Nagkahuntahan lang nung isang gabi. Nagulat na lang ako nung paglabas ko ng kuwarto at hexcited na tinanong ako ni Pao kung ano mannerism ni Betlog nung friends pa kami nung dekada otchenta habang nakaabang ang tropang riles na para bang may ilang taon na ang nakalipas mula ng magkakwentuhan ng masigla.
Pao: Pre, diba naalala mo pa yung ginagawa ni Betlog dati nung mga bata pa tayo? Nung nasa jeep pa nga tayo nun eh.
Ako: Iwww….ayoko.
Gusto niya kasi i-akting ko hahahaha ayoko talaga.
Pao: Sige na…anu nga yung ginagawa niya dati?
Naikwento na niya sa mga tambay, gusto lang ikumpirma sa akin dahil isa nga ako sa naging saksi ng mga pangyayaring iyon na may ilang taon na rin ang nakaraan.
Ako: Nilalawayan niya yung mga singit-singit ng mga daliri niya sa paa.
Naalala ko pa lang, nahihindik na ko sa pagkakakita namin noon ni Pao kay Neneng Waway habang ginagawa niya ito sa pagitan ng pag-aaliw sa amin na kunwari ay mga taong mababangga (dahil kunwari si Pao ang jipni drayber at kami ang pasahero)at biglang sasalisi ng pagpapahid ng laway sa kanyang paa. Mabilis lang ito, hindi mo ito mapapansin talaga kung matitinag ka sa panlilinlang na gagawin niya.
At dahil sa hindi inaasahang pagkakataon na’yon, sabay kaming napatingin sa ginagawa niya kaya’t kami’y parehong napa- “Anu yon?” Mula noo’y lagi na kaming nakaabat sa bawat kilos ng kanyang kamay at paa hehehe…
Dahil na rin nasimulan sa usapang Batang David, ayon napunta kami kay Gamuga, da Lawanet King. Hindi namin alam kung kanino nanggaling ang ipinalayaw na yan kay Prederik, pero kapag tinatawag siyang Gamuga, katumbas nitong tinawag na Incredible Hulk para sa kanya. Ito yung worst nightmare mo pag bata ka pa. Isang napakalakas mang-asar at nakakasira ng araw kalaro. Yung tipong para lang mapansin mo, aasar-asarin ka dahil sa pangalan mo tulad nito: (Maykel E.T., Antoni Pilay, Kristinang Panis, Biray Uhugin, Herr Mey Landi, Sharon Kubeta, Dyenggay Menggay Mabaho, Dimpol Side A – Side Bacon, Rayan Badingerzi, Nella Franella, Bibe Uhog, Kanuto, Edsel Kirat, Boy Shokoy, Puday, Jalibee, atbp.)Kaya nga ba pag ang laro ay Touching Robber, Touch Taya, Luksong Baka, o kahit anung mga laro na kailangang tumakbo at kasali si Gamuga, si Pao lang ang malakas loob na sumali sa aming dalawa kasi mabilis siya tumakbo hehehe…para kasing halimaw ito lalo na pag siya ang taya. Mapapatakbo ka ng mabilis para sa buhay mo, eh ang target pa nitong inuunang habulin ay si Pao. Pag malapit na siya maabutan nagta-”time first” na ito dahil sa takot niya.
Kaya siguro natatakot kami kay Gamuga, panu ba naman bukod sa lakas nitong mang-asar, ang mga ngipin nito ay parang sa Java Man na manila-nilaw para bang ang mga cavity na lang ang siyang nagpapakapit nito sa gilagid niya.
Sabi nga ni Katch nung minsang nakausap niya iyon dati,
Katch: Uy, Prederik tatlong araw ka na hindi nagsisipilyo ah.
Gamuga: Ano’ng tatlo??!
Katch: Oo nga diba, tingnan mo yang ngipin mo.
Gamuga: Hindi tatlo…APAT na hahahaha!!!
At nagtatawa pa talaga siya ha.
Hindi nito pinatawad pati yung lugawan sa street namin. Gawa kasi ito sa Lawanet at araw-araw palaki ng palaki ang pingas nito sa may bandang gilid. Lagi tuloy kaming pinagagalitan ni Mang Jun (ang intsik na masungit hehe..) na wag maglalaro banda sa lugawan niya dahil sa nasisira nga ito. Wala kaming kaalam-alam na nagfu-food trip pala dun si Gamuga pag gabi. Nginunguya niyang parang bubble gum yung lawanet na yon kaya pala ito unti-unting nauubos. May reliable source kami na nakakita sa kanya huli sa akto. Tsk tsk…ang dami talagang iniwan na alaala sa amin si Gamuga.
Naalala ko pa nung sumali sa liga ang mga Batang David, ang aming pambato…si Antoni Pilay. Mas maikli ang kaliwang binti niya dahil sa pagkakabasak niya nung bata pa siya, hindi na ito naiayos kaya’t dala-dala na niya ito hanggang paglaki. Pero in fairness naman kay Antoni, magaling ito pagdating sa Basketball. Star Player ito kumbaga kahit na ayaw maniwala ng mga kalaban niya at pag tinanong mo ang height…5′4 – 5′5, depende sa kanyang pagtayo.
Marami pa kaming masasayang memories nung mga Batang David pa kami. At kahit na, nagkahiwa-hiwalay na kami, madalang magkita at kinuha na sa amin ang iba. Hindi namin makakalimutan kung gaano namin na-enjoy ang buhay batang kalye (haha!!) nung mga panahon na ‘yon. Kaya nga pag napapag-usapan parang akala mo, kahapon lang nangyari. Sana nga magkita pa ulit kami ng mga tropa, nakaka-miss din sila at nakaka-excite malaman kung anu ang mga nabago sa kanila.
____________________________
"Isang taon na ang Aling Baby Blog! Salamat po sa lahat ng pabalik-balik, nakitira, nakikidalaw, nakikibasa, nakikipagkaibigan. Sa mga comments (touched ako talaga..) Sa walang sawa n'yong pagsilip kahit na bihira na lang makapag-update si Aling Baby. Maraming Salamat po!"
[Aling Baby Blog*30 April 2008]












Waaaaaaahhhh!
Sharon Kubeta!!!!Parang ang saya2 sa David.. pwede kayo gawan ng Komiks! As in.
Hilarious.Blog.Ever.
Aling Baby: buti na lang at hindi ka naging taga-David dahil malamang ikaw ang magiging ka-lab team ni Prederik wahehehehehe!!!!
Waaaaaaahhh! lab-team? May ganon factor din sa David?!! Buti na lang tlga aling baby!
Kasi baka maging Prederik slash Antoni Pilay ang kalabasan nya! wahehehehe!
Sorry Maynster, ako na nman ang unang nagcomment! hehehe.
Aling Baby: uu, ang tibay mo pag nakayanan mong makipag lips to lips sa kanya iwww….hahahaaha
sobrang galing magkwento ni pao ng mga david moments nyo..
gayang gaya pa nya ang mga kaberks nyo dun.
halos mamamatay kmi kakatawa. hahahah
lolz.
ang comedy, subra!
cheers!!!
Aling Baby: bangkero talaga yun, hataw sa re-enactment!
parang ngang ang sarap tumira sa david kasi ang daming kakaibang tao na amkikilala ka.
Aling Baby: uu, sayang hindi ka na nakapunta ng david nung kalakasan pa hehe..wala na sila..ay kami pala. naglayasan na! pero talaga namang masayang experience.
pwede maki jamming minsan? heheh
Aling Baby: aba shempre naman ate kengks! anytime!
pag napatira kau sa david,asahan nio na may pangalan din na ipapamana sa inyo… david street.. wer da hood iz at! hehehe hamog 2 boi!!
Aling Baby:
kaya, magpa-register na! hehehe…
waahahaha… ang saya pero pag naging dabarkads ko rin kayo malamang may bansag rin kayu sa akin… hehehee..
Aling Baby: uu hehehe…depende yan sa kung saan ka magiging sikat hehehe…:P