Bakit pag meron kang gustong sabihin sa isang tao lalo na kung alam mong baka ika-opend niya o kaya eh sumama ang sensitibo niyang kalooban eh…hindi mo ito masabi? Samantalang alam mo sa sarili mo na pag nagawa mong sabihin ang mga bagay na ‘to sa kanya eh, pwedeng maging instrumento ka pa sa kanyang wake up call?
Tulad ng:
- Pagpapaalala na ang alak ay hindi parang tubig na panulak sa iyong tanghalian at hapunan.
- Na ang yosi ay hindi full meal na pwedeng makabusog sa’yo lalo na kung ikaw ay on diet.
- Na ang patis ay isang uri ng sawsawan at hindi ito sabaw na pwede mong ipartner sa piniritong kahit ano dyan.
- Na may alak pa bukas kaya hindi kailangang uminom ng sagad hanggang sa gumapang ka na papasok ng kuwarto o gustuhin mong matulog na lang kung san ka datnan ng pagkalango.
- Na ang mga ginamit mong pinggan, baso, kubyertos at lahat ng mga pinaglutuan ay walang kakayahang hugasan ang mga sarili nila pagkatapos itong gamitin.
- Na ang pagkakaibigan ay hindi pwedeng ihalintulad sa maruming basahan na diretso basurahan kapag hindi mo na kailangan.
- Na ang utang na loob ay hindi parang utang na salapi na pwede mong bayaran in cold cash at quits na kayo.
- Na ang yelo ay binibili at hindi kusang tumutubo sa loob ng freezer.
- Ang load ni Lei ay hindi pantawag sa mini grocery, dubai taxi, food at alak delivery.
- Na ang mga damit na nilabhan at isinampay ay kine-claim sa sampayan at hindi ito kusang natitiklop papunta sa loob ng iyong aparador.
- Na si Ysabella ay barkada natin at wala siyang catering services.
- At kung gusto mong itrato ka ng tama, kailangan matutunan mong gawin yon sa kapwa mo para naman yon din ang matanggap mo.
O diba, mahirap talaga itong sabihin lalung-lalo na kung kasali ka rin sa mga dapat sabihan.
Ipinaskil ni Aling Baby
____________________________
"Isang taon na ang Aling Baby Blog! Salamat po sa lahat ng pabalik-balik, nakitira, nakikidalaw, nakikibasa, nakikipagkaibigan. Sa mga comments (touched ako talaga..) Sa walang sawa n'yong pagsilip kahit na bihira na lang makapag-update si Aling Baby.
Maraming Salamat po!"
[Aling Baby Blog*30 April 2008]












