Puno’t Dulo Ng Pag-Ibig

 

Nakakatawa talaga ang love. Isa siyang  napakalaking oxymoron. Lahat ng pwede mong masabi sa kanya, baliktarin mo at totoo pa rin.

Ang labo diba? Pero ang linaw.

Masaya magmahal. Malungkot magmahal. Di mo naiintindihan pero naiintindihan mo. Walang rason. Maraming rason. Di mo na kaya, pero kaya mo pa rin. Masakit magmahal. Pero okey lang.

Leche, ano ba talaga?!May kaibigan ako, sabi niya dati “Love is only for stupid people.” Nakakatawa kasi Cumlaude ang standing niya, pero dumating ang panahon, na-in-love din ang hunghang. At ayun, tanga na siya ngayon. Lahat kasi ng nahahawakan ng love nagiging oxymoron din. O kaya paminsan, nagiging moron lang.

Hindi lang kasi basta baliktaran ang pag-ibig. Lahat ng bagay nababaligtad din niya. Lahat ng malalakas na tao, humihina. Ang mayayabang, nagpapakumbaba. Ang mga walang pakialam, nagiging Mother Teresa. Ang mga henyo, nauubusan ng sagot. Ang malulungkot, sumasaya. Ang matitigas, lumalambot. (At tumitigas din ang mga bagay na madalas nama’y malambot.)

Nakakatawa talaga. Lalo na kapag dumadating siya sa mga taong ayaw na talaga magmahal. Napansin ko nga eh. Parang kung gusto mo lang ma-in-love ulit, sabihin mo lang ang magic words na “Ayoko na ma-inlove!” biglang WACHA! Ayan na siya. Nang-aasar. Magpapaasar ka naman.

Di ba nakakatawa rin na pagdating sa problema ng ibang tao, ang galing galing mo? Pero ‘pag problema mo na yung pinag-uusapan parang nawawalan ng saysay lahat ng ipinayo mo dun sa namomroblemang tao? Naiisip mong wala namang mali dun sa mga sinabi mo. Pero bakit parang wala ring tama?

Bali-baliktad din ang nasasabi ng mga taong tinamaan ng madugong pana ng pag-ibig. “Ngayon ko lang nalaman ganito pala. Sabi ko na eh!” “Ang sarap mabuhay. Pwede na ‘ko mamatay. Now na!”

At hindi lang ‘yon. Ang sarap din pagtawanan ng mga taong alam naman nilang masasaktan lang sila eh magpapatihulog pa rin sa bangin ng pag-ibig. Tapos ‘pag luray-luray na yung puso nila, siyempre hindi sila yung may kasalanan. Siya! “Bakit niya ‘ko sinaktan?” May kasama pang pagsuntok sa pader yon, at pagbabagsak ng pinto.Hayop talaga.

Mauubos ang buong magdamag ko kakasabi ng mga bagay na nakakatawa ‘pag pag-ibig na ang pinag-usapan. Ang daming beses ko na kasi siya nakasalubong kaya masasabi ko nang eksperto na ‘ko.

Pero wala pa rin akong alam.Pero ang pinakanakakatawa sa lahat ay ang  katotohanang kapag gusto magpatawa ng pag-ibig, ipusta na mo na lahat ng ari-arian mo dahil siguradong ikaw ang punchline.

 

Nakakatawa no?

 

Nakakaiyak. 

5 thoughts on “Puno’t Dulo Ng Pag-Ibig

  1. Aling baby.. nagiemo ba ako when i say i miss us??? sbhin mo lang… kc sobrang miss ko na kayo lahat and u know, those days.. bsta. hehe.

  2. Aling baby.. nagiemo ba ako when i say i miss us??? i meant everyone… esp ung videoke days.. sbhin mo lang… kc sobrang miss ko na kayo lahat and u know, those days.. bsta. hehe.

  3. IVAN

    uu, emo ka talaga!😛 shempre naman nakakamiss talaga yung mga “those days” natin na yon pero it’s not for us to say what going to happen diba? tulad ng mga nangyari, but atleast there’s still hope. we don’t have to rush things pre…lagi ko yon sinasabi sa inyo, hindi para magkalimutan -HINDI, for the pains to go away..diba? kasi kung nagagamot ng sorry ang sugat, di sana wala ng ospital, nars at duktor diba?😉

  4. aQ GuS2 k n Mg MHl pEo bWL



    mejo indi ko na-gets nung una ‘tong comment mo hehe…

    okay lang yan valerie, there’s a reason for everything…you don’t have to hurry.🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s