ANO ITO???!

 

Pag nakakita kayo ng ganito samwer sa inyong dining area… 

Anu kaya ang pwedeng maging dahilan at naisulat ito ng taong nakaiwan? hmmm?? Para namang nag-aamok lang. Eh pwede namang “Thank you”, “God Bless” o kaya eh “Teyk Ker Kos Ay Ker” ang ilagay ewan kung bakit mas napili pa nitong gumawa ng isang obra maestrang pawang mga salita at purong salita lamang. (naks naman, pa-humble pa siya at indi iniwan ang pangalan nyahahaha!!!)

Naisip ko lang, siguro naman ay may dahilan kung bakit niya ito ginawa diba? Pagbigyan na naten. O baka naman kasi…

  • A. Nakakalbo na siya kakagamit ng cheap na shampoo.
  • B. Nalaman niyang bading ang ipinalit sa kanya ng boypren niya.
  • C. Bumabaho na ang paa niya dahil sa indi paghuhugas nito pagkagaling sa lakaran.
  • D. Naligo siya ng mainit na tubig at nalapnos ang balat niya.
  • E.  Naaasiwa na siya sa kanyang mala-kontinenteng laking baskil
  • F. Asin ang nailagay niya sa kape niya kaninang umaga.

Hahahaha!!

Eh kayo, anu kaya ang unang magiging reaksyon nyo kung kayo ang makakita ng isang pampaganang pagbati mensaheng tulad nito?

 

35 thoughts on “ANO ITO???!

  1. Si Dining area mo ba ikamo nakita yang napaka religious na mensahe na iyan?

    Naku, malamang masarap yung ulam pero konti na lang natira sa kanya kaya nag iwan ng pasasalamat.

    Tindi rin niya mag appreciate ha. In fairness naman sa kanya.


    uu, sobra sa appreciation at nakapag-iwan pa ng hate love note hahaha!! k lang, da feeling is mutual naman eh.🙂

  2. Ako.!? uhmmm.. magiging masaya lalo na yung katagang Fuc* u*, Sana ako ang dahilan bakit siya nagagalit .,.hayyy.!


    wahehehe…ba naman. kaw talaga. sige pag nalaman ko kung sinu un, blind date ko kayo.🙂

  3. natawa ako sa E. hahaha😀 pero baka sobrang galit na galit sya at di nya mailabas kaya pootah😀


    at siguro napautot napadighay na rin siya sa wakas hahaha!! sana nga nilagyan din niya ng paminta parang sabaw ng adobo na. (korni!) nyahaha!

  4. Sino yang gagong yan na walang magawa sa bohay? Sa desk mo ba iniwan? Kung ako sa iyo paaabangan ko yan sa kanto! he..he.. Lapitan mo sabay tokbakan mo! Sabihin mo mas maganda sabihin mo saakin ng diretso, di yung pasulat sulat ka pa para kang high school! he..he.. Sabihin mo syet sya sabi ko!


    hahaha!! natawa naman ako dito sa comment mo palaban talaga ah!🙂 uu nga hayskul era talaga bumanat haha old skul. wag kang mag-alala jen, pag nalaman ko kung sinu sasabihin ko agad ang mensahe mo.🙂


    nga pala ang ganda ng post mo today ah. try ko ulit iwan ng comment, nagloloko kasi ung pc dito hehehe..salamat sa dalaw!

  5. gusto ko lang mag comment dun sa sumulat kasi yung una nya sulat letter f yun kaya lang naisip nya na kailangan may dating kaya caps na lahat kayo anong tingin nyo? pag isipan nyong mabuti. eto pa ayon sa mga ebidensya baka bisaya yung sumulat. o kaya meron syang p and f defect. pero malamang pinoy yan kasi may H. tsaka maraming …..


    haayy mang teban, bagong kapitbahay ah.

    wahahaha! talagang may analization na naganap. pero indi ako shur kung sa p and f ang defect niya eh…malamang sa u hahaha!!! salamat sa pagbisit.🙂

  6. naubusan siya ng tubig pangpaligo…..wahaha
    pagbigyan na natin….wink!



    ayy kamootch, kung ako man talagang mapapa-POO.. pag naubusan ako ng tubig pampaligo noh. pero indi pa rin rason para yung poo.. dagdagan ng kung anu-anu pang salita. bad un eh. haha!!

  7. napadaan lang po…

    malamang broken hearted ang sumulat niyan.. hehehe!

    o kaya walang magwa sa buhay…


    haayy yhen! salamat sa pagbisita🙂

    malamang siguro yung “walang magawa sa buhay” kasi kung meron, siguro indi ko na nipost tong entry na ‘to.

  8. Dapat sinagot mo ng ganito, Aling Baby..

    F – Friends?
    L – Lovers?
    A – Angry?
    M – Married?
    E – Enemy?
    S – Sweetheart?

    Nyahaha. =p


    wahaha, parang crush lang. sorry, indi ko siya type me taste naman ako kahit papanu haha!

  9. Haha! Parang anonymous lang na nag comment pero sa paraan ng isang Pen at Diyaryo! hahaha! Palagay ko, isang aspiring blogger yan kaya lang wala pa siyang account. Turuan mo kasi. hahaha!


    mabuti pa nga nang maging mabuting tao na siya hehe..marami siyang mami-meet na makakatulong matanggal ang vandalism habit niya haha!

  10. nangyari na din sa akin ang ganyan dati, pero hindi sa mantel (o table napkin?) isinulat yung “message” kundi sa loob mismo ng librong hiniram sa akin — tigas nga ng mukha e… pinahiram na ng libro tas iva-vandals pa yung pages sa loob😦 grrr

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s