Natawa naman ako kahapon nung nag-check ako ng stats ko. Hindi pa naman ako nakakakita ng kakaiba sa search engine terms ko na naghahanap ng mga malalaswang entry sa aking rated PG 13 na blog hehe…pang mga drama-rama at talaga namang napaka-wholesome (charot!) ng aking mga entry. Pero sa hindi malamang dahilan, meron yata akong viewer na may terror na teacher sa kanyang Economy 101 class dahil pati sa mga blog ay nagtangka siyang maghanap ng kasagutan sa assignment niya na maaari namang makita sa mga suki niyang tindahan.
Hindi po ako retailer ng bigas.
At kahit na Tindahan po ang tawag namin sa tambayan eh wala po kaming tinda kahit na yelo o chicklet man lang hahahaha!! Wala po akong alam kung anu-anu ang nickname ng mga bigas pero may alam ako isa baka makatulong sa’yo, Jasmine Rice hehe…o, ayan ahh. Sige, salamat na rin sa pagbabakasakali hehehe…

____________________________
"Isang taon na ang Aling Baby Blog! Salamat po sa lahat ng pabalik-balik, nakitira, nakikidalaw, nakikibasa, nakikipagkaibigan. Sa mga comments (touched ako talaga..) Sa walang sawa n'yong pagsilip kahit na bihira na lang makapag-update si Aling Baby. Maraming Salamat po!"
[Aling Baby Blog*30 April 2008]












sabhin mo dun sa nghanap.. mag nfa n lng sya.. mura na, swak pa sa budget! ahehehe…
ganyan na bang kalala ang krisis sa bigas? kailangan na siguro nyang alamin yung mga names nila dahil baka nga naman maextinct.
ayy.. mukang nag hahanap siya ng bagong alternative ah..
nakakatuwa naman yan… kc akala nya online tindahan ng nfa rice a ng blog mo.. hehehhe
bwahahaha. kawa-awang bata. bigasan na pala ang blog mo aling baby!
aheee!
baka naubosan na ng NFA kaya naghanap ng alternative….next time nyan “Ang Bigasan ni Aling Baby”…hehehe