Maraming bali-balita mga ilang buwan na ang nakakaraan, ang pagiging endangered ng bigas sa buong mundo. Naalarma ang sangkatauhan sa walang kaabog-abog na pagtaas ng presyo ng bigas. Nasaan na ang mga magsasaka natin? Sa hirap ng buhay ng ating mga kababayan, pati ang ating mga magsasaka ay nangangarap na rin ng maginhawang buhay sa ibang bansa o makarating sa Meynila layuning maiunlad ang kanilang pamumuhay.
Ang hindi alam ng ating mga kababayan sa Pilipinas, hindi nagkakaiba ang buhay nila sa ating mga OFW. Kung ikukumpara natin ang presyo ng mga bilihin dito at sa Pinas, mas mataas pa rin ang presyo dito. Ang kaibahan nga lang ay…wala si Gloria Arroyo dito sa Dubai hehehe…
Nalulungkot ako para kay Super dahil alam ko higit kanino man na siya ang kauna-unahang maaapektuhan ng krisis na ito. Kahit pa hindi siya magsalita, nababasa ko sa kanyang mukha ang hirap at gutom.
Ang hindi ko alam, bukod kay Super meron pa palang ilan sa mga tambay ang tahimik na naninimdim sa krisis na ito. At kahit saan ko tingnan, wala akong makitang trace na hirap sila isyu na ito.
Kung titingnan natin ito, ilang buwan matapos ang balita at pagkunsumo ng mga tatlo hanggang limang ganito
sa isang araw …ito na siya.
Paano pa kaya ito. O, akala nyo isa siyang biktima ng malnutrisyon na na-feature sa Kapwa ko, Mahal ko noh? Hindi naman mashado.
Pero walang sinuman ang nakaawat sa kanya kahit na ang pagtaas pa ng halos sampung dirhamong presyo ng bigas. Kung nakakaapat hanggang lima’t kalahati siyang ganito
sa isang araw, siya na ang nakakaalam nun. Kaya heto siya.
Kung anuman ang mga plano nila sa buhay at kung meron pa silang balak na pagaanin ang mga dinadala nila, ipinauubaya na po namin sarili nilang disposisyon.
Mananatili kaming nakamasid at nakaabat sa patuloy na pag bigat ng kanilang mga timbang.
____________________________
"Isang taon na ang Aling Baby Blog! Salamat po sa lahat ng pabalik-balik, nakitira, nakikidalaw, nakikibasa, nakikipagkaibigan. Sa mga comments (touched ako talaga..) Sa walang sawa n'yong pagsilip kahit na bihira na lang makapag-update si Aling Baby. Maraming Salamat po!"
[Aling Baby Blog*30 April 2008]












meron nang gustong pumalit sa akin at tangapin ang responsibilidad ng pagiging “SUPER KANIN”!!!!:)
buti na lng at jowa ko ung blogger.. kung nde malamang nsa headline nko.. nyahehehe…
Kulang kasi talaga ng suporta sa agriculture sector kaya tayo ‘yung hindi nagiging self-sustaining pagdating sa bigas. Kahit naman siguro sabihin nating may pandaigdigang krisis sa bigas, hindi tayo maalarma sapagkat kaya nating suportahan ang pangangailangan ng bansa. But since that’s not the case, ang daming nagsasakripisyong mga Pilipino.
Anyway, I don’t want to sound too political because this is just a comment. Pero nakakalungkot talaga na ganyan ang nangyayari. Kawawa ako ‘pag nagkataon dahil mahilig ako magpapak ng kanin. Hehe.
buti nalang inuubos ko lahat ng pagkain na nasa plato ko. mapa kanin man oh ulam lang yan. simot lahat. walang nasasayang. ehehe
ang sabi ng prof ko sa econ parang tinago daw ung mga bigas [something to that effect] tapos pinalabas na lang na krisi para makalimutan ng mga pinoy ung kay lozada ata yun.. di ko masyadong sure… basta same thoughts.. ayun… at tska ang sabi ng lola ko sa bicol ang dami daming bigas dun, bakit mgkkaroon ng shortage.. ayun lng..
anyhoo.. magastos talaga ang mga pinoy.. lalo na sa pagkain.. hahaha!!! maski ako ganun eh.. la lang.. sabi nga ng mommy ko, hinahanap2 daw ng mga pinoy sa ibang bansa ung kanin hahaha!!! XP
grabe nga ang pagtaas ng presyo ng bigas dito. buti na lang, sa work ako kumakain 3 times a day niyahaha! pero laking bagay na rin yun noh? bigas pa lang sobrang makabawas na sa budget ko na zero balance lol.
pero shempre di rin maiwasang bumili ng bigas dahil pag day off masarap kumain ng lutong bahay at lalo na ng baboy!
ay, kami din hindi ko pa alam kung magkano na rin tinaas ng bigas dito sa alemanya. pero kasi two years ago nagtaas na sya ng halos 10 euro, naku naman kapag tumaas pa yan ng 10 euro ulit, magtiis na lang akong mag patatas at mag tinapay.
dito nga sa pinas, aling baby, di na uso yung 5 pisong kanin — half rice na lang yun sa karinderya. 10 to 15 pesos na ang isang mangkok ngayon
hilig ko pa naman sa extra rice. huhuhuhu…
hello1 padalaw.
wala naman tayong magawa. nakakabahala lang kung patuloy ang pagtaas baka di na natin kaya ang bumil, kung tayong mahihirap di makabili at yong mayayaman lang na taga gobyarno ang nakakabili at kumakain, kilabutan naman sila[ sa mga corrupt lang]
kanin krisis nga naman. buti na lang nga at inuubos ko na ngayon ang pagkain ko. dati laging may tira pero ngaayon simut na lahat.
kaya recommended dyan magcheese burger na lang tayo. wapak!
Dito din tumaas ang presyo ng bigas pero may mga chinese groceries na nagsisale minsan ang bigas kaya ang mga Pinoy talagang buy to the max at isa na kami dun! hehehe!
moral lesson: wag magsayang ng bigas! asust
dahil sa concern ko na wag magsayang ng kanin, ako ang taga-ubos ng kanin namin.. katulad ng mga ibinulgar mong mga kaibigan dito, patuloy na rin ang aking paglobo.. wahahaahahaa!
[...] yung kahalagahan ng buhay, ang pera at dangal, respeto, pasensyang biskwit, forgiveness, kanin krisis, galit, pag-save kay mother nature, ang katotohanan sa likod ng Friday da 13th, ang payo sa mga [...]