Gitarista

 

Paborito kong musical instrument ang gitara. Naalala ko nung 3rd year hayskul ko nung pinayagan ako ni mama na bumili ng gitara na halos ganto ang itsura.

Nilagyan pa ni kuya ng pangalan ko. Puro basic lang naman ang natutunan ko kasi indi naman ako nag-formal guitar lessons. Binigyan lang ako ng chord guide at song book ng pinsan ko bahala na raw akong mag-aral kasi kung talagang gustu kong matutunan, magagawa ko yon dahil sa perseverance. Ayon, awa ni Kuya Jesus, natutunan ko ang pinakamadaling kanta noon na “Line to Heaven ng Introvoys haha, not bad for a first timer. Bago ko naman natutunan yun, sumakit lahat ng fingertips ko at dahil nga sa indi ako tumitigil hangga’t indi ko mabuo ng walang palpak yung kanta na yon, kinalyo na rin ang mga ito.

Puro strum pa lang ang alam ko gawin kasi indi ako biniyayaan ng mahabang daliri para mas madali ang plucking hmmpft! (nagdadahilan pa eh..) Pero kahit naman halos puro madadaling kanta ang natutunan ko masarap na sa pakiramdam yung kahit papanu mabuo mo ito habang sinasabayan ng pagkanta naks, parang jam session lang. Minsan nag-aspire na rin akong sumali sa banda kaso lang, matinding kalaban ko ang stage fright. Indi ko ma-overcome kaya mas pinili ko na lang sa loob ng kuwarto ang pagko-concert at minsan, pinaririnig ko sa mga kapatid at kaibigan ko. Yung ibang friends ko dati na marunong talaga, naturuan din naman ako kahit yung iba, puro intro lang ng kanta ang alam haha. Tipo bang intro ng Alapaap ng Eheads, shempre feel na feel mo na…kantang-kanta ka na sa unang linya ng stanza tapos sasabihin niya, “Yon pa lang ang alam ko eh.” Sabay kamot-ulo haha. Sayang diba? Buti pa nga sila alam nila tugtugin ang intro eh ako indi. Ang pinakapaborito kong natutunan eh yung song ng IAxxe na Ako’y sa’yo at Ika’y sa’kin. (naks!) Ang galing ng nagturo sa’kin nito kasi talaga namang nabuo ko siya at mabenta sa bahay namin dahil paborito ng kuya kong kantahin. Ginagawa ko siyang bokalista haha, diba fulfilled na rin kahit papano. Kaya nga laking pasalamat ko kay Lablayp hehe..siya kasi ang nagturo sa’kin.🙂

Marami pa siguro akong matututunan, kung indi lang talaga nabasag ang gitara ko.😦 Aksidenteng natumba siya nung nag-akyatan sa kuwarto ko ang mga pamangkin na makukulit. Naiyak pa nga ako nun kasi shempre, close na kami eh tapos mangyayari yon. Indi na ako nakabili ulit at mas nakukuntento panoorin ang mga kaibigan na magagaling talaga at nakikikanta na lang. Kinalawang na nga yata ako hehe. Nakakahinayang rin na indi ko na natuloy di sana kung tinuloy ko magiging kasing galing ako ni Sungha Jung, 11 year old kid from South Korea. Pinakita lang sa’kin ito ng isang friend at nung pinanood namin…talaga namang nakakabilib! Sa edad niyang yan, panu niya kaya natutunang tumugtug ng ganyan? (Elyen ka ba totoy??) Eto po, panoorin nyo.

                                Come Together

 

                                 When september ends

Sayang, naging ganyan din sana ako kasing galing niya. Haayyzz, may mga pinanganak lang talaga na sadyang biniyayaan ng magagandang talento. Okay na ko sa pasulat-sulat at pakanta-kanta sa cr at kusina.😀

22 thoughts on “Gitarista

  1. hahaha, gusto ko rin mag-gitara nun, may guitar at organ ako nung grade 6 ako, pero di masyadong successful ang pagiging musikera ko… in fairness, alam ko lang sa gitara ang D-A-G, na pwede mo matugtog ang when you say nothing at all at leaving on a jet plane… hahaha… at nakakatugtog ako ng silent night sa organ, wahahah…



    ok yung guitar.🙂 natatakot kasi ako sa tunog ng organ haha. pero impernes ah madunong ka. bilib ako sayo!🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s