Ang GLOB-ULO ang resulta ng sobrang pag-iisip ng mga bagay na may kinalaman sa buhay mo, sa maaaring mangyari sa’yo, sa sarili mo, sa mararamdaman mo, sa gusto mo, hangarin mo, all about you, laging you, onli you and nothing but you.
In short…ka-SHELLFISH-an.
Bakit kaya pag usapang pagiging makasarili, ang simbulo o icon na ginagamit para i-describe ito ay ang ating ULO? (What’s with it ba?
)
Lumalaki ang ulo; Laki ulo; Hydrocephalus; Lumulobong ulo – - - Parang GLOB-ULO. Ga-Globo kalaki ang ulo hehehe.
GLOB-ULO – Tatak Pinoy.
Anu nga ba ang ugat ng pagkakaron ng GLOB-ULO?
Sabi nga nila “Change is constant.” Kaya pagdating sa usapang change, wag ka na makipagtalo kasi normal yon sa kahit sino. Pero indi ba may dalawang klase nito? Pagbabagong nakakabuti at pagbabagong nakakasama sa kalusugan. Nakakasama in the sense na mashadong OA na ito at literal na ina-apply ang mga pagbabago kahit na indi naman kailangan.
Parang ganito yan eh, kapag sanay ka nang makita ang routine ni Petra na pumapasok, kumakain, natutulog araw-araw. Nakakagulat talaga kung isang araw bigla mong mapapansin na lumalabas na rin siya para gumimik paminsan-minsan. Shempre matutuwa ka para sa kanya dahil nakakapag-relax na rin siya at nakakapag-enjoy na.
Pero kung si Petra na dati’y paminsan-minsan lang lumabas eh mapapansin mong nadadalas, nagiging party animal na rin at tipong nung isang beses na nagwentuhan kayo, para bang pakiramdam niya sa sarili niya eh ipinanganak siyang gimikera, hai klas, bigtime ang dating na walang bahid ng pagiging totoong sarili niya nung panahong wala siyang ibang ginagawa kundi magtrabaho at magmukmok sa bahay.
Haller wa’ happened tu yu?
Anu nga ba ang tawag dito? Change pa rin nga diba? Kung aware tayo na lahat ng tao ay nagbabago, dapat din siguro nating malaman at paghandaan ang mga epekto ng mga bagay na ito. Shempre, indi naman pare-pareho ang takbo ng isip ng lahat lalo na sa kung paanong paraan iintindihin ang mga sitwasyon na katulad nito.
May aayon at indi, shempre naman. We can’t have it all diba? Sa botohan nga, kahit na bilhin mo ang boto ng mga tao…u-oo lang ang mga yan sa harap mo, pero pag aktwal ba boboto na – - – ilalagay pa rin nila kung sinu ang gustu nila.
Life is all about choices and it’s our choice how we live our life.
Marami na rin ang misunderstood
dahil sa pagbabago. Totoo naman kasi na sa bilis ng takbo ng panahon, sa dami ng mga nangyayari sa araw-araw, sa pagitan ng mga taong nakikilala at nakakasama, ang iilang hakbang-takbo paakyat sa corporate ladder na sinasabi, kapag unti-unti nang naisisingit sa listahan ang wants o kapricho, ang “blessings” na siksik-liglig-umaapaw – - -
It will go straight into our heads.
Parang malakas na hangin na may manaka-nakang pagkulog at pagkidlat na nagiging bagyo ang arayb pagdating sa mga usapang healthy naman kaso nahahaluan ng mga pagbibida na kahit na walang koneksyon sa usapan ay pilit na isisingit, makapagbida lang. Kahit mukhang atribida naman hehe.
Pag ganito na ang scenario, what do we expect? Di misunderstood nga naman diba? Misconstrued. Ang siste, pag-uumpisahan ng sanga-sangang indi malamang usapin.
Ang pag-eere ay isang sakit sa kulturang Pinoy. Binabago nito ng buong-buo ang pagkatao into something you hardly know. Nakakagulat. Nakakahinayang. Isang prosesong punung-puno ng leksyon tungkol sa buhay. Kung bagyo man ang dating ng ere na ito, ang lahat ng masasalanta nito sana handa tayo na maiayos. Wala namang masama kung ma-overwhelm sa mga biyayang dumadating. Dapat pa nga nating ipagpasalamat ang mga ito sa Kanya.
It isn’t what you have in your pocket that makes you thankful, but what you have in your heart.







Ipinaskil ni Aling Baby 
Ipinaskil ni Aling Baby 
Ipinaskil ni Aling Baby
____________________________
"Isang taon na ang Aling Baby Blog! Salamat po sa lahat ng pabalik-balik, nakitira, nakikidalaw, nakikibasa, nakikipagkaibigan. Sa mga comments (touched ako talaga..) Sa walang sawa n'yong pagsilip kahit na bihira na lang makapag-update si Aling Baby.
Maraming Salamat po!"
[Aling Baby Blog*30 April 2008]












