Buhey nge nemen…

 

Alam ko in your  20, 30, 40 years sa earth…marami kayong mga hindi malilimutang tao, bagay, hayop, lugar, karansan at pangyayari (parang noun haha.). Diba nga? Ang iba dito masarap alalalahanin. Kung pwede nga lang na panoorin ito na parang isang palabas sa sinehan, siguradong magdadala ka pa ng popcorn at softdrinks. Pihadong marami kang ipapamigay na tiket para indi ka na mapagod sa pagwento.

Pero kung may mga magagandang at masasayang alaala, pwede ba namang mawala yung mga malulungkot, masalimuot, nakakahiya, at nakakalurking mga pangyayari sa buhay mo? Ito yung mga tipong kung pwede lang sanang ipabura o kapag nalibing na sa limot eh indi mo na kahit kailan maalala pa. (brutal mashado ‘to.) Pero malay nyo in time magkaroon na rin ng pambura ng mga indi mashadong magandang memories diba? Yung tipong uupo ka na lang tapos bahala na sila magtanggal base sa listahan na ginawa mo.

Shempre, sinu bang gustung maalala na minsan sa buhay ng isang grade 1 o grade 2 student na indi napupu sa salawal sa indi maipaliwanag na dahilan. Tinawag sa recitation na walang maisagot. Nadulas sa harap ni crush. In-announce na isa sa pinakamababang score sa exam. Pinalabas ng classroom dahil walang dalang libro, papel o project. Pinakanta o pinasayaw sa harap ng klase. Sinermunan sa pagiging late o absent. Pinag-report ng isang mahirap na topic. Pinag-solve ng math problem dahil nakikipagdaldalan sa katabi. Binato ng chalk, eraser, notebook, libro o blackboard(haha!) dahil sa kakulitan. Marami pa tayung mga eksperyens sa lalo na nung tayo’y mga estudyante pa na kahit na nakakahiya, indi ka pa rin makapaniwala na ikaw talaga ang may gawa nun.

Sa trabaho, nandyan ang masabon ng bosing sa palpak ng mga ito na pinapasa lang sayo. Pag may mga newly hired employees na mas mataas pa sayo ang sweldo gayong limang taon ka na sa kumpanya. Naging topic sa meeting o di kaya ay umpukan ng mga tsismosa sa loob ng canteen/pantry. Pero wala ng mas tatamis pa pag nakasali ka sa listahan ng mga retrenched, para ka ngang nanalo sa lotto dahil sa makukuha mong kabayaran sa ilang taon na ibinigay mo sa kumpanya pero pagkatapos nun, wala ka ng trabaho hehe.

Sa pang-araw-araw na buhay natin, maraming nangyayari na indi natin kontrolado. Kung may araw na pagkabuenas mo at nakapulot ka ng 500 pesos habang yukung-yuko ka kakaisip kung san makakahanap ng pamasahe mo bukas. Minsan naman, sa pagmamadali makakatapak ka ng mga pampaswerte rin na galing sa mga asong tinamad pumunta ng cr.

Iba-iba ang nangyayari araw-araw. Kung anu ang nangyari kahapon, indi na yon mauulit kinabukasan. Halimbawa, sumweldo ka kahapon..naturalmente, indi ka na susweldo kinabukasan, masaya ka hehe. Kaya we have to make each day count. Saka ang mga memories na yan, maging masaya man o malungkot, parte pa rin sila ng buhay natin. Minsan masarap maalala. Mapapangiti ka na lang dahil na-realize mo na sobrang tigas pala ng ulo mo noon na indi ka kayang pigilin ng nanay at tatay mo pero natuto ka pa rin. That’s life eh. Kaya nga ba kahit na masaya, malungkot, depressed, stressed, maligalig, natatakot, masama ang pakiramdam, brokenhearted, kinikilig, hinihika, kinakabag, kinakati, nanlalambot, may malalim na iniisip o sakto lang…isa lang ang ibig sabihin nyan….kase buhay ka at yan ang pinakamasarap na pakiramdam. Ang mabuhay sa mundong ito diba? Tama, mali?

 

28 thoughts on “Buhey nge nemen…

  1. uu buhey nge nemen.. at napangiti ako nung binasa ko yun.. napangisi pala hehehe…..

    ang pinagsisisihan ko lang yung bang hindi ako natulog nung pinapatulog ako twing tanghali ng nanay ko. pero ngayon kelangan ko ng tullooggg!! waaa..

    Hmm ako nun, nakigaya lang sa pagihi sa skirt ko.. ahehehe nauso kasi yung elementary ako LOL



    ay tama ka dyan angel…ako din kulang sa tulog! kung bakit kasi mas inuna pa ang maglaro haha. saka indi naman talaga kailangan lagi kang nasa uso. may kanya-kanya tayong discretion.🙂

  2. hai..buhay nga naman! parang pelikula…minsan, ikaw ang bida. minsan ikaw ang kontrabida…pero kahit ano pa ang nagiging papel natin..ang mahalaga ay kung papaano natin ito ginagampanan..hehehe..

    parang walang sense sinabi ko….hay..buhay!!!



    pwede bang minsan ikaw na lang ang manonood? hehe, sana nga pwede ang ganun.

  3. huwaw!
    im so bilib to you!

    Ang lalim ng meaning!

    nyemes!

    Ang buhay ganyan talaga!

    kelangan may sadness din para naman may thrill ang buhay. para kulayful din naman!

    dabah???



    pag walang malulungkot, diba para naman tayung mga baliw-baliwan nun? indi normal. parang indi tao hehe..

  4. ay buhay nga nman parang bull****, pag gus2 ka pagtripan ng buhay mo , bibigyan ka ng walang katapusang problema.. pun****



    kewl ka lang mine…ampuso mo!🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s