Indi ako panatiko ng mga plastik. Sa katunayan, yung natitirang plastik na chest drawer namin ay pinalitan ko na ng kahoy. Bukod kasi sa indi sila in good terms sa kalikasan, ang kaledad nito ay indi ganun kaganda. At kahit anung paalala ng ilang sektor na limitahan ang paggamit ng mga ito, wala naman tayong magawa dahil pagdating mo palang sa kusina, plastik ang mga bote ng toyo, suka, mantika, yung ilang spices na nabibili natin sa mga grocery. Kadalasan, ang mga pinggan at baso ay plastik na rin para indi magastos kapag aksidenteng nababasag ang mga ito. Pag may mga okasyon, isama mo na dyan pag may outing at field trip, nangunguna ang mga plastik plate, spoon, fork, at cups sa listahan para lang mabawasan ang pagod sa paghuhugas.
Pag pumunta ka sa CR, puro plastik din ang makakasalamuha mo. Mula sa tabo, balde, planggana, bote ng shampoo, conditioner, shower gel at pati na ang lagayan ng sabon. Isama na natin yung pang-ahit mo sa kung saan-saang buhok ka tinubuan eh plastik din. Alangan namang puro de babasagin ang lahat, ang sushal mo naman kung ganun.
Sa cabinet mo naman, ang mga hanger at sipit, ayun puro plastik. (Meron bang nabibiling babasaging hanger??) Sa dresser mo naman, ang mga bote ng losyon, powder, moisturizer, pati na ang lagayan ng deodorant haler puro plastik.
Kasi kung iisipin natin, mas madali kung ganito ang packaging nila. Makakamenos sa presyo, hindi mabubutas ang iyong bulsa at indi ka pa mahihirapan magbitbit pag nag-shopping. Kaya lang kahit pagbali-baliktarin natin ang mundo(nakakahilo naman yata yun.), ANG PLASTIK AY PLASTIK. Lagi na lang ba nating sasabihing, “Magdusa ka Kalikasan. Kailangan ng toyo at suka ng adobo ko.” Eh kahit naman ayaw natin, yung mga manufacturer ng mga ito ang naglalabas ng ganitong packaging. Paano na lang ang adobo kung walang toyo at suka? (indi na adobo yon.) Pero kung mapilit ka, sige…kung plastik at plastik lang din ang pag-uusapan, dito na ko sa walastik sa tibay.
Aminin mo, napakalaking tulong ng mga plastik sa pagpapagaan ng buhay mo. Kaya imbes na maging concern ka kay Mother Nature eh, mas inaalala mo ang magiging epekto sa budget mo. (Kahit ako guilty dito.
) Kung naging mayaman sana lahat ng tao, siguro buhay na buhay ang karir ni Inang Kalikasan.
Kaya nga kasama na sa buhay natin ang mga plastik. Kahit siguro anu pang pagpo-protesta ang gawin ng iba’t-ibang sektor para pahintuin ang paggamit ng mga ito, mahirap na para mapigilan ito. Kung sana, sa pagitan ng pagpo-protesta ay umiisip ng alternatibong paraan…malamang siguro matagal nang naubos ang mga plastik na ito sa pang-araw-araw na buhay ng mga tao.
Nakikiisa ako sa hangarin na ito at sana nga ay mailigtas pa natin ang inang kalikasan sa mga problemang madudulot ng mga plastik na to sa komunidad at kalusugan. Kawawa naman ang mga susunod pang henerasyon na indi na makakasimoy ng sariwang hangin sa ilalim ng punong mayabong sa gitna ng siyudad diba?


Ipinaskil ni Aling Baby
____________________________
"Isang taon na ang Aling Baby Blog! Salamat po sa lahat ng pabalik-balik, nakitira, nakikidalaw, nakikibasa, nakikipagkaibigan. Sa mga comments (touched ako talaga..) Sa walang sawa n'yong pagsilip kahit na bihira na lang makapag-update si Aling Baby.
Maraming Salamat po!"
[Aling Baby Blog*30 April 2008]












