!!



    uu nga bata ka pa…eloi…aral muna.

  4. huwOw !!!! i love this entry… nyahahaa!😆

    grabe pren halos lahat yata ng attack na yan nadaanan ko! huwaaat??

    nice bravo! napa huwOw mo ako !😉

    @ teacher zapped ang tibay ng puso mo! parang yun sa akin din wahehe! magmahal ka na ulet!😉



    salamat lambing!🙂

    sana may napulot kang kahit anu na useful para sayo hehehehe….

  5. basta ako inatake na, ikaw ang salarin! mwah!



    haha! ako ba talaga?? jowk! shempre naman at dapat lang….marami na rin kasi ang nangyari. na-prove na ba natin sa kanila?? indi pa siguro. we still have a loooong, long way to go. kudos to us!

  6. paano yung mga inaatake habang nakikipagtalik?

    oh teka, bago tumaas ang kilay ipapaliwanag ko.

    Yun bang you don’t love him/her pero once na may nangyari na sa inyo, you suddenly feel this “good vibes” about your fuckner and hopefully it will develop into something good?

    Matatawag ba nating atake yan, o libog lang?



    wahahaha….!

    sabi ko na nga ba, basta ikaw ang nagcomment…wholesome talaga!😆

    pero sana nga in between oohhs and aahhs, ma-realize nyo na pwede rin pala maging kayo indi lang dahil sa feel good kundi from what’s in ur heart na rin.🙂

  7. Nako… nagbasa pala ng comment ko si Pupil Lambing, hehehe matigas na ang puso ni teacheR! dati kasi madali lang ako naiinlab… kaso masama pala sa kalusugan yun… kasi minsan-no, madalas ikaw lang lagi nadedevelop magi-isa, tapos yung lab mo wala lang parang puno… friendship level pa rin samantalang ikaw to the highest level na.

    kaya hinay hinay lang. wag pilitin ang puso… pasasaan bat darating din yan.( asa.)



    haha! parang ung nangyari dati kay….ano, saka yung kay…ano. haaayyys, darating din ang right person for zapped my dear.🙂

  8. napadaan lang po..
    uh..wala bang moving on stage? nyehe..



    siguro carl, kasama na rin yon sa reborn. ni-shortcut ko na lang hehe…pero shempre naman merong moving on stage….napakamasalimuot ng stage na yan…ako lagi tumatakbo sa backstage eh.🙂

    salamat sa pagdaan.🙂

  9. ayos sa combination ng tanong at mga illustration. anime , anime, anime!

    siguro lagi akong sa attack 1…wala lang parang saka ko lang malalaman na feeling pala ako sa isang tao ng hindi ko rin alam. tas hindi ko rin ura-uradang sinisunod…wahehehhe…

    parang thumbtack lang sa tsinelas…



    hehe…hitokirihoshi…nainlab ka na ba?? hehe, tanong lang naman.🙂

  10. i smell someone is INLOVE… ikaw ba yun aling baby? bakit ganyan ang thema ng blog mo? heheheh… pero well researched a… hehehe galing!



    uyy, matagal na ko in love pero with the same person hehe…healthy daw ang relationship pag ganun haha. ni-share ko lang naman.🙂

  11. ang ganda ng anime pic ng bulls eye…para silang nasa cloud 9..
    sabi nga nila..wag sisihin si puso dahil si hypothalamus naman daw tlga ang may salarin..hehe



    haha…naman! minsan talaga pag sawa ka na sisihin ang sarili mo, naghahanap ka na ng ibang bagay para sisihin para naman mejo gumaan ang loob mo ng onti.😆

  12. shoottt!
    sapol na sapol ako!

    wahahaha..

    nasa REBORN na ako..
    oha oha…

    hahaha…

    magandang post to ate shaaa..
    parang nafeel kong me ate ako na nangangaral..
    wid matching piksyurs pa..

    hehehe..
    hindi halatang nageffort ka..😆



    haha, uu nga indi naman mashadong effort to, onti nga lang eh. huwaw naman at nasa reborn stage na siya….keep up the good work ayyzz, konti na lang at balik bull’s eye ka na naman nyan haha.

  13. Was shocked..nasa attack #1 palang ako!!!

    Sa ngayon medyo mild palang kung umatake, pero I admit masakit parin kahit mild lang..
    nagaalala ako na baka maipon yung mga mild attack tapos sa sunod na attack stroke na naman ako,
    kakagaling lang nito ehh..3 years din hintay ko para makarecover..
    OK lang..gaya ng sabi mo..ang puso. Makulit. Mapusok. Paulit-ulit.
    heheheheh…kaya pa naman..marami raming atake pa kelangan bago to huminto at mamatay!



    wag naman roxanne…bata ka pa.🙂

    marami ka pang indi naeencounter pagdating sa mga attacks na yan. kahit na masakit yan eh, indi naman natin pwede i-deny na you didn’t enjoyed it while it last diba?😉

    sometimes it’s fun to be miserably in love.🙂

    salamat sa pagbisita.🙂

  14. nice blog…

    Heart attack..lahat ata ng stage nadaanan ko n hahaha..

    Sa ngayon asa Stage # 3 ULI ako…

    naalala na ng pusong sumugod ang pakiramdam na masaktan. Maisantabi. Malinlang. Masugatan.

  15. hello, aling baby,

    nakakatuwa naman itong komposisyon mo, ang daming sakop at ang husay ng imagery – well done.🙂

    may sinulat rin ako, may hawig yata rito – lagi mo rin ba akong mamahalin ang title. but i guess, mas malawak ang compass nitong sinulat mo. nasa wealth ng experience kaya ‘yon?😉 just my thought… ^^

    ask ko lang, ba’t sa stat ka lang nagpapakita pag pumupunta sa site ko? naku -curious lang… ^^

    thanks for dropping by and have a happy weekend. regards!🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s