Ang Plastik na Walastik!

Indi ako panatiko ng mga plastik. Sa katunayan, yung natitirang plastik na chest drawer namin ay pinalitan ko na ng kahoy. Bukod kasi sa indi sila in good terms sa kalikasan, ang kaledad nito ay indi ganun kaganda. At kahit anung paalala ng ilang sektor na limitahan ang paggamit ng mga ito, wala naman tayong magawa dahil pagdating mo palang sa kusina, plastik ang mga bote ng toyo, suka, mantika, yung ilang spices na nabibili natin sa mga grocery. Kadalasan, ang mga pinggan at baso ay plastik na rin para indi magastos kapag aksidenteng nababasag ang mga ito. Pag may mga okasyon, isama mo na dyan pag may outing at field trip, nangunguna ang mga plastik plate, spoon, fork, at cups  sa listahan para lang mabawasan ang pagod sa paghuhugas.

 

Pag pumunta ka sa CR, puro plastik din ang makakasalamuha mo. Mula sa tabo, balde, planggana, bote ng shampoo, conditioner, shower gel at pati na ang lagayan ng sabon. Isama na natin yung pang-ahit mo sa kung saan-saang buhok ka tinubuan eh plastik din. Alangan namang puro de babasagin ang lahat, ang sushal mo naman kung ganun.

 

Sa cabinet mo naman, ang mga hanger at sipit, ayun puro plastik. (Meron bang nabibiling babasaging hanger??) Sa dresser mo naman, ang mga bote ng losyon, powder, moisturizer, pati na ang lagayan ng deodorant haler puro plastik.

 

Kasi kung iisipin natin, mas madali kung ganito ang packaging nila. Makakamenos sa presyo, hindi mabubutas ang iyong bulsa at indi ka pa mahihirapan magbitbit pag nag-shopping. Kaya lang kahit pagbali-baliktarin natin ang mundo(nakakahilo naman yata yun.), ANG PLASTIK AY PLASTIK. Lagi na lang ba nating sasabihing, “Magdusa ka Kalikasan. Kailangan ng toyo at suka ng adobo ko.” Eh kahit naman ayaw natin, yung mga manufacturer ng mga ito ang naglalabas ng ganitong packaging. Paano na lang ang adobo kung walang toyo at suka? (indi na adobo yon.) Pero kung mapilit ka, sige…kung plastik at plastik lang din ang pag-uusapan, dito na ko sa walastik sa tibay.

 

Aminin mo, napakalaking tulong ng mga plastik sa pagpapagaan ng buhay mo. Kaya imbes na maging concern ka kay Mother Nature eh, mas inaalala mo ang magiging epekto sa budget mo. (Kahit ako guilty dito.😦 ) Kung naging mayaman sana lahat ng tao, siguro buhay na buhay ang karir ni Inang Kalikasan.

 

Kaya nga kasama na sa buhay natin ang mga plastik. Kahit siguro anu pang pagpo-protesta ang gawin ng iba’t-ibang sektor para pahintuin ang paggamit ng mga ito, mahirap na para mapigilan ito. Kung sana, sa pagitan ng pagpo-protesta ay umiisip ng alternatibong paraan…malamang siguro matagal nang naubos ang mga plastik na ito sa pang-araw-araw na buhay ng mga tao.

 

Nakikiisa ako sa hangarin na ito at sana nga ay mailigtas pa natin ang inang kalikasan sa mga problemang madudulot ng mga plastik na to sa komunidad at kalusugan. Kawawa naman ang mga susunod pang henerasyon na indi na makakasimoy ng sariwang hangin sa ilalim ng punong mayabong sa gitna ng siyudad diba?

 

 

 

13 thoughts on “Ang Plastik na Walastik!

  1. hwaw, maka-kalikasan si aling baby, pwedeng pwede nang ipang bato sa Miss Earth!
    alam mo, napaisip ako nung sinabi mong puro plastic ang panligo natin. naalala ko minsan, nagtitingin ako ng murang sabon sa Watsons’s eh aba at may binebenta rin silang panghilod… na plastic! ginaya lang ang hitsura ng bato. napakamot ako kasi di naman binibili ang batong panghilod, ginawan pa ng plastic version. walastik talaga.


    miss earth?! haha, sige pwede na rin.🙂 pambihira lahat nga ginagawa nang artipisyal. haayyyzz.

  2. huwaw aling baby ibig sabhin ba nyan eh ikaw na ang mgiging sidekick ni captain planet? ahihi…


    ehehehe….indi pa naman, malapit na siguro.😉

  3. siguro ang pwede na lang gawin na matino tungkol sa plastic ay wag nalang aksayahin, at i-recycle na lang. may iba naman kasing ayos pa namang gamitin eh tinatapon na lang basta.

    pwede rin lagyan ng tubig ang plastic na lalagyan ng suka at toyo, tapos lagay sa ref.

    dinibdib ko talaga ang pagkumento oh.


    uu nga sobrang seryoso, pati bote ng suka at toyo lalagyan mo ng tubig at ilalagay sa ref waaaahhhhh!!

  4. go aling baby!!=)

    pwede naman ata nating bawasan ang paggamit ng mga plastik n yan e..
    sabi ng nanay ko dati ang straw daw na naabutan nya ay yari sa papel..
    at ang plastic bag daw na ginagamit natin ngayon n plastik ay dati naman daw na gawa sa papel…bakit hindi natin ibalik yun kung pwede naman pala=)


    uu nga. kasi tau rin ang may sala sa pagkasira ng kalikasan.

  5. Pwedeng pwede na sa susunod na halalan si Aling Baby! Mabuhay!

    Kung sana pede ring environment friendly ang mga taong plastic no? Ay oo nga pala, ang mga taong plastic ay non-biodegradable na rin pala ehehehe…


    mabuheyy!! hehe, salamat po sa mga donasyon.
    speaking of taong plastik callcentergal, totoo ka dyan. mga non biodegradable sila talaga.

  6. tama nga naman… halos lahat naman gawa sa plastic.. kahit sa opisina, plastic ang bolpen, at kung anu-ano pa… eh kung straw naman kaya, ano pwedeng alternate ng plastic kung magpoproduce ng ndi plastic na straw, mmmm woodstraw? ang hirap yata nun.


    woodstraw, ayus un ah…kaso ang mahal siguro ng drinks lalo dahil sa straw. tunggain na lang natin para tipid talaga. salamat sa pagbisit.🙂

  7. Aling Baby for president! =)

    Okay seryoso na, ehem ehem. Ang pinaka-okay na gawin sa mga plastic na yan eh i-recycle para imbes na maging sakit sa ulo eh mapakinabangan pa. =)


    Vote for me! este, kulit! seryoso ako ngayon ehehehe, walang halong joketaym to ngayon hahahaha! (parang indi talaga sirius noh?)

  8. uu nga mag recycle tayo kung kaya natin help natin si mother nature… wag si mother lily…

    go aling baby for president!!!


    hahaha!! indi ako namumulitika. isa lang itong bukas-isip hehehe…seryoso mashado.😆

  9. maganda ang post na to!
    me natutunan ako..
    dapat matuto tayong magresaykel..

    at pers akala ko
    yong entry abawt sa mga taong PLASTIKK..
    hahaha..
    ndi pala..
    buti na lang at binasa ko lahat😀

    tesktesktesk!
    maling akala…

    maraming nahihimatay sa maling akala ayyzzz hehehe..pero kamuntikan ka ng maging tama. un talaga ang topic kaso mas inisip ko si inang kalikasan kaya yan ang resulta.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s