Marami dito ang dog lovers. Nakakapawi kasi ng pagod na pag uuwi ka ng bahay, may sasalubong agad sa’yo na kakawag-kawag ang buntot na sobrang excited sa iyong pagdating kahit na halos buong araw na walang kain dahil ikaw ay nasa trabaho. Ito ang tinatawag nilang unconditional love. Kaya nga ba nagplano rin kami na mag-alaga ng aso para may mapaglibangan naman at dahil nga sa wala namang makapag-volunteer na i-give up ang trabaho para maging full time pet yaya /yayo, mas pinili na lang namin na kalimutan na ang pagbili ng alagang aso at ituon ang atensyon sa mga ibang bagay.
Hindi kami mashado mahilig sa pusa, pero meron isa sa amin na mahilig mag-alaga at mag-ampon ng mga Pusakal. Itago na lang po natin siya sa pangalang “Pusakat-se”. Paano ba naman, nagulat na lang kami isang araw nang dumating itong may bitbit na isang chubby na pusa at nilatagan ng pagkain sa sulok. (O, diba mapag-kawanggawa talaga siya?) Akala naman namin, Good deed lang ‘yon for a day sa isang napakasuwerteng pusa na madaanan sa kalye pero si chubby cat, parang naging boarder namin. Kain, tulog, siesta, tapos pagdating ni Pusakat-se, nakaabat na agad ito. Pagkaraan ng ilang araw, bigla itong nawala. Dahil lagi nga siya nakatambay sa labas ng bahay, pati kami napansin na rin namin na nawawala nga si chubby cat.
Makaraan ang lampas isang linggo, nagulat na lang kami isang gabi na makita si chubby cat na may kagat-kagat na isang kuting papunta sa labas ng kuwarto namin na para bang inuuwi sa bahay ampunan ang mga ito. Pagkababa sa isa, lumabas ulit ito at bumalik bitbit ang isa pang kuting.(sana man lang tinulungan siya nung ama ng mga anak niya, kakapagod magbalik-balik noh.) Tatlo lang naman ang inuwi niya, langya…kaya pala siya chubby, ang lakas kumain at matulog eh nagdadalang pusa pala siya! Ni hindi man lang kami kinunsulta kung okay lang ba na dun niya itira ang mga kuting niya hehehe… Pero in fairness kay Victoria (pinangalan namin kay chubby cat.) ang ku-kyut ng mga anakis niya na pinangalanan naming Albert, Andrew at Lima.
Ambilis nilang lumaki, ang tiyaga mag-alaga ni Pusakat-se eh. Kahit na nung nagbinata si Andrew eh mas pinili niya maglayas at ang napakalambing na si Lima ay bigla na lang nawala, naiwan naman sa amin si Albert na uber sa pagka-kyut. Sikat na sikat nga ito sa aming villa. Pati tuloy ang mga tao dun, sanay na rin na makakita ng pusang nakatambay. Hindi naman kasi sila mga palaaway hehe.
Ito si Albert:
Ilan sa mga naging friends ni Pusakat-se. Sina Snowbell at Mr. Cat,
At ang weirdong si Shia, ang ampon. Ang kulit nito matulog. Parang tao, basta kung saan datnan ng antok, dun siya kahit na daan-daanan mo siya hahaha..:lol:
Mahilig ba kayo sa Pusa?








Ipinaskil ni Aling Baby
____________________________
"Isang taon na ang Aling Baby Blog! Salamat po sa lahat ng pabalik-balik, nakitira, nakikidalaw, nakikibasa, nakikipagkaibigan. Sa mga comments (touched ako talaga..) Sa walang sawa n'yong pagsilip kahit na bihira na lang makapag-update si Aling Baby.
Maraming Salamat po!"
[Aling Baby Blog*30 April 2008]












