Nung nakaraang ‘webes, dumating ang kuya bunsong kapatid ni Lablayp. Fresh na fresh from the Pilipinas! Daming pagod sa byahe at nagparang jip daw yung nasakyan niyang eroplano dahil sa maraming beses na stop-over nito para magbaba at magsakay ng pasahero, naks meron palang ganung eroplano hehehe… Well, sa hinaba-haba ng byahe, ang importante naman ay nakarating ng maayos at na- warm welcome naman ng mga tambayero at tambayera.
Habang nakaabat lahat…
Parang pamilyar ang mga pose ng mga ‘to ah..
More antay taym…
Naiinip na ba kayo??
Kahit na-late si ako sa pag-uwi at hindi nakasali sa pagsundo sa lil bro ni lablayp…bumawi na lang ako sa pics hehehe…hindi naman, shempre inayos ko rin yung late dinner cum midnight snack na naganap, kasi naman alas dose na sila nakarating sa bahay. Heto ang katibayan ng pagdating…
Welkam sa Dubai! Madadagdagan na naman ang mga tambayero.
At ayun, kainan-kwentuhan-tawanan-inuman…
Sana ma-enjoi mo rin ang emirates.















Ipinaskil ni Aling Baby
____________________________
"Isang taon na ang Aling Baby Blog! Salamat po sa lahat ng pabalik-balik, nakitira, nakikidalaw, nakikibasa, nakikipagkaibigan. Sa mga comments (touched ako talaga..) Sa walang sawa n'yong pagsilip kahit na bihira na lang makapag-update si Aling Baby.
Maraming Salamat po!"
[Aling Baby Blog*30 April 2008]












