Kahapon bising-bisi ako sa paghahanap ng bagong koleksyon para sa ever growing ipod ko. Nakaka-pressure kasi ang laki pa ng space, 137 GB. Nakakatatlong libo na ako ng kanta pero parang aalog-alog pa rin ito. Nakaka-challenge kasi yung 20,000 song capacity nito na sinasabi sa label hehe. Ayoko naman siya lagyan ng mga pelikula kasi pwede ko naman i-save yon sa hard drive at hindi rin ako mahilig manood. Naisip ko lang,
May mga kolektor ng kanta na kaya na umabot na sa bente mil na kanta?
Kaya umabot ng tatlong libo ang kanta dito, pati yung mga peborit nina Aling Merle at Mang Lino (Ma at Pa ko
) na panggising sa amin tuwing Linggo ng umaga bukod sa DZMM, DZRH, at DZBB ay talaga namang to the include ko sa playlist na ito at nilagyan ko ng titulong “Oldies” naks naman. Hexcited na nga ako umuwi sa Pinas para ipagyabang sa kanila na yung mga peborit songs nila, na pwede kong pakinggan enitaym at eniwer I want at hindi na kailangan pang maghintay na patugtugin sa radio o kaya eh may mag-request na callers. Yung iba nga sa mga ito ay kabisado ko ng kantahin
…dati kasi parang ang baduy pakinggan pero ganito ba talaga pag tumatanda na?? Maganda rin naman talaga kung pakikinggan mo at iintindihin ang mga lyrics nito. O diba, nag-eexplain pa.
Kaso kahit nilagay ko na ang lahat ng paborito ng mga ate, kuya, pinsan, pamangkin, hipag, bayaw, tito at tita bakit parang ang onti pa rin? Kahit na nga asar talo tong mga tambay dito nung minsang nagpatugtog ako ng Freddie Aguilar, Asin, Fred Panopio, at Yoyoy (wala pako nito hehe..), aba’t muntik nang maghurumentado
..samantalang dapat nga nating tangkilikin ang gawang Pinoy diba? Nakakahiya daw, pero maya-maya naman ay sinasabayan na ng mga ito ang mga kanta at yung mga kapit-kwarto namin ay kanya-kanya ring kanta dahil nga sa panahon ngayon, mas tinatangkilik natin ang mga kantang banyaga, tama mali? Nawindang pa nga sila nung narinig nila yung Magkaisa hehe…naman ang theme song ng People Power, mawawala ba naman yon? Shempre bakasakaling may maghanap, iba na pag ready.
Pero pagkatapos ng matagal na pahinga ko sa kaka-download ng mga pwedeng isama sa koleksyon ko, napag-isip-isip ko na maraming-marami pa ang maiimbentong kanta at magtatagal pa naman ako sa mundo para marinig at makolek ang mga ito
. Nagbabalak na rin nga akong mag-business eh ng Mag-Pirata CD Burn o kaya, MP3 songs nyahahaha…sayang naman tong koleksyon ko kung hindi ko ma-share sa iba.
Ipinaskil ni Aling Baby
____________________________
"Isang taon na ang Aling Baby Blog! Salamat po sa lahat ng pabalik-balik, nakitira, nakikidalaw, nakikibasa, nakikipagkaibigan. Sa mga comments (touched ako talaga..) Sa walang sawa n'yong pagsilip kahit na bihira na lang makapag-update si Aling Baby.
Maraming Salamat po!"
[Aling Baby Blog*30 April 2008]












