Panay-panay ang hanap ng mga kanta ng mga tambay dito ng kung anuman ang nababagay na kanta para sa pangkasalukuyang feelings nila, naks naman.
Kung hindi mo kayang sabihin, i-request mo na lang sa DJ hehe!
Parang dati naalala ko na nabanggit ko ang ilan sa mga kantang ito. Sushal na nga ngayon eh kasi dati mga kantatero at kantatera lang tayo sa mga peborit songs natin pero ngayon itu na ang medium na ginagamit ng mga tao para magsalita para sa kanila, pero kung minalas-malas ka at medyo manhid yung taong yon hahaha, wala tayong magagawa.
Alam nyo ba ang mga ito??
Ang cheesy noh? Hehehe…ngayon ko lang napagtanto na ito pala ang laman ng mga kantang ito, palibhasa kanta lang ako ng kanta basta maganda yung tunog hala sige kanta lang hahaha, yon pala napaka-drama ng mga sinasabi. Ewan ko pa kung hindi nyo ma-absorb ng tuluyan ang mga kantang ito haha.
Nakiki-peborit lang ako sa mga ‘to. In fairness naman magaganda sila pag paulit-ulit mo marinig pag tagal magugulat ka na lang at sasabihin mong, “Peborit song ko yan ah!” diba? Ilang beses na ko kasi nagiging ganun at nagugulat na lang kami pag biglang naririnig na lang namin na nasa playlist na ng mga kapitkwarto namin ang mga most requested songs sa tindahan namin hehe…shempre, nakaka-flatter itu para sa amin.
Pero iba talaga itung mga tamabayera at tambayero dito. Umay kung umay talaga sa mga kanta nila. Bahala na ang mga tutuli nyong magpasensya sa mga ito. Minsan gusto ko na talaga silang bigyan ng tig-iisang earphone at magsawa sila lahat hehe…ang sama ko naman diba?
At dahil natutunan ko ang magandang aral ng pagiging generous kay ka-blog na si AZRAEL. Ito lang po ang nakayanan kong i-share sa inyo. Sana po ay mag donate enjoy po kayo.
Always be my baby by David Cook
Better in Time by Leona Lewis
I’m Yours by Jason Mraz
Someone Somewhere by Jason Reeves
You give me something by James Morrison
Closer by Ne-yo
Haayyz, penge kendi…dami ko na umay.
Ipinaskil ni Aling Baby
____________________________
"Isang taon na ang Aling Baby Blog! Salamat po sa lahat ng pabalik-balik, nakitira, nakikidalaw, nakikibasa, nakikipagkaibigan. Sa mga comments (touched ako talaga..) Sa walang sawa n'yong pagsilip kahit na bihira na lang makapag-update si Aling Baby.
Maraming Salamat po!"
[Aling Baby Blog*30 April 2008]












