Mismo..

ab

Kelan mo ba huling naramdaman yung kakaibang pakiramdam na hindi mo maipaliwanag? Yung walang mapagsidlang saya. Yung halos araw-araw na kumakandirit ang puso mo at hindi maitagong ngiti. Yung sayang umaapaw na kayang pumuno ng kalungkutan ng iba.

Naaalala mo pa ba?

Lahat ng tao, tingin sa ganitong pakiramdam -award. Daig pang nanalo sa Lotto. Swerteng napasigaw ng Bingo! Gawad parangal na may kasamang confetti at fireworks. Sayang walang katumbas na halaga.

Hinahanap mo ito sa panahong pakiramdam mo, wala nang magandang nangyayari sa buhay mo. Puros lungkot lang at lungkot at maraming-marami pang lungkot. Lalo na kapag akala mong matatapos na sabay lungkot pa rin ang nabunot mo pati sa pa-raffle. Minsan mapapatanong ka na lang kung darating pa ba ang araw na  magrreunite kayo ng saya. Kung buhay ka pa ba bago kayo magkita.

Napaka-overrated ng saya na ito. Feeling ko tuloy lahat na lang ng tao, malungkot at wala nang iba pang magandang nangyayari sa buhay nila kundi ganun na lang at ganun na naman bukas. Ang bigat-bigat ng mundo at yun pa ang napiling pasanin. Pwede namang hindi.

Pwede naman diba?

Hindi naman palaging ang ibig sabihin ng hindi masaya, malungkot na agad. Mapapa-assess ka na lang pag may biglang nagtanong sa’yo ng, “Masaya ka ba sa buhay mo ngayon?” or yung simpleng tanong na, “Masaya ka ba?” -well, kung totoong masaya ka, ang daling sagutin nun. Pero kung alanganin ka, bigla ka nalang mapapatigil at mapapatingin sa malayo na parang gumagawa ng MTV, sabay balik ng blankong tingin sa kausap at hindi na sasagot. Meron pa ngang iba, bigla na lang mapapaiyak na parang tumeteledrama lang.

Big deal ang issue ng saya na’to. Minsan nga nakakalito  na rin kung ano ba talaga ang basehan ng tunay na saya. Fulfillment ba ito? Kasi ang abnormal mo naman kung lagi ka na lang masaya. Oo, andun na ‘ko, sino ba naman kasing tao ang gustung lagi ring malungkot? Ang totoo nyan, dapat balanse lang sila eh. May araw na masaya ka na parang katapusan na ng mundo bukas at may araw na tinatalo mo pa ang mga soap opera actors sa lalim ng pinaghuhugutan mo ng lungkot na yan. Pero diba may araw rin na steady ka lang? Yung kalmado lang na parang hinahalo ng cement mixer yang nararamdaman mo buong araw o minsan inaabot pa ng buong linggo. Normal ka pa rin nun.

Maliban sa mas magaan sa pakiramdam pag masaya ka. May mga araw na nakakalimot ka na rin. Yung mga dapat gawin. Yung mga tao sa paligid mo nagiging blurry..busy ka kasi sa kasiyahan. Kala mo forever ka nang ganyan. Kaso lang, may sayang sumasaglit lang. Pinasarap lang ng konti pagkakasquat mo lalo na pag biglang kinumusta ka ng realidad. Pag biglang may sumulpot na aberyang inaabot ng siyam-siyam. Dun….dun ka na parang binuhusan ng malamig na tubig. Biglang iikot ng 360 degrees ang sitwasyon.

Paikot-ikot lang naman yan eh. Nakikiikot lang tayo kaya wag na magreklamo. Minsan yung mga nagrereklamong stuck na sila sa isang sitwasyon, sila lang din ang may kagustuhan nun. Pwede naman kasing umalis dun, nag iinarte pa. Kung ayaw mong maging malungkot, subukan mong bitiwan yung mga bagay na nagpapalungkot sa’yo. Yun at yun lang ang paraan para matapos na yan -period. Maraming dahilan, oo pero mas maraming paraan kung gugustuhin mo lang talaga. Kasi, pag ginawa mo yun at nalaman mong yun ang dapat mo nang ginawa noon pa, sasabihin mo sa sarili mong….”Bakit ba hindi ko ginawa agad?”

Sa totoo lang, walang nasasayang na oras. Na noong masaya ka, ang dami mong dapat na nagawa kesa sa magpakasaya. At nung sinayang mo rin ang oras mo sa kaiiyak at kakaaway sa pesteng sitwasyong napasok mo….nagamit mo ang mga oras na yun para may matutunan. Lahat nang yun, may naitulong sa’yo. Ke masaya ka o hindi, yung naranasan at napagdaanan mo, yun ang nagturo sa’yo ng mga bagay na hindi mo matututunan sa mga libro at kung ibabase mo lang sa mga kwento at sabi-sabi. Kinailangan mo yung pagdaanan kasi yun ang nakatakda.

Kaya kung nasa taas o ilalim ka man ngayon, gamitin mo yang sitwasyon na yan para matuto. Walang maling sitwasyon. God never make mistakes. You are supposed to be where you are kaya embrace the current season of your life.

Aja!

Tanong lang: Bakit ba?

what

Bakit kaya may mga taong pagkatapos mong pagbigyan, antayin, pagpasensyahan at intindihin….pag turn na nilang gawin yun, hirap na hirap? Anditong nagmamadaling makuha ang gusto, walang pasensya at hindi makaintindi?

Bakit kaya kapag alam mong hihintayin ka ng mga kasama mo, saka ka pa lalong nagbabagal kumilos at literally taking your time pero pag ikaw naman ang maghihintay, di ka magkandaumayaw sa pagmmessage kung nasan na ang mga ito at nakukuha mo pa talagang mag walk out dahil sa trenta minutong pag-antay kumpara sa halos dalawang oras kung magpaantay ka?

Bakit kaya ang lalakas ng loob ng mga taong pagkwentuhan at pagpyestahan ang buhay ng iba nang patago? Pero pag na-caught in the act na sa ginagawa, halos manguna sa pagmamalinis at pagpapakita ng magandang bagay maisalba lang ang sarili sa kahihiyang isa sila sa mga karaniwang taong tingin nila sa sarili nila, sila ang tama?

Bakit kaya may mga mahilig magbigay ng pabor at tulong na sadyang isang kabayanihan, isang tunay na kaibigan. Walang halong pagmamaramot. Pero kapag dumating ang araw na nagkamali ka. Hindi mo napagbigyan. Nakalimutan mong magbigay-pugay mag-alay ng bulaklak…bigla kang bibilangan ng mga tulong, pabor, utang at kung anu-ano pang mga bagay na ginawa niya para sa’yo?

Bakit kaya kahit ilang ulit ka nang umikot, baguhin ang pwesto ng tulog, bumaling, dumantay sa unan, i-full blast ang electric fan, isara ang lahat ng bintana, maglagay ng eye mask, magdasal o magbasa….di ka pa rin makatulog? –Ganun ba talaga pag bagong gising? :P

Bakit kaya kung sino pa yung gustong gusto ng respeto at pinagpipilitan na karapat-dapat silang galangin at pahalagahan, sila pa itong hindi marunong gumawa ng gusto nila para sa ibang tao? Ano, dapat kayo lang? Kayo na. :P

Bakit kaya pag sinasabi mong ayaw mong gawin ang isang bagay sa pansariling dahilan na hindi katulad ng sa ibang tao, iisipin na agad ng mga ito na maarte ka at pasushal. Hindi marunong makisama. Makasarili. Agad-agad? Husgado agad, wala pang imbestigasyon?

Bakit kaya kung sino ang inaakala mong mabait, matulungin, mabuting ehemplo, simple pero rock, magaan kasama, laging masaya, tawa ng tawa, banat ng banat, umeepal pag kinakailangan, sumusulpot kahit di mo kailangan, aaliwin ka, kasama mong makalimutan ang problema, bibong-biba, okay sa olrayt…….eh pakitang tao lang pala?

Bakit kapag sinasabi ng kausap mo sa umpisa pa lang ng usapan na opinion niya lang ang mga sasabihin niya…kalaunan ng usapan, ang opinyon na ito ay nagmimistulang gabay at mabisang paraan kung paano magiging mainam na solusyon ito sa problema mo? Bakeeet?? Bakit ganun???

Bakit kapag nakakakita ako ng mag-asawa-magjowa-mag-MU-magkaIBIGAN…umiinggit mode akong maghanap na rin ng kapartner. Lalo na pag puros saya at punumpuno ng pag-ibig ang mga pinagsasabi ng mga ito. Flowers and petals. Bed of roses. Parang gusto mong bukas na bukas rin manghahablot ka na ng someone para ipartner mo sa sarili mo. Tapos, isang araw malalaman mo na lang ang mga lokohan, pambababae/panlalalake, away dito-away doon, sigawan dito-bulyaw doon, sumbatero/ra, depression, pain, lies, betrayal, heartaches, miseries…regrets. Gusto mo na ring ipagpasalamat na single ka ngayon. In times like this, magtatanong ka pa ba kung bakit ka single? :)

Bakit kaya kapag kating-kati ang mga taong may malaman sa’yo, gagawin ang lahat (as in literally lahat-lahat-lahat) daig pa ang paparazzi, cctv, imbestigador, undercover agents -makuha lang ang mga impormasyong parang may kapalit na milyong halaga. Mapapaisip ka na lang kung bakit? Ano bang meron? Para saan ba yan? Project? Assignment? -Big deal??

Bakit kaya may mga taong kahilig mamuna ng kapintasan ng iba mailigtas lang ang sarili na siya mismo ay may mas malalang kapintasan? Bumabangka. Umeeps. Pumaprimetime bida. Nangangagaw ng dialogue at role. Sneaky, redhanded na nakukuha pang dumeny. For some reason, nakakabilib lang. Taas kamay ako sa inyo. Sa guts…..oozing confidence. But at the end of the day, may isang tanong lang ako…masaya ba? Masaya ka na ba? Bakit? (enumerate your answers.. :P )

Bakit sa bawat tagumpay ng ibang tao lalo na ng mga nasa hanay ng kinaiinisan natin, hindi natin makuhang maging masaya para sa kanila? Sa halip, mas marami pang naiisip na hindi kagandahang bagay na mas lalong nagpapatunay kung gaano ka kabitter sa nakikita mo? Bakit? May sakit ka ba?

Bakit imbes na mag-abang ka ng mga madadapa sa harap mo, hindi mo subukang tumayo. Maglakad-lakad. Smell the flowers. Love the weather. Hold the people you care about and cares for you close to your heart. Be the miracle. Smile. There’s a lot in store in this lifetime than waste your whole life trying to bring people down to the same black hole that you’re in. Labas na jan, friend. Grow up. Breakaway from the anger. Kase, sa totoo lang…nakakapagod yan. It would do you harm than good. Look around you. Konti na lang ang natitira. Cherish them.

God bless you.

Ayoko na

Yung pakiramdam na ginawa mo na ang lahat and more, pero wala pa ring pagbabago sa sitwasyon at para bang nasa ‘yo lang ang pressure. Ang hirap. Nakakapagod na. Ang sarap na’ng sumuko at sabihing. “Ayoko naa!!” –with matching sabunot sa buhok.

Sa totoo lang, kasabay ng pagsigaw nito ang pag-asang mas gagaan ang lahat pag sumuko ka na at lumayo ng malayong-malayo. Naiisip mo na pag ginawa mo na ito, pag gumising ka kinabukasan, naiimagine mo na ang magandang ngiti sa mga labi at magaan na pakiramdam na para bang nabunutan ng mistulang ga-troso ang laki sa dibdib (ang laki lang talaga eh…kundi pa chak na gumaan ito, ewan ko na lang).

Sino ba ang may gustong gumising araw-araw na may pakiramdam na nakatulog ka na lang dahil sa pagod na ang katawang lupa mo sa hirap na nangyayari ngayon sa’yo? Na minsan, mas gusto mo na lang maging manhid dahil sa katotohanang, bukas, wala pa ring mababago. At kahit nasa pinakasulok ng isip mo, na ang huling bagay na pwede mong gawin ay ang sumuko, kaso umabot ka na sa puntong nasaid na at naibigay mo na ang lahat ng makakaya kasama ng buong buhay mo (malupet na metaphor sa pakiramdam na’to), dahil parang ikaw na lang ang lumalaban. Di naman siguro ganito kahirap kung alam mong may kasama ka pa rin sa laban, kaso mo, lumingon ka, (huwaatt??!) ikaw na lang pala.

Eh ano pa ba ang silbi ng ginagawa mo kung mag-isa ka na lang lumalaban?

Wala na? Suko na lang talaga?

Eh sa buhay natin, ilang beses na ba tayong umayaw at umatras na sa laban? Yung tipong kapag wala ka nang nakikitang pag-asa sa gitna ng lahat ng sakripisyo mo. Palaging hahanap ng easy way out. Takas na lang, tutal may iba pa namang problema d’yan na hindi mashadong challenging harapin. Sa pag-iisip na, hindi na ito worth it para bigyan ng panahon. Hindi na rin panghihinayangan…

Pero paano mo nga ba naman malalaman na worth it ito kung sa kalagitnaan pa lang ng laban, sumuko ka na? Paano mo masasabi ang posibilidad na may magandang naging resulta ang lahat ng sakripisyo kung sumurender ka na nung may dumating na problemang di mo nalampasan?

Well, hindi mo na malalaman. Yun lang yun.

Sa totoo lang, ang dali lang naman sumuko eh, lalo na kung wala kang ibang iintindihin kundi –sarili mo. (the shellfish ways…) Kay dali lang…just walk away. Go and don’t ever look back. It’s that simple. Lalo na’t kumbinsido ka na sa listahan ng rason kung bakit mas praktikal ang umatras na lang.

Tutal, hindi naman lahat ng sumuko, talunan. Pagod lang.

Marami at iba-iba ang dahilan. Pwedeng tao o sitwasyon, minsan pati panahon. Sabi nila, depende sa pinaglalaban. Depende sa taong pinaglalaban. Kung importante o hindi mashado. Mahal o medyo mahal mo lang. Minsan pati sa tagal ng pinagsamahan. Kalaunan, kung gusto mo pa ba o ayaw mo na.

Mahirap pilitin ang ayaw, maraming paraan at dahilan. Sabi pa nga nila, hindi naman mahalaga yung nag-iisang dahilan na LOVE -kasi marami pang pwedeng idahilan.

Sa tingin ko, sa gitna ng sitwasyong alanganin lalo na’t may problemang parang wala nang katapusan, palaging basehan mo, Love pa rin… “Mahal ko kaya ilalaban ko pa.” –diba? Pero aminin natin, yung iba financial security, mga anak, reputation, Pride/Ego, at family. Andun na ko…pero in the end, susuko ka pa rin kasi yung ultimate bond na nagkokonek sa’yo at sa kanya, love pa rin. Love lang palagi. Eto yung laman ng tanong ng mga taong curious kung bakit nagpapakahirap ka at matiyagang nakapila sa mga magpapabaril sa Luneta…”Mahal mo ba talaga siya?” (Sagot na…)

May pagkakataon nga na ito na lang ang ga-sinulid na nakakapit sa’yo at sa sitwasyon at pag-asa na darating din ang araw na maaayos din ang lahat. Na kahit sinasabi na sa’yong tama na at tumigil ka na, di mo pa rin magawa.

At the end of the day, YOU still have to make a decision. Ikaw talaga ang gagawa nito teh..

Hindi mo naman kasi pwedeng iasa sa advise nila ang mga ganitong sitwasyon because they don’t have to bear the consequences, ikaw pa rin yun te. Minsan, pag feeling mo parang halo-halo fiesta royale na ang mga bagay sa isip mo, makakatulong na lumabas ka…breathe, let go and Pray…

Dala lang ng emotions kung bakit nakakaisip tayo ng mga solusyong pagsisisihan natin pag kumalma na. Baka pwede namang bago magdecide, uminom muna ng malamig na tubig-kumain-manood ng sine-magfb-makipagkwentuhan sa kapitbahay-magDiamond Dash, magteleserye marathon-basta madivert lang saglit ang isip kase malay natin, bukas, pag ok ka na, sasabihin mong nabigla ka lang. (Hala, ano ‘to joke?!) Di naman pwede yun. Dahil pwera biro, hindi nakakatawang paglaruan ang feelings ng isang tao dahil lang sa hindi ka sigurado sa nararamdaman mo.

When you can no longer think of a reason to continue, you must think of a reason to start over…cause when it’s time to let go, you’ll just know.

Puso, araw mo na naman...

Reblogged from Aling Baby:

Click to visit the original post

Kahit saan na naman ako magpunta, puro <3 na naman ang makikita ko.

Kay gaan ng paligid, sumasabay sa klima. Malamig, masarap may katabi. Masarap magkape at makipagkwentuhan. Maraming masarap gawin.

Pag araw ng mga puso, legal lang na maging swit kayo ng jowa mo in public. Indi awkward ang may dala ng bouquet na indi parang runner up ka sa kakatapos na pageant sa opisina o eskwelahan.

Read more… 359 more words

Wala lang, salamat lang.. :)

Ni-review ng BFF ko ang entries ko for the past months. Sabi lang naman niya, punumpuno daw ng angst ang posts ko.

Puro angst ba talaga?

Aminado naman ako na mas madalas sa hindi na ito ang nagiging outlet ko kapag merong mga pangyayari na hindi ko na kayang patambayin lang sa isip ko. Nangangati ang kamay ko na isigaw sa pagsusulat kung ano ang mga gusto kong sabihin.

Pasensya naman kung ganun.

Minsan kailangan naman talaga natin ng outlet para hindi maging stress at worst, sakit sa puso ang pagkikimkim ng mga bagay-bagay. Huli ko na rin kasi narirealize na marami pala ang napapadaan at napapatambay para magbasa ng entries ko. Huli na talaga yun eh, pagkapindot ko ng publish. :lol:

Minsan din mashadong seryoso lang talaga si Aling Baby. Sumasanib kasi ang mga matatanda sa utak niya. At sa tindi mag-isip, kung anu-ano ang nasasabi na sa tingin ko naman, maraming tao ang nakakarelate. Yun naman kasi ang totoo diba? Alam nyo yan.

Kahit ako, pag binabalikan ko yung ibang entries ko, pakiramdam ko talaga ibang tao ang nagsulat nun eh. Kapag kasi nakalabas na ang idea at napost ko na, nawawala na rin sa isip ko na sa’kin pala lahat nanggaling ang mga sinulat ko. Lalo na nga at bihira na lang ako dalawin ng ideas.

At sa mga nakakakilala sa’kin na nag-iisip kung para ba sa kanila ang iilan sa mga sinulat ko…di siguro. Pero kung tinamaan kayo at talagang mapilit, o sige kayo na nga un (kahit hindi..), alam nyo naman na madali lang ako kausap. Bigay-hilig lang. Basta kung saan kayo magiging masaya.

Kaya nga nagpapasalamat ako sa mga masugid kong mambabasa. Yung mga matiyagang mag-comment at bumati. Kung hindi man ako nakakasagot sa inyo, gusto ko lang ipaalam na sobrang naappreciate ko ang effort para sumilip kung may update na ako. Kayo ang dahilan kung bakit sa kabila ng kabisihan ko nitong mga nakaraang lingo eh pinipilit ko pa rin mag-update. Shempre naman. :)

At kung totoo nga na punumpuno ng angst ang mga sinusulat ko, pwede naman kayo mag-iwan ng comments at suggestions hehe…

-Pwede yun, close-close naman tau eh.