Kahapon Lamang

Sa gitna ng pagmumuni-muni at pamamasyal sa ibang blog, inistorbo ako ng amo ko at isinali sa kumperensya na nagaganap sa kanila ng aming tamad butihin na accountant. Para akong nasa husgado dahil walang kaabog-abog eh ginawa akong witness sa pag-uusap nila patungkol sa mga walang kwentang importanteng bagay tulad ng malimit na pagiging late nito sa pagpasok at ang mga anik-anik na pagpetiks niya sa opisina. Buti na lang at hindi pa nae-expose ang pagba-blog ko hehe… Ayun, para akong isa sa mga jury dun habang nagtatalo sila. Kulang na lang maging judge na rin ako, stenographer, at miron all-in-one. Aliw pa naman ako sa pagtalon-talon ko sa mga blog nyo. :) tapos sasayangin niya ng ganun ang mga pecious seconds ko sa opisina hehe.

Pagkatapos ng halos isang oras, ayon at nauwi rin sa areglo. Nagmistula akong display sa gitna nilang dalawa. Para nila akong ginawang inspirasyon sa sagutang ginawa nila. Pero ang mabuti ron eh walang dumanak na dugo at walang sibilyan na nadamay. Nagulat na lang ako nung sinabi niyang, “Okay, ***ron thank you.” Aba naman, wala man lang premyo? Hmmpft!

Nagbalak din ako gumawa ng bagong entry pero nauwi pa rin sa pagbabasa at hinayaan ko na lang na makapagpahinga ang isip ko. May mga ganung factor pa talaga eh parang professional writer ang dating hehe… Saka isa pa,

ayoko na rin sirain ang ulo sa mga bagay-bagay na walang kwenta. Mashado na ako nasagad hanggang buto so ngayon mas maganda kung ipapagpag ko na muna sila lahat saka ako magsisimula ng isang bagong umaga naks! ;)

May gaganda pa ba sa isang buong araw sa opisina na petiks walang ginagawa? Meron naman, na pagdating ng alas sais (uwian taym), sasabihin sayo ng amo mo na pwede ka nang umuwi, “YES!!” Once in a blue moon lang to mangyari sa opisina namin hehe… Hindi nyo naitatanong, eh isa akong sapilitan na  model employee. Sapilitan na ang kilos pagpatak ng alas-shete at nag-aamok na pagpatak  ng alas-otcho y medya. Kasi mahirap umuwi ng gabi dito sa bansa na ‘to, maraming gumagala na manyak hehe…

Bago pala natapos ang araw…may isa akong unexpected chatmate. Nagulat ako ah. Hindi ko na ilalagay kung anu-anu ang mga pinag-usapan namin dahil baka marami mag-react hehehe…di naman siguro. Baka marami pa nga ang matuwa. (Tiyak un.) Lahat naman ng bagay napapag-usapan. Sana nga at mag-winter na ang season para hindi lagi init ulo ng mga tao. Malay natin, malapit na rin yon.

And to top it all, niyaya ko ng deyt si Lablayp. Grabe talaga, ako na nagyaya mag-date ngayon. Iba na talaga ang mga batang-isip kabataan sa panahon ngayon. Nag-dinner deyt lang naman. Medyo matagal-tagal na rin kasi kami walang moment hehe, anuber, paminsan-minsan naman kahit na matagal na kayong magkarelasyon eh, dapat may mga kilig moments pa rin kayo to keep the love alive diba?

Anu na ba ang mga nangyayari sa mga tambayero at tambayera dito??

Nung nakauwi kami, nakipag-bonding moment naman ako kay Pao. Na-miss namin ang maghuntahan. May training kasi siya kaya lagi maaga ang uwi. (Sana may training para sa mga petiks para madagdagan naman ang petiks taym ko hehe, uber na to.) Ayon, tawanan blues na naman parang nung panahon na napupuyat kami sa kakakwentuhan at inaabot ng madaling araw.

Kinamusta ko si Leo, aba naman sumasakit ang kanyang nag-i-slim-an na mga braso kasi indi niya ma-stretch haha! I wonder kung anu ang mga binibuhat niya lately at kung bakit niya binubuhat ang mga ito.

Ayon si Mayn at Lhensky (Welkam to Dubai!), takot mapagpawisan. Meron bang phobia sa pawis? Hehe, lagi nasa loob ng ref bahay at nakikipag-friends sa siyensya. Iba talaga ang inspirado hehe…

Sina Ivan at Tiff, busy sa lablayp. Nanahimik ng ilang araw sa bayan ng Abu Dhabi at sikretong nagpapapayat. Sikret lang natin to hehehe.. Baka magulantang na lang kami at parang mga pang-model na ang mga wankata ng mga mestisas namin hehehe..

Si Hannah, ayon at me sakit. (Pagaling ka pre!)

Si Kwirkyboi, naks ganda ng pangalan hehe. Ayon, tagabantay ng bahay for the mean time. Kasi naman mainit ang weder. Mainit pero puro gala hehe. (Lagot ka naman kay Seanti nito, nag-uusap pa naman kami lately.) Hopefully next month mag-work na rin siya.

Pansin ko nga konti ang happenings dito, ayos lang naman paminsan-minsan magparang kumbento naman ang tambayan para bago naman.

;)

11 Tugon tungo sa “Kahapon Lamang”

  1. ayyzzz ay nagsabing:

    kuryos ako ke unexpected chatmate…

    harrrujussko..

    sino kaya siya..

    hahaha :D

    Aling Baby: hihihi, chikret! asust, indi naman ganun un. baka magalit si lablayp hehehe.

  2. ivan ay nagsabing:

    hahahha isa kang palamuti!!! :D

    Aling baby, cheese yan ha! D nman kme nagpapapayat e. Ni diet nga wla..

    Goodluck na lang sa expectations smen ng mga nakabasa nito. waaaaaaaaaaaah!

    Aling Baby: uu, isang plorera na walang bulaklak haha! eh anu pala, nagpapataba lang pala kayo dun? hehe.

  3. mhar ay nagsabing:

    hehehe…. napadaan lang. sana pinagbubugbog mo sila.hahaha

    Aling Baby: ang la-laki nila eh kaya mas pinili ko na lang na maging isang inspirasyon. ayokong mabangasan hehe. Salamat sa pagbisita.:)

  4. japboi ay nagsabing:

    ay naku lablayp nakaka miss ung mga date ntin bwiset na panahon kse sooobrang inet :) don’t wori habibi i have plans for the both of us… pero not for all weather types kse heheh pang winter lng.
    okay nga mejo tahimik sa bahay.. si kirky lng ang maingay pag ka chat ung baby seanti nia. ay ung unexpected chatmate… inaling baby na sakin ni aling baby! hehehehe..

    Aling Baby: ssshh, chikret lang natin un. ;) saka uki lang kung wala mashado lakad, ang ineet eh..saka na ko babawi sa winter na lang. :D

  5. mang BADdoy ay nagsabing:

    baka akala nila e ikaw ang pader na pangharang pag nag away sila.. joke lang aling baby…peace

    Aling Baby: nakupp, mahal ko ang buhay ko! hehe..

  6. kengkay ay nagsabing:

    ikaw ang world peace :D

    Aling Baby: naman! ;)

  7. emoboyblue ay nagsabing:

    Hello po! Pwede po ba xlink tayo? add kita sa blogroll ko..
    Tnx po for visiting my site.. :-)
    At wag masyadong petiks baka mahuli ng amo.. hahaha!! :-)

    Aling Baby: shur naman, na-add na din kita. ehehe, magaling yata itu. :)

  8. bugz ay nagsabing:

    hi aling baby’sa wakas nkapag-comment n rin ako!naging complicated lng poh ang sakit ko pero now medjo ok n poh ako.tnx po s inyong lahat.Godbless!

    Aling Baby: sa wakas naman talaga! pagaling ka pa ng maraming-marami hehe..:)

  9. Leo ay nagsabing:

    Aling Baby baka pwede i aling baby mo rin sa akin ung unexpected chat mate. :)

    Aling Baby: hehehe no puede te quiero hehehe…chikret ko nga un eh. ;)

  10. wifeybee ay nagsabing:

    ang sarap lang talaga dito, petiks nalang lagi, sana pag may gagawin nalang tayo, saka nalang tayo papasukin, nyahahahaha

  11. Aling Baby ay nagsabing:

    @ wifeybee
    uu, ang onti ng holiday dito sa bansa na ‘to. kailangan pang may isang pinuno ang ma-deds bago pa magkaron ng mahabang bakasyones. :(

Mag-iwan ng Tugon