Kaadikan

weird
weird

 

Eto ang iilan sa mga kaadikan ko. Indi ito pawang kathang-isip. Indi rin ito pauso. Sadya lang na may mga gantong pagkakataon.

Pag sinusumpong ako ng kaadikan ko sa pag-blog, chat at net surfing…ang off ko, buong araw kong itatambay sa harap ng kompyuter. Dedma ang 48 degrees na inet ng panahon dito basta kompyuter ang kaharap, wala na kong ibang nakikita. (peace mine!🙂 )

Minsan, kahit na pagod galing opis at alam kong marami ang haharapin kong lilinisin…magpapalit lang ako ng damit at buong puso ko yang haharapin hangga’t kaya ko hehe. Wala kang makikitang trace ng pagod, parang adik lang haha.

Adik sa paggo-grocery. Ewan ko ba kung bakit tuwing weekend parang nangangati ang paa ko papuntang grocery. Gustu ko laging may laman ang ref at pag nakikita kong yelo at butter na lang ang natitira, mangungulit na ko nyan na mamili na. Kase naman, ang layo ng bilihan dito at dapat alamin ang lahat ng kailangan kasi indi naman dito tulad ng Pinas na bawat kanto may tindahan. Ang mini grocery nga dito may free delivery dahil sa tindi ng inet ayaw lumabas ng mga tao haha.

Pag dinala mo ako sa mall, asahan mo na lahat ng boutique papasukin ko. Adik. Walang masakit na paa sa pag-shopping noh haha. Mararamdaman ko na lang ang pagod pag palabas na ng mall hehe..lalo na pag pinipilit na ko umuwi ni Lablayp hehe. Ayun, pakiramdam ng uminom ng energy drink tapos nawala na ang epekto parang ganun lantang gulay.

Pag may naisip akong isang bagay, indi pwedeng indi ko yon ito-tolerate kasi mapa-praning ako pag indi. Parang adik lang. Either gustung lutuin, kainin, puntahan at gawin. Eto ang madalas na dahilan ng WW2 sa bahay. Dakilang pasaway kasi.

Indi ako makausap lalong lalo na pag may topic na naglalaro sa isip ko na gustung-gustu ko nang isulat at natatakot na liparin ng hangin ang idea na yon. May memory gap na yata kasi ako kaya ganun.

Pag nagbalak ka magtanong ng isang bagay, tao, title ng movie-kanta, singer, ulam, lugar o kahit anu na nasa dulo na ng dila mo…amf, sana wag mo na ko idamay kasi kung nagkataon na alam ko rin pero nasa dulo rin ng dila ko…indi ako makakatulog kakaisip nun.😦

Pag meron akong natikman na masarap na dessert, ulam o kainan…yon ang lagi kong kakainin/kakainan hanggang maumay na ko sa kanila.

Minsan sa kalagitnaan ng wentuhan at may naalala akong isang bagay na gustung i-share, by the time na tapos na ang kausap ko sa sinasabi niya…nilipad na ng hangin yung sasabihin ko haha, as in indi ko na talaga maaalala kahit alugin mo pa ko.

Sa tagal ko na yatang indi umiinom ng alak, pag may inuman dito at inalok ako, para akong nagka-phobia dito sa sobrang pagtanggi ko haha. Ang weird, kahit lasa ayoko na maalala.

Hirap ako makatulog pag maingay, pero pag nakatulog na ko…pwede na kau mag-ingay kasi bukas na ang gising ko. Kahit bumirit pa kayo sa videoke, keber haha.

Yung iba pag may sounds sa gabi, ginagawa nila itong pampatulog pero ako pag may sounds…indi ako makatulog kasi sinasabayan ko yung kanta at nag-aabang ng magandang kanta na kasunod haha.

Marami-rami na pala ito, kung indi ko pa nisulat, indi ko pa malalaman na ganto na pala ka-grabe mga kaadikan ko hehe. Yung iba kasi dito, indi ko na napapansin kasi parang normal na sakin. Ganun talaga siguro pag nakasanayan mo nang gawin, feeling mo normal ka pero indi. Marami rin sa inyo ang may ganto kahit papanu. Indi kasing weird ng sakin pero imposibleng wala diba?😀

20 thoughts on “Kaadikan

  1. nakaw.
    halos parehas na parehas tayo
    Aling Baby.
    pwera lang sa pagsha-shopping.
    Wala akong tiyagang gawin
    yun eh!
    hehe..



    yung pinakamasarap gawin pa yung pwera hehe pero ok na rin kasi tipid na wala pang maraming pagod.🙂

  2. ako marami akong kilala na adik sa http://www.tv-video.net hehehe isa ako dun at nakakalungkot dahil sa kaadikan ko, kailangan ko mag antay ng september para sa bagong season ng csi miami huwwwwaaaaa!!!!



    haha ako adik din dun. wala ka choice, sabayan mo na ko sa season 5. ayus naman kasi maganda ulit-ulitin eh.😉

  3. Hahaha.. nakakarelate ako. Alam mo bang binanagan akong autistic(tama ba spelling?) dito sa office kasi 1 hr pa lng nandito nako sa office( actually sa pantry kasi free internet access) tapos pag lunch break ko blog na naman kahit hindi pa kumakain. pag may natirang 5 mins bago ako uli mag-in tsaka ako kakain!hahahaha! at kahit mga 15 mins break na animoy isang kisap mata lang kabilis…. blog pa rin! kesehodang overbreak na jan maka-update lng. (alam mo naman yan diba? araw -araw kaya tayo magkausap nyahahha!)
    Hinahabol mo kasi yung mga elusive ideas na biglang pumapasok tapos biglang mawawala pag hindi mo nahuli. parang fairy godmother na mawawala parang bula.



    uu pre, certified adik ka na nga sa blog haha. sabi ko sayo, hinay-hinay lang kasi prone ka talaga sa addiction lalo na wen it comes to writing. buti na lang at talagang indi ka pa nate-trace sa pag-overuse ng facility sa ofc nyo nyahaha.

  4. normal lang po ang pagiging weird o adik… ang pagiging weird o adik ay normal…

    huh??? no daw yun???

    kasi sa mundo ngayon yung normal yun ang hindi normal at yung hindi normal yun na ang normal.

    huh??? ano uli yun???

    hay naku basta ayos lang po yang ka adikan at kaweirduhan na ginagawa niyo basta hindi nakaka perwisyo!!



    waaaahh, naguluhan ako dun ah haha. aba’y indi naman siguro. may advantage at disadvantage din pero yung iba di sinasadyang pang-asar lang hehe..

  5. ui mami babes magkakasundo tayo. nyahhaa. adik din ako sa pag go-grocery, saka hindi rin ako inaantok sa music. nux ibva talaga pag magaganda daming similarities. nyhahak.. [ ang magreact panget ]



    haha, indi ako makapag-reak. (sineryoso!)

  6. pareho tayo adik sa paggogrocery, adik rin akong pagkumparaparahin ang mga presyo at contents ng different brands ng isang good.

    hate ko din na di maisip yung kanina pang nasa dulo ng dila ko. bigla na lang ako tatahimik para pagtuunan ng matinding pag-iisip yung bagay na yun kasi pag di ko nalaman di rin ako mapakali.



    ay tumpak ka dyan. dati, indi ako mashado conscious sa mga presyo pero ngayon kulang na lang calculator haha adik!

  7. naks. parang sarili ko may gawa ng entry na toh ah. ganyang ganyan rin ako, pramis. lalo na yung sa grocery part at yung sa di makausap pag may naglalarong idea sa isipan part. long lost sister, isdachu?



    haha! ate? ikaw ba yan? ganto ka rin kaadik? hehe, ang dami na natin. kala ko pa naman nag-iisa lang ako. indi pala!! dapat pala nilagay ko dito yung pagkaadik ko rin sa pagbabasa ng posts mo hehe.

  8. korek ka diyan… lahat ay may ka-weirduhan aminin man o hindi…tama lang yung trip basta kaya at hindi nakakasama ng mabuting-mabuti.



    uu naman, basta konting nakakainis lang..indi na pwedeng lumampas dun kasi pag ganun, ibig sabihin abusada/o ka na diba?🙂

  9. ako din, di ako mapakali pag may tinanong taz di ko maalala ang title, para akong binabalisawsaw at gus2 ko maghuramentado! Lols



    binabalisawsaw? ngayon lang ako nakarinig ng ganung reak hehe tapos maghuhurumentado? haha, kakaiba ka talaga.

  10. Ako adik ako maglaro ng “bomberman”, yung larong pang bata (if you know). Enjoy kasi kahit pauulit ulit at alang kwenta. he.. he.. ganun naman pag adik kahit alang wenta sege lang ng sege! ahahay!

  11. wahahaha. nakakatuwa naman tong poast na toh.. parang nagmamadali.. basta. wag mu na lang akong intindihin. austistic lang ako. hahaha!

    “…indi ako makatulog kasi sinasabayan ko yung kanta at nag-aabang ng magandang kanta na kasunod” — hahahaa.. pareho tayu! apir!!!!😄



    *apir baa-baa-batopik!
    mabilis lang ‘to..parang si-me-co haha…
    pareho tayu kung kelan matutulog na saka pa nag-soundtrip hehe..namimiss ko na yung 96.3 WROCK!

  12. eto gusto ko tong post na to.
    kaya kakarerin ko ang pagkokoment ko.

    kagaya mo adik rin ako sa kompyuter. kakalaro ng online games. naalala ko, dati nakaya kong hindi natulog ng apat na araw kakapalevel ng online character ko. bwahahaha..katakot takot na sermon ang inabot ko sa mahal kong ina.
    maliban sa adiksyon ko sa kompyoter, naadik din akong kalikotin ang tenga ko. wala lang. basta nabobored ako, nililinis ko ng nililinis ang tenga ko na para bang wala ng bukas. bwahahaha…adik ako sa mani. basta pag me nakita akong mani, nilalamon ko na kagad.

    ayon…😀 masayang maging adikk😆



    indi mashado halata ayyzzz…indi talaga haha. pareho kayu ng ate ko na trip maglinis ng tenga pampaantok. ayus pala pasalubong sayo ang mura lang…sige, bibigyan kita ng isang bag ng mani para manawa ka. haha.😛

  13. …nyahaha, ako din adik sa grocery. mas nageenjoy pa ako grocery kesa shopping. hilig ko magimbak ng pagkain e.=)
    …as in kaya mo magsleep kahit maingay? good for you, sana ganun din ako..nyahaha. nakaear plugs ako e.=)



    ayy pareho tayu dyan sa pag-imbak ng pagkain, kasi minsan pag nagutom ako at anu maisipang kainin haha. at talaga namang may ear plugs ka pa. kakahiya naman mag-ingay sa inyo hehe.😛

  14. haha, ang saya. ako din pumapasok sa lahat ng tindahan. at pag may naiisip akong bagay na alam ko pero hindi maalala kung ano yun, hindi ako titigil hanggat hindi ko naaalala. parang feeling ko nababawasan ang pagkatao ko pag may nasa dulo ng dila ko na hindi ko naman mailabas-labas.



    naman, nakakaasar pag ikaw pa ang napagtanungan kasi parang sinabi na rin nila na masiraan ka ng ulo haha..salamat sa pagbisita.:)

  15. hehehe//pareho lang tayong adik sa net,aling baby..normal lang yun..hehehe=)



    ambilis kasi ng oras pag me pinagkakaabalahan ka. meron ka na ba song sa fs mo?🙂

  16. hehehe ako din aling baby adik s net at pggo-grocery/shopping…

    kya ko humarap s harap ng compyuter mgadamag kesehodang mei pasok p bukas – at pati s office nk-open lahat ng sites (frendster/multiply/blogsite/YM at etc)

    s grocery, nd ako mpkali pg me kulang s loob ng fridge…dapat lagi me stock ng food mhirap nga kc palabas-labas…

    shopping? pg cnumpong ng kati ng kamay hehehhe todo shopping…buti n lng nd2 kmi n honey s UAE – s pinas nd nmin mggwa ito…



    huwaw ang ‘steeg naman…(kala mo indi ko gawain hehe) san kau dito sa UAE?

  17. nakupo, pareho lang tayo aling baby, ako rin adik rin, sa tv, sa internet, sa window shopping, sa grocery kaso di gaya mo at least walang laman eh may laman pa pero shopping pa rin ;( masama na ata tong kaadikan ko ah!



    haha, uu nga magastos kasi.

  18. Pareho rin pala tayo ng mga kaadikan, aling baby🙂 Pwera na nga lang yung ukol sa alak (dahil bawal ang liquors para sa mga underage na tulad ko :P)

    Iba ko pang kaadikan ay ang pakikipagdaldalan sa mga prendships ko. At syempre, magsulat sa blog at ituloy ang aking nobela ^_^

    Adik rin ako sa boutiques! At syempre, hahalughugin ko ang bawat shops para lamang makakita ng “ideal dress”😛



    pareho lang tayung walang alak, quit na ko dyan eh hehe..pero sa shopping..?? window lang haha.

Sarado na ang mga puna.