Nilinlang ng Mapanlinlang na Timbangan

Madalas pag nalalagay sa alanganin, anu ba ang dapat gawin? Mahalaga pa ba na isipin ang mga tao na posibleng madamay? Tama bang hindi mo na lang intindihan ang mga ito at sundin kung anu ang iniisip mong makakapagpasaya sa’yo? O mag-feeling na kunwari okay ka lang pero deep inside gusto mo na magpatiwakal?

Kung ako ang tatanungin mo, “Ayokong mapunta sa ganyang sitwasyon, okay? Bye!”

Teka…

Baka naman sabihin n’yo ang duwag ko, para yan lang hindi ko pa masagot. Eh mas mahirap pa nga yung pakiramdam na uwing-uwi ka na para maipahinga ang sarili mo palayo sa mga masamang karanasan na inabot mo mula sa paghihintay ng bus at nakasakay ka nga sa pinakaaabangan mong bus eh para ka namang nakulob sa iisang matinding amoy galing sa mga pawisang mama na walang ligo sa loob ng ilang beses naulit na walang labang damit na kahit itulog mo makalimutan lang ang kakaibang amoy na yon ay susundan ka hanggang sa panaginip mo. Diba? Mas pipiliin ko pang isipan ng solusyon ang problemang ‘yan dahil mas mahirap kalaban ang pang-amoy.

Kung ako man ang mapunta sa alaganing sitwasyon, alangan namang magalak ako diba? Dito ko na siguro maipapakita ang matagal ko nang itinatagong talento sa pag-iyak. Anu ba ang gusto nyo, mahina o malakas?

Mauuso na naman yung linyang, “Pwede ba, leave me alone!” Diba naman, para talagang pang-award ang mga banat. Shempre, sinu ba naman kase ang gusto ng maraming bumubulong ng kung anu ang mga dapat mong gawin. Paminsan-minsan ayaw mong may makita kang tao na maaawa sa sitwasyon mo.

Pinipilit mo silang maniwala na okay ka lang kahit na isang linggo ka ng walang matinong tulog, halos tatlong araw na isang kutsara lang na kanin ang nakakain mo sa sobrang depresyon at ang pinakamahabang nasabi mo sa halos isang linggo eh, “Sige pre.” Pwede kasi yon magamit na sagot sa tanong and at the same time eh, pag magpapaalam ka na papasok sa opisina o kung san man ang punta mo.

Sa mga ganitong panahon ng buhay mo, pakiramdam mo sina Mang Miguel, Mang Jose at ang mga yelo lang ang nakakaintindi sa sitwasyon mo. Na maliban sa mga ito, ang lahat ng pinapayo ng iba ay pawang mga delusyon lang. Tulad ng “kalimutan mo na siya”, “tanggapin mo na wala na”, “matuto kang magpatawad”, “lakasan mo ang loob mo” at “umasa ka na balang araw kung kayo, kayo talaga.”

Ang mga payo na ‘to ay applicable lang sa mga pelikula at teleserye. Mahirap.. este, napaKA-hirap talagang gawin ito sa totoong buhay. Madali para sa mga nagkamali ang magsalita at para naman sa mga nagawan ng mali, kailangan talaga ng panahon para makalimutan. Kailangan ng pasensya. Hindi lahat ng bagay pwedeng idaan sa madalian.

Sabi nga nila, “Forgive but never Forget.”

Lahat tayo napupunta sa alanganin, sa ayaw at sa gusto natin. At sa lahat ng gusot na pwede nating daanan, walang shortcut dito…walang exception, walang espesyal o VIP na tinatawag. Hindi lahat ng tao makakaintindi. Meron d’yan na pagtatawanan ka lang. Merong tutulong kase may kapalit. Merong dadamay dahil nakikisakay lang. Makikinig kasi walang choice. Kunwari uunawa pero pag wala ka, pinagpi-pyestahan ang buhay mo. Kung minsan, kung sinu pa yung madalas magpayo, ‘yon ang kailangang payuhan.  

Marami tayong isyu sa buhay natin. Hindi na mahalaga kung sinu ang tama at mali. Kunsabagay, ang rason kung bakit nandito tayo ngayon sa kinalalagyan natin ay tayo rin at hindi ang ibang tao. Nangyari yan dahil ito ay konektado sa lahat ng mga bagay na nagawa, ginawa, sinabi at nasabi natin. Lahat tayo may pinagbabayaran na kasalanan. Diskartehan sana natin ng maayos, fair at maging realistic naman tayo ng konti. Hindi ito cartoon network. Sa totoong buhay, may nasasaktan at nahihirapan. Wag natin daanin sa mga baluktot na dahilan at sa mga pag-iyak ang problema dahil sa totoong buhay, walang awards night.

Kung gusto nyo ng pabigatan ng problema, daanin na lang natin sa timbangan hehehe…Ohh life talaga.

 

5 thoughts on “Nilinlang ng Mapanlinlang na Timbangan

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s