Sa buong buhay ko, siguro ngayon lang ako naka-engkwentro ng isang sitwasyon na masasabi kong nagpaniwala sa akin ng mga bagay na akala ko sa pelikula, teleserye, sineserye, fantaserye o kung ano-anu pang seryeng meron tayo dyan napapanood. Nakakatawang isipin na merong mga tao na dahil lang sa pansariling kapakinabangan ay nade-dedma nila kahalagahan ng respeto.
Hindi naman ako perpektong tao, nagkakamali din ako. Pero naniniwala ako sa kasabihan nila na “Kung ayaw mo gawin sa’yo, wag mong gawin sa iba.”
Hindi ko lang maiwasang mapuna ang mga bagay na kahit hindi ko pansinin….naririnig at nakikita ko pa rin.
Sino ba ang may diperensya sa aming lahat?
Nung una, akala ko yung sitwasyon, na naging yung mga tao na mismo. Tumahimik saglit…bumalik ulit sa sitwasyon. Pero bakit ang pinalalabas na maliwanag na dahilan ay yung kung sino ang mas nasaktan? Hindi na ito tungkol sa pag-ibig eh. Mas malalim pa ito. Marami na ang nangyari pero siguro panahon na rin para tapusin ang pagkukunwari.
Ito ang totoo.
Marami kayong hindi pa alam, siguro nga pag nalaman nyo, pwede nang masagot ang mga tanong sa isip nyo kung bakit ito ang kinalabsan. Mas mabuti na rin ang ganito pansamantala dahil kailangan din ng panahon. Hindi tatagal ang samahan na ito kung hindi kami marunong umunawa. Sobra pa nga ito kung tutuusin.
Madali para sa inyo ang magsalita at maghusga sa kung paano namin gustong ayusin ang sitwasyon. Napakadali kasi wala kayo dun. Hindi kayo yon….kami ‘yon. Walang nagdikta dahil may sari-sarili kaming disposisyon sa buhay at sa ganitong sitwasyon, mas makakabuti ito para sa lahat, mahirap man maintindihan. Ayaw na namin magkunwari.
Hindi perpekto ang mundo. Hindi ganun kadali maiayos ang gusot na pilit inaayos ng pansariling kapakinabangan. Maging totoo na tayo. Walang apoy kung walang usok. Hindi lahat ng magaling umiyak at magpakita ng emosyon ay nagsasabi ng totoo. Dadating ang panahon na makikita at makikita pa rin ang tunay sa hindi.
Ingat mga pre, sa muling pagkikita!
Ipinaskil ni Aling Baby
____________________________
"Isang taon na ang Aling Baby Blog! Salamat po sa lahat ng pabalik-balik, nakitira, nakikidalaw, nakikibasa, nakikipagkaibigan. Sa mga comments (touched ako talaga..) Sa walang sawa n'yong pagsilip kahit na bihira na lang makapag-update si Aling Baby.
Maraming Salamat po!"
[Aling Baby Blog*30 April 2008]












