Bata pa ko, nagki-keep na ko ng diary, hanggang ngayon nakatago pa rin yon sa bahay namin. (sana wag basahin ng nanay ko hahaha!!) Nagsimula ako nung Grade 5 ako tapos nung college pero ngayon tinigil ko na ang kalokohan na yan haha kasi may blog na ko at isa pa, sobrang busy sa work.
Dati, detalyado talaga ang lahat ng events ko sa isang araw at nilalagay kong lahat yon sa aking organizer, pinagkakasya ko silang lahat dun no matter how liit the space might be. Kaya nga sobrang pinakakatago ko yon sa pinakasuluk-sulukan ng kuwarto ko. Wala kasi akong kaha de yero sa bahay. Dati, nabasa yon nung bayaw ko hehe, sabi niya kumuha pa raw siya ng chips at sopdrinks habang nagbabasa dahil naaliw siya sa mga nakasulat, pambihirang buhay tama ba naman yon? Hahaha!! Kaya nga mula nun, halos dalhin ko na sa skul yon dahil lang sa ayokong mapunta sa masamang kamay ang talambuhay ko. Buti nga at hindi pa yon napunta kay Aling Merle, ba naman sa liit ng sulat ko, tingnan ko lang kung pagtiyagaan niyang basahin yon. Kayo kaya, kaya nyong basahin ‘to?
Talagang dinala ko yan dito sa Dubai, precious possession ko ‘to, saka pag wala ako magawa, journey down memory lane ang dating diba? Hindi ko na yata ‘to mauulit. Dito siguro nanlabo ang mata ko sa liit ng penmanship ko dito. Wag n’yo na basahin, jologs ang mga nilagay ko dyan hahahaha!!!




____________________________
"Isang taon na ang Aling Baby Blog! Salamat po sa lahat ng pabalik-balik, nakitira, nakikidalaw, nakikibasa, nakikipagkaibigan. Sa mga comments (touched ako talaga..) Sa walang sawa n'yong pagsilip kahit na bihira na lang makapag-update si Aling Baby. Maraming Salamat po!"
[Aling Baby Blog*30 April 2008]












@ madbong
uyy, gustu ko rin mabasa yung diary nung lolo mo. (chismosa lang talaga ako hehe..) kasi napaka-interesting nung mga nangyari nung panahon na yon diba? salamat po sa pagbisita!
@watusiboy
hehe, anliliit talaga nun. parang mga langgam na nagpu-prusisyon sa organizer ko hehe.. dati nagko-kolek din ako ng sulat pero ayun naitapon ng kuya ko hmmpft!
@ayyzzz
ang kulit nun, manila paper..para ka lang mag-re-report sa klase hehe..