Adobeng Ulo

Nobyembre 5, 2009

stubborn

Indi ito yung PDF File na program sa PC mo. At lalong indi rin ito ang paborito mong luto sa babuy at manok, maging ng kangkong.

Bato ito. Matigas na bato.

At sa kasong ito….Matigas ang Ulo. Parang yung sakin. Ganun.

Kung meron lang sigurong maximum na bilang kung ilang beses lang allowed na mauntog ang ulo at pag na-reach mo na yung maximum times eh kusa na itong ma-ko-comatose at magma-malfunction…matagal na rin siguro akong nakahimlay.

Ano ba ang basehan ng katigasan ng ulo? Bakit ba malimit na kapag indi ka sumusunod sa tama at payo ng mga matatanda eh akusado ka na agad nito?

Eh bakit pang naniniwala tayo sa mga payo na  “Kung ano ang bulong puso/isip mo, sundin mo. Sige na..kaw rin. We only live once.” (Lakas mambuyo, parang kala mo siya ganun din ang gawain.) Kung para lang pala itong trap na magbabaon sa’yo ng medyo may kalaliman kapag palyado ito at yung nagpayo sa’yo biglang magsasabi na, “Dapat pinag-isipan mo muna ito ng maraming beses bago mo ito ginawa.

Haller, alangan naman saktan mo siya diba? At isa pa, kung indi mo ito sinugod malamang indi mo malalaman kung ano kaya ang nangyari kung sakaling ikaw ang nanalo. Pero para saan pa ba kung pagkatapos nito eh branded ka na as “Adobeng ulo.” (masarap sana kung kinakain na lang ‘to eh.)

Ganyan naman talaga eh. Pag parang robot ka, isa kang mabuting anak. Lalo na’t sunod-sunuran ka sa lahat (as in sa lahat) ng gustu nila. Na ang lahat ng bagay na ginagawa mo, me parental consent. Kaya kapag nagkamali ka kahit isang beses lang at sa tingin mo naman eh, mababaw lang ito (tulad pagbabago ng brand ng deodorant dahil sa kating-kati ka na sa sinaunang deodorant nila na tawas…) eh matigas na ulo mo. Kesho ang deodorant nakakaitim ng kili-kili, magmamancha sa armpit ng damit at mas lalala ang kaso ng body odor mo etc.etc.echeetera! Panu pa kaya kung medyo mabigat pa dun ang atraso mo, tulad ng pag-aasawa pagka-graduate? Aksidenteng makabuntis/mabuntis bago maka-graduate? Malamang parang natumbang domino ang lahat ng pinundar mong kabaitan at lahat yun mapapalitan ng “walang utang na loob” at katigasan ng ulo. Para kang umattend ng isang buwang misa sa haba ng sermonada de lemonadang abot mo kina ama’t ina.

Paano pa kaya ang ang buhay ng aminadong adobeng ulo? Bukod sa palagiang nasesermunan sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa pagpapasaway, sa paningin nila…ikaw ang nawawalang itim na tupa na pagala-gala kung saan-saan. Black sheep ng pamilya. Ang sakit sa ulo na indi kayang gamutin ng biogesic, medicol, ponstan at panadol. Tipong padating ka palang sa bahay, nagsasakitan na ang ulo ng mga ito kahit na kakain ka lang naman tapos aalis ka agad. (hehe)

Misunderstood kase. At judged na agad without even knowing where you’re coming from. Basta pag pasaway – - automatic, matigas ang ulo…black sheep – - sakit sa ulo at pabigat. Period kandado-susi. Kaya tuloy sa inis, lalong nagpapasaway na lang at ginagawa na ang bintang sa kanya para quits (daw).

Nung naging galang itim na tupa ang kapatid ko, halos lahat kaming mga kapatid niya inis na inis sa ginagawa niya. Uuwi ng bahay pagkatapos ng ilang araw na paglalagalag tapos ang gagawin niya, manonood ‘gang madaling araw-kakain sa kaldero-matutulog ng 3 days straight-pagkagising niya, mangungupit-magbibitbit ng mga gamit sa bahay para ibenta…tapos mawawala na naman ng ilang araw. Paulit-ulit lang yon. Ang routine niya sa loob ng 7 taon.

Pitong taong sinayang niya. Pero si mama, indi tumigil sa pag-asa na magbabago si kuya. Kahit pa galing siya sa trabaho at malimit na sumasakit ang binti, hinahabol niya ang kapatid ko para iuwi ng bahay. Kinakausap-sinesermunan-iniiyakan. Lagi niyang tinatanong dito kung bakit ayaw pa niyang tumigil at ayusin ang buhay nito. Minsan pinakikinggan siya ni kuya kase tahimik lang ito. Minsan agresibo, sumasagot at nagwo-walkout. At pagkatapos nilang mag-usap, titigil siya sa bahay ng ilang araw at pag indi napuna, bigla na namang mawawala.

Indi kami tumigil ng pagdadasal para sa kanya. Nanghihinayang kami sa dapat sana’y narating na niya bilang isang Arkitekto. Nasa ibang bansa na sana siya at maayos ang buhay. Napakahirap makita na miserable ang mahal mo sa buhay.

Alam namin, indi natutulog si Kuya Josh. Lahat ng bagay ay dumarating sa tamang oras at pagkakataon. Pagkatapos ng pitong taon, nakilala niya ang isang babaing nagbago ng buhay niya at tumanggap sa kanya ng buong-buo at kakalimutan ang kung anuman ang nangyari sa buhay niya. Iba talaga ang LAB. Lab can move mountains. Kaya eto, nakatapos siya – nagpakasal – indi nga nakapag-abroad at na-pursue ang pagiging arkitekto pero may maayos ang saksespul na bisnes at umaaasang dumating na ang munting anghel na kukumpleto sa buhay nila.

Alam ko lahat tayo naging adobeng ulo na sa iba’t-ibang rason at pagkakataon. Walang levelling, ke magaan at mabigat man ito, pasaway pa rin yon. May kanya-kanya tayong dahilan at gustung patunayan at kung anuman yon, sana unawain din at bigyan ng pagkakataon. Suporta kumbaga. Walang natutong indi sumubok. Halos lahat ng first indi saksespul. Trial and error palagi ito kaya nga merong 2nd chance eh. Pambawi at para maging mas matalino at madiskarte.

Indi lahat ng nagpapasaway ay masasama. Yung iba dito, atensyon lang ang habol. Yung iba, for challenge…taking risk. Indi nila ito gagawin para pag nagkamali eh masabihan ng tanga or eengot-engot. Kung minsan kahit alam mo na ang sagot, pipilitin mo pa rin alamin ito sa sarili mo. Para ikaw mismo makaramdam ng gain at pain. Iba pa rin yung ikaw yon. Ramdam mo. Andun ka…ikaw yon.

Acceptance at trust lang po ang kailangan namin. :)

buddypoke(Japboi &) Aling Baby


Ganito ka ba?

Nobyembre 2, 2009

clums

Lahat tayo ay may mga ugaling di maiwasang gawin. Indi dahil ito ay sinasadya, talagang nakasanayan na lang at imboluntaryong ginagawa ng katawan nang indi namamalayan o di alintana kung nakakairita man ito o nakakadistorbo ng privacy ng ilang tao na mapahiya ng tahimik o mailang sa ginagawa dahil sa katitingin nyo. (hehe)

Nakaka-relate ba kayo dito???

  1. Kapag nasa isang lugar kung saan maraming tao tulad ng sasakyan o kaya ay sa loob ng simbahan, o kahit saan na merong natatanaw na tao sa paligid na di mo maiwasang mapatingin sa mga kaharap o mga nasa tagiliran? Nawawala ang konsentrasyon sa ginagawa kapag merong paparating o dumaan sa harap mo kahit di naman kailangang tingnan, diba? Yung tipong awtomatikong lumilingon at napapatingin ka kahit ayaw mo at yung isip mo concentrated lang sa ginagawa. Nagmumukha tuloy na indi mo sineseryoso ang ginagawa dahil dito.
  2. Kapag nadulas, natapilok, me nabitawan o anumang aksidente kung saan mapapahiya ka sa harap ng mga tao (dahil wala namang nadulas na inde parang napunit ang mukha o ampanget na reaksyon.), di natin maiwasan na me isigaw na isang salita o ekspresyon para mas ma-emphasize ang pangyayari na ito sa buhay naten. Ititili ang salitang, “shet!” “Ay, kalabaw!” “Owsh*t!” “ay, p*ki mo malake!” at marami pang iba. :lol: diba? Imbes na wala nang nakahalata, mas marami pa tuloy ang lumingon at nakakita sa nangyari hehe.
  3. Ang pagtatanong ng mga tanong na ang sagot ay pawang nasa harapan na o mapapa-“OBVIOUS BA?”  na lang ang kausap o mga nasa paligid dahilan sa ka-obvious-an nito. Tulad ng pagtatanong sa taong kararating lang ng, “Kararating mo lang?” Magtanong ng, “Me tao ba sa CR?” sa taong kalalabas lang ng cr. Tanungin yung nag-init ng tubig kung kumulo na ba yung tubig. Magtanong kung me kanin habang nakatingin sa bagong saing na kanin. Mga nakaka-nosebleed na tanong na pwede namang wag nang sagutin pero kahit na ayan na nga ang sagot, nagre-require pa rin ung nagtanong ng sagot. Kainis diba? Pero talagang nangyayari ito minsan ng indi namamalayan.
  4. Kapag may mga eksenang tulad ng nag-aaway, banggaan, raid, o kahit anong me komosyon…gaano man kaimportante ang ginagawa ay imboluntaryong nagmamadali tayo para makiusyoso rito na para bang parte tayo ng pangyayari. Kahit gaano pa ito katagal, talagang indi mangangalay ang leeg at binti sa pag-aantay ng mga susunod pang mangyayari. At pag natapos na ito, indi pwedeng umalis sa pinangyarihan ng walang dalang impormasyon tungkol dito maging ito man ay tahi-tahi na lang, pagpipyestahan pa rin ito sa wentuhan ng mga kachokaran maya-maya lang.
  5. Kapag nakakita ka ng grupo ng tao na nagkukumpulan sa isang lugar, inde pwedeng indi mo aalamin kung anung meron dito. Gagawin ang lahat maging ang pag-akyat sa mataas na apakan para lang malaman ang dahilan ng mga tao sa pag-uusyoso dito kahit na wala namang mapapala.
  6. Katulad na lang pag merong nakatingala at me tinitingnan sa kalawakan, para bang nakakahawa na mapatingala din ng walang kalaban-laban (yun pala nagti-trip lang ang mga ito, naloko ka pa tuloy).
  7. Eh panu pa kaya kung meron humikab sa harap mo? Paayaw-ayaw ka pa pero wala pang 1 minute, humihikab ka na rin na parang mas inaantok ka pa dun sa nakita mo.
  8. Pag yung kausap mo biglang nagtanggal ng muta, for sure kunwari me nililingon ka pero pasimpleng kinapa mo na rin yung gilid ng mata mo baka ikaw ang meron kaya na-conscious siya bigla kung me muta rin siya.
  9. Minsan, pag yung kasamahan mo me kinakanta…una nakikinig ka lang tapos di namamalayan yun na yung kanta sa isip mo hanggang sa kinakanta mo na siya habang me ginagawa ka. (Tawag dyan LSS.)
  10. Eh kumusta naman yung naglakad kayo sa initan tapos nakita mo bigla yung isang kasama mo na me baskil (basa kili-kili) na dahil sa pawis. Shempre, bigla ka mag-aalala sa sarili at sa singaw na idudulot nito kaya sisimple ka na sa pagitan ng pag-uusap – - magkikibit balikat ka saka mo sasabayan ng isang kalabit lang sa magkabilang kili-kili tapos sabay kunwari pipisil-pisil sa ilong to confirm kung ikaw nga yung amoy na naaamoy mo.

Marami pang mga imboluntaryong gawain ang nagagawa natin nang indi natin namamalayan o kahit pa ano’ng iwas ang gawin eh wa epek. Minsan tuloy napagkakamalan tayong mga engot o mga ignorante dahil dito eh sa indi nga maiwasan eh. Kaya nga ba pinapraktis ko na ang delayed reaction o kaya yung malimit na pagtatanong kesehodang makulitan sakin hehe.

Kaya next time kapag na-encounter nyo ang isa man sa sampung yon sa taas, mag-pause muna bago mag-reak….dyan tayo nadadale palagi eh. Kapag ginawa na ang isang bagay bago pinag-isipan.

At para sa star-mate ko na nagsabing, “Bakit, porket FROOTS – - – fruits laaaaang??” (with matching patirik pa ng mata)….check mo muna kung indi lang fruits yung tinda bago mag-amok kei? :lol:

buddypokeAling Baby


Soy sos

Oktubre 22, 2009

soy-sauce

Ay mabisang pampalasa sa lutuin lalung-lalo na sa Adobo, Bipsteyk, Inihaw. Masarap na sawsawan lalung-lalo na pag me kasamang kalamansi, kamatis at bawang para sa mas masarap na kainan.

Pero kung ang soy sos o toyo ay nakakatulong na pampagana sa pagkain, bakit pag sa tao, nagiging negatibo ang ibig sabihin nito?

Bakit ba tinotoyo ang tawag sa tinotoyo?

tantrum

Indi ko maintindihan kumbaket kapag wala ka sa mood, meron kang buwanang bisita, masama ang gising o tipong indi lang ganun kaganda ang pagka-greet ng umaga sa’yo, yung ang saya-saya mo tapos biglang may parang masamang hangin ang dumapo banda sa’yo (indi po utot ang ibig kong sabihin…) eh tinatawag nang…

TINOTOYO?

bm

Ayon sa isang sarbey na nakalap ko sa isang haciendero kani-kanina lang, kaya siguro ito ang tawag sa biglaang pagbabago ng mood at ng mga taong sadyang nakasanayan nang gamitin ang toyo sa utak nila para makuha ang gusto…kumbaga sa pagkain, nag-iiba ang timpla kapag nasosobrahan sa TOYO. Sumasama ang lasa. Naglalasang toyo. At dahil na rin siguro sa pinakamalapit itong rhyme sa topak.

Meron pa rin slight difference ang tinotoyo sa tinotopak. Ang una kasi mild lang, parang mood swings na magbabago rin naman kapag naaliw, me nagsorry o kaya eh napangiti ni crush. Yung tinotopak, eh pwedeng umabot sa pag-aamok o war freak. Kalimitang tinatawag na Boy Topak, ang Hari ng Toda hehe.

buddypoke

Balik tayo sa toyo…

Inaamin ko na merong toyong nananalaytay sa dugo ko na paminsan-minsan eh sumusumpong but not enough para maging topak. Lahat naman tayo may certain amount ng toyo sa katawan depende na lang kung paano ito nag-e-emerge sa di inaasahang pagkakataon.

Meron kasing toyo na umaatake tuwing nalalapit ang katapusan. Eto yung kapag mauubos na ang sweldo at medyo kakapusin na ang budget – - – soy sos attacks lalo na kapag merong mga sale, naniningil, mga bayarin, at mga di inaasahang expenses na talaga naman totoyoin ka.

Meron ding toyo na kapag nakikita ang less favorite person niya sa buong universe ay siya namang nag-uumapaw. Para bang me kasalanan lahat ng tao sa mundo kahit boses pa lang narinig nito. Eh lalo pa kaya kung me gawin pang eksena si less favorite person diba? Kumusta naman ang toyo, baka maglawa pa.

May ibang toyo-atak na nakakainis, ito siguro yung toyong matagal nang nakalagay sa loob ng cupboard at walang pumapansin dahil para lang makakuha ng atensyon…eeksena itong parang talent lang (ekstra sa komershal) na indi nagpapabayad. Alam mo yung tipong iirap-irap habang naglalakas ng boses, binibigyan ng emphasis yung mga salita na merong kinalaman dun sa kinaiinisan niya. Minsan, meron pa yang pa-walkout chenes effect na kala mo naman merong hahabol sa kanya para pigilan siya sa gagawin. That would leave you rolling your eyes in amusement. KLSP (Kulang Lang Sa Pansin)

Okay lang sana yung paminsan-minsang me toyo-atak eh, kaso yung iba naman sinasamantala na porke alam ng madla na kasing dalas ng ulan ang toyo nito eh namimihasa naman. Ginagawang excuse ang ganitong asal.

Most common ang tinotoyo lalo na sa mga batang walong taon pataas, ibig sabihin kapag kabilang ka na dun sa pataas…mahiya ka naman sa balat mo. Umayos ka. Nakakahiyang magpapadyak ka sa isang tabi pag indi mo nakuha ang gustu mo habang nagngangawa ka dyan. Pag mature ka na, ang toyo ipaubaya mo na sa kusina at pagkain at wag nang isabuhay kasi it’s bad for the health.

Kaya sa susunod, tumataas na ang level ng toyo sa katawan…magtawag ng pinakamalapit na kaibigan at siguraduhing me dalang alak para malimutan agad ang mga ganitong pangyayari.

buddypokeAling Baby


walang permanente sa mundo..

Oktubre 18, 2009

AllWhoWander

Lagi nilang sinasabi na walang permanente sa mundo….

Bukod sa madalas na dialogue sa pelikula at teleserye, laging pinapayo ng kaibigan at kakilala, minsan tinuturo sa iskul at bukambibig ni nanay pag feel niya magpa-almusal-tanghalian-hapunan-meryenda-midnight snack ng sermon at  minsan mari-realize mo ito kapag dumating ka na sa puntong nahimasmasan na pagkatapos ng lahat ng nangyari.

Kung mas pipiliin mong indi maniwala dito, wala ka namang choice. Bukod sa majority ang sang-ayon dito…tanggapin mo na kasi na totoo naman talagang walang permanente sa mundo. Pati nga mga bahay at building na akala mong habambuhay na sa kinatatayuan nito, dumaan lang si Ondoy na-wipe out lahat bigla diba? Di ngayon, parang isang pang-hoy gising ito sa ating lahat.

Nung bata tayo akala natin ang mga ngipin natin parang halaman lang na pag nasira, tutubo ulit. Wala man lang early warning nung nabungi ka ulit. Yung tipong magsasabi sa’yo na parang konsensya na…“Patay tayo dyan, sinira mo pa…last na yan eh.” Late na nang sinabi sa’tin na isang beses lang ito magpapalit. Aanhin mo pa ang mamahaling toothpaste kung wala ka nang tu-tutbrasin?

Wala nga kasing permanente. Wala talaga.

Dati, ang pagkakaibigan n’yo ng kababata mo abot hanggang pagtanda. Para bang kulang na lang sa lalim ng samahan ninyo eh ang pagtanda. Pero sino bang nakakaalam na kasabay sa pagtanda ninyo ang pagtigas ng kapwa n’yo ulo hanggang sa indi malamang kadahilanan, pati pala ito pwede ring mawala?

Kung minsan, kahit gaano mo kamahal ang trabaho mo na halos ibigay mo na pati ang oras na para sa sarili at sa pamilya…sa isang iglap, kaya nitong balewalain lahat ang pinaghirapan mo dahil sa mas prioridad nito ang kapakanan ng kumpanya kesa sa’yo.

Dati, sabi nila hangga’t indi pa kasal pwede pa…may pag-asa pa para ma-check kung sino ang papakasalan. Pero ngayon, kasal na’t lahat – may mga anak – kahit pa me apo na…naaagaw at inaagaw pa rin. Ang kasal…para na rin itong walang saysay. At kung kelang may asawa na, saka pa parang nag-aalangan kung sure na ba talaga sa napiling makasama habambuhay.

Indi lang pagkain ang may expiration date o kaya mga perishable goods ang nasisira. Pati mga snatcher at holdaper, walang pagpapahalaga kung gaano mo katagal pinag-ipunan ang pambili ng gadget na pinakaaasam-asam mo. Yung mga pagkain na tiniis mong indi kainin at ilang kilometrong nilalakad mo araw-araw para lang makatipid sa pamasahe…para lang dekwatin nila ang mga ito ng ganun-ganun lang. Sana sa tuwing magtetex at tatawag sila gamit ang celpon na pinaghirapan mo o di kaya eh habang naglalakad sila papuntang pawnshop para ibenta ito, maisip nila ang lahat ng tiniis mo. Haaiist! As if naman. :lol:

Ang lahat-lahat sa buhay natin ay may deadline na confidential ang petsa. Malalaman daw kasi ito sa tamang panahon at pagkakataon. Samantala, binigyan naman tayo ng mahaaaaabaaang panahon para alamin sa ating sarili thru the course of life kung ano talaga ang purpose natin sa mundong ito. Siguro naman, sapat na ang 70-80 years  (sana abutin ko ‘to hehe..) para makuha ang sagot sa mga tanong na akala natin ay wala talagang sagot.

Sa lahat ng niregalo sa’tin nina Kuya Josh, ito lang yung kailangang isoli pero tingnan mo naman…buhay yung binigay niya pero okay lang sa Kanya kung wala nang buhay pag binawi na niya. Yung iba nga, binibigyan pa niya ng second chance para magbagong buhay, meron ding inaabswelto – - inilalagay sa lugar na maraming bantay at rehas na bakal  kasama ng ibang naabswelto para matuto sa pagitan ng hirap ng buhay sa loob at yung ibang may taning na…pilit pa rin niyang dinudugtungan para magkaron pa ng pagkakataong makasama ang mga mahal sa buhay.

Walang permanente sa mundo.

Kaya bakit indi natin gamitin ang pagkakataon na ito para ipakita at iparamdam sa lahat kung gaano ito kaganda. Indi nga ito perpekto. Puno nga ito ng pagbabago at paghihirap – - indi buhay ang tawag dito kung wala nito. Pero sa bawat hirap, meron ding saya, selebrasyon at sakses. Dapat nating ipagpasalamat ang kung nasan man tayo ngayon kasi ito ang plano sa atin nina Kuya Josh, ito ang misyon na inayon sa atin.

“Everything in life has purpose. There are no mistakes, no coincidences, all events are blessings given to us to learn from.”

emo

Kaya kahit walang permanente sa mundo, ayus lang. We just have to make the most out of it. Bigyan natin ng pagkakataon ang sarili at ang ibang tao na ituwid ang pagkakamali. Forgive but never forget.

Tapos smile na…hmmmkei? :)

buddypokeAling Baby


Sungay ^-^ (hide/unhide)

Oktubre 17, 2009

furious

Minsan talaga, may mga taong kahit wala namang isyu na patungkol sa kanila eh nagha-hallucinate na meron. Para bang sakit na paranoia, indi mo pa man naibubuka ang bibig mo, nagko-conclude na ito na meron kang maitim na balak at masamang iniisip na ikasisira ng reputasyon niya sa iilang pirasong tao sa komunidad ninyo.

Okay lang sana kung ang mga bagay na ito ay sinasarili niya na lang, kaso mo bukod sa paranoia, hinahaluan pa nito ng pagka-KSP dahil indi niya alintana ang pandededma na ginagawa mo lalo na pag nagkikita kayo. Kulang na lang i-confirm sa’yo mismo na meron kayong “something” in between – - – ang rason ng pinag-iinarte niya sa buhay.

Minsan, nakakapagtaka ang kakaibang mode nito na pangiti-ngiti at halos totoong sinserong pakikipag-usap na para bang walang tinatagong mga palakol at pana na pinangtatarget pala sa’yo kapag nakatalikod ka. Kung makipaghuntahan parang mas malalim pa sa balon ang pinagsamahan nyo. In a clearer view, at one point – - nice siya at you’re almost certain na she will pass as a friend…..

At sa indi malamang kadahilanan, na-unhide bigla ang sungay niya.

Bigla na lang parang indi kayo magkakilala. Makikita mo sa mata niya ang alangan kung san kayo nagkakilala at kung nagkakilala nga ba kayo. Sa isang pitik, para de susing robot (indi ko sure kung nakanino ang susi…kung tao ba ang me hawak nito o nagpapanggap din ito na tao.) dahil sa kakaibang asal nito…parang gustu mo na siyang abutan ng lubid at upuan para matapos na ang paghihirap niya.

Indi mo rin tuloy sure kung maiinis at mabubwisit ka rin sa inaasal niya.

Pwede mo na sanang palampasin ang kakaibang asal niya eh, yung mga gandarang arte, yung pagfi-feeling na para bang siya at si Paris Hilton ay iisa kaso mo kulang na lang direktor at kamera para kumpleto na…best actress award na lang.

Bakit ba kasi may mga taong gustung pinag-uusapan sila at ang mga walang kwentang bagay na tungkol sa kanila. Kailangan ba nila ng special treatment tulad ng karosa? red carpet? Yaya??! Minsan ang sarap pagbigyan kahit one time lang…na umupo sa tabi niya at pag-usapan ang lahat ng tungkol sa pinag-iinarte niya sa buhay para matapos na once and for all kasi baka yun lang ang gustu niyang mangyari. Ilan ba ang kailangan niyang audience? Tatlo? Lima o Sampu? Lalagyan ko pa ng spotlight mas masaya….siya.

Siguro pwede niya naman ituloy ang buhay niya nang indi na kailangang gawing miserable ang buhay ng iba sa pamamagitan ng pagpapapansin at pagpapakita na naiirita siya sa ibang tao. Dahil bago pa man nagkrus ang mga landas natin, ilang taon ka nang buhay sa mundong ito at sa tingin ko naman sapat na ang ilang taon na yon para umarte ka sa tamang edad. Indi na tayo mga bata para umasal ng ganyan dahil…

Wala pa kong kilalang naging multi-millionaire dahil dito at sa tingin ko kahit i-try mo pa indi rin mangyayari yun.

Makakatulong din siguro kung iiwas ka sa plastik, masama kasi ito sa kalusugan at kapag araw-araw plastik ang mga gamit at kausap, indi imposibleng maging isang ganap na plastik pag tagal. Sana sa susunod na pagkakataon, mag-iingat din tayo sa pagbibitiw ng mga salita na indi naman kayang panindigan kasi sa ayaw at sa gustu natin…parang basura lang itong babalik-balik. Wag din padalos-dalos sa kinikilos lalo na kung ayaw mahalata kasi minsan indi manhid ang mga tao sa paligid.

Lahat naman tayo ay may kanya-kanyang pasaway na ugali. Kung ano at paano aayusin ang mga ito, tayo rin ang nakakaalam nito. Sabi nga nila, “Walang gamot sa taong insekyur.”

Kaya please lang….stop me! :)

buddypokeAling Baby