Yeheeeeeyyyy!!!!

Hunyo 3, 2008

Ang pinakaaabangan ng mga abangers…

Pinanabikan

Inantabayanan

Maraming baong balitang pampuso,

Pagkatapos ng isang buwang pangungulila….

At makadalawang beses naglabas masok sa totoong bilibid.

Nagbalik na ang Darling of the Press bagama’t isa munang dukha….

NA-MISS KA NAMIN PRE!


Ikaw lang ang aking mahal?

Hunyo 3, 2008

Itanong mo sa akin
Kung sino ang aking mahal
Itanong mo sa akin
Sagot ko’y di magtatagal

Ikaw lang ang aking mahal
Ang pag-ibig mo’y aking kailangan
Pag-ibig na walang hangganan
Ang aking tunay na nararamdaman

Isa lang ang damdamin
Ikaw ang aking mahal
Maniwala ka sana
Sa akin ay walang iba

Ang nais ko sana’y inyong malaman
Sa hilaga o sa timog o kanluran
Kahit saan pa man ang aking isisigaw
Ikaw ang aking mahal

Ang nais ko sana’y inyong malaman
Sa hilaga o sa timog o kanluran
Kahit saan pa man
Ang aking isisigaw
Ikaw ang aking mahal
Ikaw ang aking mahal
Ikaw ang aking mahal

 

:lol: May naalala lang ako bigla  sa kanta na ito kaya ko naisipang ilagay.

Ang ganda ng pagkakasulat ng lyrics sa kantang ito noh? Nakakakilig lalo na kung ito ang kakantahin sa’yo ng mahal mo, para bang isa itong assurance na ikaw lang ang nag-iisa at natatanging mahal niya…naks naman. ;) Pero sana nga tunay siya at hindi lang dahil peborit song niya ito tulad ng iba dyan hehehehe…

Enjoy!


Han..nahpurnada

Hunyo 3, 2008

Ngayong araw na ito dapat ang dating ng kaibigan naming si Hannah pagkatapos ng halos isang buwang pagbabakasyon nito sa Pinas.

Mula ng dumating siya ng Pinas, updated kami sa mga activities niya. Dahil nga taga-Cebu, inanyayahan siya ni Katch na tumuloy muna sa bahay nila sa Pasay para makapasyal naman sa Manila ng ilang araw bago man lang siya tuluyang makabalik ng Dubai.

Nagulat nga ako dahil binalita niyang sobrang bonding sila ng tatay ni Katch, (buti pa sila.. :( ) nakita na niya yung lugar kung saan kami lumaki. Ang magulo, maingay, bente-kuatro oras na gising ang mga tao pero minahal namin ng tunay ang lugar na iyon na tinatawag naming “David Street”. Buti pa si Hannah! Nainggit naman tuloy ako bigla.

Marami pa nga nangyari sa adventure ng aming friend. Bagong salta na nakarating sa masukal na pugad ng iba’t-ibang klase ng agaw wallet, bag, cell phone, alahas, puri at kung anu-anu pang pwedeng maharbat sa’yo na kapaki-pakinabang para sa kanila…Ang Pasay Rotonda. Ganun na lang ang pagpapaalala namin sa kanya na mag-ingat o kung maaari ay huwag nang magtangkang pumunta kung wala siyang kasama dahil nga sa wala pa siyang karanasan sa mga ito. Pero dahil nga sa maliit siya at pwedeng mapagkamalang naiwan lang ng nanay dahil sa kakulitan. Walang trace ng pagiging balikbayan (hehehe…peace tayo.) ayun, sumige na ngang talaga.

Sa ngalan ng makapangyarihang pag-ibig, nakarating ng Monumento at nagpaampon ng ilang oras sa loob ng LRT Monumento Station habang hinihintay ang lablayp niya na si Dream Girl. (naks naman, nagkita na rin at last!) Eh taga-Valenzuela ang lablayp niya eh. O, diba ang dami na niyang narating. Tuwing gabi, kapag kaya pang labanan ang antok, nag-oonline pa sila para lang balitaan kami ng mga susunod pa sa mga itinerary niya.

Ang latest nga nito isang linggo bago siya bumalik ng Dubai, yung motor niya na ipinahiram sa isang kamag-anak…ito ang naging sanhi kung bakit siya na-bilibid ng isang gabi dahil sa nasangkot daw itong motor sa isang holdapan. At dahil sa kanya ito nakapangalan, kaya siya ang dinampot ng mga pulis.

Pambihira, nung nasa Pasay, takot na takot kami na baka kung mapano siya yon pala eh sa Cebu lang siya madadale.

Nag-text pa siya para ibalita sa amin ang masaklap na pangyayaring ito sa buhay niya,

“Pre malaki problema ko, dinampot ako ng pulis na shock si Nanay. Yung motor ko ginamit na pangholdap sa panel sa coke, patay ako. Ingat pre.”

Iba talaga ‘tong friend namin, nakuha pang magsabi ng ingat pre, samantalang siya nga ‘to ang dapat na sabihang mag-ingat. :)

Kaya nga nalulungkot kami, ngayon ang iskedyul ng flight niya pabalik ng Dubai pero dahil nga sa nagkanda-ipit-ipit siya ngayon heto at hindi pa namin alam kung kelan ang saktong balik niya. Hexcited pa naman kami mashado at nakapagpaskil na kami nito.

Hay pre, ingat ka saan ka man naroroon. Sana makabalik ka na dito.