Ang Pagtutuos

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Kagabi nakasalubong ko ang kaaway kong mortal.

Akala ko nagtagumpay na ko sa pag-iwas sa kanya.

Akala ko tuluyan na akong nakaligtas

At nakatakas sa mapanumpang bitag niya.

Buong araw pa naman akong nanghihina

At nanlalambot sa sunud-sunud na puyatan.

Kaya alam kong indi ako uubra sa kanya sa pagkakataong ito.

Hapon pa lang ay nakikinita ko na ang pagtutuos na ito,

Pero sinabi ko sa sarili ko na,

“Inding-indi ako magpapatinag sa kanya.”

Indi ako makakapayag na siya ang maging dahilan ng mga sayang na sandali.

Naisip ko, ito na ang panahon para harapin ko siya

At patunayan sa kanya na indi kailanman siya magtatagumpay sa binabalak niya.

Alas onse, lumalapit na siya sa akin pero nadadala ko pa rin siya sa pandededma ko.

Alas Dose ng Gabi, lumalaban pa rin ako. Dinaan sa pakikipagkwentuhan, baka madaan pa ito sa usapan.

Pero indi.

Ala una ng madaling araw, bumigay na ako.

Hindi ko na kinaya.

Iba ka talaga.

Pasalamat ka at talagang iba ang pagod ko ngayon kaya indi ko naipagtanggol ang sarili ko

 

sa’yong ANTOK ka.

 

May araw ka rin sakin.

 

Sa susunod,

 

iinom na ko nito bago mo pa ko maunahan.

20 thoughts on “Ang Pagtutuos

  1. hindi epektib yang red bull.

    walang tatalo sa extra joss!! hahahaha!


    ayy Kuya Az, nagpabili na ko ng sandamakmak na extra joss kung saka-sakali lang mapalaban hehe..

  2. nakakainis nahulaan ko kagad,… kasi antukin ka e… hehehe. ang hirap ng OT ano? hehehe


    uyy, manghuhula ka pala ah mang BADoy. ang galing mo.

  3. sus!! naloko mo ako dun ate ah!!
    kala ko kung sino na ang kaaway mo at makikiresbak din sana ako..lols..
    sleep tyt!=)


    ang galing naman, malapit na tayung maging dream team…yaan nyo, tatawagin ko kayung lahat kung sakaling reresbak tau. salamat.😉

  4. hehehehe! lahat ata tayo naiinis dyan… pero feeling ko alien ata ako. pag ako gising na, on the go na kaagad. minsan lang ako nakakaranas ng ganyan pero pagnakaranas naman, talagang ibabato na ako sa kama at wala na akong pakialam sa iba… tulog na parang patay. hehehe!


    ayy naman ako rin ganyan. energized talaga parati pero pag tinamaan ng pagod, bagsak talaga.

  5. Kala ko naman si _at_hi_ na! tangek kaibiganin mo ang antok! Hindi mo ba alam hina-hunting yan ng mga taga call center?! kung kaaway ang turing mo sa kanya… ako laging naghahanap ng away!
    ang hirap kaya pag hindi ka na nya dinalaw….believe me! magiging soggy na yung skin sa ilalim ng mata mo!


    uyyy, intriga yan ah…hehe sinu ung mga blanks mo?? kilala ko ba sila?? hehehe

    uu na, indi na magpupuyat.😦

  6. Tara resbakan naten! Haha.

    Yung mga energy drinks, gising ka talaga magdamag kaso kapag nawalan na ng epekto, lupaypay ka talaga.


    sige kirk, pag meron talagang papasama ako sayo at reresbak tayo hehehe..

  7. akala ko nung una totohanang makikipagbakbakan ka sa sino man yung nagpapa-init ng ulo. Akala ko may halimaw ka ding tinuturing pero sa pagkakataong ito hindi mo kaanu ano. Pero nagkamali ako.! Ginulo mo lang ang lahat . haha. Kala ko naman totohanan na ang awayan, yun pala yun lang. asus.! hehe


    heehehe, wala naman..antok lang. yaan mo, pag meron papasama ako sayo at reresbakan natin.

  8. Nga pala, tinulugan moko kagabi. Nakabuo tuloy ako ng post ng di oras. Check mo na lng.


    indi po kita tinulugan, my supereverextraordinary bestfriend….nagloloko yung connection namin kagabi. saka ayaw mu nun, walang nangulit sayo, natapos mo tuloy. congrats!

  9. kala ko naman kung sino eh!
    naknamputakte! niyaaww!
    hahaha.pusa lang pala…

    pero tama si kya azrael..walang tatalo sa extra joss..

    ate SHAAROONNN! (real name mo yan no? ayyt? haha)
    pagod lang yan..hahaha


    sobra lang sa antok hehe..kaw talaga IRISH, ang kyuut-kyuut mo.🙂

  10. c me-mine ko antukin tlga.. hehehe prang aku yan madi girl yan! (madikit, 2log!) waaaaa…


    indi nga eh, minsanan lang ako ganto pag sobra na sa puyat. di tulad mo madi orig talaga!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s