Maraming bali-balita mga ilang buwan na ang nakakaraan, ang pagiging endangered ng bigas sa buong mundo. Naalarma ang sangkatauhan sa walang kaabog-abog na pagtaas ng presyo ng bigas. Nasaan na ang mga magsasaka natin? Sa hirap ng buhay ng ating mga kababayan, pati ang ating mga magsasaka ay nangangarap na rin ng maginhawang buhay sa ibang bansa o makarating sa Meynila layuning maiunlad ang kanilang pamumuhay.
Ang hindi alam ng ating mga kababayan sa Pilipinas, hindi nagkakaiba ang buhay nila sa ating mga OFW. Kung ikukumpara natin ang presyo ng mga bilihin dito at sa Pinas, mas mataas pa rin ang presyo dito. Ang kaibahan nga lang ay…wala si Gloria Arroyo dito sa Dubai hehehe…
Nalulungkot ako para kay Super dahil alam ko higit kanino man na siya ang kauna-unahang maaapektuhan ng krisis na ito. Kahit pa hindi siya magsalita, nababasa ko sa kanyang mukha ang hirap at gutom.
Ang hindi ko alam, bukod kay Super meron pa palang ilan sa mga tambay ang tahimik na naninimdim sa krisis na ito. At kahit saan ko tingnan, wala akong makitang trace na hirap sila isyu na ito.
Kung titingnan natin ito, ilang buwan matapos ang balita at pagkunsumo ng mga tatlo hanggang limang ganito
sa isang araw …ito na siya.
Paano pa kaya ito. O, akala nyo isa siyang biktima ng malnutrisyon na na-feature sa Kapwa ko, Mahal ko noh? Hindi naman mashado.
Pero walang sinuman ang nakaawat sa kanya kahit na ang pagtaas pa ng halos sampung dirhamong presyo ng bigas. Kung nakakaapat hanggang lima’t kalahati siyang ganito
sa isang araw, siya na ang nakakaalam nun. Kaya heto siya.
Kung anuman ang mga plano nila sa buhay at kung meron pa silang balak na pagaanin ang mga dinadala nila, ipinauubaya na po namin sarili nilang disposisyon.
Mananatili kaming nakamasid at nakaabat sa patuloy na pag bigat ng kanilang mga timbang.
Ipinaskil ni Aling Baby
____________________________
"Isang taon na ang Aling Baby Blog! Salamat po sa lahat ng pabalik-balik, nakitira, nakikidalaw, nakikibasa, nakikipagkaibigan. Sa mga comments (touched ako talaga..) Sa walang sawa n'yong pagsilip kahit na bihira na lang makapag-update si Aling Baby.
Maraming Salamat po!"
[Aling Baby Blog*30 April 2008]












