Isa akong kolektor.
Mahilig ako magkolek ng mga basura bagay-bagay, ito yung mga resibo, kahon ng sapatos, kahon ng camera, speaker, ipod, mp3, cellpon basta pwedeng itago, isisiksik ko yon ng buong puso sa kung san man ito magkasha. Kung pwede nga lang pati kahon ng washing machine, microwave, electric fan eh ipagtatago ko pa. Naiinis na nga sa akin ang lablayp ko at sa tuwing magkakaron ng major general cleaning sa kuwarto, siya ang pumupuwesto sa mga dapat itapon dahil indi kaya ng damdamin ko na itapon silang lahat. Napakabigat sa dibdib nito kaya siya na ang hinahahayaan kong gumawa nito. Ewan ko nga ba kung bakit ganto, iniisip ko nga kung merong psychological explanation sa pag-uugaling na ito. Kasi sa Pinas pa lang, kolektor na ko. Kahit na maliwanag pa sa sikat ng araw na kailangan ko nang i-let go ang mga bagay na halos kulang na lang ay mag-boluntaryo na ang mga ito ipatapon ang sarili sa basura ay talaga namang todo-pigil ako. Minsan, pag ok na sakin, ilalabas ko na sila sa kuwarto ko pero ibabalot ko naman sila para ilipat lang ng pwesto…indi pa rin magawang itapon. Waaahhh, anu ba ito?
Kolektor din ako ng songhits dati, kilalang-kilala ako ni Ate Liwanag, yung tindera sa kanto namin, dahil sa tuwing may bagong isyu eh pinagtatabi na niya ako. Siguro dahil dun kaya marami akong kabisadong kanta. Nakakalungkot nga dahil sa kakahiram ng mga lasenggero naming mga kapitbahay na nagkakantahan trip pa. Ayun, nalagas ng hustu ang koleksyon ko hanggang sa naubos. Kaya nga napag-isip-isip kong gumawa ng sarili kong songhits. Yung notbuk na Blue Feather ang tatak at espesyal talaga ang bolpen na gamit ko para dun, ayoko ng nagba-blat. Mga tatlong notbuk na pinagsasama ko at mega-tahi talaga, espeyal nga eh. Yung ibang kantang sinulat ko dun, yung mga kabisado ko tapos minsan ire-rekord ko yung kanta saka ko kukunin ang lyrics. (Sinira ko yung karaoke namin sa kakaganto ko hehe..) Shempre, indi pa nga uso ang internet dati kaya mano-mano kesehodang kinakain ng singer ang lyrics, kaya siguro ako nabinge kakaulit-ulit ng kanta. Ang daming humiram ng songbuk ko. Nakarating pa nga ito ng Bikol pero nakabalik pa rin sa akin. Umabot din ako ng 200 songs at pinagbabalakan ko pang gumawa na ng table of contents. Kaso lang dala ng kamalasan nung minsang nagmeryenda kami sa skul kantin, ayun at sa sobrang katangahan katalinuhan ko, naiwan ko somewhere out there, indi ko alam na yon na pala ang huli naming pagkikita. Napakabuenas ng nakapulot nun, sana ingatan niya sobra dahil ang laki ng hirap ko dun.
Nagkolek din ako ng mga fanmails sulat. Dati kasi kahit na magkakalapit lang kami ng bahay ng mga prends ko, nagsusulatan pa rin kami. Tungkol lang sa kahit anung bagay. Nakakatuwang basahin pag walang magawa, kaso lang nung lumipat ang kuya ko, naisama niya ang mga ito sa pagtapon.
Tama ba naman yon? Alangan namang habulin ko pa yung trak nung sinabi niyang kakatapon lang niya ng lahat ng mga kalat nung nag-ayos sila. Kalat ba yon eh nilagay ko pa yon sa espesyal ng paper bag tapos itatapon lang pala niya hmmpft!
Okay, naka-move on na ko dun sa koleksyon na yon. Wag na natin ungkatin. Baka masaktan lang ako.
Dahil na rin siguro sa sobrang kabisihan ko at wala na talagang taym (ng lagay na ‘to ah..), indi na ko makaisip ng iba pang iko-koleksyon maliban sa mga kanta sa ipod ko at ang blog ko na punung-puno ng mga walang kwentang makabuluhang kwento hehe. Ipauubaya ko na lang ang mga iyon sa kung sinuman ang may mas maraming taym. Saka, sa ilang beses kong pagtatangkang magkolek, ayon naman at nagkakawalaan.
Ngayon, iba na ang kinokolek ko…mga utang kapaki-pakinabang na bagay na tulad ng gamit sa bahay. Nahihilig din ako sa relo, kasi nga motto ko “Time is gold” hehe.. Indi kasi ako sanay na indi naka-relo, parang may kulang kasi. Tapos mga silver accessories, (o ayan indi na mga kahon ng mga anik-anik ah.) sapatos, sneakers, slippers, gadgets, at mga kyuut na somethings. Mga damit o gamit na may touch of white, yellow, orange at black. Tapos yung growing koleksyon ko ng kanta at mga pektyur namin kung saan-saan. Indi ko nakahiligan ang magkolek ng stuffed toys kasi natatakot akong tingnan sila pag gabi hehe..baka kasi gumagalaw sila haha lakas-trip.
Kayu, anu bang mga pinagkokolek nyo lately?
Ipinaskil ni Aling Baby
____________________________
"Isang taon na ang Aling Baby Blog! Salamat po sa lahat ng pabalik-balik, nakitira, nakikidalaw, nakikibasa, nakikipagkaibigan. Sa mga comments (touched ako talaga..) Sa walang sawa n'yong pagsilip kahit na bihira na lang makapag-update si Aling Baby.
Maraming Salamat po!"
[Aling Baby Blog*30 April 2008]












