Pssst..kaninong Phone ba ‘to?

Kanino kayang mga Cellphone ‘to?

Sossy naman, naka-Samsung U700 ‘tong friend natin. Parang mejo alangan sa size niya pero wala tayo magagawa eh…ito ang dream phone niya. But in fairness to him, it’s a slick phone. Sensitive nga lang ang keys pero useful naman siya kasi, nagamit namin yung pinagmamalaki niyang 3.15MP Camera nung nag-Jumeira Tour kase na-dedbat yung digicam na dala. At please, wag kayo…ang phonebook nito ay naglalaman ng mga mahahalagang impormasyon, tulad ng supplier ng alak; yung number ng Ain Jamal (yung mini grocery na malapit sa’min.); at pag nag-expire ang visit visa nyo…aba meron din siyang contact na travel agents. Love na love niya talaga ang telepono niya, in fact gusto na nga niyang umuwi ng Pinas para lang maipakita sa kanila habang hindi pa natatanggal yung pagka-silver nito.

Pag ikaw nga naman ang naka-receive ng gift na Nokia E61i, kumusta naman eh magpasalamat ka diba? Kahit na pakalat-kalat lang ito sa kung saan-saan, halos muntikan na mawala at minsan puro na siya ash dahil sa yosi…wala, buhay pa rin. Heavy duty ‘to, kung pwede nga lang kabitan ng speakers ‘to eh malamang, mauumay ka sa lahat ng latest mp3 hits nito exclusively for brokenhearteds. Kaso nga lang kulang sa security, hindi dependable kaya kung anu-ano ang aksidenteng nagagawa. ‘Pag naiiwan nga ito sa aming table, nadadale naman ang load niya..pinapasa-load kase alam na wala sa sarili yung me-ari hehehe…

Ang mobile na dinededma pagdating na pagdating ng bahay. Ang sabi niya kase, after ng working hours niya…ayaw na niya maka-receive ng calls lalo na sa boss niya na walang patawad. Pati tuloy yung lovelife niya, kung kani-kanino tumatawag para lang makausap siya at yung ibang tropa…dun na sa lovelife niya tumatawag kasi nga alam na nila na nakatago pa rin sa bag niya ang mobile niya. Minsan ginagawa rin ‘tong sound system pag tinatamad maglabas ng speaker ang mga tambay, pagpasensyahan nyo nga lang ang mga nasa playlist niya dahil kundi luma, ito malamang ang latest downloads niya.

Ito naman ang phone na overused. Malamang siguro lubog na ang keypads nito sa kaka-text. Yung scroll key nito, worn out na rin kakatingin sa mga pictures nila ng lovelife niya. Pero kahit naman laging ubos at nagkakautang cia ng 2.65 dirhams sa Etisalat…mabenta naman ito sa mga Kodak moments. Ang mp3 playlist? Kailangan pa ba i-memorize yan?? Shempre, pam-party…anu ba naman. Tapos pag gusto lang niya magsenti, ayun…maririnig mo si Martin Nievera at si Divo > magkaibang version ng iisang kanta (Ngayong Nandito Ka) Siguro kasi, yon ang theme song nila…cheesy hehehehe…

Haay, makakalimutan ko ba naman itong cellphone na ‘to?! Eh dito ko unang narinig yung song na, “Shet, sobrang inet!! Abot singet!!” Nung nagpunta kami sa Mamzar Beach ng gabi, nag-last song syndrome tuloy ako nun hehehe… Muntikan na nga ng phone na ‘to humimlay eh. Nagulat na lang ako nung may dumating na speedex delivery sa office namin, (sosyal talaga pina-courier pa. Samantalang 3 blocks lang ang distance ng bahay namin.) Buti na lang at na-jumpstart pa ng technician namin. Ayun, alive and kicking pa rin.

‘Pag na-sales talk ka ng may-ari ng phone na ‘to, malamang you’ll end up buying the same brand, tulad nung nangyari sa may-ari ng U700. Fanatic ng Samsung ‘to, kase ba naman ang ganda talaga ng performance ng cp niya. Proven na daw kase. Malinaw ang pictures, malakas ang sounds ng mp3, stylish, mukhang mamahalin at handy…un nga lang, mahina ang ear piece hehe (wala talagang perfect sa mundo noh?) Kaya heto, naka-ilang headset na rin siya. Pero baka nga hindi na rin muna madalas magamit ito kase nga yung frequent caller niya eh naubusan na ng load forever….sana naman hindi.

Ito ang cellphone na pag nag-alarm, lahat ng tao nagigising sa lakas except sa may-ari hehehe… Buti nga sana kung regular na alarm sound lang eh, kaso pang-party talaga. (Alam nyo yung song sa Ginebra, Bilog ang mundo? Un na!) Lahat tuloy nagkaron ng phobia dun sa song na yon hehehe. Ang may-ari ng phone na ‘to, devoted sa trabaho…kaya hanggang sa bahay, parang call centre pa rin. Maya’t-maya ang callers niya. At kung kailangan n’yo ng car lift? Naku, maraming alam ‘to. Kahit saang mall may contact siya.

Sabi niya, ito raw ang Dream Phone niya…kaya naman kahit na halos mawasak na yung bulsa niya sa mahal, ayun..walang nakapigil sa kanya sa pagbili. Ang ganda diba, latest talaga…kaso madalas umungot ‘to sa kin eh…”Pre, ayoko na talaga ng cellphone ko. Naba-badtrip na talaga ako dito eh.” Pasaway kasi eh, hindi user friendly. Eh minsan nga, nagpaligsahan kami ni E61i na hulaan yung security code nito…ayun, kaka-try namin inabot ng 60 mins na disabled hehehe..pati may-ari hindi niya magamit. At naman, kahit na code locked ito…pag may message na dumating, CHAARAAANN! Mababasa mo lang naman agad. Sasabihin mo na lang sa may-ari…”Pre, hindi ko sinasadya na mabasa na I love you daw” hehehehehe… badtrip diba? Pero kahit ganun, maganda talaga siya pre…mahal yan eh…maganda talaga diba?

Ang use naman nitong phone na’to, voice mail. Bakit? Kasi walang choice yung may-ari kundi iwanan ang phone niya sa bahay dahil bawal sa trabaho. Kaya nga mag-iwan ka na lang ng voice mail at magtext ka para pagdating niya meron siya mabasa. Dapat alam mo na yan…wag na kayo tumawag kasi hindi niya dala yung phone niya. Pero lately, nagulat kami kasi nagpalit na siya ng phone. (sowee, wala ako mahanap na pic eh.) Sabi nga nmin ni iPhone, ibalik niya yung dati kasi maganda naman talaga un. Pauwi ng Pinas ‘to, pero bago umalis…humabol ang lovelife. Happy Five din sila. Malamang swerte kasi talaga sa kanya yung bagong phone niya.

Ang phone na ‘to mga pre, hindi pa ‘to totoong phase out. Hindi totoo yon, hindi rin ito antigo…ang sakit nyo naman magsalita. Kita nyo naman, nakahanap pa ako ng pic. Buhay na buhay pa ‘to. Napaka-useful nga dahil dito niya tinatago ang mga kaperahan niya, diba naman panu nagkakasha un dun? Minsan magugulat na lang kayo at may tumatawag sa kanya habang kainuman namin…panu, yung kainuman niya sa taas, iniwanan niya ayun, hinahanap na siya. Heavy duty naman ito, naman diba tatagal ba naman ito ng ganito kung hindi? Sige nga, isipin n’yo nga un hehehe.

 

5 thoughts on “Pssst..kaninong Phone ba ‘to?

  1. Talagang slick ung phone ko pang executive d ba!!!!!!!!!!!!! kaso nagccmula na ng matngal ung silver sa gilid baka d na umabot sa pag uwi ko………………

  2. Here are some of my favs:

    Kulang sa security, hindi dependable kaya kung anu-ano ang aksidenteng nagagawa. Whahahahaahha!

    Pero baka nga hindi na rin muna madalas magamit ito kase nga yung frequent caller niya eh naubusan na ng load forever! Whahahhahaha!

    kaya naman kahit na halos mawasak na yung bulsa niya sa mahal, ayun..walang nakapigil! Whahahahhaha!

    Eh minsan nga, nagpaligsahan kami ni E61i na hulaan yung security code nito…ayun, kaka-try namin inabot ng 60 mins na disabled hehehe..pati may-ari hindi niya magamit. Whahahahaha!

    …”Pre, hindi ko sinasadya na mabasa na I love you daw” hehehehehe… badtrip diba? Whahahahhaha!

    You Rock Aling Baby!!!!! Keep on posting!!!!!! Whahahahahahhahaha! :p

  3. it is just impressive how you guys bonded together.
    ang lakas ng trip,
    hindi nakaka-bore basahin ‘to
    pati comments, binabasa ko din..
    ang ganda ng blog aling baby!!! =D =D =D
    every pieces , nakakatawa. from the pictures to the comments ng mga suki ng tandihan

    can’t wait to meet the REAL aling baby.
    baka sumakit tiyan ko sa katatawa.

    nice work! keep it up!
    x0x0

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s