Hagupitin ng Sinulid

Paano ba kayo magalit? Kayo ba ang tipo na pag galit ay nagwawala, nagbabasag o di kaya ay naghahanap ng ka-isparing? O yung tipo na nagkikimkim, nagtatanim, umaani minsan (hehe) yun bang sasabog na lang ng walang pasabi?

Nung bata pa ko, mahilig ako magtanim ng galit. Kesehodang kalaro, klasmeyt, o kung sinuman na makaputol ng pisi ko (ang sama noh?). Pero sa paglaki ko (pwera ang height), marami akong natutunan lalo na sa pag-handle ng emosyon ko. Hindi naman ako yung tipo na kinakailangan pang sumailalim sa anger management, grabe naman yon. Minsan lang talaga, may mga bagay na nakakapagpagalit sa’tin na hindi natin kontrolado. Mababaw sa paningin ng iba pero malalim na para sa atin. Iba-iba naman kasi tayo ng pananaw sa buhay. Kaya nga ba minsan sa gitna ng ating pagkainis, nakakapagsalita tayo ng mga bagay na hindi maganda. Mga bagay na hindi na dapat naungkat pero sa kadahilanang galit ka nga, wala ka nang nagawa at huli na para mabawi ang mga ito. Pero naisip ko lang, ang mga bagay na ito, kaya mo nasasabi kasi malamang parte din ng lahat ng mga itinatago mong bigat sa dibdib mo na nailabas mo na rin sa wakas diba? Kasi kung out of nowhere eh nakapagsalita ka ng mga ganito eh heller, san galing yon? Para sa akin, mabuti na rin na naisiwalat na ang mga ito kesa itago mo pa ng ilang taon yan sa puso mo at iimpok saglit tapos pag sumabog ulit, para itong mga bloke-blokeng adobe na ibabato isa-isa. Ampanget diba? Hindi malayong sa basurahan ang kahantungan ng lahat.

Siguro nga minsan dapat kung ayaw natin maibabawan ng galit, mas mabuti pa na umiwas na lang at wag nang makisawsaw sa mga bagay na wala kang kinalaman. O kaya ay manahimik ka na lang para gawin ang mga dapat na gawin para maging mas makabuluhan ang buhay mo sa mundo. Kasi kung lagi natin paiiralin ang pagiging makasarili, siguro patay na ang lahat ng tao sa mundong ibabaw. Mas tahimik ang buhay kung kapag palapit na ang inis at galit sa’yo, hagupitin mo ng sinulid. Ang galit, pag pinalipas mo, huhupa din ito. Hindi mo kailangang magpadala lagi sa galit na yan.

Kaya nga mas magaan na ang pakiramdam ko ngayon. Marami-rami at matagalang paglilinis itu. Mas masarap matulog sa gabi na wala kang ibang bigat na iniisip. Yung ayos ka lang. Nandyan ang mga taong nagpapahalaga at pinahahalagahan ko. Binubuo ang mga nabasag at kahit na alam kong hindi na ito kahit kalian magiging tulad ng dati, nandito pa rin para magsimula. Kasi kahit anung gawin natin, hindi tayo perpekto. At sa buhay, walang nagsabing hindi ka pwedeng magkamali. Pwede. Kasi papanu mapapabuti ang sarili kung hindi natin pagdadaanan ang ilang ulit na pagkadapa sa putikan.

Sabi nga ng isang kaibigan, “Nagbago ka na nga.”  Hindi ko alam kung nakabuti o hindi pero para sa akin, isa itong simula. Isa pa, ang mga bagay na ito ay hindi ang rason ng ipinunta ko sa Dubai. Kailangan ko na yata mag-re assess ng goals ko.

Hayyyzz, ang emo-emo! Buti na nga lang at nagkaron na ko ng bagong mundo, ang blogosphere.🙂

19 thoughts on “Hagupitin ng Sinulid

  1. tama aling baby.🙂
    hindi dapat natin i-baby ang galit natin,
    dapat gmwa tayo ng paraan
    para mawala. Kasi sa bandang huli. tayo
    rin ang talo pag ngpakain tayo sa galit.


    uu, say no to stress. kailangan smayl lang kahit na umuusok ka na sa galit hehe..😉

  2. akala ko mag co-crosstich ka… bihira ako magalit waste of time and emotion kasi pag nagagalit tayo mga bagay tayo nasasabi na makakasakit ng ibang tao so sabi nga nila better shut up if you wont tell good things. pero pag nagalit ako diko na kinakausap sa buong life ko much better ng ganun para di na mauungat yun,,, pero importante marunong akong mag patawad pero makalimot hindi e..😦


    uyy, marunong ako mag-cross-stitch!

    ako, sa iba ganyan ang ginagawa ko para mabawasan ang stress kasi talaga naman waste of time lang ang mga yan.

  3. iba tlga ang nagagawa ng blog..nagpaparelax..hehe=)
    kailangan ko din atang mag re assess ng goals,parang wala akong napupuntahang matino e=)


    uu, mas maganda mag-isip ng topic para sa entry kesa isipin ang mga pabigat sa utak.

  4. pag tipong galit na galit na ako.
    kumbaga yung galit ko, todamaks na.
    hindi n lang ako umiimik.
    tahimik. tapos bigla na lang tumutulo luha ko.

    ayoko ng kinakausap ako.
    ung tipong tatanungin ka pa.
    “hoy, okey ka lang? ba’t ka umiiyak?”
    lalong nadagdagan ang galit ko.
    “shattaaap! badbret ka!!!”
    yan ang sinasagot ko.
    sabay alis.

    nagtataka na ako kinabukasan..
    ayaw na ako kausapin ng mga tao.
    kasi pag nagalit ako, madali mawala.
    madali kong na uuberkam.
    haha.😀


    haha, parang nagka-amnesia ka bigla nun ah.😆

  5. dati hindi ako madaling magalit, o suuper bait lang talaga ako nun.. pero ngayon pansin ng nanay ang sungit ko daw konting bagay lang nagagalit na ako.. palibhasa tumatandang dalaga na daw ako!! Minsan kasi hindi mo naman maiwasan lalo pag sobrang nakakairita na.. =(


    haayyzz, ganyan talaga minsan. o siguro sadyang may mga tao lang na nakakairita hehe..

  6. kaya ayoko maging Diyos kasi kung naging Diyos ako, sunod na ang mundo, idadamay ko pa pati stars, moon and sun…. hehehe! salamat sa pagdaan sa mansion ko…


    salamat din, sa uulit-ulitin.🙂

  7. Mapanganib magsalita kapag galit, maraming mga bagay na pwede masabi na pagsisisihan sa huli. Ay, hindi lang sa salita kundi pati na rin sa ating magagawa. Salamat sa pagbisita:D


    salamat din po. sa uulitin.🙂

  8. akala ko naman tuturuan mo ako manahi…wahahaha
    pag galit ako ayaw kung tinatanong o kinakausap…makakakita sila ng dragon nun!
    hay, life kailangan ko ng maraming patience!patience!patience dahil marami akong mapapatay….if ever


    nakakatakot ka naman magalit hehehe….

  9. MORAL LESSON:
    ‘wag masyadong paaapekto sa galit? pwede ba un? teka cguro kung kaya naman eh why not coconut. papanget ka lang pag parate kang nagagalet. konting CONTROL lang cguro then hinga ng malalim bwakanang…….
    may sense b? sana lang.
    BE HAPPY nalan ika nga ni Jollibee..
    asust🙂


    malaman itong comment mo Mr. Asust ah…in fairness may tama ka.🙂

  10. tama ka dyan, dami ka kasing kausap sa blogging e. atsaka we learn together, di ba😀


    uu nga, buti nalang nanjan kayong lahat! salamat sa mga bumibisita.🙂

  11. ang emo nga.! Ako paggalit kumakin ng marami kasi pag di ko ginawa un magiging monster ako! rrrrrrrrrr


    haha! aku gusto ko maging monster pag galit para tumakbo na ang nagpapa-stress sa kin.😆

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s