Hunyo 20, 2008
Bata pa ko, nagki-keep na ko ng diary, hanggang ngayon nakatago pa rin yon sa bahay namin. (sana wag basahin ng nanay ko hahaha!!) Nagsimula ako nung Grade 5 ako tapos nung college pero ngayon tinigil ko na ang kalokohan na yan haha kasi may blog na ko at isa pa, sobrang busy sa work.
Dati, detalyado talaga ang lahat ng events ko sa isang araw at nilalagay kong lahat yon sa aking organizer, pinagkakasya ko silang lahat dun no matter how liit the space might be. Kaya nga sobrang pinakakatago ko yon sa pinakasuluk-sulukan ng kuwarto ko. Wala kasi akong kaha de yero sa bahay. Dati, nabasa yon nung bayaw ko hehe, sabi niya kumuha pa raw siya ng chips at sopdrinks habang nagbabasa dahil naaliw siya sa mga nakasulat, pambihirang buhay tama ba naman yon? Hahaha!! Kaya nga mula nun, halos dalhin ko na sa skul yon dahil lang sa ayokong mapunta sa masamang kamay ang talambuhay ko. Buti nga at hindi pa yon napunta kay Aling Merle, ba naman sa liit ng sulat ko, tingnan ko lang kung pagtiyagaan niyang basahin yon. Kayo kaya, kaya nyong basahin ‘to?





Talagang dinala ko yan dito sa Dubai, precious possession ko ‘to, saka pag wala ako magawa, journey down memory lane ang dating diba? Hindi ko na yata ‘to mauulit. Dito siguro nanlabo ang mata ko sa liit ng penmanship ko dito. Wag n’yo na basahin, jologs ang mga nilagay ko dyan hahahaha!!!
Mga Puna |
Mga Tambay | Minarkahan: diary, journal, organizer |
Permakawing
Ipinaskil ni Aling Baby
Hunyo 20, 2008
Nakaka-twenty months na ako dito sa UAE, siguro naman may karapatan na akong ma-miss ang ilang mga bagay, tao, hayup, lugar at kung anu-anu pa ang mga naiwan sa Pinas. Hindi pa ako nakakapagbakasyon eh. Mashado na yata akong nag-enjoy dito kasama ni Lablayp at ng mga tambayero’t tambayera. Kala ko kasi nasa Pinas lang ako pag kasama ko ang mga ‘to. Pero kahit na anung gawin ko, marami akong nami-miss….
Tulad ng…
- Pag-aabang ng jeep sa kanto ng David habang nakikipagkwentuhan dun sa Tindera ng McJobee Fried Chicken, (yung may stall at pag inorder mo, saka ipi-prito sa malaking kawali na kasya ang isang bata sa mantikang hindi mo malaman kung ilang araw na ginagamit hehe..)
- Ang sari-sari store ng ate ko, shempre naman lab yor own noh, legal ako bumili dun ng yosi kendi ng pangmatanda haha!
- Yung kuwarto ko na pag hapon at lalo na pag summer eh, para kang nasa loob ng microwave sa ineet pero naman, kahit ganun mahimbing ang tulog ko. (sanayan lang yan.) At kahit na mag-sounds ako dun na parang may sayawan sa plaza bertdeyan, aba okay lang sa mga kapitbahay namin, parang pampatulog na rin nila yon hehe.
- Yung dalawang kamukha nung trustee blanket ko na pinatago ko kay Mama habang nandito ako. (Sana wag niya ipamigay.)
- Yung scrapbook ko na naglalaman ng mahahalagang bagay ng aking nakaraan kabataan.
- Yung mga lutong Bikol ni Mama. Yung mga menu niya na may gata nakakamiss sobra! At pagkaluto, dun ko na rin kinakain sa kwarto nila habang nanonood ng tv.
- Yung palabas sa Channel 2!! Mga kapamilya, anu na bang bago dyan?
- Yung mga kapitbahay namin na daig pa sina Cristy Fermin at Lolit Solis sa pag-spread ng cheese (chismis). Tingin ko inuulam nila sa kanin ang mga latest cheese na yan eh.
- Si Aling Coney at ang kanyang eatery at ice candy.
- Si Bong, yung tindero ng dirty ice cream na lagi kong inaabatan pag sabado ng hapon, kasi naman panalo ang mga flavor nila.
- Ang barbecue at yung panalong sauce ng MS, grabe naman parang tino-torture ko na ang sarili ko nito eh. Bigla tuloy kumulo ang tiyan ko hehe…
- Ang mainit na pandesal sa Veron’s lalo na pag alas diyes ng gabi, pang-midnight snak pakner ng pancit canton at POP.
- Yung shortcut sa street namin, ang tagpuan ng mga tagong pag-ibig hahaha! At pag tumatakas sa mga mapagdudang mga mata. “San ka bababa?” “Sa gitna na ‘ko, sa kanto ka na.” nyahahaha!! Congrats sa’ten Mine.
- Si Aling Auring at ang daily routine niyang pagwawalis ng harap ng bahay niya tuwing alas tres ng madaling araw. (Gising pa ko nun kase hehehe..)
- Si Aling Panetnet, ang niyugan at ang mini palengke niya.
- Ang lugawan ng lovers na sina Mang Jun at Ate Linda.
- Ang pagwawalis ni Rica tuwing umaga sa buong kalye ng David.
- Ang Parlor ni Raquel na siyang gumagawa ng milagro sa buhok ko nyahaha!
- Ang Andok’s Manok at Mister T Lechon, naman dami ko na gutom kakaisip sa inyo!
- Ang mga okasyon na parang laging piyesta sa David sa dami ng tao nakatambay sa kalsada.
- Ang pinakasosyal na mall ng Pasay….hindi MOA kundi Harrison Plaza, Home of the Mandurukot, Holdapers, Hammers at kung anu-anu pang pauso ng mga sindikato dyan haha…nakaka-miss din yon kahit papano – Hindi ang ma-holdap noh, yung pamamasyal dun kahit maliit lang at luma na ang ibang tindahan, nandun pa rin naman ang SM at Shopwise hehe, nag-ads pa daw ako.
- Ang SM Manila, favorite hang-out haha! At kung saan kami lagi nagde-date ni Lablayp. Yon ang extension ng lahat ng unibersidad ng Maynila. Eh pagpasok mo palang dun, punung-puno ng estudyante eh, kulang na lang blackboard at mga upuan, pwede na mag-klase dun haha!
- Yung spag ng Shakey’s na may gigantic meatballs
at ang peborit kong chiken en corn soup nila, lagi pa naman kami dun kumakain ni Lablayp pag weekend.
- Shempre, ang Our Lady of Sorrows Parish Church. Nakakamiss ang magsimba dun lalo na pag simbang gabi, Pasko, New Year, Holy Week…panu ang mga nagpupunta dun eh tamang mga Simbang Porma, Simbang Tambay at mga nakapang-Famas (Famas-ko hehe).
- Ang iba’t-ibang garden sa parteng Maynila, nakakamiss dumalaw sa mga yon. (diba Mine?
)
- Ang extension phone sa kuwarto ko na nakakonektang pay phone sa tindahan ng ate ko, asust, kung anu-ano tuloy ang naririnig kong usapan hehe. Minsan kasi aksidenteng naangat ko yung phone at saktong may gumagamit. Naka-mute kasi lagi yung phone ko pag inaangat ko hehe, eh minsan pag maganda yung pinag-uusapan nila, napapasarap na rin ang pakikinig ko haha!
- Si Peech, ang aso kong mas malakas pa ang appeal sakin nung nabubuhay pa siya na kahit na nakakailang beses na siyang nanganak at naglalaglagan eh patuloy pa rin ang mga manliligaw niya sa labas ng bahay namin. Kung nasan ka man, Peech, pasensya ka na kung hindi ako nakapagpaalam ng personal sa’yo at sana hapi ka na dyan sa heaven. Ikumusta mo nlng ako kay Papa Jesus at Mama Mary.
Makakauwi din ako ng Pinas at lahat ng yon kakamustahin ko hehehe….magkikita-kita din tayo! See you soon!!
Mga Puna |
Mga Tambay | Minarkahan: miss na miss |
Permakawing
Ipinaskil ni Aling Baby