Pibertdei!!!
Hunyo 28, 2008Mashado na bang late? Hehehe…hindi naman siguro. Ito ang nakaraang big event na muntikang magsara sa Ratsky Dubai, naks naman. Shempre, burpday ng aming ka-burp na si Ivan. Sabi nga nila ito yung those were the days na nakaka-miss.
Pasilip naman ng mga nangyari…
Parang Pinas lang ang crowd. Yung banda jologs rocked lalo na c ate na kala namin back up dancer na yon pala bumirit ng Alone ng Heart o diba?
Pibertdei Pre, better late than never.
I kept my promise.
Ay Lab Kanin!!
Hunyo 26, 2008Palaki na ko ng palaki. Napapansin ko nitong mga nakaraang araw eh, damang-dama ko mula ilong hanggang sa chan ko ang pagsarap ng pagluluto ni Lablayp at tila ba nakakalimutan ko na mashado akong nake-kerid awey sa mga kwentuhan at hindi ko namamalayan na napapasandok na pala ako ng pangawalang batch ng kanin.
Malala na ‘to.
Nung minsang nag-dinner kami nina Kwirk, Lablayp at Pao, maganang-magana ang kain ko na para bang tumitira ako ng vitamins pamtaba ng baboy bata. Sa gitna ng mga kwentuhan, pumasok ako sa bahay para kumuha ng Ay lab kanin. Aba naman paglabas ko, ang mga pasaway, itinago yung mesa at pilit na sinasabi sakin na tapos na raw sila kumain at niligpit na nila ang mesa. (split seconds lang yon ah..) Sinilip ko sa gilid, andun yung mesa.
Malakas na raw ako kumain.
Ewan ko ba naman kung bakit para bang in lab ako sa kain ngayon hehe… Tabain pa naman kami mula kay Aling Merle hanggang sa mga kapatid ko. Buti pa si Mang Lino eh, kahit na anong kain niya, parang walang nangyari. Slim na slim pa din parang model. Sana sa kanya na lang ako nagmana. Pero sadyang mas malakas ang dugo ng aking nanay side kaya heto kahit na pumayat pa ang ibang parte ng katawan ko, parang fixed na yung chan ko sa size niya. Haayyzz naman, what to do Yani? Ang sarap kumain eh.
Kaya nga kagabi nag-usap kami ni Lablayp at ora mismo, pinag-crunch (tama ba??) niya ko dahil kung hindi daw niya ako tututukan eh baka magulat na lang siya at hindi na siya makakilos sa kama dahil sa laki ko hahahah! (Tama, kailangan ko ng ganituhin ang sarili ko para mag-diet na ko ehehehe.) Sa gitna ng antok, gumawa pala ng letter of agreement itong lablayp ko at walang anu-anu’y pilit akong pinapipirma. Mano ba namang natutulog na ang tao, may taym pa ba akong basahin itu?
Aba naman at talagang nagpapirma pa ng mga witness.
Haayyzz, I will do my very best to deal with it hehehe..good luck naman sakin. Non-negotiable ba ‘to? Baka pwede naman natin to mapag-usapan?
May mga alam ba kayong paraan ng pag-diet? Share naman dyan!
Wala lang, gusto ko lang i-share
Hunyo 23, 2008Panay-panay ang hanap ng mga kanta ng mga tambay dito ng kung anuman ang nababagay na kanta para sa pangkasalukuyang feelings nila, naks naman.
Kung hindi mo kayang sabihin, i-request mo na lang sa DJ hehe!
Parang dati naalala ko na nabanggit ko ang ilan sa mga kantang ito. Sushal na nga ngayon eh kasi dati mga kantatero at kantatera lang tayo sa mga peborit songs natin pero ngayon itu na ang medium na ginagamit ng mga tao para magsalita para sa kanila, pero kung minalas-malas ka at medyo manhid yung taong yon hahaha, wala tayong magagawa.
Alam nyo ba ang mga ito??
Ang cheesy noh? Hehehe…ngayon ko lang napagtanto na ito pala ang laman ng mga kantang ito, palibhasa kanta lang ako ng kanta basta maganda yung tunog hala sige kanta lang hahaha, yon pala napaka-drama ng mga sinasabi. Ewan ko pa kung hindi nyo ma-absorb ng tuluyan ang mga kantang ito haha.
Nakiki-peborit lang ako sa mga ‘to. In fairness naman magaganda sila pag paulit-ulit mo marinig pag tagal magugulat ka na lang at sasabihin mong, “Peborit song ko yan ah!” diba? Ilang beses na ko kasi nagiging ganun at nagugulat na lang kami pag biglang naririnig na lang namin na nasa playlist na ng mga kapitkwarto namin ang mga most requested songs sa tindahan namin hehe…shempre, nakaka-flatter itu para sa amin.
Pero iba talaga itung mga tamabayera at tambayero dito. Umay kung umay talaga sa mga kanta nila. Bahala na ang mga tutuli nyong magpasensya sa mga ito. Minsan gusto ko na talaga silang bigyan ng tig-iisang earphone at magsawa sila lahat hehe…ang sama ko naman diba?
At dahil natutunan ko ang magandang aral ng pagiging generous kay ka-blog na si AZRAEL. Ito lang po ang nakayanan kong i-share sa inyo. Sana po ay mag donate enjoy po kayo.
Always be my baby by David Cook
Better in Time by Leona Lewis
I’m Yours by Jason Mraz
Someone Somewhere by Jason Reeves
You give me something by James Morrison
Closer by Ne-yo
Haayyz, penge kendi…dami ko na umay.
Ang Diary ni Aling Baby
Hunyo 20, 2008Bata pa ko, nagki-keep na ko ng diary, hanggang ngayon nakatago pa rin yon sa bahay namin. (sana wag basahin ng nanay ko hahaha!!) Nagsimula ako nung Grade 5 ako tapos nung college pero ngayon tinigil ko na ang kalokohan na yan haha kasi may blog na ko at isa pa, sobrang busy sa work.
Dati, detalyado talaga ang lahat ng events ko sa isang araw at nilalagay kong lahat yon sa aking organizer, pinagkakasya ko silang lahat dun no matter how liit the space might be. Kaya nga sobrang pinakakatago ko yon sa pinakasuluk-sulukan ng kuwarto ko. Wala kasi akong kaha de yero sa bahay. Dati, nabasa yon nung bayaw ko hehe, sabi niya kumuha pa raw siya ng chips at sopdrinks habang nagbabasa dahil naaliw siya sa mga nakasulat, pambihirang buhay tama ba naman yon? Hahaha!! Kaya nga mula nun, halos dalhin ko na sa skul yon dahil lang sa ayokong mapunta sa masamang kamay ang talambuhay ko. Buti nga at hindi pa yon napunta kay Aling Merle, ba naman sa liit ng sulat ko, tingnan ko lang kung pagtiyagaan niyang basahin yon. Kayo kaya, kaya nyong basahin ‘to?
Talagang dinala ko yan dito sa Dubai, precious possession ko ‘to, saka pag wala ako magawa, journey down memory lane ang dating diba? Hindi ko na yata ‘to mauulit. Dito siguro nanlabo ang mata ko sa liit ng penmanship ko dito. Wag n’yo na basahin, jologs ang mga nilagay ko dyan hahahaha!!!


Ipinaskil ni Aling Baby 

















Ipinaskil ni Aling Baby 
Ipinaskil ni Aling Baby 



____________________________
"Isang taon na ang Aling Baby Blog! Salamat po sa lahat ng pabalik-balik, nakitira, nakikidalaw, nakikibasa, nakikipagkaibigan. Sa mga comments (touched ako talaga..) Sa walang sawa n'yong pagsilip kahit na bihira na lang makapag-update si Aling Baby.
Maraming Salamat po!"
[Aling Baby Blog*30 April 2008]












