walang permanente sa mundo..

Oktubre 18, 2009

AllWhoWander

Lagi nilang sinasabi na walang permanente sa mundo….

Bukod sa madalas na dialogue sa pelikula at teleserye, laging pinapayo ng kaibigan at kakilala, minsan tinuturo sa iskul at bukambibig ni nanay pag feel niya magpa-almusal-tanghalian-hapunan-meryenda-midnight snack ng sermon at  minsan mari-realize mo ito kapag dumating ka na sa puntong nahimasmasan na pagkatapos ng lahat ng nangyari.

Kung mas pipiliin mong indi maniwala dito, wala ka namang choice. Bukod sa majority ang sang-ayon dito…tanggapin mo na kasi na totoo naman talagang walang permanente sa mundo. Pati nga mga bahay at building na akala mong habambuhay na sa kinatatayuan nito, dumaan lang si Ondoy na-wipe out lahat bigla diba? Di ngayon, parang isang pang-hoy gising ito sa ating lahat.

Nung bata tayo akala natin ang mga ngipin natin parang halaman lang na pag nasira, tutubo ulit. Wala man lang early warning nung nabungi ka ulit. Yung tipong magsasabi sa’yo na parang konsensya na…“Patay tayo dyan, sinira mo pa…last na yan eh.” Late na nang sinabi sa’tin na isang beses lang ito magpapalit. Aanhin mo pa ang mamahaling toothpaste kung wala ka nang tu-tutbrasin?

Wala nga kasing permanente. Wala talaga.

Dati, ang pagkakaibigan n’yo ng kababata mo abot hanggang pagtanda. Para bang kulang na lang sa lalim ng samahan ninyo eh ang pagtanda. Pero sino bang nakakaalam na kasabay sa pagtanda ninyo ang pagtigas ng kapwa n’yo ulo hanggang sa indi malamang kadahilanan, pati pala ito pwede ring mawala?

Kung minsan, kahit gaano mo kamahal ang trabaho mo na halos ibigay mo na pati ang oras na para sa sarili at sa pamilya…sa isang iglap, kaya nitong balewalain lahat ang pinaghirapan mo dahil sa mas prioridad nito ang kapakanan ng kumpanya kesa sa’yo.

Dati, sabi nila hangga’t indi pa kasal pwede pa…may pag-asa pa para ma-check kung sino ang papakasalan. Pero ngayon, kasal na’t lahat – may mga anak – kahit pa me apo na…naaagaw at inaagaw pa rin. Ang kasal…para na rin itong walang saysay. At kung kelang may asawa na, saka pa parang nag-aalangan kung sure na ba talaga sa napiling makasama habambuhay.

Indi lang pagkain ang may expiration date o kaya mga perishable goods ang nasisira. Pati mga snatcher at holdaper, walang pagpapahalaga kung gaano mo katagal pinag-ipunan ang pambili ng gadget na pinakaaasam-asam mo. Yung mga pagkain na tiniis mong indi kainin at ilang kilometrong nilalakad mo araw-araw para lang makatipid sa pamasahe…para lang dekwatin nila ang mga ito ng ganun-ganun lang. Sana sa tuwing magtetex at tatawag sila gamit ang celpon na pinaghirapan mo o di kaya eh habang naglalakad sila papuntang pawnshop para ibenta ito, maisip nila ang lahat ng tiniis mo. Haaiist! As if naman. :lol:

Ang lahat-lahat sa buhay natin ay may deadline na confidential ang petsa. Malalaman daw kasi ito sa tamang panahon at pagkakataon. Samantala, binigyan naman tayo ng mahaaaaabaaang panahon para alamin sa ating sarili thru the course of life kung ano talaga ang purpose natin sa mundong ito. Siguro naman, sapat na ang 70-80 years  (sana abutin ko ‘to hehe..) para makuha ang sagot sa mga tanong na akala natin ay wala talagang sagot.

Sa lahat ng niregalo sa’tin nina Kuya Josh, ito lang yung kailangang isoli pero tingnan mo naman…buhay yung binigay niya pero okay lang sa Kanya kung wala nang buhay pag binawi na niya. Yung iba nga, binibigyan pa niya ng second chance para magbagong buhay, meron ding inaabswelto – - inilalagay sa lugar na maraming bantay at rehas na bakal  kasama ng ibang naabswelto para matuto sa pagitan ng hirap ng buhay sa loob at yung ibang may taning na…pilit pa rin niyang dinudugtungan para magkaron pa ng pagkakataong makasama ang mga mahal sa buhay.

Walang permanente sa mundo.

Kaya bakit indi natin gamitin ang pagkakataon na ito para ipakita at iparamdam sa lahat kung gaano ito kaganda. Indi nga ito perpekto. Puno nga ito ng pagbabago at paghihirap – - indi buhay ang tawag dito kung wala nito. Pero sa bawat hirap, meron ding saya, selebrasyon at sakses. Dapat nating ipagpasalamat ang kung nasan man tayo ngayon kasi ito ang plano sa atin nina Kuya Josh, ito ang misyon na inayon sa atin.

“Everything in life has purpose. There are no mistakes, no coincidences, all events are blessings given to us to learn from.”

emo

Kaya kahit walang permanente sa mundo, ayus lang. We just have to make the most out of it. Bigyan natin ng pagkakataon ang sarili at ang ibang tao na ituwid ang pagkakamali. Forgive but never forget.

Tapos smile na…hmmmkei? :)

buddypokeAling Baby


Ondoy + Jacque Bermejo = DISASTER

Setyembre 30, 2009

RAIN

Sanay na tayo sa mga balitang bagyo o sunud-sunod na bagyo sa Pinas. Sa tuwinang mag-uulan, bumabaha at lumulubog ang ilang parte ng Maynila at probinsya na siyang nagiging dahilan ng problema at abala para sa mga naapektuhan nito at konting saya at pahinga naman para sa kasali sa walang pasok.

Typhoon hitting_Philippines

Paano ba naman kasi, ang Isla natin ay nasa typhoon belt at approximately 19 typhoons ang dumaadaan sa bansa taon-taon. At kahit na memorize na natin yan mula nung elementary hanggang kolehiyo, yung ilang pinuno na umupo at nakaupo sa pinakamataas na katungkulan sa bansa natin, nagkaka-amnesia o sadyang isinasantabi ito gayong ang eleksyon ay laging natataon sa Hunyo…which means, nag-uulan.

Matagal na sanang nasolusyunan ang mga pagbaha kung ito ang unang proyekto na ginagawa nila imbes na pagplanuhan kung paano wawaldasin at ililipat sa account nila o ipanlilibre ng magarbong dinner ang pera ng bayan.

corrupt

Kung inuna nila ito at indi ipinawalang bahala ang kaligtasan at buhay ng pinamumunuang bansa…

Hindi sana natinag ang Maynila at ilang probinsya sa pagragasa ni Ondoy(Ketsana).

Wala sanang nasirang daan at tulay, lumubog na mga bahay at naanod na mga sasakyan.

Indi sana nasira ang kabuhayan at ilang naipundar ng mamamayan.

Walang naaksidente at nasaktan.

At walang buhay na ibinuwis.

Pero nangyari pa rin at patuloy na mauulit ang lahat dahil sa kapabayaan.

12Philippines Typhoon1.1

Nakita ng buong mundo ang sinapit ng mga Pilipino sa bagyong kumitil sa 246 na buhay at hanggang ngayon ay indi pa nakikitang 38 kataong nawawala. Tinatayang umabot ng anim (6) na bilyon ang napinsala sa trahedyang ito. Mga numerong nakakapanghina dahil sa kawalan ng matibay na pamumuno.

1.4PHILIPPINES-WEATHER-TYPHOON1.61.2

Para sa aming mga nasa ibang bansa, panalangin at tulong pinansyal lang ang pwede naming maitulong kasama ng pag-aalala at pagdarasal na sana nasa mabuting kalagayan ang lahat ng mahal sa buhay at ang lahat ng mga nasalanta. Napakahirap isipin na sa ganitong pagkakataon, gustuhin mo mang makasama ang mga ito para personal na tumulong, indi naman pupwede kaya ang mga balita sa TV at internet na lang ang tanging source kung anu na ang mga nangyayari sa bansa.

1.5

Maraming mga tulong pinansyal ang dumagsa pati na ang pagkain at damit. Pati na ang mga bansang Amerika, China, Japan, Thailand at Australia ang nagbigay ng tulong. Let’s all be thankful for their openhandedness.

Sa pagkakataong tulad nito, maaasahan ang mga Pinoy pagdating sa pagkakaisa, pagtulong at pagbubuklod para matulungan ang kapwa. Sabi nga nila, “Sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo-tayo rin.” Sa kahit ano’ng paraan, gumagawa ang mga Pinoy sa abot ng makakaya para tumulong at makatulong sa nangangailangan.

redcrossmunicipalrelief2

Yan ang tatak ng Pinoy. Kahit gaano pa kabigat ang sitwasyon, nakakayang lampasan. Walang nag-iiwanan

At sa gitna nito, kung gaanong kilabutan at mahabag tayo habang pinapanood ang mga balita at video ng mga lumulusong sa baha, mga taong nasa kani-kanilang bubungan, mga tinangay ng flash floods, mga namatay at naaksidente…

May isa tayong kabayan na walang kaabog-abog na nagbigay ng personal point of view niya sa pangyayari sa sariling bansa sa isang fan page sa Facebook.

untitled

Dahil sa mga binitiwan niyang komento, naalarma ang mga nakabasa nito all over the world at ni-repost ang pamosong linya niya.

Si Jacque Bermejo.

JB

Ang taong walang malasakit sa kapwa Pinoy.

Hindi na nga nakatulong, may gana pang magsalita ng indi maganda.

Meron kaya siyang kamag-anak sa Pinas na naapektuhan ni Ondoy? O siguro, wala siyang kamag-anak kahit isa na tinuturing siyang kamag-anak lalo na pagkatapos ng mga sinabi niya.

Dahil sa mga sinabi niya, pihadong marami na siyang death threats mula sa Pinas hanggang dito sa Dubai pati na ang buong mundo.

O kung totoong indi yun ang intensyon niyang sabihin, sana tinagalog na lang niya at indi na umingles kesa lalong palalain ang sintensya niya.

Mas maganda sana kung sinarili na lang niya ang opinyong sisira sa sarili niyang buhay.

Eto ang naging huling komento niya. (Aba at nag-eexplain pa si ate!)

JB1

Marami kasi sa atin ang nagsasalita muna bago nag-iisip. Sa kaso ni Jacque, kung matino siyang mag-isip…indi niya yon sasabihin kahit pa ito ay biruan lang. Kahit saang anggulo natin tingnan, indi maganda ang pag-iisip ng masama sa kapwa ke deserving man ito o inde. Wala sa ating mga kamay ang hatulan ang ibang tao lalo na’t nasa kalagitnaan ito ng trahedya. Pawang mabibigat ang salitang binitiwan niya kung kaya’t indi rin siya tinigilan ng kapwa Pinoy para sagutin ang mga sinabi nito.

Maaaring nasasabi niya iyon ngayon dahil maganda pa ang buhay niya kung nasa’n man siya at indi nakakaranas ng hirap.

Sana ‘wag din niyang kalimutan na lahat ng bagay sa mundo ay may katapusan…may hangganan. At sa kanyang pagtanda, hahanapin pa rin niya ang lugar na kanyang pinagmulan.

Sana magsilbing aral sa kanya ang nangyari. May panahon ang lahat ng bagay sa mundo. Indi po lahat ng namatay sa trahedyang ito ay makasalanan, fate po iyon. Everything happens for a reason, Jacque. Tulad ng nangyayari sa buhay mo ngayon.

Para po sa mga kababayan natin sa Pinas…

Hindi po natutulog si Kuya Josh. Magtulungan po tayo at magkaisa. Magdasal. Wag pabayaan ang isa’t-isa. At umasa na matatapos din ang pagsubok na ito sa ating bansa.

2.1

God bless us all!!!!!!

buddypokeAling Baby


Dependent

Hulyo 12, 2009

sigh

Indi ito yung nilalagay sa BIR Form para malaman kung magkano lang ang dapat na ikaltas na buwis sa sweldo mo….

Kung ikaw ang tipo ng tao na laging nakadepende sa iba para sa sariling desisyon, kaligayahan, at ilang mahahalagang bagay na may koneksyon sa’yo at sa bigat na pinabibitbit mo sa mga taong malapit sa’yo…ikaw ay therefore nangangailangan na ng wheel chair. Kumusta naman, igalaw-galaw mo naman ang brain mo para indi ma-coma ‘yan.

Kung meron nga talagang pangrelyebo gaya nung sinasabi ni Ely Buendia ng Eraserheads, “Hindi na dapat maghirap, sa iisang iglap ang buhay mo ay sasarap wag nang mag-atubili kumuha na ng Superproxy…

Napakadali lamang gawin nito…mamimili ka lang sa friend’s list mo kung sinu ang pwede mong sandalan. Shempre, pipiliin mo yung taong indi madaling mangalay at mahaba ang pasensya sa mga ganitong bagay. Yung mga taong, ipinanganak na walang kasinghaba ang pasensya at panalo sa pang-unawa. (I better find me this type of friend…) Saka ihain mo sa kanya ang listahan ng hinanakit ng buhay mo (galingan ang pag-arte..) habang imbes na nanonood lang ng tv si friend eh indi niya napupunang inuupuan na niya ang mga problemang indi naman dapat na siya ang humaharap.

Marami sa atin ang pilit na tinatakbuhan ang mga hamon ng buhay. Hangga’t kayang ibato sa iba o umilag o di kaya eh pagtaguan ang mga ito eh siyang gagawin para lang makaiwas. Sinu ba naman kasi ang may gustu ng may iisipin? Parang puzzle na kailangang buohin imbes na nagre-relak-relak ka lang habang nanonood ng tv?

Aminin natin na kadalasan, kapag may mga taong parang santa claus sa buhay natin…para bang tumama ka sa sweepstakes at lotto at indi mo na iniinda ang mga problema. At dahil napaka-accommodating ni Santa, eh sinasagad-sagad mo siya sa mga hiling na akala mo may patago ka sa kanya. Kung minsan, tinutubuan ka rin ng amnesia kasi nalilimutan mo na bigla ang mga ito at parang gustu mo na ring magka-amnesia siya para malimutan na rin niya ang mga abalang ginawa mo.

Nalimutan mo na nga, binabalewala mo pa si Santa kapag araw ng sweldo. Para bang namumukhaan mo lang siya pero indi mo matukoy kung saan at kailan kayo nagmeet…samantalang kapag no budget ka na, ultimong amoy ni Santa na papalapit sa pinto, naamoy mo na.

Maraming mga ganito. Hyper na hyper at wento ng wento pag may kailangan. Pero pag nakuha na, parang ni pangalan mo indi na niya matandaan.

Dependent na sila lalo na kapag hinayaan na. Nasasanay at kapag sinimulang mong tumanggi, ikaw pa ang masama.

Normal lang ang mga ganitong sitwasyon. Napapasama ang mga tumutulong lang. Pero dapat nating tandaan na lahat ng bagay ay may hangganan. Indi sa lahat ng oras, ang mga mabait ay laging mabait. Minsan, they come across the word “ABUSO”, wag sana nating sayangin ang pagkakaibigan at samahan nang dahil lang sa mga ganitong bagay kase It’s not worth it.

Kung mas mahalaga ang materyal na bagay kesa sa pagkakaibigan, marami din namang iba dyan na ok ang ganyang set up, basta’t wag lang kakalimutan ang 10% interest at monthly installment pay.

Lahat naman tayo naging dependent ng magulang natin lalo na nung maliliit pa tayo. Pero sa pagdaan ng ilang taon sa buhay natin, umiikot ito at darating ang panahon na sa atin naman dedepende ang mga magulang natin para sa suporta.

Wala namang masama kung paminsan-minsan, dedepende tayo sa iba para sa suporta. Kadalasan, moral support…damayan. Nasa lugar lang. Pag kailangan ng tulong pinansyal, kung meron ka bakit naman indi diba? Pero kung pang-grocery at pambili lang naman ng mga anik-anik eh hihiramin mo pa…para yatang indi naman yun maganda. Tama, mali? Gaya ng nabanggit ko sa ibang entries ko at alam naman nating lahat na indi naman kabawasan sa pagkatao kung salat ka sa materyal na bagay.  Indi naman ito laro na pag may bago kang gamit, increase agad ang  happiness at experience points mo kada gamit na madadagdag. Walang ganun. Wag paniwalaan ang mga ganun.

Sa totoong buhay, nangangalay din ang mga tao at kung minsan nagiging punongkahoy  na lang sila sa kakasandal mo. Galaw-galaw naman. :)

see

cropped-1_609025598l.jpg Aling Baby


G.A.L.I.T.

Mayo 20, 2009

anger

Sinubukan mo na bang bilangin kung ilang beses nang umiksi ang pisi mo sa isang bagay, sitwasyon, tao at pagkakataon sa buong buhay mo?

Malamang wala pang nakakagawa nito kasi ang henyo mo naman kung alam mo ang total nito. :D

Lahat naman tayo napupunta sa ilang pagkakataon kung saan, indi mo kayang awatin ang anumang kababalaghang lalabas sa bibig mo at sa kilos sa oras na umakyat ang dugo mo sa ulo at maramdamang parang nagbabaga ang buong katawan sa tindi ng galit. Meron pa nga, nanginginig pa sa sobrang pagpipigil na ilabas ang emosyon na ito.

Bakit kaya naimbento pa ang ganitong emosyon? Samantalang ito ang isa sa pinakamatinding rason para makagawa ang isang tao ng kasalanan Kay Kuya Josh, sa batas at sa kapwa. Indi ba pwedeng pag merong indi pagkakasunduan eh, imbes na galit ang maramdaman eh gutom o kaya uhaw? O kaya yung tipong mapapabili ka ng isang bucket na chicken sa KFC? (Okay na sakin yung Yellow Cab pizza hehe.) Diba, para wala na lang masasaktan at magkakasamaan ng loob? Para walang bigat sa dibdib na mga ganyan at lahat nagkakaintindihan in fact mas nag-eenjoy pa sa freebies sa tindi ng mga pangyayari.

Kung minsan kasi sa sobrang protective natin sa ating sarili at sa mga taong malapit sa atin, masaling lang ito ng konti ng ibang tao para tayong bulkan na walang pasabing sasabog. Magugulat ka na lang sa mga isyung biglang lumalabas out of nowhere…mapapa-“Oh, san galing yon?” ka na lang sa isip mo. Indi mo alam na meron na palang naka-imbak sa isip-imbakan nila na akala mo’y okay lang yon pala’y naitanim na pala ang mga ito at eto ngayon, inaani mo na.

Minsan, kaya mong pigilin ang sarili na sabayan ang extreme stir of emotions nung tao, kasi yan ang payo ng mga eksperto…”Wag sumabay sa galit para madaan pa ito sa maayos na pag-uusap.” Tama naman eh. Pero kung minsan, pag wala na sa lugar ang pagkaka-construct o paghahabi ng mga salitang lumalabas sa kanyang blessed lips…kaya mo pa bang pigilin ang sariling emosyon?

It takes an awful amount of patience to ever-ever-ever-ever survive that kind of situation. Maliban na lang siguro kung ikaw ang tipo na may mind over matter at kaya mong paliparin ang mesa sa tabi mo over that person using this talent. (Kidding aside) Gaya nga ng naikwento ko na sa ibang entry ko…

Ang away lalaki, sakitan na agad tapos ok na.

Ang away babae, kadalasang salitaan kasi takot din mabangasan. The least turns ok pagkatapos but most of them try to erase everything literally.

Maraming indi kagandahang dinudulot ang galit sa buhay ng isang tao. Siguro naman aware na tayo sa mga ito. Ang hirap din naman kasing indi magalit kahit minsan lalo na kung nadedehado. Kapag may mga taong insensitive at mashadong self-centered.

Sino ba naman ang indi gagawa ng lahat para sa sariling kapakanan lalo na kung para sa pamilya diba? Lahat tayo ay capable gumawa ng kahit ano para sa pamilya. Pero wag naman sana at the expense of others. Malamang yan indi naman tinuro ng mga magulang natin at ng simbahan.

Lahat tayo nagigipit at nangangailangan pero indi ito dahilan para magnakaw at mang-agrabyado ng pagiging mapagbigay ng iba kasi pinagsisikapan din nila ang anumang meron sila.

Gaya nga ng laging isyu sa pagiging mabait ng ilan at laging sumasang-ayon sa halos lahat ng pabor, sana naman kung minsan indi ito okay sa’yo…pwede namang umayaw kasi wala namang masama kung tatanggi. Indi ito kabawasan sa pagkatao.

Kapag ayaw, sabihin agad. Meron kasing tao na pumapayag muna saka iniisip kung anu ang pinasok tapos bigla nalang babaliktad ang mundo. Para yatang indi maganda yon, diba?

Tigilan na natin ang pag-iisip na kailangang maging worthy tayo sa tingin ng ibang tao. Kung minsan, tayo rin ang nag-iisip na nag-iisip sila ng mga bagay tungkol sa atin kahit na wala namang ganun.

Sa mundong ito, wala namang perpekto eh. Sabi nga nila, ang mga taong mabait matindi kung magalit. Walang premyong halo halo para sa mga taong nagbabait-baitan. Basta kung alam mong wala kang inaagrabyado. Patas kang lumaban. Wala kang nasasaktan o nasasagasaan. At kung sa tingin mo naman ang bagay na ginagawa mo at gustong gawin eh indi makakapekto sa takbo ng buhay ng iba…sige lang, tuloy mo lang yan.

Dahil ang taong laging galit ay nagiging hayblad pagtanda. :D

ab


Bumuboses lang ako.

Disyembre 15, 2008

PAALALA: Ang post na ito ay naglalaman ng mga kamias at sampalok extracts sa sobrang kaasiman kaya kung wala kang hilig magbasa ng mga wentong pang Charo Santos at Mel Tiangco, wag ka nang magbalak ituloy ang pagbabasa. ;)

 sad

 

Tatlong buwan na mula nung huli tayong masayang nagkausap. Sa dami ng mga nangyari, ayoko na sanang ipaalam pa ang lahat ng ito para lang idagdag sa mga iisipin. Maliban dito, wala nang iba pa.

Indi ko alam na kung anu-ano na pala ang mga naiisip nyo na nagpalala ng sitwasyon.

Nagkausap tayo pagkaraan ng tatlong buwan. Magkahalong kaba at tuwa ang pakiramdam ko. Indi ko mawari kung dahil ba sa tagal na indi nakapag-usap o sa ilang buwang pagkukulang. Sinigurado ko muna kasi na meron akong maibigay bago ako nagbalak makipag-usap. Masakit man isipin pero sadyang totoo na isa ito sa mga rason ng mga pag-aalala.

Masaya ang bungad ko sa inyo. Iba talaga pag naririnig ko ang mga boses na iyon. Yung pakiramdam na marinig mo ang mga taong may malaking bahagi sa iyong pagkatao. Namiss ko ang mga boses na iyon. May halong galak at eksaytment ang tono ko.

Unti-unting nagbago nung narinig ko ang unang tanong…

Ikalawang tanong…

Ikatlo…ikaapat – - – parang ayaw ko nang marinig.

Kung gaano katatag itong puso ko sa lahat ng mga nangyayari sa buhay ko, ganun na lang kadaling natunaw at nadurog sa bawat tanong at salita na narinig ko.

Bakit ba kailangan ko pang sagutin ang mga ito?

Wag nyo sanang isipin na wala akong nakahandang sagot sa mga ito.

Indi ko lang alam kung handa na kayong marinig ang mga sagot mula mismo sa bibig ko.

Ang sakit kasi.

Dahil ba sa ilang buwan na nagkulang ako kaya biglang nasasabi nyo ito sa akin?

O dahil may mga taong “napakaperpekto” kaya nakikita nila ang mga bagay na mali sa mata at sa isip ng mga tao?

Sa ilang buwan na iyon, katumbas na nun ang pagkatao ko?

Bakit nung sinasabi kong “Dito ako masaya”, parang indi nyo ito naririnig?

Indi ba pwedeng maging masaya naman kayo para sa akin? Kahit ngayon lang. Kahit plastic lang? Tutal, indi ko naman makikita kung anu ang totoong reaksyon nyo.

Wala naman akong hinangad kundi mapabuti ang lahat. Indi rin ibig sabihin nito na kinakalimutan ko na ang obligasyon ko kung iyon lang talaga ang dahilan ng ipinagkakaganito ninyo.

Indi rin naman madali ang buhay na sinugal ko dito at kung uuwi ako gaya ng paulit-ulit na sinasabi nyo, anu ba ang engrandeng pagbabago ang sasalubong sakin pagdating ko dyan?

Indi ako magiging masaya sa desisyon na iyon.

Mahirap maintindihan.

Mahirap tanggapin.

Umaasa pa rin ako kahit alam kong indi pwedeng mangyari yun.

Alam ko sa buhay nyong lahat, naramdaman nyo na rin yung makuha kung anu ang hiling ng mga puso at isip nyo. Kahit mali sa paningin ng ibang tao. Nagiging mali lang naman ang mga desisyon kung indi ito kayang panindigan.

Indi ako nagmamalaki. Wala akong gustong patunayan. Noon pa, alam nyo na indi ko ito ipinipilit sa inyo.

Gusto ko lang maging masaya.

Kung susundin ko ang prinsipyo ninyo, magiging masaya na kayo.

Naisip nyo ba kung magiging masaya rin ako sa gusto nyo?

Kailan ba naging mahalaga ang boses ko? Kung anu yung nasa isip ko. Kung anu ang sinisigaw ng puso ko?

Kayo ang buhay ko.

At kahit na ano pang masasakit na bagay ang naririnig ko, kahit kailan indi ko kayo ginustung ihiwalay sa buhay ko. Indi ko yun kayang gawin sa inyo. Alam kong yun ang iniisip nyo.

Mahal ko kayo. Lahat ng bagay na pinahahalagahan ninyo, mahalaga rin para sa akin. Naiintindihan ko ang gustu nyo para sa akin.

Pero…buhay ko rin ang pilit ninyong ihinihiwalay sa akin.

Bata pa nga ako sa paningin ninyo. Siguro nga, bata pa rin para sa inyo hanggang mag-singwenta ako. Pero ang mga desisyon na hinaharap ko rito, indi kaya ng isang bata na harapin – - - pero nakaya ko.

Kinakaya ko kasi yun ang natutunan ko sa buhay. Natutunan ko sa inyo.

Kailangan kong paghirapan ang mga bagay na gugustuhin ko kasi indi ganun kadaling makuha ang mga ito. Masiguradong walang sinuman ang maagrabyado. Maging mabuting tao sa kapwa. Responsable sa mga bagay na ginagawa. Tumanggap ng pagkakamali. Humingi ng tawad. Magpatawad at maging thankful sa lahat ng biyaya.

Humihingi ako ng tawad sa inyo, kung nasaktan ko man kayo sa naging desisyon ko. Kung indi man nasunod ang nais nyo para sa akin. Alam ni Kuya Jesus kung gaano ko kayo lahat kamahal. Sana pagdating ng panahon, maintindihan nyo rin kung bakit ito ang pinili ko. Indi ko kayo gustung saktan.

May natitira pa bang lab dyan sa puso nyo para sa akin? Kasi ako kahit kailan, sa pagitan ng mga pagkukulang at pagwawalang-bahala…indi nawala ang pagmamahal ko sa inyo. Dala-dala ko ito kahit saan ako makarating. Siguro, kahit sa kabilang buhay pa.

Meri Krismas po sa inyo.