Sumama ako sa pagpunta sa pinaka-sushal na mall sa Hor Al Lanz, ang Century Mall
. Kahit na halos 40 degrees ang init kanina, tinugis namin ang kahabaan ng haywey (walking distance kasi eh)para marating ang nasabing mall dahil sa pinakamalupit na dahilan: Lalagyan na ng hawla yung kama ni Kwirkyboi(ang ganda talaga ng bansag na’to, naaliw ako gamitin hehehe…)Pagkatapos ng alay-lakad na naganap, tagaktak na pawis, muntikang matutong na balat at nakakainit-ulong tindi ng init….sa wakas, narating na namin ang mall. Ang sarap ng pakiramdam makarating sa finish line! Ang lamiiig sa loob hehe, may gamut naman sa pulmonia eh. Habang tumatagal, kung anu-anung ini-implement nilang rule dito pati sa mga supermarket, kailangan nang magbayad ng 1dirham para makakuha ng isang cart. Uber talaga. Gagastos ka na sa pamimili, babayaran mo pa pati yung cart na hinding-hindi kailanman mapapasaiyo haha! Hmmpft! Hala, nag-basket na lang kami kasi yon libre.
Pasyal-pasyal.
Tingin-tingin.
Testing-testing.
Uyyy, may free taste..tara!! Ampf, pati yung tsokoleyt, tinalo na. Kunwari nahihiya pa ng konti pero naman isa-isa nang pumila para maki-free taste at gustu pa bumalik ah. Pagkatapos namin mangilan-ngilang kabayan ang nakipila hehe…iba talaga ang Pinoy.
Mas marami pang daldalan kesa sa pamimili ang ginawa namin, kasi naman nga pang-hawla lang ang dinayo namin dun. Hindi pa iskedyul ng grocery kaya ewan ko ba kung anung ginagawa namin dun.
Commercial muna:
As requested, eto nga pala ang naganap na gimik kagabi.
Umakyat na kami, madalian na ‘to dahil may pasok pa si Pao. Napapansin namin na palamig lang ang ginawa namin dun eh. Sa gitna ng pamamasyal at pag-iikot, may hindi nakaligtas sa aking paningin. Namangha ako sa tindi ng pag-suck nitong kagamitan nito na madalas ikahiya ng mga kabayan natin na bilhin. Madalas itong binibili ng patago o kaya naman ay sa palengke na lang binibili para konti lang ang makakakita. Pero ako, buong tapang ko itong hinawakan at buong pagmamalaking ipapakita sa inyo at ginagarantiyang hihigupin nito ng buung-buo kung anuman ang binara ng huling gumamit ng palingkuran ninyo dahil makailang ulit ko itong sinubukan. Ibang klase talaga. Eto..
Hindi namin siya binili. Wala naman sa amin ang mangangailangan nito at kung magkaron man ng pagkakataon, alam ko, magkikita rin ulit kami hehehe..
Nang mabili na lahat, umuwi na rin at sinuwerteng may makitang car lift (ito ang tawag sa mga pribadong sasakyan na nagfi-feeling maging taxi ang mga sasakyan nila. Pero mahipit na ipinagbabawal ang ganito dito.) Eh sa hirap kumuha ng sasakyan, pinapatos na namin ang mga ganito. Kilalang-kilala ni Katch (Boi Car lift) ang me-ari na bastos ang bibig. (Lahing indyano pero magaling magtagalog at pawang bastos na salita ang mga alam nito.) Pero okay lang, hindi na namin kinailangan pagdaanan ang masukal na daan pabalik ng bahay namin.
Sa wakas, buo na ang hawla ni Puma Kwirkyboi. Hindi na siya lalamigin, hindi na namin makikita na tulo-laway exposed siya at magiging invisible na rin sa wakas hehehe…












____________________________
"Isang taon na ang Aling Baby Blog! Salamat po sa lahat ng pabalik-balik, nakitira, nakikidalaw, nakikibasa, nakikipagkaibigan. Sa mga comments (touched ako talaga..) Sa walang sawa n'yong pagsilip kahit na bihira na lang makapag-update si Aling Baby.
Maraming Salamat po!"
[Aling Baby Blog*30 April 2008]













Hulyo 5, 2008 bandang 12:16 umaga |
yun pala yong hawla. malagyan nga rin ng hawla yong pad ko,hehe
Hulyo 5, 2008 bandang 8:54 umaga |
ang galeng pla. ..mga nka “hawla”
eh pano kung … inde sound proof :-s
at pano kung . . . libre ang …?
at pano din kung feel mung …
di ata ako pde sa “hawla”
kc madami akong “kung” LOls
Hulyo 5, 2008 bandang 9:27 umaga |
uy aling baby, malapit ka pala sa hor al anz, andito office ko malapit sa mamzar center, ahahaha…
Hulyo 5, 2008 bandang 11:56 umaga |
@ mhar
yan nga, konting privacy yan sa mga bagay na gusto mong gawin hehe..
@ koreanmine
mine, indi ka nga pwede sa hawla kasi walang soundproof yan at kunting galaw, tumutunog.
@wifeybee
medyo malayo kami sa mamzar centre, mga 45 mins walk hehe..san ka dun? eh pwede pala tayo magmit nasa paligid-ligid ka lang pala!!
Hulyo 5, 2008 bandang 12:01 hapon |
di ba isosoli ang 1 dirham pagkasoli nyo ng cart? anubayen kurakot naman.
naku sa lahat ng ayoko yung maglalakad lakad sa ilalim ni haring araw noong nasa pinas pa ako. dito kasi kahit sikat na sikat si haring araw, malamig pa rin ang hangin so chox lang.
Hulyo 5, 2008 bandang 12:15 hapon |
@ utakmunggo
nakupp, indi na. amf, ewan ko ba hehe.. dito kahit na payong mo bibigay sa tindi ng init kaya mas maigi na manahimik ka na lang sa bahay pag katirikan ng araw at saka ka maglamyerda pag lumubog na siya kasi ganun ang gawain ng mga taga-dito.
Hulyo 5, 2008 bandang 2:59 hapon |
sa wakas ung prinsesito no. 2 nmin may pangontra na sa lamig… heheheh wawa nman kse baby bro ko… aba aling baby! tumataas na level mo ah, may commercial ka nang nalalaman hehe..
Hulyo 6, 2008 bandang 6:01 umaga |
ang tindi namang push cart may bayad. buti pa pala sa pinas libre na at pwede mo pang sakyan…wahaha
Hulyo 6, 2008 bandang 7:22 umaga |
aling baby, ang pagkakaalam ko ay makukuha mo pa rin ang 1 dirham basta ibalik mo ulit yung cart sa lugar ng mga cart, ganun na yata lahat ng carrefour eh, hehehe… bago na kasi lahat ng carts nila at para di na iuwi ng mga namimili sa bahay nila, wehehehe… yup, lapit nga lang tayo, small world indeed…
Hulyo 15, 2008 bandang 3:45 umaga |
napadaan lang. ang galeng ng pagkakamodel mo ng plunger (ipinagtanong ko pa sa kasama ko kung anong tawag doon eh ayoko namang tawaging pambomba kasi awkward. teka, bakit nagpapaliwanag ako?). parang gusto kong bumili kahit walang pag-gagamitan. ang ganda mo kasi.
hayan, nasabi ko rin ang gusto ko. God bless and good day!
-
buti naman nasabi mo ung tawag dun, plunger pala..ngayon lang din nalaman, dagdag kaalaman.
teka, alin ba ang maganda…yung plunger o yung kamay ko? hehehe…na-add na po pala kita. salamat ulit.
tenks brotherutoy sa pagbisita.