Sakay na!!

Agosto 13, 2009

circle of friends

Sa halos isang taon na dumaan at sa gitna ng mga pangyayari, masarap pa ring isipin na bukod sa dami ng leksyong natutunan…ang mga bumaba at sumakay sa dyip na sinasakyan ko ay siyang may malaking bahagi ng mga pagbabago. Magkahalong malinaw at malabong pagbabagong patuloy na tumutulak sa akin para ituloy ang byahe.

Sabi nga nila, kung indi mo aabatan ang pag-andar ng araw at oras, indi mo mamamalayang ilang buwan na pala ang nagdaan at matatapos na naman ang isang taon. Magdadagdag ka na naman ng isa sa halos lumampas na sa kalendaryong edad. Ang mga pinagdaanan sa nakalipas na taon, ay punumpuno ng leksyon. Para bang may ilang bagong buto na naman ang tumubo sa’yo kapalit ng ilang mahihinang buto na naapektuhan ng osteoporosis.

Kung magse-self assessment ka, pwede mo na kayang sabihin na pasang-awa o pasado na sa kaledad base sa mga humps at lubak na tinalon at nalampasan??

Ako siguro….medya-medya. Mashado pang maaga para mag-assess at isa pa, ang ilang mga nakasakay ko sa dyip…nakakatuwa. Kahit siksikan na, parang gustu ko pang i-suggest kay Bro na mag-expand pa siya para mabigyan ng chance ang iba na makasama sa byahe. :)

Gustu ko lang i-share sa inyo kung sinu-sinu ang mga kasakay ko sa byaheng ito. Malaking bagay para sa akin na makasama ko sila at makilala sa pagkakataong tulad ng sa ngayon.

chocolate-cakeTaklesa. Si dyipmeyt. Minsan nagugulat na lang ako pag naririnig ko ang ilang komento niya sa mga bagay-bagay. Mga banat na panalo…(o, kaya mo yon???)Yung tipong mapapa- “Sinabi mo yun??!” – -  mga ganun ba. Minsan ikaw na ang bubusina para sa kanya lalo na pag nakekerid awey na siya. Pero kahit ganun…balanse pa rin. Kayang maging prangka at mabait sa parehong tao. Nabibigyan ng justice ang komento. Bagay na hinahangaan ko sa kanya. Indi naman siya ganyan dati. Sa dami na siguro ng nangyari, natuto na siyang maging vocal sa nararamdaman. (Carry on, dyipmeyt!) Mabuting anak, kapatid at kaibigan. Pwede na eh, ok na…lablayp na lang talaga. Thankful ako kasi nakilala ko siya at swerte ko dahil naging kaibigan ko pa. Hinay-hinay lang sa chocolates at lechon kawali. Lam mo naman, bawal yun.

jai-ho1

After Pink 5, ngayon lang ako ulit nagkaron ng konek sa isang star-mate. Kaya pala…ang dali lang naming nag-klik. Pagkatingin ko ng burpdeyt niya sa pp…yun na Jai Ho! We have a lot of things in common. Pag nagkatawanan na, wala nang hingahan talaga. Nawala na rin ang pagkamiss ko kay Lola Basyang mula nang nakilala ko siya. Modernized at mas maraming kwento kesa kay Lolah Bash. Ang kagandahan ng pagkakaron ng star-mate, tinginan at konting salita lang nagkakaintindihan na. Wala na mashadong palinawagan. Marami akong natutunan sa kanya…as in at alam ko, marami pa. Thankful ako sa pagiging understanding at  sa pagtanggap (alam na niya yun). Sana mamit ko ang buong angkan pag nakapashal na kami ni byahemate sa Pinas.

Stuart-LittleHoodmate. Kami ang una at huling nagkikita sa byahe (kasama si Mr. Sungit #3.)  Indi kami umuubra ni star-mate dito eh. Simbolo ba naman niya timbangan. Mabait. Good friend. Loving wife. (May alagang daga hehe.) Aydol ko ‘to eh…sa haba ng pasensya. Through her marami pa kaming namit ni star-mate na kaibigan. Hilig at magaling magluto, kaya nga ang sarap tumambay sa kanila pag weekend kasi parang piyestahan lang. Sana nga at matuloy na ang dream nila na magkaron ng baby. All the best hoodmate…sana magtuloy-tuloy na ang plans nyo ni hubb mo.

bugoy02Ang pinagsamahan namin ni Net-mate…ang isang magandang halimbawa ng “second chance”.  Kung minsan pag pumapaibabaw na sa isang sitwasyon ang galit, lahat ng madikitan nito ay nasisira at naguguho. Pwedeng mawala na lang ng ganun-ganun lang lalo na pag pinabayaan at hinayaan. Obviously, kami ni net-mate…took the risk. It’s lovelier the second time around. :) Maraming naituro ang mga nangyari. I’m glad I took the risk. Kaya ituloy na ang mas masarap na kwentuhan. Coffee time. Chorvaness. Buuuugoooyy-ish. Tara, pashal naman tayo. ;)

turonTuron-Shanghay mates. Nung una kala ko magkapatid sila kasi parang package deal. Pag binanggit kasi si turon kasunod na agad ang pangalan ni shanghay. Nung una lang pala sila tatahi-tahimik, nung sumunod na okasyon ang kukulit din pala. Sinubukan n’yo pang tapatan si Gary Big kahit na alam nyong size palang patalo na kayo. :lol: Totoo nga ang sinabi ni hoodmate, mababait nga kayo at masayang kasama. Salamat sa pagwelkam n’yo samin ni star-mate.

paparazziPaparats-mate, sabi nila…”First impressions last.” Pero isa itong kalokohan. Ikaw lang ang tanging matino nung unang nakilala ko pero isa ka palang abnoi. Ang tino-tino kausap at walang kaalam-alam sa panggu-gudtaym. Magaling nga eh. Magaling kumuha ng pikchers, magugulat ka na lang na merong ganun. Mapapa- “kelan ‘to??!” ka na lang bigla. Bilib na sana ako sa kanya eh kaso indi pa rin nya nagagawa ang isa sa malaking project na binigay sa kanya. :P Sana minsan naman sumama ka sa mga lakarang pampalumpo at yung mag-eenjoi ka naman kahit papano. Ang dami mo nang namiss eh.

alvin-and-the-chipmunks

Mister Sungits 1-2-3. Binago nilang tatlo ang paniniwala ko na ang mga lalaki kahit me asawa, pilit na magpapakyut sa mga babae for pogi points. Pero itong tatlong mister namin…strangely odd. Ang susungit. Ang mahal ng smile nila at pag tinanong mo, isa-dalawa-tatlong salita lang ang sagot depende na lang siguro kung essay ang tanong mo baka sakaling mapahaba pa sa limang salita ang isasagot nila. Si Mr. Sungit #1, kung sensitive ka, wag ka nang magbalak magba-bye sa kanya pag uwian kasi…dedma lang siya. Laging seryoso at parang nakakatakot batiin kasi mukang laging bad mood. Si Mr. Sungit #2 naman pag uwian, nakapasak agad ang earphones niya na parang senyales na wala siyang balak makipagwentuhan whatsoever kahit kanino at kapag inistorbo mo siya sa gitna ng pakikinig niya sa paboritong kanta…humanda ka. Si Mr. Sungit #3, indi naman mashado – - slight lang. Tutulog lang siya sa byahe at para walang istorbo, ayun andun siya sa single seater katabi ng driver.  Pero palangiti naman at indi mashadong nakakatakot i-approach. In fairness naman sa kanila (bago pako makuyog dito..), nakakatuwa sila lalo na pag inaasar na. Kung kelang aasarin, dun pa sila ngingiti…o diba, ang kakaiba??

harry-potterPoke back harry. Si Harry kahit na indi ko palagi nakakasama, nakakausap at nakikita…lam ko wala pa rin nagbabago. Isa siya sa pinakamasarap asarin lalo na pag merong mabigat na iniisip. Ke sa personal o chat, pareho pa rin ang reakshun…pikon. Nakakamiss lang yung kakulitan at sobrang pamimilit na uminom naman ako at wag nang KJ. Lahat ng okasyon kasi yan ang sinasabi niya sakin. Wag mong kakalimutan Harry, “Sorrow knows how to swim…drink moderately.” Mishuu.

Holding-HandsAng paborito kong byahe-mate. Sa lahat siguro ng klase ng sasakyan, nakasama ko na siya.  Pwede na siguro akong makagawa ng libro tungkol sa haba ng byahe namin. Sa lahat ng saya, nakakatawa, madrama, horror/suspense, action/sci-fi, at aberya dala ng ka-chorvahan ng buhay…sabay naming dinaanan at yung iba, dinedma lang. Kahit na mainit sa mata ng mapanghusgang mundo, sige lang. Tuloy lang. Soulmates nga siguro kami kasi pareho naming pinakapaboritong kaaway at pinakamalapit na kaibigan ang isa’t-isa. Walang mabigat na problema pag magkasama naming nilulutas. Marami-rami na rin ang narating namin at dahil sa kanya, tuluyan na kong naniwalang opposites attract. The reason that keeps me sane. Kapag pakiramdam kong parang malapit na ang end of the world, siya ang nagpapaalala sakin na, “gutom lang yan.” Knows me inside out, upside down. Kaya sobrang thankful ako na ibinigay siya sa’kin. Mahaba pa ang byahe namin at nasisiguro ko…for life na ‘to. :)

Sila…sila ang iilan lang sa mga kasakay ko ngayon sa byahe. Kakaiba ito sa mga nakasakay ko na noon. Salamat sa libreng kwentuhan, tawanan, asaran, dagdag-kaalaman…salamat sa pagkakataon na nagkakila-kilala tayo.

Nakaikot na ulit ang mundo. Salamat sa inyo. :)

buddypokeAling Baby


Musta na kayo?

Oktubre 13, 2008
 

Dalawang taon na ako sa UAE ngayong buwan. Parang kailan lang nung huli naming nakasama ang mga kaibigan namin ni Mine sa David. Ang tagal na pala, more than ten years na rin tayung magkakaibigan at 2 years na kaming absent ni Katch sa tambayan. Sinu bang mag-aakala na mahihiwalay kami ng milya-milya sa inyo? Kahit na ang iba sa atin ay kung saan-saang parte na ng Pilipinas at sa ibang kontinente na nakatira, may kanya-kanyang karir at pamilya…alam ko mahirap nang pagtugmain ang mga bakanteng oras natin kung sakaling magkaron ulit ng reunion at indi tulad dati na tawagan lang, kumpleto na agad. Pero sana naman, magkita-kita pa rin tayo.

Ang masaya’t malungkot na samahan natin, puno ng mga kung anu-anung kalokohan. Isang bagay na nakapagpasaya sa’kin ang nakilala at nakasama ko kayung lahat. Nakakamiss rin pala kayo. (hehe..) Marami na kaya ang nabago sa inyo bukod sa edad? Sa pagkakaalala ko…eto ang mga naiwan kong “kayo” two years ago. ;)

 

R Y E

Ang clown ng barkada. Si Rye, Ryeang, MaRyeah. Kung saan man tayong venue mapatambay, indi pwedeng malungkot ang paligid kapag nandyan ka, malas lang kung kanino matatapat ang roleta dahil ‘yon ang hotseat ng araw.  In fairness, indi naman nakakapikon ang pang-aasar mo, kadalasan nakakaaliw lang. Nakakasakit ng panga at chan ang mga banat. Ginulat mo kami nung pinaalam mong dalawang taon kang mawawala dahil sa iyung mission. Nung panahon naman na iyon, unti-unti na silang naglilipatan ng bahay. Matagal ang 2 yirs at nung bumalik ka …nashak na lang kami sa pagiging sobrang religious mo, (feeling namin lahat kami makasalanan haha) muntikan na kami mapa-convert sa religion mo.(hehe) Pero after few months, mas namiss mo maging “ikaw” sa harap naming mga kaibigan mo. Nakapag-reunion pa tayo nung berdey ko. Kahit indi nakapunta ang iba…masaya pa rin naman. Nakakamiss makitang kumpleto ang barkada. Sayang nga lang at after 7 months, ako naman ang umalis. Sa ngayon, pareho na tayo ng pinagkakaabalahan. Masaya ako at nag-e-enjoy ka naman sa klase mo. ;) Pareho pa rin tayung mahilig sa music (indi na yata ‘to maaalis satin hehe), lalo na sa 90’s era. Parehong hilig pa rin ang magsulat (pero shempre mas magaling ka pa rin hehe). Sana naman wag kang mahawa sa bagong gangmates mo haha kasi it’s bad for the health. I want you just the way you are (parang kanta)…Buti na lang may ym at minsan nagkakasalubong pa rin tayu kahit bisi-bisihan. Sana makasunod ka na rin dito. :)  

 

J I M

Ang aming sentimental guy. Si Jim, Jimboi. Dati, matunog sa amin ang samahan ng barkada mo sa school na SAGULAPI (SAmahan ng mga GUwapo’t LAhing PIkutin -nice! Meron pa yang R U 1 of US?) Dating outgoing na ngayo’y incoming indoor na. Ang laki ng ipinagbago ng kaibigan naming ito. Iba talaga ang nagagawa ng Love. Fanatic ng 90’s era din (shempre, panahon natin yan!), basta usapang hard to find songs — si Jim ang masarap ka-chum dyan. Meron pa talagang malaking songbook. Kung saan ang venue, dapat may sounds. Indi pa uso ang videoke, bini-videoke na namin ang mga kanta. Minsan magdadala pa yan ng gitara. Mas masaya kung sabay-sabay pa kami parang choir lang. Ngayon, pag pinakinig mo yan ng mga lumang kanta, maghahanap na ng alak — iyon na ang pakner ng reminiscing. Iba talaga pag pamilyado na. Namimiss na namin yung shop mo, bukod sa pumapayag kang maghintay hanggang madaling araw para lang makapag-chat ako, meron pang free soundtrip at wentuhan. Nakakamiss ang usapang pangmatanda intelektwal pre, feeling ko pag magkakausap tayo parang nasa 40’s na tayu. Di bale, makakadalaw din ulit ako kina Olek at sana may MS pa sa pagbabalik ko. See you soon pre.

 

L E N - L E N

Ang kewl friend. Si Len-len, Len-two, Helena. Ambilis talaga ng panahon, 3 years old na si Shine mo, ang inaanak namin ni Mine. Naaalala ko pa nung tinuturuan pa kita mag-chat sa mirc dun sa Easy way beside St. Paul Manila. Ang klasmeyt ko sa telebabad hanggang umaga. One time, pagkatapos ng telebabad, nagpunta pa tayo sa St.Paul na walang tulog —take note, nag-internet pa muna bago umuwi buti na lang bakasyon yun. Ambait ng mommy mong kamukha ni si Vilma Santos kasi ok lang sa kanya gawing bar ang bahay nyo (lalo na pag tulog na siya) at pwede pang makitulog pagkatapos. (kala mo layo ng bahay namin hehe) Sa inyo pa kami nagmo-movie marathon. Minsan, habang nanonood tayo ng MTV, napikon ka kina Nell at Jim nung sinabihan kang “For the girl who eats everything” dahil sa kanta ng N’Sync na For the girl who has everything. Pero as if naman talagang nagagalit ka, shempre asar lang. Bumabawi ka na lang pag nilalabas mo si Sassy (ang iyong anaconda) para i-acknowledge ang presence namin at para indi kami lapain. Nagugulo ang bahay nyo pag hawak mo na siya dahil kanya-kanyang kaming karipas ng takbo. (one way of sending your friends away para magsiuwian na haha.) Diba, hiningi mo pa nga yung shirt ni Jim nun, kasi crush gusto mo lang. ;) Indi ka palatambay pero kakasama mo sa amin, ayun halos araw-araw magkakasama na tayo halos magpalitan ng mukha. Yung paborito mong song na Never let you go ni Faith Evans, ikaw ang naalala ko pag naririnig ko yon. Yung mga expression mong mega, mga sentence na nag-e-end sa kaya, at ang mabagal na salita…so Len-len talaga. Till now kaya ganun ka pa rin? Ingat sa pagmamaneho. :)

 

DAVE

Ang tagapatay ng ilaw sa poste ng Meralco. (hehe) Si Dave, David, Tito Dave. Sayang wala akong pic nung totoy ka pa. (maghahanap ako hehe..) Sa aming lahat, siya kasi ang naiiwang nakatambay sa labas hanggang sa mamatay na ang ilaw sa poste. Kaya pag nag-uuwian na kami, ibibilin na namin sa kanya ang ilaw sa poste. Sasagot naman siya ng, “Sige, ako nang bahala dito sabay hawak sa poste.” Habang nakaupo siya sa tabi nito haha. Tahimik lang ‘to si Dave, pangiti-ngiti lang, nakikitawa, nakikiasar…minsan magugulat ka na lang, seryoso ang usapan tapos biglang magko-comment. Interesante sumagot. Malalim pala at sensible kausap. May instant bodyguard kang kasama dahil protektado ka na parang nasa witness protection program kapag siya ang kasama mo. May paraan din siya kung panu makakamenos ng gastos sa pamimili. ;) Kaso lang madalas mapagkamalang war freak. Kasi naman, kahit wala siyang ginagawa, laging merong kumukursunada. Takaw-away — ang nakakatawa dun, indi naman siya nag-iinitiate…kusa lang silang nagpapabugbog lumalapit. (buti sana kung swerte na lang eh.) Totoy pa lang yan nung tambay days pa namin, pero ngayon binata na pwede nang magpamilya, diba Dave? :) At sabi ni Kirk, ang motto daw ni Dave: Time is Gold. (sa kabaliktaran, kasi sobrang bagal kumilos hehe.)

 

D I M P L E

Ang bato-batong friend. Si Dim, Dymphna (totoong pangalan), Dimpol. Paano ba naman, parang yari sa bato ang katawan. Kahit pabiro, masakit ang hampas —pero biro lang yun, pag sineryoso mo e problema mo na yun. Mababaw lang yan, indi mahirap patawanin kasi tamang laughing trip. Baliktad ‘to eh, pag may tama, tahimik pag wala ang kulit-kulit. Napakachaga makinig sa wento. Sa kanya ko naranasan abutin ng umaga para sa wentuhan na kung san-san na napunta. Ang nakakamiss dito kay Dim, pag pinilit mong manglibre…mahirap pilitin pero bibigay rin pag binugbog nakiusap ka. Laging may libreng ride-all-you-can sa Star City. Pati tiket sa mga concert meron din siya. (yung concert ng Eheads sa Cuneta Astrodome.) Malakas ang boses pag nagwewento, parang may built-in megaphone sa lalamunan. Gorie ang tawag namin sa kanya. (short for gorilla–peace out!) Siya rin ang kadalasang dahilan kung bakit laging nagba-brownout sa bahay nina Katch pag nakatambay sila dun. Pag may free time, rumerelyebo ito kay Dave para magpatay ng ilaw sa poste o kaya sinasamahan niya ito hanggang umaga. Nabibitin sa wentuhan at inaabot pa sila ng umaga sa labas. Bihira na lang ito dumalaw sa David at thankful na nakapunta siya sa berdey/reunion bago ako nakaalis. Mishuu na pre. 

 

N E L L

Ang aming event organizer. Si Nell, Nell Lord, Franella. Present sa lahat ng okasyon. (When I say lahat, it’s literally lahat. Ke masaya o malungkot na okasyon…asahan mong andun siya.) Ang may-ari ng tambayang open-house na kahit anung gustu mong gawin sa kanila, wag mo na lang pansinin ang mga alaga nilang aso plus dog poo, mala-payatas na paligid, bumbilyang 25 watts sa sala at ang cr na barado…keri na yan basta may matatambayan. Full time friend itong si Nell, laging may time sa mga lakad kahit saan pang parte yan ng Pinas…gora na tayetch! Pero kailangang mag-ready ka nga lang ng iyong plus-plus budget dahil yon ang kapalit ng talent niya (tama-mali?). Kumpleto ng album ng Boyzone at Westlife at mga movies ni Tom Cruise, including magazines at posters. (hataw sa koleksyon. :) ) Sobrang hilig niya ang manood. Okay lang sa kanya magpabantay ng bata, tindahan, computer shop…basta may TV na may cable. Kahit the whole day pa yan, cr lang ang pahinga. Masaya kasama si Nell, mababaw lang ang kaligayahan niya. Very contagious ang sound ng tawa niya. Street smart. Kahit anu pag-usapan nyo, game yan. Pero sa tagal naming magkakakilala, hindi pa rin niya inaamin ang tunay na kasarian niya. (hehe)

 

H E L E N

 Si Miss Conservative. Si Helen, Helen LeJarde, Len. Tagasaway ng mga makukulit. Laging parang bago sa kanya ang mga kalokohan na naririnig niya sa amin. Contagious din ang tawa lalung-lalo na pag tawang-tawa. Bilib ako dito pag nagtetext, kaka-send mo palang sa kanya wala pang dalawang minuto may reply na agad. Ambilis magtext –talentado talaga kahit walang tinginan at nakikipagwentuan, nakakabuo ng text message. Mahilig din ito mag-aya ng inuman pero inde naman makatagal. Kadalasan nag-aaya lang siya ng ganto para lang makipagwentuhan. Minsan dinala namin siya sa payatas bahay nina Nell, na-culture shak lang naman siya ng onti pero nakatagal siya dun ng ilang oras haha. Shopaholic at nakakaaliw kausap sa telepono…kahit na antok na antok na siya inde niya ibababa ang phone hangga’t ayoko pa haha. (mishuu len!) Ngayon nasa U.S. na siya, 4 years na kaming inde nagkikita. Tenks nga pala sa pinadala mo sakin dati. :)

 

ROLLY & MAY

 Ang Love birds ng tropa. Sina Rolly at May. Pag nakita nyong mabait ang aura ni Roll…isa lang ibig sabihin nun, nandyan si May. Ang mag-jowang mag-asawa na ngayon pero indi halata. Ang lakas mag-asaran. Parang aso’t pusa pero indi naman mapaghiwalay. Madalas naming makasama ang dalawa sa ilang beses na gimik. Kahit na siksikan kami sa sasakyan ni Carlo, go pa rin. Dati, kala nga namin magkakahiwalay sila dahil sa mga beerhaus issues…para kang bumangga sa pader dahil imbes na maghiwalay e nagpakasal pa! :) Sa ngayon, meron na silang dalawang chikiting (mga pamangkin ni Katch —sina Faith (inaanak ko) at si astiging Bugoy). Stronger as ever pa rin. Stay happy!

 

C A R L O

 

Si Cool guy Carl. Sa sobrang kulit niya at pagiging down-to-earth…indi mo pagkakamalan na siya’y anak ng Lawyer at Doktor. Madalas pa itong makikitang pakalat-kalat kina Aling Pinky’s sari-sari store. Parang laging berdey niya dahil sagana sa libre ang tropa pag kasama siya. Madalas ding nakatambay kina ex gf Helen at kina Dok Alex (tatay ni Katch) para manood, kumain at mag-playstation. Indi siya nakakailang kasama dahil mas maloko pa siya kesa sa amin. Ang lakas mang-asar. Aasarin ka hanggang sa mapikon ka. Nung minsan may nag-berdey samin na ang venue e Tagaytay, dinala niya yung Safari nila at dun kami nagsiksikan. Kahit tatlong sasakyan ang convoy, andun lahat sa sasakyan niya. Ang saya kaya. :lol: Ngayon, pamilyado na rin at may 2 cutie kids. Sana indi magmana ng kakulitan sa ‘yo hehe.

 

D E N - D E N

Ang Hot Momma. Si Denden, Danilyn. After soo many years ay nagbalik ng David. Cool na wife at mommy…inuuna ang friends pero shempre naman talagang reasonable (para sa kanya) ang mga palusot para maintindihan siya ng loving hubby niya. Mabait na kaibigan at kapatid. Kahit minsan, pagod na pagod na siya kakasaway lalo na kay Bunso nila. Picture this: seryosong sinesermunan niya ang sister with matching dabog-dabog on the side pa yan sa kalagitnaan nun dadating kami, indi yan hihinto pero pag humarap sa’min kuntodo ang smayl :D sabay sermon ulit haha. Nakakamiss na nga ang kakikayan at kalakas ng boses pag nagwewento.

 

I V Y

 

Si Miss tanong ng tanong. Ivy, aybi-aybi-aybi (wid Nora Aunor accent), Beng. Matagal na silang lumipat ng QC kaya bihira ko na siya makita. Ang nakakatuwa sa kanya, everytime na napapadalaw siya…inde pwedeng inde siya dadaan sa bahay para makipagwentuhan sakin. Mas malaki pa siya sakin pero todo ate talaga ang tawag sakin. (magalang talaga) Tapos simula na ng walang katapusang tanong. Indi naman ako nakukulitan, nakakaaliw kasi parang siyang sirang plaka haha. Yung sagot mo, gagawan niya ng panibagong tanong —ang kulit! She’s the little sister/brother I never had. Kahit pasaway, imbes na mainis ka…matatawa ka na lang. Sana naman pag umuwi ako dyan magpunta ka naman ng David noh…chubby ka na. :)

 

R O N A L D

Si Onald On-the-go. Ang paborito naming errand boy. Laging at your service at complete ang attendance kahit na hinahabol na ni Aling Nercy (lola niya) para lang umuwi na. Minsan talaga, nagtatago na siya wag lang umuwi ng maaga. Totoy pa rin siya nun nung kasa-kasama namin. Sila nina Dave at Kirky ang mga bunso namin na kahit na indi maka-relate sa usapan, basta sasama lang sa tambay…ayus na yun sa kanila. Paborito rin itong utusan ni Dok (tawag niya sa tatay ni Katch), minsan daw inutusan siya nitong bumili ng Bugelito sa Minute Burger. Tawa siya ng tawa kasi Burgerito talaga ang tawag dun kaya mula nun, naging close na sila ni Dok at nakakapunta siya kina Katch kahit na wala ang mga ito. Nang huli kong nakita itong si Ronald, hanggang balikat na lang niya ako pero ate pa rin ang tawag niya sakin hehe.

 

J O E L

Ang Bespren ni Katch doon. Joel, Wel. Nung maliit pa sila ni Katch, kamukha nila sina Susie at Geno. Magkababata pero daig pang magkapatid ang turingan. Magkasama sa halos lahat ng lakaran. Chaperone ng bawat isa pag may ka-date. Kulang na lang, ampunin ni Dok si Joel para maging legal na silang magkapatid haha. Nakakatawang bumanat itong si Joel, ang lakas mang-asar…laging “soks pana sa banga”. Pag may tama nga lang nagiging mcdo hehe. Namimiss ka na ni Bespren mo dito. :)

 

MARJ, ALIYAH, MAI MAI

Ang Superfriends. (L-R) Marj, Aliyah & Maimai. Kulang pa sila (Mhie at Otchie), ang kukulit nang mga ‘to sobra. Kahit naka-uniporme pa ng PWU, makikita mo ito sa bahay nina Denden at nag-iinom ng hapon. Pero nakakapasok pa rin naman sa skul kinabukasan. Mahilig lang magbonding at solid ang pagkakaibigan. Nakasama namin sila dati nina Kirk at Pao nung nag-Alay lakad kami papuntang Antipolo. Kala namin indi nila kakayanin ang 4 to 5 hours na lakad, ginawa pa namin ni Kirky at Cheng…binilisan pa namin ang lakad sa paakyat na daan papuntang Antipolo Church para makaabot sa simbahan. Kahit mga pagod, marumi ang mga paa, at puros pawisan…nag-enjoy kami habang kumakain ng special goto na may itlog dun. Ang kukulit kasama. Sana maulit natin yun mga pre. :)

Pag balik namin ni Katch ng David, malamang may mga anak na kayo. Nagmukhang tatay o nanay na. Tumaba man o pumayat. Makukulit pa rin o seryoso na sa buhay…kahit gaano pa siguro katagal bago tayo ulit magkita-kita…okay lang yun. :)

Ang importante naman sa pagitan ng mga pagbabagong ito, yung pagkakaibigan na binuo natin — na ipinaglaban kina Baronesa Matilda, Mang Jun, Catalan, Aling Coney, Aling Mila, mga chismosa’t chismosong nagkalat, mga tanod na astigin at sa mga AB (Alagad ng Bading)….

…will remain intact till the end of time.

Indi na mae-erase. May makakalimot ba naman sa pagiging colorful ng teenage life natin sa David?? Lahat siguro pwede kong makalimutan, pwera lang sa inyo at sa memories…it will be always and forever in my heart. naks!

See you soon guys! :)

 

 


Ilang Taon Na Kayo Ng Friend Mo?

Mayo 25, 2008

 

Nakilala ko siya nung kasagsagan ng piko, patintero, touching robber, touch taya, kalog, teks, luksong baka, Chinese, monkey-monkey, Little Miss Philippines, Barbie …in short, mga uhugin pa kami nun. Grabe, dalawang dekada na pala kaming naglolokohan nito hehehe..:D Sabay kami lumaki, pero siya lang ang tumangkad. Sa sobrang gusto namin na maging magkamag-anak, dahil yon na lang halos ang kulang…nung naging mag-asawa ang Tito niya at Ate ko, naging opisyal na mag-pinsan kami by heart.  Klik na klik ang tandem namin, magkasabwat kami sa mga kalokohan, joined force sa pang-aasar at lakaran. (20 years)

Nagmeet kami sa room ng V-Carnelian. Isang tahimik na mag-aaral na pagtanda pala magiging…isang mabuti at mahinhin na dalagang Pilipina….not! :D 17years na kaming magkakilala nito at magkasama pa ngayon sa Dubai. Naaalala ko pa, bnigyan niya ako dati ng cassette tape(o, diba tape pa!) ng Eraserheads Ultraelectromagneticpop. Ang hilig namin dati, music. Fanatic ng LS 97.1 puro alternative tapos tambay ng Harisson Plaza at Jollibee Evangelista. Pati sa UNI ballpen,na-addict kami nito. Nagkahiwalay lang nung natuto siyang ma-inlove. :D Pero after almost 4 o 5 years na itinago siya, ayon at nagkita kami ulit. Marami na nangyari sa halos apat na taon nagkasama kami. Ilang beses na rin na-test ang solid friendship namin. Gaya nga ng sabi ko sa kanya na, “Iiwanan ka nilang lahat, pero ako…hindi kita iiwanan pre.” Walang nagbago, ganun pa rin yon. :) (17 years)

Ito ang SuperEverExtraOrdinary Friend ko. Nung natuto na akong maglagalag, nagkakilala kami dahil sa mga kwentuhang pa-tweetums. Shempre naman, mga dalagita days pa yon. Nagkakasundo kami sa music, novels, sulatan. Napaka-creative niya. Hanga ako sa mga artistic talent niya kahit na lefty siya. Sa kanya kami nakakapulot ng mga expressions na nahahawa lahat pag naririnig. Ang galing magkwento ng re-enactment, talagang parang nandun ka. Masaya, kwelang kasama at paniguradong hindi ka uuwi ng hindi ka masaya. At kahit na nagbagong buhay na siya ngayon, alam namin ni Pao na mananatili ang kulay berdeng dugo niya kahit mag-polo na white at neck tie pa siya forever. Peace Rye! (15 years)

Nung nasa piling pa siya ng iba, friends na kami. Hindi pa namin alam na we’ll end up together. (*kilig!) Kaya kami naging close? Kasi, gustung-gusto ko matuto mag-gitara. Nung nalaman niya from our common friends na meron akong guitar, ayon at madalas akong puntahan sa bahay para hiramin. Marami din siyang naituro sa’kin. Eh napaka-reklamador ko pa naman turuan hehehe. Yung song ng Iaxxe na “Ako’y sa’yo, Ika’y sa’kin” ang una niyang itinuro. Pero madalang lang kami dati magkita kasi lagi siya may band practice at sports minded. Kaya bumili na lang ako ng songhits para tapusin yung song hehehe… After a year pala magiging kami na. (11 years)

Ang aking Abel Girlfriends na sina Len, Kricel at Tamin. Ang nagturo sakin maging mabait nung college days. Kaya siguro maaga ako nagsawa sa pag-inom at gimik dahil sinabay-sabay ko ang pag-aaral at ang mga ‘yon. Ang hirap pero natapos ko naman. Those were the days ng kakikayan kaya hindi ko makakalimutan ang mga gurlies ko. (8 years)

5 years and below

Nakilala ko ‘to nung sila pa ni @#%*. Mabait pa siya nun hehehe….kasi hindi makapalag. Nakasama namin ni Len sila ni Miss Pink of 2003 (si vj purple) sa aming OJT sa Land Bank, habang nagpipintura ng mga papeles sa Purchasing Dept. Hindi ko makakalimutan ung “pangkurot”, “palaman” at ang makabuluhang “Certified Xerox Copy ni Vanene.” Panalo! Ang pagtamabay namin sa Tapsi de Manila habang nagsa-sounds katabi ng shop ni Burner Boy JN. Tapos, ang pagpatay oras sa Times. Nakakamiss lang.

 

Maniniwala ba kayo na pinakilala sakin ni Len ‘to sa Library?! Kahit ako, hindi rin makapaniwala eh. Chick at away magnet sa Abel hehehe…pero bago kami maka-graduate, hindi ko na’to napagkikita kasi busy sa lovelife. At after college days, dito pa kami sa Dubai magkikita ulit. Ang laki ng pinagbago, naging mas pasaway at bratty pero mabait at sweet friend samin nina Papa Katch at Maynsky.

 

Eto ang pinaka-favorite ko sa mga friends ko. (Pasintabi sa kanilang lahat.) Kasi naman, da best itong tunay at pasensyoso kong kaibigan. Nagkikita na kami sa ibang mga gimik nina Mayn sa PInas, yung huling nakasama ako na sana naaalala pa niya…eh yung birthday nila ni Marisse nung 2006 sa isang bar sa Makati. Tapos yung sunud nun, sa MOA nung binigay niya sakin ang padala ng mum ni Mayn. Alam nyo ba na hindi pa kami ganun ka-close nung nasa eroplano kami?! At sabi ko nga sa kanya, hindi man lang niya binitbit yung ibang bag ko kahit na halos makuba na ko sa pagbuhat eh gayong ang laki-laki niya diba? Pero okay na rin. Iilan lang naman makikilala nating mga true friends eh at isa na siya dun.

 

Ito naman, dati naiilang ako kasi mukha siyang santo. Parang ambait-bait pero mali pala ang akala ko. Isa pala siyang napakaga…an kasama, nakakatawa, sobrang maloko at mapang-asar. Pero minsan naman, pag kailangan mo ng matinong kausap…chika na ‘to hehehe..pwedeng-pwede talaga. Totoong-totoo, walang peyk sa kanya pwede lang ang kabaitan :D

 

Eto talaga, kahit na bagong kilala.mararamdaman mong welcome ka. At ang tiwala niya sa kaibigan, talagang hindi mo maaawat. Dito ko na siya nakilala sa Dubai pero parang ang tagal na naming magkabarkada. Ang gaan kasama, kaya nga siguro naging sila ng isa sa aking abel gurlie. Hindi mo mararamdaman sa kanya na ma-awkward sa presence niya baka nga siya makaramdam nun eh. Mabait talaga ‘to, magugulatin lang pag minsan, parang Papsie niya. Biruin mo ba namang sumama na samin para lang makaligtas na sa mga ibang lahi sa room nila hehehe…miss na nga namin ‘to eh. Umuwi ka na pre!

Eh kayo ng friends mo? Ilang taon na ba kayong magkakakilala?