Pangalan at Pinaglihihan

Madalas kami magkwentuhan ng nanay ko lalo na pag napapatambay ako sa kwarto nila habang kumakain at nanonood ng tv. Siya ang Lola Basyang ko sa totoong buhay. Lagi niyang ikinukwento ang mga karanasan niya nung bata pa siya kasama ng mga kapatid niya. Pareho kaming bunsong anak. Tuwang-tuwa nga ako sa kanya lalo na pag nagku-kwento kasi parang laging nandun sa araw na ‘yon ang pakiramdam niya at detalyadong talaga, pwedeng maging nobelista. (Ito yata ang minana ko sa kanya.) Lagi siyang ganun kahit sa mga kaibigan ko. Hindi nakakailang ang presence niya, in fact pwede ko pa nga ipa-entertain sa kanya ang mga bisita ko habang naghihintay sa pag-uwi ko. Kung ganu siya kadaldal, ganun naman katahimik ang tatay ko na pangiti-ngiti at patango-tango lang. Nitong bago ako umalis, nagiging palakwento na siya, nasawa na siguro sa pagiging tahimik. ;)

Sa pagkukwento ni mama, hindi nakalampas ang mga lihim ng aming mga pangalan at kung san niya kami ipinaglihi hehe, hindi naman kami parang mga maligno nito?

Ang panganay namin na pinangalanan niyang Nenita ay galing sa pamimilit ng mga magulang ni Papa. Shempre, ang mga panganay na anak ang kalimitang nagiging panyo sa larong Agawang Panyo ng dalawang partida, lalo na pag unang apo. Eh, ang gusto talagang ipangalan ni mama sa kanya ay Nanette kaya kung indi man siya nagtagumpay sa birth certificate ng ate ko, sinanay na lang niya kami na Nanette ang itawag sa ate ko, o diba hindi talaga nagpatalo.

Ang sumunod naman ay pinagalanan niyang Irene. Kung bakit, hindi namin yon napagkwentuhang maigi pero ipinaglihi niya si ate sa sama ng loob buto ng kalabasa wid matching royal tru orange. Naks, ang gandang kumbinasyon nito. Sa indi malamang pangyayari ay ito raw ang pinagdidiskitahan niyang kainin nung panahon na ‘yon.

Ang ikatlo, (marami talaga kami, pang-sampu pa ko.) dahil nung panahon na yon ang kasikatan ni Nora Aunor (thank God, hindi ako yon.), dun niya ito ipinaglihi. Kung naging babae sana ang kuya ko, malamang ay Nora ang pangalan niya hehe. Kaya ayon, Sonny Boy daw. Kaso mo, yung Parish Priest namin ayaw binyagan na iyon ang pangalan (nangengelam pa eh.), kaya walang nagawa ang nanay ko sa pangalawang pagkakataon kundi pumayag na gawing Joseph Sonny ang pangalan ng kuya ko at dahil na rin siguro sa sobrang kakulitan ng kuya ko, yung Sonny Boy niya naging Sonny Bok hanggang naging Bok na lang pero ako, tawag ko sa kanya, Mata kasi anlalaki ng mata parang E.T. hehehe.

Yung pang-apat namin, Larry ang ipinangalan. Haayy naman, ipinaglihi naman ni mama kay Mr. Clean, ang kalbong cartoon endorser ng sabong panlaba. Ewan ko ba naman dito kay mama. Siguro sa pagod niya dati kung anu-anu ang napaglihian niya hehe. Yung Larry na pangalan niya, naging Leng at dahil sa bilugan ang mukha niya, eventually tinawag siyang Balot.

Ayyy, ako na ba? Seryoso na tayo ah. Sabi ni mama, nung pinagbubuntis niya ko eh sikat na sikat daw yung kantang Mr. DJ ni Sharon Cuneta, (mahilig talaga sa celebrity ang nanay ko.) kaya daw yon ang ipinangalan niya sa akin, Sharon. (Kaya pala ang ganda ng boses ko hahaha!!) Pero ang hindi ko matanggap na ipinaglihi niya ako sa susó (snail), o diba lakas trip. Pwede naman sa apol, sa pandesal, sa balot o kaya kay Cindy Crawford, Dina Bonnevie diba?…bakit naman dun pa??? hehe.

Ang weirdo talaga ng mga nagbubuntis noh, lalo na pag naglilihi sila. Sabi ng mama ko, hindi naman daw niya sinadya na yon ang mga paglihihan niya kasi ganun daw talaga yon, maghahanap ka lang ng kung anu ang gusto mong kainin o tingnan, hindi mo alam naglilihi ka na pala. Nagtataka lang ako kasi yung mga pangalan namin, parang kung anu lang ang naisip nila. Samantalang yung iba minsan, pinagdudugtung ang pangalan nilang mag-asawa, pangalan ng biyenan, puro may Maria ang umpisa, o kaya the 2nd..the 3rd ..the 4th hehe. Kakaiba nga kami eh. Saka kahit hindi uniform ang pangalan namin, atlis pare-pareho naman kami ng apelyido diba?

Kayo, san ba nakuha ang mga pangalan nyo?

25 Tugon tungo sa “Pangalan at Pinaglihihan”

  1. angel ay nagsabing:

    err ako.. kasi ang kwento sakin ng mama ko, pangalan daw kasi ng crush ng Dad kong prof nung nasa college sya ay “Beverly” kaya ayun.. hahaha

  2. MisyeL ay nagsabing:

    paborito ni mama noon si Michael Jackson kaso nung isinilang ako babae pala kaya naging Michelle pero di pa din nagstop hanggang magkalalaki sila, kaya Michael ang name nya hehe. Pinaglihi naman daw ako sa pancit bihon yummy, kaso lang nasobrahan ata ng toyo yung nakain nya hahaha!

  3. ayyzzz ay nagsabing:

    IRISH EVE

    ang buo kong pangalan.

    IRISH for reason 1:

    sabi ni mama. galing daw yung IRISH sa diksyunaryo.
    mga madlang pipol sa IRELAND ung meaning.
    ginaya niya lang..

    reason 2:

    may sabon daw nun na IRISH SPRING..
    dun niya rin nakuha ang pangawalang rason
    para pangalan akong IRISH.
    msarap daw kxe pakinggan.
    buti na lang kamo at hindi niya naisipang
    gayahin totally yung brand name ng sabon..
    lokaloka si mama e.

    EVE for:

    dahil nga daw sa ako ay babae,
    nilagyan niya ng EVE yung pangalan ko para di daw maikle masyado..

    pero di ko ginagamit pangalan ko. sa skul lang. sa ID.

    bwahaha. :D

    ayyzzz talaga palayaw ko…

  4. pinoyPSP ay nagsabing:

    sana ate baby mabasa mo yung kwento ko hahhaa sa buhay ko hehhhe

  5. ludwig02 ay nagsabing:

    paki search nalang aling baby ang name ko.ang buo ko pong pangalan ay LUDIVICO PASCUA Nonoy ang naging Palayaw ko Bicolano kasi ang tatang ko at nang ako ay umidad ng 18 ginawa kong Ludwig ang palayaw ko kasi parang paslit parin kapag nonoy tapos binata kana.ayon sa tatang ko(sumalangit nawa)sa isang punit na pahina ng bibliya niya nakuha ang pangalan ko.at ako po ay ipinaglihi ng aking butihing ina sa (buko at mais)… ;)

Mag-iwan ng Tugon