Ay Lab Kanin!!

Palaki na ko ng palaki. Napapansin ko nitong mga nakaraang araw eh, damang-dama ko mula ilong hanggang sa chan ko ang pagsarap ng pagluluto ni Lablayp at tila ba nakakalimutan ko na mashado akong nake-kerid awey sa mga kwentuhan at hindi ko namamalayan na napapasandok na pala ako ng pangawalang batch ng kanin.

Malala na ‘to.

Nung minsang nag-dinner kami nina Kwirk, Lablayp at Pao, maganang-magana ang kain ko na para bang tumitira ako ng vitamins pamtaba ng baboy bata. Sa gitna ng mga kwentuhan, pumasok ako sa bahay para kumuha ng Ay lab kanin. Aba naman paglabas ko, ang mga pasaway, itinago yung mesa at pilit na sinasabi sakin na tapos na raw sila kumain at niligpit na nila ang mesa. (split seconds lang yon ah..) Sinilip ko sa gilid, andun yung mesa.

Malakas na raw ako kumain. :(

Ewan ko ba naman kung bakit para bang in lab ako sa kain ngayon hehe… Tabain pa naman kami mula kay Aling Merle hanggang sa mga kapatid ko. Buti pa si Mang Lino eh, kahit na anong kain niya, parang walang nangyari. Slim na slim pa din parang model. Sana sa kanya na lang ako nagmana. Pero sadyang mas malakas ang dugo ng aking nanay side kaya heto kahit na pumayat pa ang ibang parte ng katawan ko, parang fixed na yung chan ko sa size niya. Haayyzz naman, what to do Yani? Ang sarap kumain eh.

Kaya nga kagabi nag-usap kami ni Lablayp at ora mismo, pinag-crunch (tama ba??) niya ko dahil kung hindi daw niya ako tututukan eh baka magulat na lang siya at hindi na siya makakilos sa kama dahil sa laki ko hahahah! (Tama, kailangan ko ng ganituhin ang sarili ko para mag-diet na ko ehehehe.) Sa gitna ng antok, gumawa pala ng letter of agreement itong lablayp ko at walang anu-anu’y pilit akong pinapipirma. Mano ba namang natutulog na ang tao, may taym pa ba akong basahin itu?

 

Aba naman at talagang nagpapirma pa ng mga witness.

Haayyzz, I will do my very best to deal with it hehehe..good luck naman sakin. Non-negotiable ba ‘to? Baka pwede naman natin to mapag-usapan? ;)

May mga alam ba kayong paraan ng pag-diet? Share naman dyan!

16 Tugon tungo sa “Ay Lab Kanin!!”

  1. ivan ay nagsabing:

    Tinago ung lamesa? Malala na nga yan, pati mesa iuuulam mo na! Hahahaha!

    Pre madali lang yan.. ilagay mo sa paanan mo ung plato while doing crunches. o diba goal getter! hihihihi

    Love you aling baby :D

  2. Aling Baby ay nagsabing:

    @ ivan
    mayrong lungkot sa’yong mga mata..at kaybigat ng iyong dinadala…
    haayy pre, ayoko ng maging premyo ang kanin pagkatapos ko mag-crunch,naman-naman nagpapapayat si ako hehe..

  3. Leo ay nagsabing:

    hala aminin mona kasi paraho na tayo na malakas kumain. Hehehehe!!!!

  4. Aling Baby ay nagsabing:

    uyyz, hindi pa naman.ibang level ka na pre eh, sa mga hebigats ka na :lol:

  5. mang BADdoy ay nagsabing:

    uu madami aling baby kasi from 200 lbs naging 145 ako… so ano ang mga dapat gawin:

    1. less RICE!!! isa pusot isip mo yan
    2. less SUGAR!! meaning no softdrinks! no sugar sa coffee, no candies and chocolates.
    3. eat ka ng damo (aka VEGE’s) tapos meat mas madami pero white meat much better.
    4. bawal mamantikang food meaning yung mga pritong ulam bawal din!
    5. exercise everyday! mas ok pag di ka humihinga while working out kasi mas pagpapawisan ka at mas mabilis ang tyansang mag lose k ng weight. pero mahirap sya!
    6. when you exercise much better na pinag papawisan ka
    7. no meal after 6 or 7pm! bakit? di na kasi na didigest ng katawan ang mga kinakain natin b4 matulog so nagiging FATS yun!
    8. bawal din ang CREAM meaning no ICE CREAMS!!! or kahit ano creams!
    9. Bawal uminum ng tubig before matulog or 3 hours before matulog pede konti lang sobrang konti kasi nakakadagdag ng body weight yun!
    10. dont forget to celebrate pag nakuha mo ang ideal weight mo! tsaka okay din yung cheat day… meaning pede mong iviolate ang rules mo sa diet or pag lolose ng weight pero konti lang dapat!

    pang isang entry na yung comment ko di ba? aheheheh

  6. Aling Baby ay nagsabing:

    uu nga mang BADoy, parang isang entry na yung comment mo. :D anyhoo, touched ako sa eport mo na ibigay ang list na ‘to. grabe nakaka-pressure itung mga nakalagay hehe pero gagawin ko to at op-puli eh ma-achieve ko ang weight na gusto ko hehe!! salamat!! :)

    ayan, para na rin sa mga masugid na bumibisita sa bahay ko…sana ay makatulong itung dyeta tips ni mang BADoy sa inyo. :)

  7. MisyeL ay nagsabing:

    May kasulatan pa talaga, astig! Mabuti din yang ginagawa ng lablayp mo para hindi ka lumaki ng husto at mas magandang tama lang para healthy. Hirap magdiet pero I know yakang-yaka mo yan, determination lang aling baby. Natuwa ako sa list ni mang baddoy, gagamitin ko din ahahaha!

  8. wei vines ay nagsabing:

    oh no! mukang rush diet yan ah… hehe…nanay ko ginagawa kumakain before six pm..tapos pagtapos nun, tubig na lang tinitira niya hehehe…

    epektib naman sa kanya eh..try mo ;)

  9. jhamy woops ay nagsabing:

    astig naman nyan.. gusto ko ata ng ganyang kasulatan,,

    kaso pag nakikita ko ang kaldero..

    nanghihinayang ako sa kanin.. baka mapanis..

    kaya.. kakain na lang ako!! ahehehehe!!

    beep.beeep..padaan lang po!! :)

  10. japboi ay nagsabing:

    lam mo me mine.. kaya ko yan gnwa eh para tigil tigilan mo na ung “wawa” look mo saken.. lam mong nde kita mtitiis eh. kaya i had to write it down as an agreement. lab kita khit tabachuy ka pa.. kaso sana wag na :) mwah!

  11. Dudong ay nagsabing:

    hehehe…talagang may mga pirmahan pang naganap, baka makulong ka pag di mu tinupad…hala ka.. well diet more fibers..oat meal and milk sa umaga, more protein sa tanghali and konting meal sa gabi, kasi un ang malakas magpataba.

  12. menggay ay nagsabing:

    hehehe!! isang napaka labag sa loob na disisyon nga yan sister..

    ang sarap pa naman kumain ng kanin :) tas gustong gusto mo yung ulam…yumyum… ayan nagutom yata ako hehehe….

    ang cute ng pirmahan hahaha!!!

  13. barquera ay nagsabing:

    naku maraming paraan. pero disiplina lang ang mahalaga,para sa ikakapayat mo aling baby ;)

  14. hitokirihoshi ay nagsabing:

    ayos sa entry… nakaka-inspire magpapayat… ayos din ang comment ni man badoy… lumalim ang kamalayan ko. hehehe… mabuhay sa iyong pagda-diet…

  15. ayyzzz ay nagsabing:

    extra rice please!!!!

    hahaha :D

    talagang may agreement e..

    ako ate baby, pag badtrip..super lamon nman ako ng rice :wink:

  16. SANDAANG PASASALAMAT! « A L I N G B A B Y ay nagsabing:

    [...] kung ganu na kami katagal ng mga fwends ko. Ang mga kababata, ang diary ko, nung nagkapirmahan ng kontrata. Ang mga prinsesito  , mga wentong malaman, ang babies namin ni Mine. Ang mga koleksiyonez ko. [...]

Mag-iwan ng Tugon