Protektado: DEKADA

Oktubre 31, 2008

Protektado ng hudyat ang paskil na ito. Upang mabasa ito, ipasok ang iyong hudyat sa ibaba:



HEART ATTACK

Agosto 24, 2008

 

Ang entry na ito ay indi tungkol sa mga kaso ng mga atake sa puso na napapanood sa tv o nangyayari sa totoong buhay. Wala itong kinalaman sa hayblad, pagkain ng taba at alta presyon. Ito ay isang lamang literal na paglalahad ng iba’t-ibang pag-atake ng ating mga puso sa mga haayyy san-pa-nga-ba eh di sa usapang pampuso.

Inatake na ba ang puso mo? Naranasan mo na ba pagpawisan ng malamig habang humahabol ka sa bilis ng tibok nito? Eh yung pakiramdam na parang mahuhulog na ito at kahit anong pigil mo, indi ito maawat sa gusto niya? Eh yung paninikip nito na halos sumabog na sa kinalalagyan sa sobrang ligalig? Minsan ang wild ng imagination mo, feeling mo malaki ito mashado na gustu mong ibahagi sa ibang tao. Pero pag sumakit naman ito, daig pang pinitpit at dinurog na  parang pamintang durog, ang saket!. MInsan nga pakiramdam mo wala nang natira rito. (kumusta ka naman buti buhay ka pa kung wala ka na nito.)

Bakit ba ako nagtatanong ng ganito? Bakit nga ba inaatake ang puso natin? Masama ba talaga ito? Meron ba talagang nakakaiwas dito? Meron na bang tao na nagtagumpay na nakaiwas sa pag-atake nito? Kung meron, anu kaya ang nangyari sa kanila? Buhay pa rin kaya sila?

Sa tambayan nina Aling Baby, may iba-ibang kaso ng pag-atake ang puso.  Mapa-bulgar o palihim. Pinipilit itanggi o loud and proud lang. Kahit pagandahin mo pa ang deskripsyon, isa pa rin ang ibig sabihin nito…INAATAKE KA NA NG PUSO MO.

Attack #1: Slowly but surely. Ito ang estado ng puso ng isang tao kung saan tahimik na namumuhay ito. Masaya naman kahit indi ganun kagarbo pero keri na rin. Chillax lang sa isang sulok, walang inaalala…walang pinuproblema pero bigla na lang itong susundot na parang surot. Unexpected. Magugulat ka na lang isang araw na ang puso mo,  biglang ngumingiti ng kusa. May anxiety attack factor on the side. Indi ka mapakali, meron kang gustung laging nakikita at kahit marinig lang ang boses iba ang saya, parang may malamig na haplos. Iba sa normal na pakiramdam. Kung dati, ok na sayo ang manood ng tv with matching chips at softdrink tuwing weekend. Ngayon, may mga lugar ka nang pinupuntahan at laging may inaabangan sa cp, telepono, email at ym. Lagi kang excited, kahit mainit ang panahon indi maalis ang smile…para itong naka-tattoo. Pag ganito na ang pakiramdam mo…ito na ang unang pag-atake ng puso mo.

Attack #2: Bulls eye! Ang estado ng puso kung saan ito ay nagpumiglas na para magpatihulog na indi man lang kumukunsulta sa amo niya. Dito nate-test kung gaano ka-independent ang mga puso natin. Risk taker. Walang takot. Walang kaba. Sumusugod kahit kulang ang bala. Walang kasiguruhan at kahit malinaw pa sa sikat ng araw na talo siya sa laban, sige lang dahil sa ganitong estado…there’s nothing to lose. Itotodo na lahat hangga’t meron. Bakit? Walang pero. Walang bakit. Walang dahilan. Isa lang direksyon lang ang tinitingnan at kahit may mga humps, construction o kahit ano’ng sagabal. Kung may patibong man, ready na sila mag-dive in…plunge at mag-sink dahil ito na ang moment na pinakahihintay nila. Ang sitwasyon at lugar kung saan walang masakit. Lahat kayang lampasan. Lahat kakayanin.

Attack #3: Paranoia. Akala ng puso na sumugod sa laban, lagi siyang nasa cloud nine. Laging masaya. Laging may bertdeyan. Laging piyestahan. Nakalimutan niya na minsan indi laging masaya ang mga okasyon kasi bumabagyo din. Walang handa. Ang mga saklaan, nire-raid din pati na ang mga beerhaus at sauna. Minsan ang mga pinggan at ang ilang kagamitan sa bahay, nabubulabog sa paglipad-lipad. Mga tawag at text na walang reply. Mga tanong na sinasagot ng tanong din. Ang ulam na tumatabang. Mga bulsang butas. Mga problemang walang lunas. Cellphone na dedbat at walang load. Mga damit na namanchahan. Mga pusong sugatan. Nilalamon ng duda, inggit, insecurities, selos,  at ang pinakasikat na pride. Ngayon, naalala na ng pusong sumugod ang pakiramdam na masaktan. Maisantabi. Malinlang. Masugatan. Ngayon, sinasabi niyang ayaw na niyang magmahal. Pati si Kuya Jesus nakukuhang tanungin kung bakit. Kinukwestyon. Hinahamon. Nawala na yung tapang. Nawala na yung spirit. Nawala na yung love.

Attack #4: DOA (“Dead On Arrival”) Anu ba ang pakiramdam ng pusong sugatan na binuhusan pa ng alcohol at dinaanan pa ng pison? Pinipilit tumayo pero indi pa rin magawa. Hindi dahil sa ayaw kundi dahil hindi alam kung saan magsisimula. Ang pakiramdam na wala ng rason para ituloy ang buhay. Ang iba sa inaatake ng DOA, sa Sarhento Mariano ang bagsak. Ang iba naman ay sa Hospicio de San Jose. Meron din sa mga madidilim, maiingay at indi magkariningang lugar tulad ng club at bar. Sa mga pusong nakakapag-isip pa ng maayos, makikita sila sa loob ng simbahan. Indi nawawalan ng makakausap. Mga kaibigang takbuhan…hingahan…karamay sa lungkot with matching alak on the side. Ang buhay ginawang routine, trabaho-bahay,bahay-trabaho. Ang pusong dating matapang, ngayon wala ng buhay. Dapang-dapa na. Nabura na ng depresyon ang dating sigla. Indi na makangiti. Nawalan na ng pag-asa. Sinumpa nang umibig ulit. Sumuko na. Umayaw na. Tinanggap na ang pagkatalo.

Attack #5: REBORN. At sinung makakapagsabing ang mga puso ay marunong magtanim ng galit? Kahit anung sakit ang dinaanan ng puso. Kahit na saksakin ito, ipagtatwa, ipagtulakan, ibigti, iligaw, at ipapulis….iibig at iibig pa rin ito. Walang sinuman ang pwedeng pumigil dito. Walang makakapagsabi dito kung anu ang dapat at indi dapat para sa kanya. Puso lang siya pero napakalaki ng parte niya sa desisyon pagdating sa pag-ibig. Unang-unang binibigyan ng konsiderasyon. Nasasaktan pero indi nagtatanim ng galit na parang walang nangyari. Basta masaya, indi mo matitinag. Prenteng-prente, walang inaalala. Pero pag nasaktan naman, parang kinawawa. Pag umiibig, parang wala ng bukas. Indi tumitigil hangga’t indi nakakahanap ng mag-aalaga, tatanggap at kukupkup sa kanya at magpapatunay ng salitang poreber. Yan ang puso. Makulit. Mapusok. Paulit-ulit.

Ayon kay Bob Ong, ang puso daw ay ginawa para mag-pump ng blood na nagsi-circulate sa katawan ng tao kaya indi natin dapat isisi dito kung anuman ang sakit na dulot ng pag-ibig. Wala siyang kinalaman dito kasama na ang iba pang parte ng katawan natin. Love is a feeling, not a decision. Pag pinasok mo ang isang sitwasyon…utak at emosyon mo ang gumagana. Kung naging matagumpay ka, swerte. Kung indi, weder-weder lang yan. Better luck next time. Ginagamit lang natin ang puso para meron tayong sisihin when in fact walang ibang may sala kundi ang sarili natin. Masarap umibig, ito na yata ang isa sa pinakamasarap na parte ng pagiging buhay. Isang regalong masarap buksan. Isang bagay na hinahangad ng lahat. Walang nakakaligtas sa atake ng puso. Walang taong indi inatake ng puso. “It’s better to have loved and lost than never to have loved at all.”

Good luck sa mga aatakehin ng puso, i hope you’ll make the right decisions.

 


Protektado: Para sa’yo ito

Hulyo 12, 2008

Protektado ng hudyat ang paskil na ito. Upang mabasa ito, ipasok ang iyong hudyat sa ibaba:



Gusto mong kiligin?

Hulyo 6, 2008

Mayron akong napanood na isang episode ng Grey’s Anatomy. Pers taym ko lang nanood nito at tayming pa na maganda ang episode na napili ko. Gusto ko lang i-share sa inyo yung isang eksena kung saan sa gitna ng surgery ay pina-recite nila si Dr.Preston na siyang ikakasal kay Cristina ng kanyang marriage vow.

Ang ganda ng vow niya, napa-bow talaga ako kasama na ang mga nagtayuang balahibo ko at nangingilid na luha sa mga salitang binitiwan ni Preston Burke. Nakakakilig. Eto, panoorin nyo.

Kung hindi gumana yung vid, eto at basahin nyo.

 

Cristina, I could promise to hold you and to cherish you. I could promise to be there in sickness and in health. I could say ’til death do us part.

But I won’t.

Those vows are for optimistic couples, the ones full of hope, and I do not stand here on my wedding day optimistic or full of hope. I am not optimistic. I am not hopeful.

I am sure. I am steady.

And I know that I’m a HEART man. Take them apart, put them back together, I hold them in my hands. I am a HEART man. So this, I am sure, you are my partner, my lover, my very best friend. My heart, my heart beats for you, and on this day, the day of our wedding, I promise you this:

I promise you to lay my heart in the palm of your hands.

I promise you ME.

- Dr. Preston Burke
Grey’s Anatomy, Season 3 Episode 25

Salamat po sa marriage vow, math_goddess.

Kahapon Lamang

Hulyo 3, 2008

Sa gitna ng pagmumuni-muni at pamamasyal sa ibang blog, inistorbo ako ng amo ko at isinali sa kumperensya na nagaganap sa kanila ng aming tamad butihin na accountant. Para akong nasa husgado dahil walang kaabog-abog eh ginawa akong witness sa pag-uusap nila patungkol sa mga walang kwentang importanteng bagay tulad ng malimit na pagiging late nito sa pagpasok at ang mga anik-anik na pagpetiks niya sa opisina. Buti na lang at hindi pa nae-expose ang pagba-blog ko hehe… Ayun, para akong isa sa mga jury dun habang nagtatalo sila. Kulang na lang maging judge na rin ako, stenographer, at miron all-in-one. Aliw pa naman ako sa pagtalon-talon ko sa mga blog nyo. :) tapos sasayangin niya ng ganun ang mga pecious seconds ko sa opisina hehe.

Pagkatapos ng halos isang oras, ayon at nauwi rin sa areglo. Nagmistula akong display sa gitna nilang dalawa. Para nila akong ginawang inspirasyon sa sagutang ginawa nila. Pero ang mabuti ron eh walang dumanak na dugo at walang sibilyan na nadamay. Nagulat na lang ako nung sinabi niyang, “Okay, ***ron thank you.” Aba naman, wala man lang premyo? Hmmpft!

Nagbalak din ako gumawa ng bagong entry pero nauwi pa rin sa pagbabasa at hinayaan ko na lang na makapagpahinga ang isip ko. May mga ganung factor pa talaga eh parang professional writer ang dating hehe… Saka isa pa,

ayoko na rin sirain ang ulo sa mga bagay-bagay na walang kwenta. Mashado na ako nasagad hanggang buto so ngayon mas maganda kung ipapagpag ko na muna sila lahat saka ako magsisimula ng isang bagong umaga naks! ;)

May gaganda pa ba sa isang buong araw sa opisina na petiks walang ginagawa? Meron naman, na pagdating ng alas sais (uwian taym), sasabihin sayo ng amo mo na pwede ka nang umuwi, “YES!!” Once in a blue moon lang to mangyari sa opisina namin hehe… Hindi nyo naitatanong, eh isa akong sapilitan na  model employee. Sapilitan na ang kilos pagpatak ng alas-shete at nag-aamok na pagpatak  ng alas-otcho y medya. Kasi mahirap umuwi ng gabi dito sa bansa na ‘to, maraming gumagala na manyak hehe…

Bago pala natapos ang araw…may isa akong unexpected chatmate. Nagulat ako ah. Hindi ko na ilalagay kung anu-anu ang mga pinag-usapan namin dahil baka marami mag-react hehehe…di naman siguro. Baka marami pa nga ang matuwa. (Tiyak un.) Lahat naman ng bagay napapag-usapan. Sana nga at mag-winter na ang season para hindi lagi init ulo ng mga tao. Malay natin, malapit na rin yon.

And to top it all, niyaya ko ng deyt si Lablayp. Grabe talaga, ako na nagyaya mag-date ngayon. Iba na talaga ang mga batang-isip kabataan sa panahon ngayon. Nag-dinner deyt lang naman. Medyo matagal-tagal na rin kasi kami walang moment hehe, anuber, paminsan-minsan naman kahit na matagal na kayong magkarelasyon eh, dapat may mga kilig moments pa rin kayo to keep the love alive diba?

Anu na ba ang mga nangyayari sa mga tambayero at tambayera dito??

Nung nakauwi kami, nakipag-bonding moment naman ako kay Pao. Na-miss namin ang maghuntahan. May training kasi siya kaya lagi maaga ang uwi. (Sana may training para sa mga petiks para madagdagan naman ang petiks taym ko hehe, uber na to.) Ayon, tawanan blues na naman parang nung panahon na napupuyat kami sa kakakwentuhan at inaabot ng madaling araw.

Kinamusta ko si Leo, aba naman sumasakit ang kanyang nag-i-slim-an na mga braso kasi indi niya ma-stretch haha! I wonder kung anu ang mga binibuhat niya lately at kung bakit niya binubuhat ang mga ito.

Ayon si Mayn at Lhensky (Welkam to Dubai!), takot mapagpawisan. Meron bang phobia sa pawis? Hehe, lagi nasa loob ng ref bahay at nakikipag-friends sa siyensya. Iba talaga ang inspirado hehe…

Sina Ivan at Tiff, busy sa lablayp. Nanahimik ng ilang araw sa bayan ng Abu Dhabi at sikretong nagpapapayat. Sikret lang natin to hehehe.. Baka magulantang na lang kami at parang mga pang-model na ang mga wankata ng mga mestisas namin hehehe..

Si Hannah, ayon at me sakit. (Pagaling ka pre!)

Si Kwirkyboi, naks ganda ng pangalan hehe. Ayon, tagabantay ng bahay for the mean time. Kasi naman mainit ang weder. Mainit pero puro gala hehe. (Lagot ka naman kay Seanti nito, nag-uusap pa naman kami lately.) Hopefully next month mag-work na rin siya.

Pansin ko nga konti ang happenings dito, ayos lang naman paminsan-minsan magparang kumbento naman ang tambayan para bago naman.

;)