Palaki na ko ng palaki. Napapansin ko nitong mga nakaraang araw eh, damang-dama ko mula ilong hanggang sa chan ko ang pagsarap ng pagluluto ni Lablayp at tila ba nakakalimutan ko na mashado akong nake-kerid awey sa mga kwentuhan at hindi ko namamalayan na napapasandok na pala ako ng pangawalang batch ng kanin.
Malala na ‘to.
Nung minsang nag-dinner kami nina Kwirk, Lablayp at Pao, maganang-magana ang kain ko na para bang tumitira ako ng vitamins pamtaba ng baboy bata. Sa gitna ng mga kwentuhan, pumasok ako sa bahay para kumuha ng Ay lab kanin. Aba naman paglabas ko, ang mga pasaway, itinago yung mesa at pilit na sinasabi sakin na tapos na raw sila kumain at niligpit na nila ang mesa. (split seconds lang yon ah..) Sinilip ko sa gilid, andun yung mesa.
Malakas na raw ako kumain.
Ewan ko ba naman kung bakit para bang in lab ako sa kain ngayon hehe… Tabain pa naman kami mula kay Aling Merle hanggang sa mga kapatid ko. Buti pa si Mang Lino eh, kahit na anong kain niya, parang walang nangyari. Slim na slim pa din parang model. Sana sa kanya na lang ako nagmana. Pero sadyang mas malakas ang dugo ng aking nanay side kaya heto kahit na pumayat pa ang ibang parte ng katawan ko, parang fixed na yung chan ko sa size niya. Haayyzz naman, what to do Yani? Ang sarap kumain eh.
Kaya nga kagabi nag-usap kami ni Lablayp at ora mismo, pinag-crunch (tama ba??) niya ko dahil kung hindi daw niya ako tututukan eh baka magulat na lang siya at hindi na siya makakilos sa kama dahil sa laki ko hahahah! (Tama, kailangan ko ng ganituhin ang sarili ko para mag-diet na ko ehehehe.) Sa gitna ng antok, gumawa pala ng letter of agreement itong lablayp ko at walang anu-anu’y pilit akong pinapipirma. Mano ba namang natutulog na ang tao, may taym pa ba akong basahin itu?
Aba naman at talagang nagpapirma pa ng mga witness.
Haayyzz, I will do my very best to deal with it hehehe..good luck naman sakin. Non-negotiable ba ‘to? Baka pwede naman natin to mapag-usapan?
May mga alam ba kayong paraan ng pag-diet? Share naman dyan!

Ipinaskil ni Aling Baby
____________________________
"Isang taon na ang Aling Baby Blog! Salamat po sa lahat ng pabalik-balik, nakitira, nakikidalaw, nakikibasa, nakikipagkaibigan. Sa mga comments (touched ako talaga..) Sa walang sawa n'yong pagsilip kahit na bihira na lang makapag-update si Aling Baby.
Maraming Salamat po!"
[Aling Baby Blog*30 April 2008]












