BinUENAS AT MinALAS (updated)

Hunyo 11, 2008

Buenas kami ni Mayn kahapon pag-uwi kasi nakasabay kami sa aming kapit-kuwarto sa villa na may sasakyan. Malas ng iba Sinuwerte lang kami hehehe. Ayun, nalibre na naman sa pamasahe for two days straight. Sabi nga ni Katch, ako na daw si Neneng Kar lift (ang sagwa eh…). Sana magtuloy-tuloy na kasi naman ang hirap sumakay pauwi. Bukod sa maraming kalaban, mainet at walang bus! Pambihira, kung binabayaran lang sana ng kumpanya namin yung pag-oobertaym ko sa bus stop, di sana mayaman na ko ngayon haha! Kaya nga pag may mga ganitong pagkakataon, talagang sinasamantala na rin kesa tubuan ng ugat ang binti ko sa pag-aabang ng hindi ko alam kung meron pa nga bang darating na bus o last na yung dumating bago ako nakalabas ng opisina.

Ang aga tuloy namin nakarating ng bahay kahit na dumaan pa kami sa grocery (talagang dun pa kami binaba sa harap ng Coop, parang taxi lang ahahaha! Mas okay sana kung inantay na rin kami, amp parang sobra na yata yon hehehe!)

Kung may sinuswerte, meron ding minamalas.

Nagulat na lang kami ni Mayn nung pumasok kami sa kuwarto at nabasa ang nakapaskil:

    

AKO at MAYN: Anu ‘to???

LEO: Tanungin nyo si Pao kung bakit.

KATCH: Oo, tingnan nyo siya para malaman nyo kung bakit.

Pumasok kami ng kuwarto at kinalabit si Pao, kung anu-anu na kasi ang naiisip namin na nangyari sa kanya.

AKO: Pao, (kinalabit) anu nangyari sa’yo?

Itinaas niya ang kaliwang kamay niya at mababasa mo ang kirot at hapding mababakas sa mukha niya pero hindi ko napigilang matawa. Nyahahahahahaha!!!!

May benda yung tatlong daliri niya mula sa hintuturo, himpapakyu at palasingsingan niya. Parang mga hilaw na cheesesticks(slash)lumpiang shanghai ang mga ito dahil sa pagkakabenda at dahil na rin sa isa siyang tibo, hindi ko mapigilang matawa (wild lang talaga ang imagination ko hahaha!!), kaya pala yon ang nakapaskil sa labas ng kama niya. :lol:

AKO: Anu nangyari dyan?

PAO: Naipit nga ako sa sliding door, biglaan talaga at hindi ko naramdaman na naiwang nakaipit pa pala, nagulat na lang ako na duguan na yung kamay ko.

Natatawa pa rin kami.

PAO: Lahat kaya ng nakakita nito, walang naawa puro natawa.

Ang aga tuloy niya umuwi dahil sa panghihina at hindi niya ma-take na i-display ang kanyang mga bandage sa daliri dahil kahit sinu ang makakita nito, puros pang-aasar ang natanggap niya haha! Kaya nga ba mas pinili na lang niya umuwi ng bahay at ipahinga ang natamong kamalasan.

Ito ang mga cheese sticks niya kagabi:

 

At kaninang umaga nung papunta siya sa Iranian Hospital:

 

 

Aba at nakapag-JAPAN-JAPAN pa, tatlo nga lang hehe,

Sana gumaling na ang sugat mo kosa!!