Bagong BUHAY, Bagong BAHAY

Dalawang buwan mahigit na pala ako sa pag-blog. Naks ambilis talaga, kala ko kahapon lang. Nung una eh nangangapa pa ako sa kung paanong aayusin ang mga entries, widgets, comments, blog roll, atbp. Eksheli, kelan lang ako natutong mamasyal, tumalon-talon at nakitambay sa iba’t-ibang magagarang bahay, mansion, tindahan, iskul, tambayan at umpukan. Nagsimula sa pagbasa-basa (in short, nakikischismis lang.) at nakikitawa lang. Pag minsang na-kerid awey, ayun at nakikisawsaw na sa pag-comment. Sa pamamasyal ko, marami akong nakikilala. Kahit indi ko pa sila nakikita kahit man lang sa picture, para bang ang tagal nang magkakakilala. Magkakapitbahay sa isang village na nagkakasalubong sa daan. Magkakakilala kahit indi mashado magkakilala haha, ang gulo pero ganun talaga.

Mas madalas na nauubos ang oras ko sa pagbabasa ng ibang post kesa sa pag-iisip ng posibleng maging topic para sa sariling entry. Kaaliw naman talaga kasi. Bukod sa pampatanggal inip, matatawa at marami ring dagdag-kaalaman tungkol sa mga bagay-bagay.

Nung umpisa, kaya lang ako gumawa ng blog, para lang ma-showcase ang mga barkada na binuo namin dito sa Dubai. Ang mga happenings, mga trip gawin, pinag-usapan, pinagpiyestahan, asaran, mga bertdeyan, at kung anu-anu lang. Pero nung tumagal, pagpasok ko ng pang-40th entry ko(antagal eh bago na-realize), parang bumalik yung dating ako na mahilig magsulat. Naaalala ko pa nga na nung nakabuo ako ng halos limang (kala nyo marami noh?) nobela na puros tungkol sa…LAB, san pa ba? Mga tipikal na kwentong pang-dalagita haha. Pinagpasa-pasahan pa ng mga klasmeyt ko nung hayskul, kala mo naman talaga ganun kaganda.Tinatanong pa kung ako ang totoong gumawa, sulat-kamay ko tapos indi ako ang gumawa? Amf! (Shempre indi ko sinabi yung “amf” bata pa ko nun eh haha.) Pero dahil sa nag-college na rin, napatigil ako kasi naging busy na. Isama mo pa dyan ang pagsulpot ng isang blogger na nagtatago sa alyas na Zapped. Ang bespren ko, co-writer, assistant editor, managing director..haha, taas ng pangarap. Natutuwa ako at nakasali na siya sa mundo ng WP. At isa pa…

Namiss ko β€˜to. Isang bagay na alam kong komportable ako.

At sa aking ika-69 (indi ko pa naantay yung 70 eh noh?) na entry, kasama ng pagbabagong-anyo ng bahay namin ni lablayp…ang simula ng bagong mga kwento. Minsan sirius, minsan nang-aano lang pero para sa akin ito AKO. Ayoko na ng madilim na paligid. Para kasing laging brownout sa dati kong bahay kahit bayad ang kuryente at updated ang bayad sa renta. Pagbabago maging sa loob at labas ng aking blog. Ang hirap ekspleyn eh pero panahon na rin siguro para ituloy ang buhay. Nakakamiss balikan ang mga dating nakasanayan. Marami-rami na rin ang nagbago, ngayon ko lang nakikita. Mga pagbabagong nakabuti at kung ito man ay nakasama, parte na rin siguro ito ng pagbabago. (Puro bago yung sinabi ko dun ah.)

Sana patuloy pa rin kayo sa pagbisita at pag-iwan ng mga nakakaaliw na mensahe. Ang sarap sa pakiramdam na merong nakaka-relate, nakakaintindi at kahit na indi tayo nagkakakitaan, alam ko iisa lang ang goal nating lahat…ang ipahayag ang ating mga sarili sa pamamagitan ng pagsusulat.

Salamat sa inyo mga blog mates at readers.πŸ™‚ Tuloy po kayo sa bahay kubo namin.πŸ™‚

Β 

Β 

32 thoughts on “Bagong BUHAY, Bagong BAHAY

  1. o guys nakita nyo na kung gano kacute-sy tong c aling baby??? danda n0h??? kasi nman patago-tago pa e, d din nman mapigil dhil sa hilig magpicture taking… wehehe….

    Miss you hermione! Wish ko lang sa mga susunod na mga blogpost mo, dedicated ulit sa tropa… and wish ko din, ung mga iaupload na pics eh sa abu dhabi (bahay ko) location na..πŸ˜€

    Pre, magbakasyon ka na kasi.. kaw lang ang hinihintay nmen kaya. :s

    Miss ko na kayo sobra! waaaaaaaaahhhhh!

  2. Uy lola, UAE ka din pala? Abu Dhabi po ako! Korek, minsan mas nauubos din oras ko sa pagbabasa ng mga blog at kung anek anek! he..he.. Buti nga tinuruan ako ng kapatid ko kung hindi, nasiraan na ako ng ulo dito sa opisina. Araw-araw alang ginagawa kundi tumunganga at maghintay ng kasahuran! Saan ka sa Dubai?

  3. nakakarelate ako aling baby. akala ko dati, alam ko kung saan patungo ang blog ko. one day, bigla na lang sya nagbago. i guess, nagogrow din sya, katulad ng paggrow natin. naks! hehe



    naman, watusi…ganyan ang na-feel ko kya nag-move on na ko to the next level. sana nga nag-grow na ngang talaga.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s