Spoiled ka ba?

Disyembre 4, 2008

 

Bata pa ko, may senyales na ko ng pagiging independent. Nasa labor room nun ang nanay ko at buong araw ko na siyang pinapahirapan dahil nga sa indi pako reding lumabas. Pinuyat ko lang naman siya sa pag-aantay sa akin kasi alas dos ng madaling araw ako nag-decide na sumilip sa earth. Sneaky talaga kasi wala yung kumadrona. Indi nila shur kung natutulog ba o nagmi-midnight snack habang nagchi-chismisan kaya walang nag-aassist man lang sa kanila. Nung naramdaman ng nanay ko na unti-unti nang lumalabas ang ulo ko sa pwerta niya, kinalampag nila ng katabi niyang nagle-labor din ang mga gamit dun para marinig sila. Shempre naman diba sa sahig lang naman ako pupulutin kung nagkataon. Ayun, sa gulat ko siguro sa ingay na ginawa nila at sa takot na mabagok ang ulo, kaya bumalik ulit ako sa loob. Literally bumalik talaga ako. :lol: Nagtakbuhan daw ung mga nars at kumadrona nung narinig sila at matiwasay akong nailabas.

Kaya kung gustu nyo’ng alamin kung ilang beses ba ako pinanganak…

Dalawa lang naman.

Sabi ng mga kapatid ko, spoiled daw ako kasi bunso. Pero sa tingin ko naman, indi kasi wala nga halos oras sa akin ang aking beloved parents dahilan sa pagkakayod marino nila. Lima kaming magkakapatid, shempre lahat yun mag-aaral. Minsan, nauuna na kaming kumain sa kanila at naaabutan na lang nila kami nanonood at malapit nang matulog.

Nung kinder ako, ate ko ang tumutulong sa paggawa ng assignment ko at kuya ko naman ang sa pagsusulat at pagbabasa. Maaga nga raw ako natutong bumasa. Sa takot ko ba naman sa titser ko nung Kinder at Grade 1 eh talagang pinilit kong matuto. Shempre kung magkakaron man ng sumbungan, nakauwi na siguro yung titser ko bago pa makarating ang nanay ko. Madalas din ako makalimutan sunduin sa skul. Indi ko na mabilang kung ilang beses ko nang nakita ang eskwelahan namin ng madilim habang nagdadasal na ang mga madre at nakaka-imagine na ko ng kung anu-anung maligno sa mga bintana ng classrooms sa 3rd at 4th floor.

Nagko-commute kami ng kuya ko pauwi kahit na malapit lang ang skul sa bahay namin. Kasi delikado tumawid sa haiwei kaya pinapag-jip na lang kami. Pero nung nakatuntong na ko ng Grade 4, umuuwi na ko mag-isa. Laman kasi ng arcade ang kuya ko kaya sinasabihan na lang niya ako na umuwi na pagkatapos ng klase ko. Nagkaron din kami ng kuya ko ng yaya para magbantay samin. Pero ako, laki sa ate. Ate’s Girl ba ang tawag dun? Mas malapit kasi ako sa kanya kesa kina mama dahil na rin siguro sa madalas na siya ang available na umattend ng kung anu-anung event sa skul namin.

Simula Grade 2 hanggang Grade 6 eh indi naman sa pag-aanu pero napasama rin ako sa Honor Roll. Nagulat na lang ang nanay ko nung binigyan ko siya ng sulat galing sa adviser ko na pinapupunta sila ni papa para sa commencement exercises. Shempre, kagulat-gulat talaga yun kung bising-bisi sila sa pagta-trabaho at wala silang kamalay-malay sa buhey-eskwela ko tapos sabay ganun parang aba panung nangyari yun?! Pero oks lang yun, understanding naman ako eh. Kung indi din sila nagpursige sa pagta-trabaho, indi nila kami mapapagtapos lahat. Pa-bonus ko na lang sa kanila yung mga medal ko, kung nasasangla nga lang sana ang mga ito hehe.

Nung hayskul, mejo humirap ang kumpetisyon. Nakakasama pa rin ako sa mga top chorva pero indi nako nakakapag-uwi ng bacon. Puro pampalubag loob na lang na “buti nga napasama pa eh.” – mga ganun. Okay lang naman yun diba?

Nung college, indi rin ako nakaligtas sa curiousity stage na tinatawag nila. Natengga rin ako pansamantala dahil nga sa pagte-testing ng decision-making ko sa buhay ko. Malay ko bang ganun ang mangyayari diba? Shempre naman tao lang ako (parang ang bulok ng dahilan ko hehe…), panu ko malalaman yung tama kung indi ko mismo naranasan ang mga ito diba? Nasa sa atin naman ang sagot sa mga tanong eh. Malaking factor pa rin ang guidance ng pamilya at faith kay Lord para malampasan ang mga pagsubok sa buhay.

Kahit nung lumaki na ko (yung tipong pwede nang magpamilya), sinasabi pa rin sa kin ng kapatid ko na spoiled daw ako.

Anu bang meaning ng spoiled?

“Having the character or disposition harmed by pampering or oversolicitous attention.”

Iniisip ko kung alin sa mga nauna kong niwento at kung saang parte dun makikita na spoiled brat ako.

Meron ba? Parang wala naman diba? Parang mas lamang pa na kulang sa atensyon kesa sa spoiled chorva. Pero indi rin naman kasi nandyan ang mga kapatid ko at kahit papano, nagkikita pa kami nina mama kahit nung nasa Saudi pa si papa.

Indi naman kami mayaman.

Saang bagay naman kaya ako pwedeng sabihang spoiled?

Siguro yung pagiging bunso, yun na siguro ang basehan nun.  Para sa’kin, may freedom lang na mag-decide para sa sarili. Dun lang siguro nila ako inispoil. Napasobra nga lang talaga kasi kinarir ko naman ng todo.

Mas lamang pa rin ang pagiging thankful kesa galit o tampo. Marami kasi akong natutunan along the course. At kahit mas madalas na wala sila nung time na yun. Ramdam ko pa rin yung love ng pamilya…ng magulang sa anak. Mahal ko sila kasi kahit mahirap, indi sila sumuko at indi nagpabaya. Isa yun sa maraming bagay na hinahangaan ko sa kanila. Nasa puso ko kahit saan ako mapunta.

Siguro nga spoiled ako.

Spoiled na pala, indi ko lang mashadong napupuna o iba lang talaga ang depinisyon nito para sa akin. At kahit na anu pa ang kinalabasan ng mga nangyari, it’s meant to happen. Walang sisihan.

Lab yu Ma….Pa. :)


Kolektor

Hulyo 18, 2008

 

Isa akong kolektor.

Mahilig ako magkolek ng mga basura bagay-bagay, ito yung mga resibo, kahon ng sapatos, kahon ng camera, speaker, ipod, mp3, cellpon basta pwedeng itago, isisiksik ko yon ng buong puso sa kung san man ito magkasha. Kung pwede nga lang pati kahon ng washing machine, microwave, electric fan eh ipagtatago ko pa. Naiinis na nga sa akin ang lablayp ko at sa tuwing magkakaron ng major general cleaning sa kuwarto, siya ang pumupuwesto sa mga dapat itapon dahil indi kaya ng damdamin ko na itapon silang lahat. Napakabigat sa dibdib nito kaya siya na ang hinahahayaan kong gumawa nito. Ewan ko nga ba kung bakit ganto, iniisip ko nga kung merong psychological explanation sa pag-uugaling na ito. Kasi sa Pinas pa lang, kolektor na ko. Kahit na maliwanag pa sa sikat ng araw na  kailangan ko nang i-let go ang mga bagay na halos  kulang na lang ay mag-boluntaryo na ang mga ito ipatapon ang sarili sa basura ay talaga namang todo-pigil ako. Minsan, pag ok na sakin, ilalabas ko na sila sa kuwarto ko pero ibabalot ko naman sila para ilipat lang ng pwesto…indi pa rin magawang itapon. Waaahhh, anu ba ito?

Kolektor din ako ng songhits dati, kilalang-kilala ako ni Ate Liwanag, yung tindera sa kanto namin, dahil sa tuwing may bagong isyu eh pinagtatabi na niya ako. Siguro dahil dun kaya marami akong kabisadong kanta. Nakakalungkot nga dahil sa kakahiram ng mga lasenggero naming mga kapitbahay na nagkakantahan trip pa. Ayun, nalagas ng hustu ang koleksyon ko hanggang sa naubos.  Kaya nga napag-isip-isip kong gumawa ng sarili kong songhits. Yung notbuk na Blue Feather ang tatak at espesyal talaga ang bolpen na gamit ko para dun, ayoko ng nagba-blat. Mga tatlong notbuk na pinagsasama ko at mega-tahi talaga, espeyal nga eh. Yung ibang kantang sinulat ko dun, yung mga kabisado ko tapos minsan ire-rekord ko yung kanta saka ko kukunin ang lyrics. (Sinira ko yung karaoke namin sa kakaganto ko hehe..) Shempre, indi pa nga uso ang internet dati kaya mano-mano kesehodang kinakain ng singer ang lyrics, kaya siguro ako nabinge kakaulit-ulit ng kanta. Ang daming humiram ng songbuk ko. Nakarating pa nga ito ng Bikol pero nakabalik pa rin sa akin. Umabot din ako ng 200 songs at pinagbabalakan ko pang gumawa na ng table of contents. Kaso lang dala ng kamalasan nung minsang nagmeryenda kami sa skul kantin, ayun at sa sobrang katangahan katalinuhan ko, naiwan ko somewhere out there, indi ko alam na yon na pala ang huli naming pagkikita. Napakabuenas ng nakapulot nun, sana ingatan niya sobra dahil ang laki ng hirap ko dun. :(

Nagkolek din ako ng mga fanmails sulat. Dati kasi kahit na magkakalapit lang kami ng bahay ng mga prends ko, nagsusulatan pa rin kami. Tungkol lang sa kahit anung bagay. Nakakatuwang basahin pag walang magawa, kaso lang nung lumipat ang kuya ko, naisama niya ang mga ito sa pagtapon. :( Tama ba naman yon? Alangan namang habulin ko pa yung trak nung sinabi niyang kakatapon lang niya ng lahat  ng mga kalat nung nag-ayos sila. Kalat ba yon eh nilagay ko pa yon sa espesyal ng paper bag tapos itatapon lang pala niya hmmpft!

Okay, naka-move on na ko dun sa koleksyon na yon. Wag na natin ungkatin. Baka masaktan lang ako.

Dahil na rin siguro sa sobrang kabisihan ko at wala na talagang taym (ng lagay  na ‘to ah..), indi na ko makaisip ng iba pang iko-koleksyon maliban sa mga kanta sa ipod ko at ang blog ko na punung-puno ng mga walang kwentang makabuluhang kwento hehe. Ipauubaya ko na lang ang mga iyon sa kung sinuman ang may mas maraming taym. Saka, sa ilang beses kong pagtatangkang magkolek, ayon naman at nagkakawalaan. :(

Ngayon, iba na ang kinokolek ko…mga utang kapaki-pakinabang na bagay na tulad ng gamit sa bahay. Nahihilig din ako sa relo, kasi nga motto ko “Time is gold” hehe.. Indi kasi ako sanay na indi naka-relo, parang may kulang kasi. Tapos mga silver accessories, (o ayan indi na mga kahon ng mga anik-anik ah.) sapatos, sneakers, slippers, gadgets, at mga kyuut na somethings. Mga damit o gamit na may touch of white, yellow, orange at black. Tapos yung growing koleksyon ko ng kanta at mga pektyur namin kung saan-saan. Indi ko nakahiligan ang magkolek ng stuffed toys kasi natatakot akong tingnan sila pag gabi hehe..baka kasi gumagalaw sila haha lakas-trip.

Kayu, anu bang mga pinagkokolek nyo lately?


Mga Batang David

Hunyo 10, 2008

Nagkahuntahan lang nung isang gabi. Nagulat na lang ako nung paglabas ko ng kuwarto at hexcited na tinanong ako ni Pao kung ano mannerism ni Betlog nung friends pa kami nung dekada otchenta habang nakaabang ang tropang riles na para bang may ilang taon na ang nakalipas mula ng magkakwentuhan ng masigla.

Pao: Pre, diba naalala mo pa yung ginagawa ni Betlog dati nung mga bata pa tayo? Nung nasa jeep pa nga tayo nun eh.

Ako: Iwww….ayoko. :lol:

Gusto niya kasi i-akting ko hahahaha ayoko talaga.

Pao: Sige na…anu nga yung ginagawa niya dati?

Naikwento na niya sa mga tambay, gusto lang ikumpirma sa akin dahil isa nga ako sa naging saksi ng mga pangyayaring iyon na may ilang taon na rin ang nakaraan.

Ako: Nilalawayan niya yung mga singit-singit ng mga daliri niya sa paa.

Naalala ko pa lang, nahihindik na ko sa pagkakakita namin noon ni Pao kay Neneng Waway habang ginagawa niya ito sa pagitan ng pag-aaliw sa amin na kunwari ay mga taong mababangga (dahil kunwari si Pao ang jipni drayber at kami ang pasahero)at biglang sasalisi ng pagpapahid ng laway sa kanyang paa. Mabilis lang ito, hindi mo ito mapapansin talaga kung matitinag ka sa panlilinlang na gagawin niya. :lol: At dahil sa hindi inaasahang pagkakataon na’yon, sabay kaming napatingin sa ginagawa niya kaya’t kami’y parehong napa- “Anu yon?” Mula noo’y lagi na kaming nakaabat sa bawat kilos ng kanyang kamay at paa hehehe…

Dahil na rin nasimulan sa usapang Batang David, ayon napunta kami kay Gamuga, da Lawanet King. Hindi namin alam kung kanino nanggaling ang ipinalayaw na yan kay Prederik, pero kapag tinatawag siyang Gamuga, katumbas nitong tinawag na Incredible Hulk para sa kanya. Ito yung worst nightmare mo pag bata ka pa. Isang napakalakas mang-asar at nakakasira ng araw kalaro. Yung tipong para lang mapansin mo, aasar-asarin ka dahil sa pangalan mo tulad nito: (Maykel E.T., Antoni Pilay, Kristinang Panis, Biray Uhugin, Herr Mey Landi, Sharon Kubeta, Dyenggay Menggay Mabaho, Dimpol Side A – Side Bacon, Rayan Badingerzi, Nella Franella, Bibe Uhog, Kanuto, Edsel Kirat, Boy Shokoy, Puday, Jalibee, atbp.)Kaya nga ba pag ang laro ay Touching Robber, Touch Taya, Luksong Baka, o kahit anung mga laro na kailangang tumakbo at kasali si Gamuga, si Pao lang ang malakas loob na sumali sa aming dalawa kasi mabilis siya tumakbo hehehe…para kasing halimaw ito lalo na pag siya ang taya. Mapapatakbo ka ng mabilis para sa buhay mo, eh ang target pa nitong inuunang habulin ay si Pao. Pag malapit na siya maabutan nagta-”time first” na ito dahil sa takot niya. :lol:

Kaya siguro natatakot kami kay Gamuga, panu ba naman bukod sa lakas nitong mang-asar, ang mga ngipin nito ay parang sa Java Man na manila-nilaw para bang ang mga cavity na lang ang siyang nagpapakapit nito sa gilagid niya. :lol: Sabi nga ni Katch nung minsang nakausap niya iyon dati,

Katch: Uy, Prederik tatlong araw ka na hindi nagsisipilyo ah.

Gamuga: Ano’ng tatlo??!

Katch: Oo nga diba, tingnan mo yang ngipin mo.

Gamuga: Hindi tatlo…APAT na hahahaha!!!

At nagtatawa pa talaga siya ha. :D

Hindi nito pinatawad pati yung lugawan sa street namin. Gawa kasi ito sa Lawanet at araw-araw palaki ng palaki ang pingas nito sa may bandang gilid. Lagi tuloy kaming pinagagalitan ni Mang Jun (ang intsik na masungit hehe..) na wag maglalaro banda sa lugawan niya dahil sa nasisira nga ito. Wala kaming kaalam-alam na nagfu-food trip pala dun si Gamuga pag gabi. Nginunguya niyang parang bubble gum yung lawanet na yon kaya pala ito unti-unting nauubos. May reliable source kami na nakakita sa kanya huli sa akto. Tsk tsk…ang dami talagang iniwan na alaala sa amin si Gamuga.

Naalala ko pa nung sumali sa liga ang mga Batang David, ang aming pambato…si Antoni Pilay. Mas maikli ang kaliwang binti niya dahil sa pagkakabasak niya nung bata pa siya, hindi na ito naiayos kaya’t dala-dala na niya ito hanggang paglaki. Pero in fairness naman kay Antoni, magaling ito pagdating sa Basketball. Star Player ito kumbaga kahit na ayaw maniwala ng mga kalaban niya at pag tinanong mo ang height…5′4 – 5′5, depende sa kanyang pagtayo.

Marami pa kaming masasayang memories nung mga Batang David pa kami. At kahit na, nagkahiwa-hiwalay na kami, madalang magkita at kinuha na sa amin ang iba. Hindi namin makakalimutan kung gaano namin na-enjoy ang buhay batang kalye (haha!!) nung mga panahon na ‘yon. Kaya nga pag napapag-usapan parang akala mo, kahapon lang nangyari. Sana nga magkita pa ulit kami ng mga tropa, nakaka-miss din sila at nakaka-excite malaman kung anu ang mga nabago sa kanila.


Yeheeeeeyyyy!!!!

Hunyo 3, 2008

Ang pinakaaabangan ng mga abangers…

Pinanabikan

Inantabayanan

Maraming baong balitang pampuso,

Pagkatapos ng isang buwang pangungulila….

At makadalawang beses naglabas masok sa totoong bilibid.

Nagbalik na ang Darling of the Press bagama’t isa munang dukha….

NA-MISS KA NAMIN PRE!