Kelan ka dapat at indi dapat umepal?

hmmmpft!
hmmmpft!

 

Napapansin ko kasi na marami sa atin ang mahilig makisawsaw sa mga bagay o isyu na kahit bali-baligtarin natin ang mundo eh indi naman talaga karapat-dapat na pakialaman. Kapuna-puna ang kaepalan kahit na maliwanag pa sa sikat ng araw na indi naman kailangan sumali eh pilit pa ring isinisiksik ang sarili na parang mga ipis na sumusuot sa isang butas habang ini-spray-an ng baygon. Nakakatawa. Isang patunay na kahit walang pera sa pag-epal, napakarami nila at bukod sa ginagawa nila itong hobby, ito rin yata ang stepping stone nila para ma-discover ng mga talent agent.

Minsan tuloy nalilito ako kung anu ba ang gustu nilang mangyari…Ang Magpatawa lang (payaso itu..) o Ang maging eksenadora/o (haha toilet bowl??) lang kahit sandali, parang 30 secs. to Fame ang dating. Kaso laging ang baho ng pasok. Imbes na makatulong, kadalasan ito pa ang sinisimulan ng mga indi magaganda pang eksena. (siguro yon ang gustu nila ayaw pa magpahalata.) At pag ganun na ang palabas, ang sarap maglipat ng channel o kaya makinood ng palabas sa ibang bahay…o minsan basagin mo na lang yung eardrums mo para tuluyan ka ng walang marinig.

Napakahirap ba talagang magpatay-malisya sa mga bagay para lang maging peaceful ang mundo na iniikutan? Mabigat ba mashado kapag mas inuna mo ang mga bagay na magpapasaya sayo kesa sa umepal? Pwede bang minsan wag mo nang isipin na lahat ng bagay eh patungkol sayo? Dahil sa totoo lang, no offense pero sobrang indi. Kung nakakabingi ang katahimikan kaya ka nag-iingay na parang nu yir para lang mapansin…please lang spare yourself. Kasi sa huli, walang ibang magmumukhang tanga kundi ikaw lang. Walang aako sa posisyon na yon para sayo.

Every action has an equal and opposite reaction. Kung ang pag-epal na lang ang natitirang paraan para sumaya ang araw…sana isaisip natin na indi lahat ng tao mababaw ang kaligayahan. Indi lahat ng nakakatawa para sayo ay nakakatawa rin sa iba. Indi lahat ng akala nating tama ay tama rin sa iba. Marami tayung maling akala sa buhay natin. Madali maging tao, mahirap ang magpakatao. Walang ibang nagpumilit kung bakit tayu nasa isang sitwasyon kundi ang mga sarili natin. Mahirap maintindihan ang mga bagay na sadyang ayaw lang intindihin at walang ibang gagawa nun para sa’tin kundi ang mga sarili natin.

At sa susunod na nagbalak kang umepal sa isang sitwasyon, tingnan mo muna kung wala kang masasagasaan dahil indi laging pasko o bertdey mo para ma-abswelto ka. Kung iniintindi ka nila palitan mo naman ng pag-intindi dahil tulad mo, hirap din sila magpakatao para sayo.

 

26 thoughts on “Kelan ka dapat at indi dapat umepal?

  1. hindi nga maganda kung at the expense of another person eh maaliw ka o mapapasaya mo ang ibang tao. buti pang sarili nalang ang gawing katatawanan hindi ba?

    “…Every action has an equal and opposite reaction. Kung ang pag-epal na lang ang natitirang paraan para sumaya ang araw…sana isaisip natin na indi lahat ng tao mababaw ang kaligayahan…”

    isang bagsak para sa mga katagang binitiwan! walang sing totoo! siyang tunay!



    i, thank you…bow!

    haha, uu nga eh…dapat paminsan-minsan kurut-kurutin nila ang mga insensitive na pagmumukha para magising ng onti haha.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s