Pundido

Kahapon ko pa gusto gumawa ng bagong post. Pero kahit anung alog ko sa utak ko, wala talagang lumalabas na magandang topic para i-share ko sa inyo. Bukod dun, yung GM namin na based sa bansa nila eh biglaang napadpad dito sa opisina namin kaya tuloy yung medya-medya na naiisip ko, hindi ko rin maituloy dahil nambuburaot nakikigamit pa siya sa  kompyuter ko tsk tsk, san ka ba nakakakita ng GM na walang sariling kompyuter sa opisina? Dito lang yon samin hehe…

Kaya buong maghapon parang na-stroke ang utak ko, mega titig lang ako sa dashboard at stats ko…

Salamat nga pala sa mga nagko-comment at mga bumibisita sa blog ko. :) Sana ay wag kayo maumay magsawa sa kin hehehehe!!!

Hanggang pag-uwi ko, ayon kating-kati pa rin ako na gumawa, ahhah-haaayyy, nangyayari ba ‘to sa inyo? Yung meron kang gustung isulat pero hindi mo alam kung san ka magsisimula at kung panu mo siya bubuohin? Minsan kasi may mga bagay ka ring dapat isang-alang-alang diba?

Haayyzz, pagkatapos kumain eto at nag-attempt ako ulit.

Wala pa rin.

Isa pa bago matulog.

Ayan, hindi ko na kinaya. Sige sa susunod na nga lang, marami pa namang araw. Pundido kasi yung bumbilya ng utak ko kaya ganto.

15 Tugon tungo sa “Pundido”

  1. Leo ay nagsabing:

    Baka Kaya napundi para may maisulat ka ngayon!!!!!HEHEHEHEH!!!!

    Aling Baby: un nga yata ang nangyari eh hehehe.. :P

  2. ayyzzz ay nagsabing:

    hahaha..
    kung kelan ka pa sobrang eager na eager ng magpost
    dun ka pa mawawalan ng ideya kung ano ang ilalathala…

    hahaha..

    naranasan ko din yan…

    maraming times na..

    nyahahaha. apir!

    Aling Baby: ayyzzz naku, ang sakit sa ulo talaga.

  3. Zapped ay nagsabing:

    Ganyan! ganyan nga nagyayari sakin.may 2 entry nako nasa drafts pa rin… pero hindi ako mapakali kung ipopost ko na ba or what kc edit ako ng edit…dont worry this weekend … dami kasi pumapasok sa utak ko tapos aalis agad… hirap hulihin ng thoughts. hindi na kasi ako sanay gaya ng dati lagi ako may kasama magsulat…. antay lng ha?

    Aling Baby: hehe pakner, ang tagal mo na napahinga! galaw-galaw baka ma-stroke! chige, aantayin ko yang bago mo ha. ;)

  4. japboi ay nagsabing:

    ay naku kgbi pa yan steady c aling baby.. as in rock steady! sa sobrang dami na gus2 isulat ayun.. wlang lumabas ni isa.. heheh dont wori aling baby, ure still the best! lav ya lots!

    Aling Baby: :D ito ang number one fan ko hehe. laging nandyan..kahit nu mangyari. da bes ka talaga mamine! :*

  5. gugmagiatay ay nagsabing:

    thanks for visiting my site. anyways lahat naman siguro tayo may mga bagay na gustong gawin na di magawa gawa tuld ng lang sa pagba blog. seguro dahil di kulang ka ng inspirasyon to write. ako kasi nakakasulat lang ako if i hear love songs (icall it shit songs most of the time). try mong makinig ng music..gaganahan kang magsulat for sure. :-)

    Aling Baby: hehe, salamat din sa pagbisita. :) ewan ko ba kung bakit, iniisip ko naman pag nakinig ako ng lab songs eh baka lab stori naman ang maisulat ko hehe, kunsabagay ok pa rin diba? atlis me naisulat pa rin. :)

  6. mayn ay nagsabing:

    uy aling baby, yun pla ginagwa nyo kgabi ha.hehehe

    kya pla ako napabili ng bagong ilaw eh, ska starter.

    pundido ka. eheheheheh

    yaan mo mmya lang alive k n nman.

    Cheers!!

    Aling Baby: kala ko nga talaga para sakin, yon pala para sa cr pala hehe.

  7. AZRAEL ay nagsabing:

    normal yan pare! noong nagsisimula pa lang akong mag-blog, ang dami kong gustong gawin na entry, pero kapag sinisimulan ko na, nauudlot at nawawalang ng direksyon. ang isnag tip na maise-share ko sayo, kapag may naisip ka, kahit isang simpleng salita lang.. halimbawa “DOG”, pakikutin mo agad ang isip mo at doon ka magsimula ng entry. yan ang ginagawa ko eh. title ang inuuna ko at sumusunod na dun ang thoughts. dere-derecho na baga.

    parang ngayon, nabanggit ko ang salitang “dog”, parang gusto ko na agad gawan ng entry. pero wag na siguro dahil alam kong sa medyo bastos na topic lang din mapupunta bwahahaha!

    at ang cute mo pag may piring sa mata. parang ang sarap mong iposas sa kama at kilitiin ng feathers.. wraaaaaaaaaaaaaaaar!!!

    Aling Baby: nakupp, wag me phobia ako sa kiliti waaaahhh!!!

    Buti ngayon medyo bumabalik na ko sa normal hehe, salamat sa magandang tip. :)

  8. kengkay ay nagsabing:

    ahahaha, na dokleng ako sa comment ni azrael, hahaha

  9. batopik ay nagsabing:

    hehe.. ganyan din ako kahapon.. gustong- gusto kong magsulat ng bagong post, kaso lang hindi ko alam kung anu sa mga iniisip ko ang isusulat ko.. kaya lang, mnsan, nauuwi ako sa walang nagagawa at magblog hop na lang.. hehehe.. xD

    Aling Baby: ako rin, minsan nag-eenjoi na ko sa pagbabasa at indi na rin nakakagawa ng kahit isang post hehe. :)

  10. red06 ay nagsabing:

    ok na rin yan pictionary hehehe
    kaaliw!

    Aling Baby: Salamat sa pagbisita! :)

  11. wifeybee ay nagsabing:

    kaloka talaga minsan, ang dami mo naiisip, pero di mo alam kung pano isusulat, parang tulad din nyan ng madaming gagawin pero di masimulan, hehehe…

    try mo gumamit GE na bulb, mas matagal daw buhay nun, hahahaha…

    Aling Baby: uu, phillips din daw matagal ang buhay eh.

  12. mhar ay nagsabing:

    ay ako din minsan ganyan, tama yong comment ni azrael matuto tayong magextract ng thoughts. hehe.. many times ko nang nararanasan yan. magsimula ka lang sa simple muna tapos paganhin mo ng mga sub ideas mo. basta ganun, anyway, salamat sa pagbisita sa site ko.pag ‘di ka busy free kang gumawi dun, anytyime.

    Aling Baby: pinagpahinga ko lang talaga, dami lang pagod kasi hehe. salamat din sa pagdaan. :)

  13. utakmunggo ay nagsabing:

    nku pag ako naman nappundido, nagiisip ako ng kadiri na bagay at binibigyan ko ng storya. gaya ng kulangot. o diba napakarami mong masusulat tungkol sa kulangot?

    oi pero magaling pa rin ito dahil nakapagsulat ka pa rin tungkol sa kawalan ng topic na isusulat.

    clap! clap! apir!

  14. wei vines ay nagsabing:

    haha! matulog ka na lang daw kasi ^^

  15. Aling Baby ay nagsabing:

    @ utakmunggo
    kulangot?? uu nga noh hehehe… salamat! :)

    @ wei vines
    anupangaba ang nangyare? ayon, plastado!

Mag-iwan ng Tugon