Nakakatawa ka naman…

Sana bago mo pinakita ang totoong kulay mo, binonggahan mo muna ang pag-invest ng goodness mo (kung meron ka nga talaga nun…), ayan tuloy…natapon na lahat di ka na makakabawi.

Totoo nga talaga na kahit ano’ng tago ang gawin sa mga bagay-bagay na natural sa pagkatao mo, lalabas at lalabas din ito nang di mo namamalayan. Kasi nga yon ang totoong ikaw, wag na kasi i-deny.

Nature lang talaga natin ang hindi tingnan ang flaws ng iba lalo na kung malapit ito sa’yo pero dumadating ang araw na kung mas oobserbahan, mapapa-Oo nga, ganun talaga siya!! ka. Confirmed na.

Nakaka-disappoint talaga. (I know the feeling..) Lalo na kung mataas ang pagtingin mo sa taong yon at iniisip mo’ng hindi siya katulad ng iba. The more na iniisip mo palang hindi siya ganun, mas magugulat ka pag nalaman mong worst pa pala siya sa ibang nakilala mo. Ayun lang.

Di naman sa nagmamalinis…alam ko, hindi ako perpekto…pero sigurado ako na hindi ako nanggagamit ng iba para sa sarili kong kapakanan at hindi ko rin sinasamantala ang tiwala ng iba para makuha ang gusto ko. Alam ko na ang mga ganyang eksena. I’ve seen worst than that. Kaya intro palang, may hunch na ko agad kung ano ang gustong palabasin ng kausap ko.

Kaya kung mas epektibong paraan ang magturo at mambaliktad ng isyu…gawin mo na. Gogogo, if it would really make you feel good about yourself. Alam mo naman na ayokong nalulungkot ka. But let me remind you that you’re not free from the consequences of your choice. But what the heck, have fun!! :D

Sana sa susunod, mag-ingat ka sa tulad ko na madali makatunog. Mahirap na kasi mapahiya ng marami. Concern lang ako kasi di ko maipapangako na hindi mapa-LOOOOOL :lol: :lol: :lol: (ung ganyan) pag naalala kita.

:D

About these ads

10 thoughts on “Nakakatawa ka naman…

    • Hi Banjo, salamat sa pagbisit.
      Hindi naman ako naiinis. Ayoko masayang ang inis ko, not worth it naman. :)
      Keribels, magsaya siya. It’s his/her right. ;)
      Magandang araw din.

  1. masakit lang kasi pag nalaman mong yung taong binigyan mo ng tiwala at naniwala ka, tapos mapapatunayan mong totoo pala yung sinasabi ng mga tao against her… parang andaming nasayang, pagkakaibigan, tiwala, at yung oras! wadapak!

    • Korek ka jan girl!
      Sayang talaga. But what’s done is done…only lessons learned. Anyway, kung importante naman sa kanya ung friendship or relationship for that matter, di na aabot to this point. Thanks for ur comment. :)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s