Nakilala ko siya nung kasagsagan ng piko, patintero, touching robber, touch taya, kalog, teks, luksong baka, Chinese, monkey-monkey, Little Miss Philippines, Barbie …in short, mga uhugin pa kami nun. Grabe, dalawang dekada na pala kaming naglolokohan nito hehehe..:D Sabay kami lumaki, pero siya lang ang tumangkad. Sa sobrang gusto namin na maging magkamag-anak, dahil yon na lang halos ang kulang…nung naging mag-asawa ang Tito niya at Ate ko, naging opisyal na mag-pinsan kami by heart. Klik na klik ang tandem namin, magkasabwat kami sa mga kalokohan, joined force sa pang-aasar at lakaran. (20 years)
Nagmeet kami sa room ng V-Carnelian. Isang tahimik na mag-aaral na pagtanda pala magiging…isang mabuti at mahinhin na dalagang Pilipina….not!
17years na kaming magkakilala nito at magkasama pa ngayon sa Dubai. Naaalala ko pa, bnigyan niya ako dati ng cassette tape(o, diba tape pa!) ng Eraserheads Ultraelectromagneticpop. Ang hilig namin dati, music. Fanatic ng LS 97.1 puro alternative tapos tambay ng Harisson Plaza at Jollibee Evangelista. Pati sa UNI ballpen,na-addict kami nito. Nagkahiwalay lang nung natuto siyang ma-inlove.
Pero after almost 4 o 5 years na itinago siya, ayon at nagkita kami ulit. Marami na nangyari sa halos apat na taon nagkasama kami. Ilang beses na rin na-test ang solid friendship namin. Gaya nga ng sabi ko sa kanya na, “Iiwanan ka nilang lahat, pero ako…hindi kita iiwanan pre.” Walang nagbago, ganun pa rin yon.
(17 years)
Ito ang SuperEverExtraOrdinary Friend ko. Nung natuto na akong maglagalag, nagkakilala kami dahil sa mga kwentuhang pa-tweetums. Shempre naman, mga dalagita days pa yon. Nagkakasundo kami sa music, novels, sulatan. Napaka-creative niya. Hanga ako sa mga artistic talent niya kahit na lefty siya. Sa kanya kami nakakapulot ng mga expressions na nahahawa lahat pag naririnig. Ang galing magkwento ng re-enactment, talagang parang nandun ka. Masaya, kwelang kasama at paniguradong hindi ka uuwi ng hindi ka masaya. At kahit na nagbagong buhay na siya ngayon, alam namin ni Pao na mananatili ang kulay berdeng dugo niya kahit mag-polo na white at neck tie pa siya forever. Peace Rye! (15 years)
Nung nasa piling pa siya ng iba, friends na kami. Hindi pa namin alam na we’ll end up together. (*kilig!) Kaya kami naging close? Kasi, gustung-gusto ko matuto mag-gitara. Nung nalaman niya from our common friends na meron akong guitar, ayon at madalas akong puntahan sa bahay para hiramin. Marami din siyang naituro sa’kin. Eh napaka-reklamador ko pa naman turuan hehehe. Yung song ng Iaxxe na “Ako’y sa’yo, Ika’y sa’kin” ang una niyang itinuro. Pero madalang lang kami dati magkita kasi lagi siya may band practice at sports minded. Kaya bumili na lang ako ng songhits para tapusin yung song hehehe… After a year pala magiging kami na. (11 years)
Ang aking Abel Girlfriends na sina Len, Kricel at Tamin. Ang nagturo sakin maging mabait nung college days. Kaya siguro maaga ako nagsawa sa pag-inom at gimik dahil sinabay-sabay ko ang pag-aaral at ang mga ‘yon. Ang hirap pero natapos ko naman. Those were the days ng kakikayan kaya hindi ko makakalimutan ang mga gurlies ko. (8 years)
5 years and below
Nakilala ko ‘to nung sila pa ni @#%*. Mabait pa siya nun hehehe….kasi hindi makapalag. Nakasama namin ni Len sila ni Miss Pink of 2003 (si vj purple) sa aming OJT sa Land Bank, habang nagpipintura ng mga papeles sa Purchasing Dept. Hindi ko makakalimutan ung “pangkurot”, “palaman” at ang makabuluhang “Certified Xerox Copy ni Vanene.” Panalo! Ang pagtamabay namin sa Tapsi de Manila habang nagsa-sounds katabi ng shop ni Burner Boy JN. Tapos, ang pagpatay oras sa Times. Nakakamiss lang.
Maniniwala ba kayo na pinakilala sakin ni Len ‘to sa Library?! Kahit ako, hindi rin makapaniwala eh. Chick at away magnet sa Abel hehehe…pero bago kami maka-graduate, hindi ko na’to napagkikita kasi busy sa lovelife. At after college days, dito pa kami sa Dubai magkikita ulit. Ang laki ng pinagbago, naging mas pasaway at bratty pero mabait at sweet friend samin nina Papa Katch at Maynsky.
Eto ang pinaka-favorite ko sa mga friends ko. (Pasintabi sa kanilang lahat.) Kasi naman, da best itong tunay at pasensyoso kong kaibigan. Nagkikita na kami sa ibang mga gimik nina Mayn sa PInas, yung huling nakasama ako na sana naaalala pa niya…eh yung birthday nila ni Marisse nung 2006 sa isang bar sa Makati. Tapos yung sunud nun, sa MOA nung binigay niya sakin ang padala ng mum ni Mayn. Alam nyo ba na hindi pa kami ganun ka-close nung nasa eroplano kami?! At sabi ko nga sa kanya, hindi man lang niya binitbit yung ibang bag ko kahit na halos makuba na ko sa pagbuhat eh gayong ang laki-laki niya diba? Pero okay na rin. Iilan lang naman makikilala nating mga true friends eh at isa na siya dun.
Ito naman, dati naiilang ako kasi mukha siyang santo. Parang ambait-bait pero mali pala ang akala ko. Isa pala siyang napakaga…an kasama, nakakatawa, sobrang maloko at mapang-asar. Pero minsan naman, pag kailangan mo ng matinong kausap…chika na ‘to hehehe..pwedeng-pwede talaga. Totoong-totoo, walang peyk sa kanya pwede lang ang kabaitan
![]()
Eto talaga, kahit na bagong kilala.mararamdaman mong welcome ka. At ang tiwala niya sa kaibigan, talagang hindi mo maaawat. Dito ko na siya nakilala sa Dubai pero parang ang tagal na naming magkabarkada. Ang gaan kasama, kaya nga siguro naging sila ng isa sa aking abel gurlie. Hindi mo mararamdaman sa kanya na ma-awkward sa presence niya baka nga siya makaramdam nun eh. Mabait talaga ‘to, magugulatin lang pag minsan, parang Papsie niya. Biruin mo ba namang sumama na samin para lang makaligtas na sa mga ibang lahi sa room nila hehehe…miss na nga namin ‘to eh. Umuwi ka na pre!
Eh kayo ng friends mo? Ilang taon na ba kayong magkakakilala?

17years na kaming magkakilala nito at magkasama pa ngayon sa Dubai. Naaalala ko pa, bnigyan niya ako dati ng cassette tape(o, diba tape pa!) ng Eraserheads Ultraelectromagneticpop. Ang hilig namin dati, music. Fanatic ng LS 97.1 puro alternative tapos tambay ng Harisson Plaza at Jollibee Evangelista. Pati sa UNI ballpen,na-addict kami nito. Nagkahiwalay lang nung natuto siyang ma-inlove.
(







____________________________
"Isang taon na ang Aling Baby Blog! Salamat po sa lahat ng pabalik-balik, nakitira, nakikidalaw, nakikibasa, nakikipagkaibigan. Sa mga comments (touched ako talaga..) Sa walang sawa n'yong pagsilip kahit na bihira na lang makapag-update si Aling Baby. Maraming Salamat po!"
[Aling Baby Blog*30 April 2008]












yak!20yrs….dhil sa pangit na pix ko nilagay its over tama na 20yrs..nka2 umay.hehehe.pls lng dami ko pix na maayos d nmn yung bangag…bwisit!!! grabe gayuma mo ah 20yrs dpt ata mkipgkita na ko sa albularyo.msamng spiritu lumabas ka!!!!akalain mo gang dubai nkasunod pa ko sayo lupit ng powers ng ermitanyo mo…hehehe..lab u pre!!!
wow! meron kang childhood friend na super close mo pa rin hanggang ngayon.. kainggit!! yung mga close friends ko, six years pa lang kami, pero grabe talaga ang pagka-close namin..
“Iiwanan ka nilang lahat, pero ako…hindi kita iiwanan pre.”
It’s an overwhelming phrase for me.
Im speechless.
*Teary eye.
So thankful to have you, my bestfriend!
Sa dinami dami ng pinagdaanan natin,
at pinagdaanan ko,
hindi mo talaga ako pinabayaan.
You are my strenght.
You are my guide.
You are my ATE. (lahat lahat na)
Kahit anong mangyari.
Kahit magpatayan pa tayo.
Kahit Itakwil mo pa ako.
I WILL ALWAYS BE HERE FOR YOU.
love you aling baby.
Cheers!
ojt times!!! nakakamis tlga un sobra..lalo n ung meryenda time at takas time, natin sa ojt natin..dun tayo dumdaan sa hagdanan ng 23 flr. tapos dun ang labs sa 24 flr. ng cr..para hindi halatang nagbreak ng matagal at tumakas ahhha.,.tapos laging nag aaway sila pink at len..ahhaha.
huwaw. ang daming friendships at nandoon din ang lovelife. wapak.
namimiss ko tuloy yung bestfren ko noong k1. hahaha. pinakauna sya ha. kaso naghiwalay din kami agad. hayyy.
hmmm. . . mga magkano naman po yaong cam na canon s5 is dyan??? hahaha sinenget tlg eh. pasensya na po. inlab lang talaga.
Aling Baby @ linglingbells
uu, hanggang ngayon magkasama pa rin kami.
oi mine!!!! sabihin mo ang totoo.. nde ako napunta sa haus nio lagi.. minsan, kaw na kusang lumalabas dahil alam mo namamagnet ako sa gitara hehehhe.. joke… well, 2 tell u honestly, aside from gus2 ko hiramin ung guitar mo (na kahit basag na pla) i wanted 2 see u kse, crush na kita nun eh
o ha?
Somehow i missed the point. Probably lost in translation
Anyway … nice blog to visit.
cheers, Bootstrap!!!!
yah sobrang dami nating kalokohan nung college days natin..
yung pagtambay tambay sa padis maghapon hanggang gabi.. at least kahit super gala at tambay tayo sa times at padis at isama mo na tambay sa shop ni JN at least lahay tau nakatapos.. at least nagawa natin…